Zayn's POV
Bago ako magpatuloy sa paglalakad tiningnan ko muna si Heather na di man lang ako tiningnan muli.
Di ko alam pero napaka lalim ng babaeng yon ,may naramdaman ako noong tiningnan ko sya sa kanyang mala wolf eye at drark brown na mata , na mas tumindi pa nang titigan nya rin ako mismo sa mata nong nakipag kamay ako sa kanya.
Ang problema nga lang bakit parang lagi siyang galit.
Napatigil nalang ako ng mapagtantong nakapasok na pala ako at lahat sila ay nakatingin sakin. Nakita ko naman sina Rio at Haru na naka upo at sinesenyasan akong umupo sa bakateng upuan na katabi nila , diba dalawahan lang ang hilera ng bawat silya tatlo-talo yong sa kanila...Yong mga yun talaga kahit ang tagal na buhat ng naging mag-kakaklase kami ganon parin ang ginagawa nila.
Bahagya nalang akong ngumiti sa kanilang lahat habang patungo sa tabi ng dalawa at dahan- dahang umupo.
"Siya nga"
"Hala totoo nga"
"kumpleto na ulit sila omg"
" lagot na"
Diba nagsasawang magbulungan mga tao dito ganon ba nila ako ka miss.
"Eli san ka nagpunta?" , tanong sakin ni Haru
"Iniwan nyo kaya ako" , sarkastikong sagot ko
"Buti alam mo kung saan tayo"
"Tingin mo sakin tanga? Ganon parin naman yong corridor dito.
"Oo wala nang nagbago dito pero alam kong tanga ka kaya, Ahhhhhhh, malakas na sigaw ni Haru nang batukan ko siya na naging dahilan ng muling pagkuha ng atensyon ng lahat ...371Please respect copyright.PENANATpfxD29fWx
371Please respect copyright.PENANAb3D4ElkISG
raayyyy..." Mahinang pagtutuloy ni Haru ng mapansin nyang nakatingin na ang lahat samin .
Pero ang mas nagustuhan ko ay ang mahinang tawa ni Rio.
***
(Kinabukasan)
Heather's POV
Nagising ako ng naramdaman na nag vi-vibrate yung katabi kong cellphone sa kama.
Pshhh , mukang di na naman ako nagising sa alarm clock , tatlo-tatlo pa naman inalarm ko para sa 4:00 am , 5:00 am at 6:00 am ,reserba lang yong cellphone ko buti nalang talaga nagising pako.
Tiningnan ko yong oras at 8:16 am na. Napabalikwas ako sa kama at mabilis na tumakbo papuntang banyo para maligo.371Please respect copyright.PENANAT57ZGymVlc
371Please respect copyright.PENANAkQA2GmoEIa
Di na nga ako masyadong nagkuskos .Dali dali rin akong nagsuot ng uniform bat kasi ang daming anik-anik at layer ng uniform namin kaya ako nagtatagal eh.
Sa pagbaba na ng hagdan ako nag medyas at nagsapatos dahil late na talaga ako. Pagbaba ko naka abang na sakin si Manang Flore .
"Heather anak di ka naba mag aalmusal man lang ?" , Tanong nito sakin
"Hindi na po malalate na po ako"
"Pero —"
"Manang okay lang ako , si mama po?"
"Kanina pang umalis "
"Ganon po ba sige po una nako ,kain na po kayo nila Yaya Bet at Devine " , lalakad nako palabas ng lingunin ko ulit si manang na di maipinta ang muka sa pag-aalala ,bumalik ako at saglit sa yumakap sa kanya.
"Manang wag ka ng mag alala " Kumaway pako bago lumabas sa pinto at sumakay sa kotse .
Nasa loob nako ng sasakyan ng naalala ko na di nga pala ako nakapag toothbrush , sandali akong napapikit bago inabot yong bag ko sa may back seat.Hindi ko na kasi inaalis yon doon maliban nalang kung may assignment , kumuha ako ng mint bubble gum sa pouch.
Mahilig kase ako sa gum kaya lagi akong meron, hindi ko paman nababalik sa pagkaka-ayos yong pouch na hawak ko ng may napansin akong kakaiba bat may bagay na nakabalot sa paper bag , wala naman akong natatandaan na..... si manang talaga pinabaunan pako ng pagkain .
Nag maneho nako papuntang school habang abala sa pag-nguya ng bubble gum. Buti nalang medyo malapit lang yong school namin sa bahay kaya madali akong nakarating doon .
Tumakbo nako papunta sa room namin para maka-abot man lang ako sa first period , malabo ko na kasing maabutan ang morning assessment. Pag bukas ko ng pinto tama nga ako nagsisimula na ang first period namin . Lagot na!
"Good morning Ms. Alvara"
"Good morning Mam" ,sagot ko at agad na nagtungo sa aking upuan . Mahirap na baka tanungin pako ng kung ano-ano.
"Sobrang aga mo nanaman " , sabi ni Nesrin na halatang nang aasar lang
"Pshhh"
Konting oras nalang patapos na ang pangalawang period namin pero lutang parin ako, gutom na gutom na kasi ako tapos yung pangalawang teacher namin ang taray taray. Bala na magtatas nako ng kamay.
"Okay Ms. Alvara , what is the answer ?
"Po? Magpapa-alam lang sana ako kung pwedeng lumabas."
"Bakit san ka pupunta Miss Alavara?" , Mataray na tanong nito sakin
"Sa clinic po masakit po kase ang tiyan ko"
"Ganon ba sige checheck ko nalang mamaya sa clinic if nagpunta ka",may taray paring sabi nito.
Bahagya akong ngumiti at lumabas dala- dala bag ko , nasa tapat nako ng pinto nang sumagot ako.
"General Douglas MacArthur passed away on April 5, 1964 because of primary biliary cirrhosis, a disease of the liver. He was 84 years old at that time."
Nakarinig pako ng mahinang hagik-hikan galing sa mga kaklase ko. Kase naman araling panlipunan tinuturo niya tapos dadalihan ako nang , what is the answer?
Bago ako tuluyang umalis kinindatan ko pa mga kaibigan ko para hindi sila mag alala. Buti nalang di pinuna yung bag ko ,bakit ba kasi ganon si Ms.Colisao ang bata-bata pa naman nya pero daig pa nya yung matatandang teacher dito sa school nato.
Pagbaba ko sa hagdan may nakasalubong akong babae.
Medyo nahihiya pa itong inabot ang isang paper bag.
"Para san to?"
"Pang thank you gift ko sa pagtatanggol mo sakin kahapon" , sobrang ngiting sabi nito.
"Di mo naman kailangang magbigay pa ng kung ano... aktong babalik ko na yong paper bag ng mas ilapit pa niya ito sakin.
"Please tanggapin mo na please" At mabilis itong tumakbo paalis
Nang silipin ko ang laman ng paper bag puro pagkain ang laman nito at isang letter na nakadikit sa isang box ng cookies kinuha ko ito at nilagay sa bulsa.
Nagpatuloy nako ng paglalakad, pumunta muna ako sa clinic para pumirma sa logbook para kunwari nagpatingin nga ako buti nalang kakilala ko yung nurse dun.
Naisipan kong sa library nalang ako kumain, sigurado akong tahimik dun .
Umupo ako sa bandang dulo medyo wala kasing mga tao don, sakto pa walang librarian nag resign na kasi yong librarian dati at wala pang nakukuhang bago.371Please respect copyright.PENANAbqtpoysZwH
371Please respect copyright.PENANAJzYe3X6EKL
Nilabas ko na din yong nilagay na pagkain ni Manang Flore sa bag ko kanina ,tahimik akong kumakain ng may naramdaman akong nanonood sakin , pssshh mukang mapapahamak pako.
"Alis" ,mahina ngunit may diin kong sabi bago magpatuloy sa pag kain.
Wala akong nakuhang tugon ngunit naramdaman kong papalapit ito sakin.
Mabilis kong binato yong hawak kong tinidor sa aking kanan kung saan ko siya naramdaman.
Naka igting ang aking pangang tiningnan kung sino yun, natigil ako at nawala ang inis na nararamdaman ko ng makita si Zayn na nakatayo malapit sakin na bahagyang nakatagilid ang ulo , di man lang nilingon nitong inalis sa pagkakabaon yung tinidor na binato ko na tumama sa book selves sa likod nya.
"That was close"
Walang imik ko siyang sinundan ng tingin papunta sa upuang nakaharap sakin.
"Pwedengumupo?" ,Nakangiting tanong nito sakin
Tumango lang ako bilang sagot. Nang makaupo na siya marahan kong inipod ang mga pagkain papunta sa harap nya.
"Gusto mo?marami naman to saluhan mo nako"
"Sige ba, basta di mo nako babatuhin ng tinidor"
Natatawa akong tumango sa sinabi nya.
"A real one huh"
Taka ko siyang tiningnan.
"Ang seryoso kasi lagi ng itsura mo parang di ka tumatawa , tulad kahapon sa may corridor parang gusto mokong gil-
"Sorry nga pala kahapon kala ko lang kase boyfriend ka ni Nesrin prino-protektahan ko lang sya", pagputol ko sa sasabihin nya
"Para saan?"
"Wala , oh kain ka na masarap yan" , alok ko sa kanya ng pagkain ,kumuha at kumain rin naman sya kaya pinagpatatuloy ko na rin ang pagkain ko.
"Wala ba kayong klase at saka bat dito ka kumakain?"
"May klase kami , di kase ako nakapag almusal kase late nako kaya nag nag pa excuse nalang muna ako , ikaw bat narito ka? "
"Yung third period kasi namin may activity na maghahanap ng Historical book"
"Kay Mam lopez? " , At sinagot nya lang ako ng tango
"Mahilig talaga yun mag pa activity sa labas ng room , pero nakapasoknaba diba kapapanganak lang daw nun isang buwan?"
Biglang syang natawa , aba't seyoso akong natatanong tapos tatawanan lang ako nito.
"Oyy kung iniisip mong chismosa ako nagkakamali ka alam kaya yun ng buong canpus."
"Bat ang defensive mo wala naman akong sinasabi" , mapang-asar na saad nito
Sarkastiko ko lang syang nginitian at nag focus nalang ulit sa pagkain.
"Eto naman , wala pa daw siya kaya si Mam Mercy yung adviser namin yung nagbabantay samin."
Nanlaki yung mata ko at muntikan ko ng mabuga ang laman ng bibig ko ng marinig ang sinabi nya.
"Si Mam Mercy Colisao? Asan siya"
"Andon sa bungad dun sa lamesa ng librarian" , sagot nito habang ngumunguya
Mabilis akong tumayo at niligpit yong mga lalagyan ng pagkain nag iwan ako ng ilan bago umalis.
"Sayo nalang yan , una nako"
Palayo nako ng may humigit ng braso ko dahilan para mapalapit ako kay Zayn na kasalukuyang nakatayo narin.
Napatingin ako sa kanyang mga mata , na animo'y nilalakbay ang kaibuturan nito.
"He-Heather , kusa itong kimibo na naging dahilan ng pag kaputol ng aming tinginan.. bakit aalis ka na , diba nagpaalam ka naman" , saad nito habang hawak hawak parin ang isa kong braso at dahan dahang bumababa sa aking mga kamay
"Oo nga pero sa clinic yung pinagpaalam ko" , mahinang sagot ko bago ko tanggalin ang kanyang pagkakahawak.
Inikot ko muna ang aking paningin sa buong palingid .... maraming estyudante alangan Haether ,may activity nga ang set A dito diba .Sunod ko namang tiningnan ang table nang librian at andoon nga sitting pretty pa.
"Pshhhh pano ako makakaalis kung don pa puwesto yong teacher nayon" , mahinang tanong ko sa mga libro .
Sige Heather mag hintay ka na sumagot yan.
Patay na pag nakita ako nang teacher nayon tiyak na lalagyan na nya ng tarak lahat ng score at grades ko na handle nya. Pinaglihi ata to sa minus eh , di naman ako natatakot na bumaba yong marka ang kinakatakot ko baka makarating kay Mr. at este tito yung ginawa ko. Pshhh bala na...
Akma nakong maglalakad ng ....
"Heather" , may mahinang tumawag sakin ngunit sa pagkakataong ito mukang nagmula ito sa lagpas dalawang katao.
Tumingin ako sa kaliwa ko .....wala naman akong nakita kundi mga book selves .
Teka wag mong sabihing...Heather , mahina paring tawag sa pangalan ko pero medyo malakas na kesa nong una ....
Tumingin naman ako sa bandang kaliwa ko pero wala ring taong ,daan lang sa pagitan ng dalawang book selves ang nakita ko .
Yung mga libro ba talaga yong tumatawag sakin ? Heather tanong ka pa kasi ng tanong yan tuloy.
Marahan akong pumikit sabay pagpisil sa pisnge ko .
Pero may tumawag nanaman sa pangalan ko at mukang papalapit ng papalapit ito sakin....kasabay nito ang pag higpit ng pisil ko sa pisnge ko.
"Heather", Muling tawag sakin kasabay ng pag kalabit sa likod ko.
"TAANGGG —MOTHER! , mabilis kong tuloy sa dapat kong sasabihin ng makita na kakilala ko naman pala yong tumatawag sakin.371Please respect copyright.PENANAXcuSRb8vWD
371Please respect copyright.PENANAnZHH9IpFuo
Anim sila at puro lalaki, yong lima ay napahakbang palikod habang yung isa ay nakapikit habang naka sangga yung isang kamay.
"QUIET!! ,Meron pa talagang may balak na mag mura dyan"
Pshhhhh , tahimik daw pero siya sumigaw din. Binalik ko ulit yung tingin ko sa anim.
"Heather anong ginagawa mo dito? " , tanong sakin nong nasa unahan si , ano ngang pangalan nito... ahh si Alvin tagal ko na silang kasama na lilito parin ako.
"Baka binabantayan si -" , Putol na sabi ni Aeron ng sikuhin siya ni Matt
"Kumain lang, diko naman alam na nandyan si Ms. Colisao" , mahina pero seryosong sagot ko
"Hala delikado ka pag nahuli ka terror panaman yang si Mam Colisao" ,sabi naman nong nasa likod na si Chris
"Tulungan ka nalang namin makalabas" , Steve
"Oo nga" , masiglang sabi ng isa sa kanila habang ngiting ngiti pa sakin
"Pero"
"Heather kami ng bahala kahit ngayon lang pumayag kang tulungan ka namin mismo"
"Sige paano?"
Tumingin si Alvin sa Relo niya at nakangiting tumingin samin ."One minute nalang patapos na yong time, ganto ang gagawin natin isasabay natin sa bawatsigundo ang bawat galaw natin. Papalibutan natin si Heather at sabaysabay tayong lalabas sa pinto .Since nakabantay na yon sa oras di na tayo mapapansin non kaya dapat sumakto tayo sa tapos ng time."
"Alam nyo bat hindi nalang hintayin nating matapos yong time at makaalis yung teacher nayon" , proud na sambit ni Calvin yong ngiting ngiti sakin kanina
"Ugok , di mo ba alam na iikot pa yon dito ng ilang ulit para tingnan kung maayos ba at walang kalat na naiwan", sabi ni Aeron
"Oo nga pala" , nakangiting napapakamot sa ulong sagot ni Calvin
"Calvin! Tama ba ? Di ka ba ngangawit kangingiti?" , Di ko mapigilang tanong lagi kasi siyang ganyan pag di madaldal todo ngiti di tulad ng kambal nyang si Alvin.
"Hindi naman sady—"
"Meron nalang tayong 51 seconds tara na" , pag putol ni Alvin .
Nagsimula na silang pumalibot sakin . Si Alvin at Chris sa harap , Aeron at Steve sa likod at sina Calvin at Matt sa magkabilang gilid.
Nagsimula na kaming maglakad ,di naman kami napapansin nong ibang estudyante kasi yong iba sa kanila ay busy sa hawak nilang libro , habang yong iba basta lang naka upo habang nagkabantay rin sa oras.
45...44...43..
Patuloy lang kami sa paglalakad nang makarating kami malapit sa kina uupuan nong teacher.371Please respect copyright.PENANAOT5ppUOkoh
371Please respect copyright.PENANAACweF7z1nd
Ramdam ko na may konting tensyon sa paglalakad namin.
39...38...37...
Nakahinga kami ng malalim nang makalagpas kami sa table ....konti nalang nalang malapit na kami sa pintuan.
"Heather yuko" , mahinang bulong sakin ni Matt
Baki—
"Teka san kayo pupuntang anim "
Mabilis akong napayuko , napa hinto na rin kami sa paglalakad.
"Uulitin ko saan kayo pupunta?"
Nanatili namang walang imik yung amin.
16...15...14
"Napipi na pala kayo? Okay pwespatapos narin naman di ko na kayo miminusan , balik at maghiwa-hiwalay kayo!!"
"Walang kikibo " sabay sabay na bulong nila.
"Ano ba kayo , madadamay pa kayo pag nagkataon"
"Wala kaming pake sa minus o grades na yan" ,bulong ni Chris
10...9...8
"Ngayon mukang nanigas naman kayo , sige ako nalang mag magpapahiwalay sa inyo" , ng silipin ko galit siyang papalapit samin .
Kung pede lang talagang sumapak ng teacher pshhhh.......
"Walang aalis , takloban nyo si Heather hanggatmaaari"
Konting hakbang nalang malapit na siya samin ,nagsimula naring tumulo ang pawis ko.
CRIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNGGGGGG........
Nakahinga kami ng malalim ng tumunog yung orasan na nasa table ,napalingon na din si Ms. Calisao , tuluyan itong tumalikod at pumunta sa table para siguro patayin yung orasan .
Napa-upo at napa salo nalang sa mukha yung anim.
Nagulat kami ng akmang lilingunin kaming muli nito galing sa kanyang kinatatayuan , sabay-sabay naming naalala di panga pala kami nakakalabas...
Muli akong napapikit baka sakaling di nya ko makita.
Ay ang bobo ko! sigaw ko sa utak ko.
Muli kong minulat ang aking mga mata ng may naramdaman akong humawak sa bewang ko . May pumihit din sakin at tinulak papalapit sa dibdib nya , unti kong tinaas ang aking paningin at nakita ko ang matangos na ilong ,at natural na medyo mapulang labi ni ....ZAYN!!, walang boses na banggit ko.
Tinalukbong niya saming dalawa ang hawak ng kanyang kanang kamay na school vest.
Umalis ako sa kanyang dibdib , saglit niya akong tiningnan habang naka-ngiti , nakatingin lang ako sa kanya.Namalayan ko nalang na naglalakad na kami. 371Please respect copyright.PENANARZSQ1acYvd
371Please respect copyright.PENANAc2r8huClpc
Muli niya akong tiningan ngunit may iba nang emosyon kang madadama rito ngitian ko nalang ito bago ituon ang paningin sa dinadaan namin .
Tinakluban ko ang aking muka ng makitang napakaraming estyudante ang naka tingin break na nga pala pshhhh...
Hinatid nya ako sa tapat ng room namin wala na namang tao sa corridor nasa baba na ata .Inalis na nya sa pagkakatalukbong ang vest nya at sinakbit ito sa balikat nya .
"Are you okay?"
"Oo , salamat nga pala pano kita mababayaran "
Bigla itong ngumiti ng makahulugan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa..
"Aba't bastos tong lalaking to" , inis na sabi ko kasabay ng pag ikot ng ulo at pag papaputok ng mga daliri ko sa kamay..
"Hindi joke lang , sapat na yung dalawang ngiti na binigay mo sakin kanina . Sige una nako" Tumalikod na ito at nagsimulang naglakad
Teka nakita bako ,hala di ko na alam sobrang bilis kase ng pangyayari ,napasampal nalang ako sa aking noo
"Nga pala wag kang mag alala nakita ka nila pero hindi yung muka mo " Naka hintong sabi ni Zayn bago magpatuloy ulit ng paglalakad.
"Buti nalang" Buntong hininga ako.
"Ehemmmm gusto ko sananguminom ng juice pero mukang mas gusto ko na ng TEA" , may diin at pahawak-hawak pa sa lalamunang sabi ni Bellamy na kasalukuyang nakasilip sa bintana ng room kasama yung apat.
"Anong ginagawa nyo dyan?"
"Ikaw anong ginawa mo dyan!" ,makahulugang sabi ni Nesrin
"Alam nyo nakakatakot kayo tara na "
Dali -dali silang nagsilabasan at sabay- sabay kaming naglakad pababa.
"Di ba kayo na ngangawit kangingiti?"
"Hindi hanggat di mo sinasabi kung anong nangyare" ,Nesrin
"Sapat na yung dalawang ngiti na binigay mo sakin kanina " Halatang nang- aasar na sambit ni Nolan
Dahilan kaya nagtilian yung apat.
"Nakalimutan mo ata yung may pa talukbong pa ng vest" Dagdag na pang aasar ni Soren
"Kokongtangan ko kayo pag-di kayo tumigil"
"Hindi ba kokotongan yun?" Nolan
"New word unlock" , sabay sabay na sabi ng apat
Napakunot ang noo ko
"May bago nanaman pong salitangnaimbento ang isang Heather Alvra"May pahawi hawi pang sabi ni Farah.
371Please respect copyright.PENANAbJEGgXmWvt
Nagsimula ng nagtawanan yung apat kaya bahagya narin akong tumawa minsan kase di ko den alam ang mga lumalabas sa bibig ko.371Please respect copyright.PENANAs7Hx8iPLjL
371Please respect copyright.PENANAFZc1tjUv5M
371Please respect copyright.PENANAOhPdknUN0R
371Please respect copyright.PENANAQ4WocYsO1C
371Please respect copyright.PENANAL7sRO4X9CG