~Zhameia Vallejo~183Please respect copyright.PENANAttunX3r5aN
Point Of View
"Mahal na Reyna Elisha, narito po ang Mahal na Prinsesa Zhameia"
"Papasukin mo"
"Mahal na Reyna"
At agad naman akong nagbigay galang sa aking ina bilang Reyna ng Kaharian
"A-aray ko po"
Haayysss, ito na naman tayo sa aking kapalpakan
"*sigh* Zhameia anak, nais kong malaman mo na simula sa araw na ito ay magsasanay kana bilang susunod na mamumuno ng ating kaharian"
"Pero Ina, hindi ba't masyado pa akong bata para magsanay bilang isang susunod na Reyna?"
"Mas mabuti na iyong maaga Zhameia, isa pa ikaw lang naman ang pwedeng susunod na magiging Reyna kaya habang maaga pa ay dapat kanang magsanay"
"Kung iyan po ang desisyon mo Inang Reyna ay wala na akong magagawa pa"
"Mabuti naman kung ganoon Zhameia, huwag kang mag-aalala dahil nandiyan naman si Rekomelando para gabayan ka sa mga tungkulin mo bilang isang susunod na Reyna, maaari ka nang bumalik sa iyong silid upang maghanda"
"Masusunod po Mahal na Reyna"
Agad naman akong nagbigay galang sa aking ina, at dahil sabi nga nila na ako ang reyna ng mga kapalpakan ay muli nanaman akong nawalan ng balanse mabuti nalang talaga at agad akong nasalo ni Punong Rekomelando ang kanang kamay ng aking ina..
'ppffftttRekomelando hahahahahaha ang panget ng pangalan niya hahahahaha'
"Sa-salamat po sa iyong tulong Punong Rekomelando" agad naman akong nagpasalamat sa kanya habang pinipigilan ko ang aking sarili na hindi matawa sa kanyang pangalan at agad na bumalik sa aking silid upang maghanda
Makalipas ang ilang minuto at natapos rin ako sa aking paghahanda
"Mahal na Prinsesa magsisimula na po ang iyong pagsasanay"
Agad naman akong tumayo sa aking kinauupuan at lumabas na sa aking silid, paglabas ko'y agad naman akong dinala ng isang katulong patungo sa isang silid kung saan nagsasanay ang mga Crowned Prince at Crowned Princess. Pagpasok ko pa lang ay nakita ko na si Punong Rekomelando na nakahanda na para turuan ako bilang susunod na Reyna
*FIRST LESSON*
"Magsisimula tayo sa iyong paglalakad bilang isang Prinsesa at bilang isang Reyna, pangalawa ang tamang paggalang bilang isang Prinsesa at bilang isang Reyna, pangatlo ang tamang pagkain bilang isang Prinsesa at bilang isang Reyna, pang-apat ang tamang pakikipag-usap bilang isang Prinsesa at bilang isang Reyna lalong lalo na sa harap ng maraming tao at sa iba pang mga may matataas na tungkulin at panghuli ay ang tamang pagkilos bilang isang Prinsesa at bilang isang Reyna."
Naku po! Mukhang mahihirapan ako rito ah, ni hindi ko nga magawa ng maayos ang pagkilos na parang isang prinsesa ang pagiging reyna pa kaya
"Ngayon, nakahanda na ang maliit na royal carpet dito at kailangan mong maglakad sa gitna nito habang nakapatong sa iyong ulo ang isang pinggan na hindi nababasag"
"Shall we start now?" tumango na lamang ako at sinimulan na ang paglalakad sa gitna nito kaya lang habang naglalakad ako ay laging nababasag ang pinggan na nakapatong sa aking ulo
"Balik"
*Ccrraacckkk*
"Balik"
*Ccrraacckkk*
"You need to focus Mahal na Prinsesa"
"Balik"
*Ccrraacckkk*
"Balik"
*Ccrraacckkk*
"Kaunti na lang sana at malapit kana sa finish line ng carpet"
"Balik"
*Ccrraacckkk*
"Balik"
*Ccrraacckkk*
*clap* *clap* *clap* *clap* *clap*
"Magaling"
"Ngayon naman ay kailangan mong gawin ang tamang paggalang. Una, ilagay mo ang iyong kanang kamay sa iyong harapan, kailangan na kapantay ito sa iyong dibdib. Pangalawa, ipatong mo ang iyong kaliwang kamay sa iyong kanang kamay habang nakabalanse ang iyong mga siko na kapantay ng iyong dibdib, dapat pantay ang dalawa habang nakabalanse ito at iyuko ang iyong ulo sa harap nito. Pangatlo, gawin mong ekis ang iyong paa at dahan dahang umupo habang nakabalanse ang iyong mga kamay, ulo at iyong katawan. Pang-apat, pagkatapos mong umupo habang nakabalanse ang iyong katawan kailangan mong yumuko at pagkatapos ay dahan dahang tumayo habang nakabalanse pa rin at muling iyuko ng kaunti ang iyong ulo habang nakatayo"
"Shall we start now?" Kagaya ng ginawa ko kanina ay tumango lang ako bilang pagsang-ayon na magsisimula na kami, matagumpay kong nagawa ang dalawang steps samantalang pagdating ko sa pangatlong steps ay agad akong nawawalan ng balanse
"Balik"
*bbblllaaaggg*
"Balik"
*bbblllaaaggg*
"Focus, Mahal na Prinsesa focus"
"Balik"
*bbblllaaaggg*
"Balik"
*bbblllaaaggg*
"Balik"
*bbblllaaaggg*
"Kaya mo iyan, Mahal na Prinsesa"
"Balik"
*bbblllaaaggg*
"Balik"
*bbblllaaaggg*
"Balik"
*bbblllaaaggg*
"Balik"
*bbblllaaaggg*
*clap* *clap* *clap* *clap* *clap*
"Magaling "
"Ngayon, narito sa iyong harapan ang mga pagkain tuturuan kita kung paano kumain ng may tamang etiquette"
*tick tick tick*
"O, kaunti lang ang kunin mo"
"Balik"
*tick tick tick*
"Alam mo na"
"Balik"
*tick tick tick*
"Balik"
*tick tick tick*
"Balik"
*tick tick tick*
"Balik"
*tick tick tick*
"Balik"
*tick tick tick*
"Balik"
*tick tick tick*
"Balik"
*tick tick tick*
*clap* *clap* *clap* *clap* *clap*
"Magaling, magpahinga muna kayo ng sandali Mahal na Prinsesa mamaya'y ipagpapatuloy natin ang iyong pagsasanay"
"Maraming salamat Punong Rekomelando" pagkatapos kong magbigay galang sa kanya ay agad akong naglakad patungo sa isang bench na nakita ko kanina bago kami nakarating sa silid kung saan ako nagsasanay
haayysss...
* Umupo na parang isang Reyna...
* Kumain na parang isang Reyna...
* Kumilos na parang isang Reyna...
* Makipag-usap na parang isang Reyna...
Lahat nalang parang isang Reyna
*heavy sigh* nakakapagod, ni hindi ko nga magawa nang maayos ang lahat ng first lesson namin eh paano ba naman kasi ako na nga yata ang reyna ng mga kapalpakan *sigh*
Aalis na sana ako sa pwesto ko ng may narinig akong naglalakad
Paglingon ko isang batang lalaki na ka edad ko lang ang nakita ko, siguro isa siyang prinsipe
"H-hello" bati niya sa akin habang winawagayway ang kanyang kanang kamay sa akin
"Hello rin sayo" ani ko rin sa kanya
"Ako si Landrieu ikaw?" pakilala niya sa akin
"Ahh, ako? Ako si Zhameia" pakilala ko rin sakanya
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba ikaw ang tinuturuan ng papa ko, ang susunod na magiging Reyna?" papa niya si Punong Rekomelando?
"Huh? Pa-papa mo si Punong Rekomelando?"
"Oo, hindi ba halata"
"Ahh, ehh hehehe"
"Mahal na Prinsesa, nandiyan lang pala kayo kanina pa ako naghahanap sa'yo halika na't magsisimula na tayo sa pangalawang lesson mo. At ikaw naman Landrieu umuwi ka na sa atin baka hinahanap kana ng mama mo" narinig kong sigaw ng kanang kamay ni mama sa may di kalayuan
"Ah ehh papa, pwede po ba akong makikinig sa mga lessons niyo?" narinig kong pakiusap niya kay Punong Rekomelando
"Hindi pwede Landrieu, not unless ikaw ang mapapangasawa ni Princess Zhameia at malabong mangyari iyon dahil wala tayo sa Royal Bloodline kaya sige na bumalik kana sa atin"
"Pero papa~~"
"Wala ng pero pero pa bumalik kana Landrieu"
"Sa-sabi ko na nga po, bye bye Zhameia" paalam niya sa akin
"Bye bye Landrieu" paalam ko rin sa kanya habang winawagayway ang aking kaliwang kamay
"Anong sinabi mo Landrieu? Dapat mo siyang igalang dahil isa siyang Prinsesa kaya bakit Zhameia lang ang tawag mo sakanya huh Landrieu?" ang galit na galit na tanong ng kanyang ama sa kanya
"Sumagot ka dahil tinatanong kita! Nakikinig ka ba talaga huh Landrieu?!" ang muli na namang sigaw nito kaya naman inunahan ko na siyang magsalita
"Ahh ehh P-punong Rekomelando, a-ako po ang nagsabi sa kanya na huwag ako tawaging Prinsesa dahil magkaibigan kaming dalawa"
"Haayysss, kung ganoon bumalik na tayo sa loob at magsimula na, at kung gusto mo ring makinig sa lessons namin Landrieu makinig ka lang at huwag gumawa ng mga hindi kaaya-ayang bagay lalo na sa harap ng Prinsesa, nagkakaintindihan ba tayo?" haayysss mabuti naman
"Opo papa"
Matapos ang nangyari ay sabay kaming tatlo na pumasok sa loob ng training room
~Landrieu Sibyla~183Please respect copyright.PENANAiBNJHjqrLu
Point Of View
Wow! Ang ganda ng palasyo nila. Ano kaya ang hitsura ng Prinsesa? Hhmmnnn...
Pa simple lang akong naglalakad dito sa kanilang palasyo at tinitignan ang mga magagandang disenyo dito hanggang sa hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa ipinagbabawal na lugar. Ang lugar kung saan nagsasanay ang mga Crowned Prince at Crowned Princess, siguro nandito rin ngayon ang Prinsesa
Aalis na sana ako kaya lang may nag-uudyok sa akin na pumasok sa loob hanggang sa namalayan ko nalang ang aking sarili na naglalakad na rito, habang naglalakad ako ay may nakita akong isang babae sa di kalayuan nakaupo ito sa isang bench habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri sa kamay
Aalis na sana ako ng bigla itong tumayo at lumingon sa kinaroroonan ko
"H-hello" bati ko sa kanya habang winawagayway ang aking kanang kamay
"Hello rin sayo" ang ganda ng boses niya, siya siguro ang Prinsesa
"Ako si Landrieu ikaw?" pakilala ko naman sa kanya
"Ahh, ako? Ako si Zhameia" ang ganda ng pangalan niya Zhameia
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba ikaw ang tinuturuan ng papa ko, ang susunod na magiging Reyna?"
"Huh? Pa-papa mo si Punong Rekomelando?"
"Oo, hindi ba halata"
"Ahh, ehh hehehe"
"Mahal na Prinsesa, nandiyan lang pala kayo kanina pa ako naghahanap sa'yo halika na't magsisimula na tayo sa pangalawang lesson mo. At ikaw naman Landrieu umuwi ka na sa atin baka hinahanap kana ng mama mo" narinig kung sigaw ni papa sa may di kalayuan
"Ah ehh papa, pwede po ba akong makikinig sa mga lessons niyo?" sana payagan mo ko papa, please...
"Hindi pwede Landrieu, not unless ikaw ang mapapangasawa ni Princess Zhameia at malabong mangyari iyon dahil wala tayo sa Royal Bloodline kaya sige na bumalik kana sa atin"
"Pero papa~~"
"Wala ng pero pero pa bumalik kana Landrieu"
"Sa-sabi ko na nga po, bye bye Zhameia"
"Bye bye Landrieu" paalam niya sa akin habang winawagayway ang kanyang kaliwang kamay
"Anong sinabi mo Landrieu? Dapat mo siyang igalang dahil isa siyang Prinsesa kaya bakit Zhameia lang ang tawag mo sakanya huh Landrieu?" ang galit na galit na tanong ng aking ama
"Sumagot ka dahil tinatanong kita! Nakikinig ka ba talaga huh Landrieu?!" ang muli na namang sigaw nito sa akin, magsasalita na sana ako kaya lang naunahan ako ng Mahal na Prinsesa
"Ahh ehh P-punong Rekomelando, a-ako po ang nagsabi sa kanya na huwag ako tawaging Prinsesa dahil magkaibigan kaming dalawa"
"Haayysss, kung ganoon bumalik na tayo sa loob at magsimula na, at kung gusto mo ring makinig sa lessons namin Landrieu makinig ka lang at huwag gumawa ng mga hindi kaaya-ayang bagay lalo na sa harap ng Prinsesa, nagkakaintindihan ba tayo?" mabuti nalang talaga at tinulungan niya ako kanina
"Opo papa"
Matapos ang nangyari ay sabay kaming tatlo na pumasok sa loob ng training room dito sa kanilang palasyo