Rio's POV
Kanina pa akong nakabantay sa mga lumalabas masok sa buong cafeteria ,pero mas nakatuon ang aking pansin sa kabilang parte ng cafeteria .
Saglit akong napatingin sa naka-display na orasan . Hindi ba ang tagal naman masyadong matapos ng pag-lelecture ng bathalumang yon , dumating nanaman yong mga hator nya doon diba.
Mga pasaway na freshman.
Biglang nabaling ang aking atensyon sa pag-pasok ng mga kaibigan ni Ether sa kabilang pinto , naka-kunot noo ko pang sinundan sila ng tingin hanggang maka-upo ang lahat sa kanila. Kasama nila yong si Ken at yong babaeng pinagtripan ata kanina.
May malala bang nangyari , bakit di nila kasama yong bathaluman . Pero kung meron at may kailangang intindihin bakit kasama nila rito yong babae imbes na dalhin sa clinic , sa cr o di kaya sa office katulad ng lagi nilang ginagawa.
Kung may mga nasira naman hindi nya na yon problema kasi dapat ang aatupag non ay iba na.
Wag nilang sabihin na.....pero imposible hindi nila kaya. Noong huli siyang nagalit nang ganon maraming estudyante ang naging matino.
Malalagot talaga sakin yong anim na hator nayon lalo na yong lahat ng freshman na may kinalaman sa nangyari pag nagkataon.
Nesrin's POV
Ramdam ko na hindi lang ako ang takang nangtatanong sa isipan kung anong nangyari at bakit inawan kami ni Heather kasama si Soren?
Lahat kami ay wala naring ganang kumain ,kahit sa tinginan nag-aalala kaming nagtatanungan sa isa't isa. Lalo na si Bellamy basta pag dating kay Soren nagiging seryoso siya. Balak pa nga niyang sundan sila Heather ngunit pinigilan ito ni Nolan.
"Kumain kana " ,mahinahon na pagsasalita at paglalapit ni Ken ng pagkain sa babaeng kasama namin.
Di na ito imi-iyak pero muka parin itong di ganoong kaayos. Hindi ko naman siya masisi sobrang grabe din kasi ng ginawa sa kanya.
"Hi ako si Nesrin , ikaw anong pangalan mo."
"I-Izy" , mahina at medyo putol pang sabi nito ni hindi paman lang niya ako matingnan imbes yumuko pa ito lalo.
"Sa tingin ko ,mas mabuti kung sa tahimik na lugar ko muna siya dalhin ,baka mas gusto nyang magpahinga" , Ken
"Mukang kailangan nga niya, sige tara na!" ,sabi ko kasabay ng aking pagtayo
"Nesrin umattend nalang kayo ng klase nyo"
"Sasama kami" ,seryoso pang sabi ni Bellamy
"Hindi pwede lalo lang magagalit si Heather pag nalamanginabala ko pa kayo."
"Tama si Ken wag na tayong dumagdagpa sa nangyayari" ,Farah
Natahimik kaming lahat , miski ako walang nagawa kundi ang maupo.
"Izzy tara , wag ka nang mag-alala kinakausap na ng mga kasama namin yong mga kaklase at teacher mo sa ngayon dadalhin nalang kita sa clinic para makapagpahinga" ,pang-aalo ni Ken.
Naging epektibo naman ito , medyo naka-alalay paring sumama si Izzy kay Ken ,habang kaming apat ay walang kibong naiwan.
Tyaga akong nag-iintay ng isa sa aming apat na magsasalita ng mahagip ng aking mata sina Zayn , Haru at Rio na palabas na nakatingin samin , pero mas napansin ko si Rio kakaiba ang tingin nito samin ,di ko maaninag kung ito ba ay galit o kung ano man. Dahil ba nasa cafeteria kami? Di naman kami lumalagpas sa mga barrier ah. Ganon na ba siya kagalit kay Heather kaya kahit kami aaahhh nevermind ,hindi nako magtataka kung sa mga susunod na araw may ipabago o ipagawa nanaman siya dito.
***
Nolan's POV
Matagal na noong huling nag karoon ng panic attack si Soren , buti na nga lang hindi kasing lala noon ang nangyari kanina. 247Please respect copyright.PENANAbnP2Cztlw1
247Please respect copyright.PENANASIy6Lv69Mu
Alam ko hindi na dapat ako mag-alala pero di ko maiwasan. Lalo lang akong naiiyamot sa sarili ko kasi sa pangalawang pagkakataon wala akong nagawa ,ni hindi ko man lang napansin na naaapektuhan na pala si Soren sa nangyayari kanina. Ang laking pasasalamat ko kay Heather na nandoon siya , hindi siya pumapalyang tumulong.
Pinakikiramdaman ko sina Farah , Nesrin at lalong- lalo na si Bellamy , buti nalang naiba ko agad ang usapan namin kanina habang naglalakad papasok sa next period namin. Wala akong karapatan na magsalita tungkol doon mas mabuti kung hintayin nalang namin na magkwento si Soren dahil hindi basta- basta ang usaping iyon.
"Abanes , Lauren"
"Present" , nakataas ang kamay na sagot ng isa sa mga kaklase namin.
Required kasi ang attendance kada subject , pero may ilan din namang teacher na tinatamad pagdating dito kaya dumiretsyo nalang sa pagtuturo.
Lagot pano pala sina...
"Alvara Heather"
Walang atubili kong tinaas ang aking kamay para magpaliwanag kaso mukang hindi na kailangan.
"Ahh wait,nabalitaan ko ang nangyari sa set A ng mga first year , so she will be excused."
"Present!" , mabilis na sunod na sagot ni Heather sa may pintuan at nakataas pa ang isa nitong kamay.
Nagkatinginan kami nila Farah ,Nesrin at Bellamy na kasalukuyan ding dahan-dahang binababa ang mga kamay galing sa pagkakataas.
"Ms.Alvara mukang ayos na ang lahat."
"Opo , sya nga pala eto po" , pag-aabot nito sa isang papel na nakatupi sa dalawa.
"Excuse letter po yan ni Soren" ,pagtutuloy ni Heather sa sasabihin nya.
Nag-simula naman ang bulungan at karamihan sa kanila ay nakatingin sa na excuse letter ni Heather. Kaya mas tinuon ko ang aking tingin sa letter na kasalukuyang binubuklat ng teacher namin galing sa unang tupi.
Nanglaki ang mata ko ng makita ang isang dilaw na stamp mark , alam namin na galing yon sa pinakamataas na official ng school na to at madalas lang namin yon nakikita sa papeles ng mga teacher.
Paanong naka pagpa-tatak si Heather ng ganon?
Naramdaman ko na kinakabahan si Farah kaya hinawakan ko ang mga palad nito.
"Babe" ,mahinang sabi ko na sinagot lang ako ng isang ngiti.
Di kami siguro kung ano ang laman ng excuse letter na yon , kasi miski yong teacher hindi na ito binuklat man lang muli nang makita yong stamp mark .Kahit pa buksan pa niya ito napakalabong mabasa namin iyon.
"Matagal ba siyang mawawala?" ,medyo nag -iibang boses na tanong ng teacher namin.
"Hindi po, bukas makakapasok narin siya. Kailangan niya lang po ng pahinga"
"Are you sure?" ,di makapaniwalang tanong nito.
"Bakit ayaw nyo?",bahagyang naka-kunot na sabi ni Heather.
"Hindi naman sa ganon , napalunok muna ito bago magpatuloy sa pagsasalita ...take a seat "
Walang imik naman itong sinunod ni Heather. Sinenyasan naman nito si Nesrin na sa tabi ni Bellamy siya uupo na tinanguan bilang pagsang-ayon ni Nesrin.
"Okay na siya at wag na daw kayong mag-alala ,pina-uwi ko nalang muna siya para magpahinga." ,Walang boses na sabi samin ni Heather dahilan kaya sumigla-sigla kami. Kitang kita ko ang pagbabago sa mukha ni Bellamy ,bahagya na itong nakangiti.
Someone's POV
- on phone -
" How many times , I gonna tell you that she's okay ,nag report na samin yung anim isa pa kagagaling lang niya dito sa office ni Sir Edmund."
"Anong ginawa niya dyan?"
"Nag-patatak ng excuse letter for her friend , Soren."
"For what , at saka nagpa- stamp mark sa excuse letter? para yon sa mga activities at papers ng school. Hindi rin yon basta-bastang binibigay"
"Hindi ko rin alam"
"Tinatakan ba ni Dad?"
"Of course! , Si Heather yon "
"Anong ibig mong sabihin na si Heather yon?"
"Sige na po marami pa akong gagawin ,thank you bye"
"Okay, Bye"
- end call -
Lagot , kasi naman Tobias indihin mo muna ang bawat sasabihin mo pag nagkataon baka mawalan ka pa ng trabaho.
Huminga muna ako ng malalim at inayos ang aking necktie bago tuluyang pumasok sa loob ng office.
"Tobias" ,nakatalikod na tawag sakin ni Sir Edmund habang naka-upo sa kanyang swivel chair.
"Yes Sir"
Umikot ito at humarap sakin.
"I think we need to have again an orientation for everyone especially to freshman. Call Mrs. Cabral ,we need to talks about it .
"Okay masusunod po." Bahagya akong yumuko bago umalis at sundin yong inutos niya.
ns 15.158.61.20da2