Eto na nararamdaman ko nanaman ang bigat. Walang boses akong sumigaw sa harap ng salamin ,pinigipil ang muling pagtulo ng mga luha ,pinipilit na makabuo ng isang ngiti .Di ko alam kung maawa o magagalit ako sa sarili ko , di ko alam kung tama pa ba ako o yung mga taong nakabalibot sakin.. Tapik tapik ang sarili kong balikat habang binibigkas ang mga katagang PAGOD NAKO"
ᜆᜃᜐ̟ ᜐ ᜇ̵̄ᜌᜎ̊ᜇᜇ̟
Heather's POV
Psssshhh sino ba kasi to!
Ano bang kinalaman nya kay Nesrin bat mag kasabay sila pumasok .
Mukang kampante pa sila sa isa't isa habang nag uusap bago sila mag hiwalay at may beso pa .
Kanina pa kong nakasunod sa lalaking to. Alam kong bago lang siya dito dahil ngayon ko lang siya nakita at mukang di pa sya pamilyar sa buong school, kanina pa syang mukang lito-litong at palakad-lakad .
Sure akong senior na siya, bakit? Dahil sa patch sa uniform niya sa bandang baba ng logo ng V.D.C High katulad ito ng akin.
Bago palang pinagkakaguluhan na siya .Ang pinagtataka ka ko lang bat parang may ilang nakakakilala sa kanya. Oo lahat ng madaanan niyang babae daig pa ang bulating kikislot kislot pero karamihan sa nadadaan niyang mga senior ay kakaiba yong way ng tingin sa kanya kahit na mga lalaki pa ito.Yung iba pa mukang gulat na gulat at mga pilit may inaalala .
Nasa gitna ng diskusyon ang aking utak ng biglang nakaramdam ata yong lalaki na may sumusunod sa kanya. Agad akong napatago sa may vending machine na kalapit ko.
Nang silipin ko ito , mabilis itong papalapit sa kinatatayuan ko habang parang may sinisipat pa . Mas dumikit ako sa vending machine at tumayo ng tuwid upang mas itago ang sarili.
Wag kang tutuloy ,walang tao dito ,bibeng-gutan talaga kita ,wag kang tutuloy wag kang tutuloy nang....
"Miss Heather"
"Potaanngggg" , aamba na sana ako ng makita na ibang tao pala ang tumawag at nasa harapan ko .
"Eheeeeemm" , pag lilinaw ko ng aking lalamunan sabay ng pag diretsyo ng aking mga kamay sa tapat ng aking bibig.
"Sorry nagulat lang ako ,bakit ka narito?" Medyo may hiya kong sabi.
"Kanina pa po kasi kita hinahanap narito lang pala kayo ,may binu- bully nanaman po kasi andun sa gym"Nakayuko at mahina nitong sabi.
"So , sino may pakana?" , Tanong ko
"Si Ri-"
"Nah nah nah" ,nakakunot kong pag putol sa sasabihin nya.
"Talipandas na yun kung pwede lang talaga tiniris ko na yun hindi man lang naghintay ket bukas ngayon pa talaga"
Yamot akong napa-iling kasabay ng pagbasa ng aking ibabang labi gamit ang dila.
"Tara Ken" Aya ko sa kanya pagkatapos tumingin sa paligid para hanapin kung nasan yung sinusundan ko.
Zayn's POV
Tama ba na hindi ako nag sabi na uuwi ako at dito naulit mag aaral .
Asan na kase yung dalawang kumag na yun dapat talaga nagpasama nalang ako kay Nesrin.
Di ko inaakala na ang daming nabago sa school na to. Ang dami pang tao ,tapos di pako nakapag concentrate sa dami ng babaeng naka tingin sakin iba talaga pag pinanganak na cute. Buti nalang di ako masyadong nag ayos kundi baka nangingisay na sila sa charisma ko . But I don't need them , all I need first is to find what I'm looking for at yun ay ang dalawang kumag.
Kaya pinilit ko talagang makaalis sa dami ng tao na madali ko lang nagawa .Swempre ako pa.
Naglalakad ako sa mas maluwag na parte ng school ng mapansin ko na parang may sumusunod sakin.
Baka isa lang sa mga babae kakanina.
Haayyyst Zayn ang palpak mo naman may isa kang di natakasan , sabi ko sa utak ko habang sapo-sapo ang ulo.
Lalapitan ko sana ito para pag sabihan na layuan ako kaso naagaw ang atensyon ko ng mga estudyante na nagtatakbuhan sa isang gawi . Kung di ako nagkakamali papuntang gym yon.
Agad ko silang sinundan, kasi kung gulo yon di pedeng mawala yong dalawa.425Please respect copyright.PENANAuCGIUXv4GQ
425Please respect copyright.PENANAmglxIKbb4f
Katulad ng iniisip ko tama na papuntang gym nga ang gawi na yon.
Nadatnan ko sa loob ng gym ang kumpulan ng tao na tila may pinalilibutan. Diri-diretsyo ang lumapit para makita kung anong nangyayari. Tumingkayad pako pero hindi talaga kaya.
"Hi alam nyo ba kung anong nangyayari?"Tanong ko sa tatlong babaeng nasa-gilid ko.
"Ahhhhh- Ammm Si Rio kase may , may ano -pinagtritripan nanaman ", putol putol nitong sabi habang halata naman na namumula at kinikilig katulad ng mga kasama nya.
"Okay , Thank you!" Saad ko at bahagyang ngumiti bago alisin ang tingin sa kanila.
Sabi na may kinalaman ang dalawa, hanggang ngayon pa ba naman.
Lumipat ako ng pwesto para magbakasakaling makita kung anong nangyayari kaso sobrang kapal talaga ng kumpulan. Kaya naisipan ko nalang makiraan para mapadali.
"Excuse me" Pagtapik ko sa mga taong nasa unahan ko.
"Ano ba naman to sisingit pa , Z-Zayn ahhh a-ano sorry sorry , sige daan na po kayo." Napalunok ito at halata sa muka nito ang pagka-gulat.
Tiningnan ko lang siya at tumingin muli sa kumpol ng tao.
" Oo nga pala , oyyyy tabitabi kayo si Zayn " Pagpapatabi niya sa mga tao na nasa unahan .
Agad naman silang nagsilingunan at mabilis na nagsi-tabi .Karamihan sa kanila ay senior kaya siguro nakikilala nila ako. May isa namang lalaki at mukang nasa lower grade na nakakunot na nangtanong kung sinong Zayn.
"Sophomore?" Balik na tanong ko sa kanya habang nakatingin sa patch ng uniform niya.
"Hoy bata basta tumabi ka dyan" ,425Please respect copyright.PENANA7E7N700KdJ
425Please respect copyright.PENANAQPnyHLea6f
sabi nung lalaking kanina at hinigit ito sa kwelyo.
Naglakad nalang ako wala nanamang tao sa parte na tinayuan ko . Nang nakapwesto nako sa unahan napagtanto ko na malaki pala yung bilog na nabuo ng kumpulan.
Naramdam ko namang nagsibalikan na yung mga pinatabi kong tao at pumuwesto na sa likuran ko . Pansin ko na may malaki silang awang sa pagitan namin ,bat ba takot na takot sila.Masyado nga ata akong naging malala dati.
Di ko nalang to masyadong pinansin at agad na tiningnan yung mga tao sa gitna nakatalikod sakin si Rio sure akong siya yun dahil sa hubog at tindig niya. Nakasakbit ang vest nito sa balikat nya habang pawis at magulo ang buhok.
Si Haru naman ay nasa gilid at katulad din ni Rio na pawis , kaso para itong walang pake na kumakaway- kaway parang politician na ngangampanya kaso sa mga magagandang babae nga lang .
Nakakita rin ako ng tatlong babae. Dalawa sa kanila ay nakatayo at mukang takot na takot habang naka-kapit sa isat isa. Yong isa naman ay nakaupo sa sahig , basa itong umiiyak katabi ang ilang bote ng inumin na iba iba pa ang klase .May ilan ding nakakalat na bola sa paligid na sigurong pinaglaruan.
Bigla namang na agaw ang atensyon ng lahat ng mahati ang kabilang parte ng kumpulan. Lumabas dito ang isang babae habang seryosong at kagat-kagat ng425Please respect copyright.PENANAAUp0UJsMcX
425Please respect copyright.PENANAgXYyq6flHW
bahagya ang labi na naglalakad.
May kapayatan ito pero matangos ang ilong , may kakapalan ang labi , makinis na balat , mapang akit ngunit mala misteryong mata, may hiwa ang kanyang kanang kilay at satingin ko ang kanyang buhok ay may natural na bahagyang kulot. May kasunod din itong isa pang babae na di nagkakalayo sa kanyang tangkad.
Kasabay ng paglapit nila sa gitna ay ang pag sulputan ng ilang estudyante mula sa ibat ibang parte . Ang ilan sa kanila ay namumukaan ko pero di ganon kalinaw. 425Please respect copyright.PENANAp655QEXT3h
425Please respect copyright.PENANAzxBuCyvpw0
Pumunta sila sa parehas na direksyon at humilera.
Binalik ko naman ang aking tingin don sa kadadating na babae. Makakakita ka ng galit sa itsura nya . Huminga ito ng malalim bago may ibulong sa babaeng kasunod nya kanina na agad din namang umalis.
"Senior to senior"
"Parang hindi kapa nasanay." Rinig kong sagot ng isang Senior sa isang Junior na lalaki.
Lumapit naman yung babae sa basang babaeng na kanina pang naka upo .
"Ayos ka lang ba, anong nangyari?"Tanong nito.
Di naman agad nakasagot ang babae at timingin sa gawi nila Rio
"Wag kang matakot anong nangyari?" Tanong muli nito.
"Ano kasi Naisipan naming bigyan sila Rio inumin kaso nagalit ito at saka binuhos isa isa sakin yung binibigay ko sakanila", humihikbing sagot nito
Tiningnan nito ang mga walang laman na bote at bumaling ito kay Rio ngunit walang ekpresyon nya lang itong tiningnan. Inikot niya ang kanyang paningin sa mga taong nakapalibot.
"Simula ngayon bawal ng magbigay ng kahit anong inumin kay Rio maliban sa C2 , favorite nya yun wag kayong mag - alala kaya wala syang dahilan para ibuhos ito sa inyo" malakas na sabi nito
"C 2 pala"
"alam ko na sa sunod"
"grabe naman dahil lang dun"
"oh my ghad C 2 pala favorite nya"
" alam ko din kaya yun matagal na"
Ilan yan sa mga naririnig na ingay at karamihan sa kanila ay mga babae ang nagsasabi.
"Shut up! Sa tingin mo ganon lang yun kababaw?" Malakas na pag putol ni Rio sa ingay
"So , ano nanaman Mr.Patrico Rio Vondon?" Irap na tanong nung babae
"That assuming girl called me baby"
Biglang napuno nanaman ng ingay ang buong gym dahil sa lakas ng tawa nong babae.
"Hahahahhaha-pohahahhahahahhaseryohahahhahahah....seryoso ka talaga galit na galit ka dahil tinawag kang baby? Hahahahhahah
Kita ko ang pag yukom ng mga palad ni Rio425Please respect copyright.PENANAqdTN32qWbA
425Please respect copyright.PENANAiv0QYp0rmy
natigilan narin ang lahat at nakiki-ramdam sa nangyayare.
"Alam mo bakit ka nagagalit diba baby ka naman talaga diba ,baby na amoy lungad nga lang" Seryosong sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko
Lahat ng tao ay natawa sa sinabi ng babae miski ako natawa narin ,may iba pang pinipigilang tumawa
" I said shut up! " Sigaw muli ni Rio at mararamdaman mo ang galit sa boses nya kaya lahat ay muling napatigil .
"You're WHHHAAAAAAAFUCKKK" Duro nitong sabi sa babae at ang di ko inaasahan ay nang tinalikuran ito ni Rio at umalis , na sinundan naman ni Soren.
Sa tagal ng panahon ngayon ang unang pagkakataon na nakita kong muli ang muka ni Rio ngunit sa pagkakataong ito isa lang ang nakikita ko galit .
"Bye baby" pahabol sa sigaw nito kay Rio at halatang nang aasar lamang
Di na nag-abala pa si Rio na lingunin ito.
Sa pagdaan nila sa pwestong kinatatayuan ko , dali dali akong yumukod at tinakpan ang muka ko. Mahirap na baka makita nila kong dalawa. Wala pa naman sa mood si Rio , maybe later.
Nang silipin ko kung andyan pa ba sila, natawa ako sa itsura ng nasa likod at gilid ko mga nakayukod din sila , yung iba kung di nakataas ang kamay habang nakapikit ay napa upo na sa sahig , alam mo yung itsura na parang may mananakit sa kanila. Nakatingin pa sila sakin na parang takot na takot. Nginitian ko nalang sila bago425Please respect copyright.PENANA6GEf9SS49U
425Please respect copyright.PENANApxewE26BI1
ko binalik muli ang aking tingin sa gitna. Nakita ko na may tuwalya na naka libot sa babae , inaalalayan narin ito noong mga estudyanteng kaninang nakahilera .
"Okay tapos na ang movie marathon pag ako nag pa quiz kung anong nangyare dapat lahat kayo perfect ha " Sabi nung babaeng naka sagutan ni Rio sabay kindat bago umalis
Sino yun? bakit ,pano like Shit!.
Sino sya pano nya nalaman ang gusto ni Rio.
Pano nya nagawa yon kay Rio ,sila Rio ang may ari ng nitong V.D.C High , bakit ganon umalis nalang basta ang isang Rio Vondon.
Ang daming tanong ang sumulpot sa uatak ko pero sa isa lang ako sigurado, maraming nagbago sa school na to.
ns 15.158.61.5da2