Tutuldukan ko na. Tama na. Alam kong ‘di na siya makababalik kaya ako na ang magsusulat. Ng mga alaalang ako na lamang ang may gustong puntahan.
Dumating ng walang pasabi. Maganda, mapupula ang labi, singkit, mala kutis labanos. Hindi mo makikitaan ng malalanding salita. Oo, alam ko kasi dati sinasamba ko siya.
Araw - araw, dala - dala ang mga mumunting alay, walang palya. Hinahatid - sundo. Masaya sa tuwing nakikita ang mga ngiting iyon. Nakakawala ng pagod ko. Binubuo ang araw ng hindi ka magsasawa.
Walang kasing saya nung narinig ko ang matamis niyang, oo. Masarap pala sa tenga, liliparin ka nito sa ulap. Matatapos lamang ang palitan sa hating gabi kasunod ng mga katagang “mahal rin kita.” Hindi ko alam kung maalala niya pa. Malamang hindi na, malamang limot na niya.
“Okay lang.” Nasasagot ‘pag may nangungumusta. ‘Di sila nakokontento, may kasunod pang tanong.“Kamusta na kayo ni ano?” ‘Di ‘ko magawang manuntok, maliban sa ilang malalim na’t malulutong pang mura.
Hanggang ngayon naiisip pa rin. May pagkukulang nga ba? Siguro nga kasi sobrang mahal mo. Pinagsasawalang bahala na lamang. Pinalalagpas, kahit siya lagi dahilan mga awayan namin.
Halos namumulubi ako sa mga gastusin tuwing lumalabas kami. Ni minsan wala siyang naririnig sa’kin kasi nangingibaw lagi ang kagustuhan kong magpasaya. Sa kabila ng lahat ng ito di pa rin magawang makontento.
At gaya ng kadalasan nangyayari kahit gaano mo pa man siya kamahal mapupunta rin sa punto na mapapagod ka. Manginginig ang mga kalamnan. Manlalambot ang tuhod. Mangangawit ang mga braso.
“Napapagod na’ ko baka di mo nalalaman?” Sa tanan buhay ko ‘di pa ko nagsisigaw sa harapan ng maraming tao. Sa araw lang na yun kasi sumabog na.
“Lasing ako nun.” Alibi niya.
“Huwag mo’kong ginagawang tanga, nakita ko!”” Mga pagsisigaw at pagdadambog ko.
“Mahal? Naman, oo. Pati ba naman yun gagawin mong issue?”
“‘Di pala issue yun. Ano yun, biglaang umulan ng kalandian tas napasama ka lang? Break na tayo. Umalis ka na dito, mas maigi pa.” Halos sasabog na’ko nun.
Walang pagtutol. Kahit humingi ng tawad, di niya magawa.
Tila gumaho ang mundo ko sa puntong iyon. Yung mahirap kung ikaw nalang yung lumalaban sa inyong dalawa. Sobrang mabigat sa loob kasi umasa ako na magbabago pa siya. Binigay ko lahat ng pagmamahal ko’t pag-intindi. Pinatawad ng maka - ilang beses. Ngunit bigo pa rin.
Walang pagdadalawang isip siyang nagbalot. Nang magbanta akong paalisin siya maski kaunting pagtutol, wala.
“Nanakot ka ba? Parang lahat nalang pinagseselosan mo? Gusto mo makigpagbreak? Sige. Mag isa ka!”
Gusto ko man siyang bakuran, gusto ko man siyang protektahan hindi ko na nga magagawa. Siya na mismo itong kumakawala.
Akala ko noon, kung dumating man tayo dito, na maka ilang away man at ‘di pagkakasunduan magagawang masolusyonan. 595Please respect copyright.PENANAXAl8ctZrxx
Pero mahirap pala. Masakit, mahal.
ns 15.158.61.48da2