
Taong 1398 nang idineklara ng Mahal na Haring Hermondo na nais niyang magkaroon ng isang Concubine. Hindi naman makapaniwala ang lahat sa biglaang desisyon ng kanilang Hari dahil nag-uumpisa pa lamang ang kanyang Mahal na Reynang si Miondress sa kanyang tungkulin bilang isang Reyna at Ina ng mga mamamayan, ngunit ng ibinunyag ni Haring Hermondo na ang kanyang Reynang si Miondress ay hindi makapagbibigay sa kanya ng isang tagapagmana niya ay napilitan silang tanggapin ito.
Muling nagtagpo ang landas ng dating magkasintahan na si Hermondo at Zhafina, at ng inalok niya itong maging isang concubine ay agad naman itong pumayag. Nagbunga ang pagsisiping ng dalawa at isa itong lalaki, pinangalanan nila itong Hernando na mula sa pinagsama nilang pangalan at agad idineklara ng Hari na ang batang dinadala sa sinapupunan ng kanyang concubine na si Zhafina ang magiging susunod niyang tagapagmana sa trono.
Nang marinig ito ng Mahal na Reynang si Miondress na naghanap pala ng isang concubine ang kanyang asawang Hari at agad itong nabuntis ay agad siyang humingi ng mga tulong sa mga Shaman. Pagsapit ng gabi ay agad nitong pinasok ang Chamber ng Mahal na Hari at agad nitong ginawa ang kanyang mga plano, dahil sa pag-aakala na ang babaeng kasiping ng Hari ay ang kanyang iniibig na si Zhafina ay agad naman itong nagpadala sa init ng sensasyong kanyang nararamdaman at pagising niya sa umaga ay nagulat nalang ito na si Miondress pala ang nakasiping niya at hindi si Zhafina.
Agad namang nagulantang ang lahat ng ibinunyag ng kanilang Mahal na Reyna na nagdadalang tao rin ito kasabay ng pagdadalang tao ng Highly Favored Consort na si Zhafina. Lumipas ang maraming buwan at dumating na rin ang hinihintay ng lahat kung saan sabay na manganganak ang Mahal na Reyna at ang Concubine ng kanilang Mahal na Hari. Unang lumabas ang anak ng Concubine kaya idineklara na ito ang panganay na anak ng Hari ilang oras pa ang lumipas bago sumunod na lumabas ang anak ng Mahal na Reyna Miondress kaya naman idineklara na ito ang bunsong anak ng Mahal na Hari. At dahil nakapaloob na sa batas na kung ano man ang masabi ng kasalukuyang Hari ay pinal na at hindi na maaaring palitan pa o mabawi pa kaya naman habang lumalaki ang dalawang Prinsipe ay ang anak ng Concubine ang itinuturing na Crowned Prince at hindi ang anak ng Mahal na Reyna.
Sa labis na galit na nararamdaman ng Reyna na si Miondress ay nilagyan niya ng lason ang inumin ng Mahal na Haring Hermondo na agad namang ikinamatay nito. Hindi naman makapaniwala ang lahat sa nangyari at kagaya ng napag-usapan noon ang anak nitong si Hernando ang naging bagong Hari habang ang anak ng Mahal na Reyna ay naging isang Minister of Justice lamang at sa galit ng Reyna ay inilagay rin nito ang natitirang lason sa loob ng tsaang kasalukuyang niyang iniinom at agad rin itong namatay. Agad namang idineklara ng lahat na maghanap ng babaeng iibigin ang kanilang bagong Hari at dapat na maikasal sa lalong madaling panahon para magkaroon ito ng bagong Reyna.
Taong 1426 ng matupad ang kahilingan ng lahat. Agad ikinasal ang kasalukuyang Hari na si Haring Hernando sa babaeng iniibig nito na si Elisha at nagbunga ang kanilang pagsasama, matapos tumuntong sa limang taong gulang ang kanyang anak na si Zhameia ay agad naman siyang pinaslang ng isang assassin na kasalukuyang pinaghahanap pa. Agad namang idineklara ng Mahal na Reyna na si Elisha na hindi ito mag-aasawang muli at kung sino man ang iibigin ng kanilang tagapagmana ang siyang magiging bagong Hari ng lahat.
8 years later
Present Time: April 8, 1434
Sigurado na ba talaga kayo diyan Mahal na Reyna? Hindi ba't masyado pang bata si Zhameia para sa tungkulin na iyan? Isa pa, palagi namang palpak ang prinsesang iyon, gagawin lang niyang katatawanan ang trono ninyo Mahal na Reyna
"Naisip ko na ang mga bagay na iyan Rekomelando pero hindi ba't mas mabuti na rin iyon para matuto siya ng maaga, isa pa siya lang naman ang maaaring sumunod sa trono ko bilang isang Reyna ng ating Kaharian"
"Pero Mahal na Reyna"
"Wala nang pero pero pa Rekomelando, isa pa nandiyan ka naman para umalalay sa kanya hindi ba? Rekomelando?"
"Sa-sabi ko nga po Mahal na Reyna, tutulungan ko at gagabayan ang Mahal na Prinsesa Zhameia"
ns 15.158.61.18da2