Nesrin's POV
Pagkatapos kong maghanda sa pagpasok sa school bumaba na agad ako para mag almusal. Bumababa palang ako sa hagdan naririnig ko na ang malakas na pagtawa ni daddy , bakit kaya?328Please respect copyright.PENANAKJAMLWXjT5
328Please respect copyright.PENANA9l32jSecCy
Dumiretsyo nako sa dining area para nga kumain pati narin tingnan kung bakit tumatawa ng malakas si daddy ,doon ko rin naman kasi naririnig .
Naabutan ko sina daddy , mommy at Zayn na masayang nag uusap habang kumakain. Teka bakit narito yong lalaking yon. Nakakunot ang noo ko silang tiningnan.
"Mam Nesrin kain na po kayo" , sabi ng isa naming maid na naging dahilan na mapukaw ang antensyon ng lahat.
"Nesrin baby naka- ayos ka na pala ,come here mag almusal kana" ,daddy
Ngumiti nalang ako bilang sagot , umupo narin ako sa tabi ni mommy , nakakunot ko paring tiningnan si Zayn na kasalukuyang naka ngiti sakin.
Napansin ata ni mommy yung tingin ko kay Zayn kaya hinawakan nya ako sa balikan .
"Baby dumaan lang ulit si Zayn nakakatuwa nga na sa tagal niyang nawala dumadalawdalaw siya dito ."
"At saka sa kanya kanalang din sumabay sa pag punta sa school isa lang naman pinapasukan nyo at saka para makapahinga yung driver mo" , pagtutuloy ni daddy
Masaya naman ako na nadito siya kahit nandito lnag din siya nung sang araw pinagtataka ko lang bakit siya narito tapos biglaan pa nagsasabi kaya siya sakin o kaya kay mommy pag pupunta siya dito.
"Nesrin bilisan mo malalate na tayo" ,Zayn
Aba ayos ha makapagmadali , "Opo kuya"
"Very good bunso"
Naka tumbs up pang sabi ni Zayn , dahilan kaya lahat kami ay natawa.
Tinuturing ko narin kasing kuya si Zayn kahit pinsan ko lang siya. Parehas lang kasi kaming nag iisang anak , pero di ibig sabihin na tinuturing ko siyang kuya ay sobrang close na namin , hindi kami gaanong nagsasama at nag-uusap lalo na sa school, kaya nga walang masyadong nakaka-alam na magpinsan kami.
Konti lang kinain ko nakakahiya naman kasi sa bisita namin.
Tumayo nako at bumeso kina mommy at daddy , "Aalis na po kami" ,pag papaalam ko.
"Sige ingat kayo ,Zayn ikaw na bahala kay Nesrin ha" ,daddy
"Opo , salamat po pala auntie , uncle sa breakfast"
"Ano ka ba wala yun ,sige di na namin kayo ihahatid sa labas ." Daddy
"Sige po" ,Zayn
Maglalakad na sana ako ng kunin ni Zayn yung bag ko di ko namagawang kunin yon ,bala na siya naman mabibigatan. Medyo mapakla ko siyang nginitian bago magpatuloy sa paglalakad palabas.
Naabutan namin ang kotse nyang nakaparada sa labas ng bahay namin ,dire-diretsyo akong pumunta sa front passenger seat . Akma ko na itong bubuksan ng sumigaw si Zayn.
"Wait wait wait ako na!" ,Nagmamadaling takbo nito sakin , nakangiti nitong binuksan na para ko siyang body guard.
Medyo kinakabahan nako daig pa nya yong driver ko at saka kanina pa siyang ngiting-ngiti .Anong kailangan nito sakin.
"Nesrin ang tahimik mo."
"Anong kailangan mo?" , Malayong sagot ko sa sinabi niya
"Ha?wala"
Pinaningkitan ko siya ng mata , nailang ata kaya tinuon nalang niya ang kanyang mata sa pag mamaneho.
Wala pang ilang minuto nagsalita na ulit siya.
"Nesrin mag kwento ka naman tungkol sa mga kaibigan mo."
"Anong gusto mo malaman?"
"Kahit ano , like kung pano kayo nagkakila-kilala."
"Nagkakilala kami noong nasa second year kami , nag transfer si Heather sa V.D.C high tapos nakilala niya si Farah , tapos sina Nolan at Soren. Tas swempre ako , di narin nagtagal nakilala namin si Bellamy na napili palang scholar sa V.D.C high. "
"Hindi pala ikaw yung unang naging ka close ni Heather." , Pagsingit ni Zayn
"Hindi nga pero at lease siya first kiss ko, saka di niya alam na dikit ako ng dikit sa kanya "
"First kiss?"
Yung tingin sakin ni Zayn ay parang nagtatanong ng , anong ibig mong sabihin.
"Straight pako sa barbeque stick pero nung nakita ko si Heather nagbali lahat , I really like her . Napaka misteryo , matapang at alam mo yung pag tiningnan ka nya parang kinokonekta niya yung katawan mo sa kanya."
"Alam ba niya?"
"Alin yung gusto ko siya? Hindi hanggang ngayon , alam ko straight siya at saka matagal nayon .Oo inaamin ko minsan attracted parin ako sa kanya pero sa tingin ko paghanga at pagsuporta nalang yung nararamdaman ko , mas masaya at ma-swerte ako na naging bestfriend ko ang isang Heather Alvara."
"Di mo sinubukangumamin sa kanya?"
"Hindi at wala nakong balak"
"About Heather and Ri-"
"Yaaan alam ko na ,sabi na may adyenda ka sakin!" , Malakas na sabi ko na may konting bahid ng gulat
"Gusto ko lang naman kasing" , putol na sabi nito habang nakapout
"Tigilan moko Zayn , kung gusto mong maka-kalap ng impormasyon wala kang makukuha sakin, kung ang gusto mo naman ay si Heather asa kang kaya mo."
Teka baka makakalimutan mo Zayn ang pangalan ng pinsan mo, bulong ng sarili kong utak .328Please respect copyright.PENANAeKDD1vJWoi
328Please respect copyright.PENANA0YzKzYgWAU
Hoy manahimik ka! , balik ko rito .
Tiningil nito ang sasakyan , humarap ito sakin at pinagdikit ang palad, "Please , my favorite cousin"
"Wala akong naririnig"
Patuloy parin siya sa pag mamaka-awa pero di ko siya iniintindi. Ikwento mo na malay mo si Zayn na talaga yung hinihintay na Zayn ni Heather , sabi nanaman ng pa epal kong utak
"Neeessssriiiin ,Nesssriiinnn" ,nakakaya-mot na paulit-ulit na tawag sakin ni Zayn
"Oo na!" , Huminga muna ako ng malalim sana tama ang desisyon ko ,"Okay mag kwekwento nako."
"Yes!" ,May pag hampas pa nito sa busina.
"Pero tandaan mo sinasabi ko to sayo dahil Zayn ang pangalan mo."
"Teka hindi ba dahil pinsan moko?"
"Hindi" , may diin kong sabi
Third Person's POV
Buong klase ng set A fourth year ay natigil sa kanya-kanyang ginagawa ng marinig ang malakas na kalabog na nang-galing sa unahan. Lahat sila ay napatingin rito at nakita nila ang napaka seryosong muka ng kanilang adviser na si Ms. Mercy Colisao.
Nawala ang bahid ng ano mang emosyong kanilang naramdaman kanina , seryoso rin silang bumalik at umayos ng upo. Nahagip ng mga mata nila ang makapal na patong ng papel sa lamesa .
"Good morning everyone , magkakaroon kayo ng examination ngayong araw for my subject."
Marami sa kanila ang sabay - sabay na napatayo at nagpahayag ng pagrereklamo. Iba sa kanila ay takang nagkatinginan , at ang ilan pa ay nanatiling walang reaksyong nakaupo.
"Okay get one ang past" , sabi ni Ms. Colisao pagkatapos maibahagi ang mga test paper na di man lang ininda ang sino man.
Walang nagawa ang lahat kundi ang maupo at magsagot.
Di pa naman nakakarating ang mga test paper sa parte ni Haru lilinga -linga na ito.
" Rio " , tawag nito sa katabi niya
"Ano! , Wala akong magagawa ." , Medyo malat na sagot nito habang naka hawak sa sintido.
"Hindi , wala akong ballpen meron ka?"
"Sa tingin mo?"
"kay Eli nalang nga ako magtatanong."
Bumaling ito sa kanyang kanan kung saan naka-upo si Zayn, "Eli" may pag tapik pa sa kamay nito na nakapatong sa table gamit ang isang daliri.
"Wala, isa lang meron ako palibhasa mas malaki pa ang posibilidad na makalimutan mo yung ballpen at notebook kesa sa panty ng mga girlfriend mo."
"Wag na nga ballpen lang naman dinamay pa mga mahal ko sa buhay." ,Nakabangusong pagbaling nito sa unahan kasabay ng paglapag ng test paper sa table nya. Naka-cross arm itong napayuko.
"Mr. Daurez anong problema?
Napatunghay si Haru at matamlay tumingin sa nagtatanong nilang teacher.
Magsasalita na sana ito muni't natigil ng magtaas ang teacher nila ng isang box ng ballpen. Mabilis itong pumunta sa unahan para kumuha ng ballpen.
Naka-smirk itong naglakad pabalik ng upuan habang wasi-wasiwas yung isang ballpen .
"La ano tong hawak ko , teka ballpen ba to ? Ah ballpen nga." Nakakaloko itong bumaling kay Zayn at muling bumaling naman kay Rio.
"Ballpen" ,sabi ni Rio habang hawak - hawak ang tatlong ballpen.
"Y-you betrayed me and I know that you'll never feel sorry." Nakahawak sa dibdib na mahinang pagkanta nito.
" Bibigyan ko kayo ng 40 minutes para magsagot ,timer starts now."
Nagsimula nang mag sagot ang lahat ng muling may umimik ...
"Oo nga pala class, takpan nyong mabuti ang papel nyo kasi may CHEATER " ,May diin nitong sabi sa dulo.
ᜐ̊ᜃ̟ᜇ̵̄ᜆ̥
Takang napalingon ang lahat ng biglang parang wala sa sariling natatawang naubo sina Rio at Haru.
Someone's POV
"Yes ,ako nga yung nagbigay ng bahay , nagpapa-aral sayo, nagpapadala ng mga panganga-ilangan mo at sumagip sa naiwang family business nyo."
"Bakit nyo po ginagawa ang lahat ng to?"
"Alam mo mas inaasahan ko na magpasalamat ka kesa magtanong."
"S-sorry po , gusto ko pong magpasalamat ng sobra ,sana balang-araw mabayaran ko po kayo."
"Don't worry for sure mababayaran moko someday , sa ngayon pagbutihin mo muna ang pag-aaral mo sa V.D.C High."
"Salamat po talaga..."
"No,no ,no tumayo ka dyan di mo kailangan lumuhod , may mas magandang bagay akong ipapagawa sayo ,mas importante kaysa paulit-ulit mong pagpapasalamat."
ns 15.158.61.8da2