×

Penana
US
search
Loginarrow_drop_down
Registerarrow_drop_down
Please use Chrome or Firefox for better user experience!
Report this story
No to politics
PG
433
0
0
854
0


swap_vert

Caption: "what are you expecting for the last 365 days of the current government?"


Ewan ko. Wala akong maisip. Automatic na sagot. 


"So wala kang pakialam sa bansa?"


"Wala kang pakialam sa mga nawalan ng trabaho? Sa mga nagugutom? Sa mga hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral? Sa early pregnancy? Divorce? Drug smuggling? Upgraded na Scammers? Sa mga frontliners? Sa mga nasa laylayan? Sa mga taong patuloy na nilalabanan ang korapsyon sa loob at labas ng gobyerno?"


"Hindi mo naiisip ang mga taong patuloy na nilalabanan ang mga sarili laban sa karapatang pang-tao, kahayupan at maging sa kapaligiran?"


"Wala kang naiisip na maaaring makatulong sa edukasyon, pang-kalusugan, medical, musika, media, sports, media (tv, radio, social media), sa mga manunulat, makatulong para umunlad ang ekonomiya?


Wala talagang maisip. 

Ano ba ang dapat gawin?

Mag-rally sa Twitter?

Gumawa ng skit sa YouTube o Tiktok?

Ipakita sa IG ang larawan ng mga batang nasa kalsada, walang saplot at namamalimos sa mga sasakyang halos paliparin na maka-iwas lang sa mga nagtitinda ng basahan o mineral water?

"Bakit hindi?" 

Para saan? Magigising ba ang utak ng mga nasa pwesto kung marami ang gagawa nun?

"Pwede. At least may nagawa ka para sa kanila."

Sinong 'sila'? Subukan mong gawin at ikaw ay pupurihin. Magiging eye-opener pa para sa ilan ang aksyon na ginawa mo. Nice Juan. 


Ano nga ba ang mga expectations natin mula sa mga nasa pwesto? Ano naman ang hinihingi nila sa atin? 

Kooperasyon. 


Bakit nga ba natin tinulungan ang mga taong ito na matupad ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng pagboto sa kanila samantalang tayo hindi pa natin alam kung ano ang (mga) pangarap natin, patuloy na hinahanap ang pangarap, pinipilit matupad ang (mga) pangarap at hinaharap ang mga balakid upang anuman ang mangyari matupad ang mga ito. At sa huli, silang mga nasa pwesto naipapasa ang mga (pansariling) batas, samantalang marami pa rin sa atin ang nananatiling nasa dilim, maruming tubig ang iniigib, mali-mali ang laman ng mga pinag-aaralang libro, modules o mga materials na ibinibigay ng mga guro na (sana) nagbibigay ng tamang paggabay at aral hindi lang sa loob ng klase o paaralan. 

Kulang sa kaalaman. Kulang sa pagiging creative o maaaring sabihin na may kulang (rin) sa passion para matupad ang mission. 


Bakit nga ba mahilig sa pagkuha ng credit kung hindi naman sa kanila galing ang pondo, kung hindi naman sa sila ang naka-isip ng proyekto? 


Wala talaga akong maisip. 

Ano ba ang mga nakalatag na proyektong (sana) matapos bago ang termino at mga maiiwan para sa susunod na uupo sa pwesto? 






favorite
0 likes
Be the first to like this issue!
swap_vert

X
Never miss what's happening on Penana! Close