~Sharmyst Salcedo~144Please respect copyright.PENANAF2mBDH3yDd
Point Of View
Pasimple akong lumabas ng palasyo at tumingin tingin sa palibot para maging alerto ako kung sakali mang may sumusunod sa akin, nang maging kampante na ako sa palibot ay agad kong pinuntahan ang lugar kung saan kami magkikita ni Yhebo ang pinagkakatiwalaang personal bodyguard ngayon ng Mahal na Prinsesa. Nang makita ko siya ay agad kong ibinigay sa kanya ang sobre na naglalaman ng mga nalalaman ko sa aking pag-iispiya sa nagpapanggap na Prinsesa agad naman niya itong inilagay sa kanyang damit
"Yhebo, iparating mo sa tunay na Zhameia ang letter na ito, naglalaman ito ng mga bagay na nais niyang malaman mula sa pag-iispiya ko sa nagpapanggap na Prinsesa"
"Maraming salamat sa pag-iispiya sa kanya, mag-iingat ka palagi rito Sharmyst nais ng tunay na Prinsesa na bumalik ka sa kanya na kumpleto"
"Walang anuman, para kay Zhameia gagawin ko ang lahat kahit kapalit nito ang buhay ko. Mag-iingat ka rin sa pagbalik Yhebo, alagaan mo ang Mahal na Prinsesa habang wala ako sa tabi niya"
"Makaka-asa ka sa akin Sharmyst, paano ba yan lumalalim na ang gabi kailangan ko ng umalis at bumalik sa tunay na Prinsesa at bumalik ka na rin doon baka hinahanap kana ng nagpapanggap na Prinsesa ng Palasyo huwag mo rin palang kalimutan alamin ang may pakana ng lahat ng ito, magkita nalang tayong muli pag may bagong utos ang Mahal na Prinsesa isa pa kailangan pa niyang magpaggaling at magpalakas dulot ng nangyaring aksidente noong Annual Festival, bantayan mo ring maigi ang anak ng Punong Rekomelando lalo pa't siya lang ang nag-iisang minamahal ng tunay na Prinsesa Zhameia"
"Makaka-asa ka sa akin Yhebo"
Pinauna ko munang umalis si Yhebo bago ako pumasok sa loob ng Palasyo para masigurado kong nakaalis siya ng matiwasay at maihatid sa Mahal na Prinsesa ang mahalagang letter na nakapaloob sa sobre na iyon. Nang makaalis na siya'y agad na rin akong bumalik sa loob ng Palasyo at pasimpleng bumalik sa Chamber ng nagpapanggap na Prinsesa, mabuti na lang talaga at walang nakakita sa akin kanina.
~Elisha Vallejo~144Please respect copyright.PENANAAm1Z6NohZp
Point Of View
"Mahal na Reyna Elisha, narito ang Punong Rekomelando"
"Papasukin mo"
"Mahal na Reyna"
"May nakuha ka bang impormasyon Rekomelando?"
"Tama po ang hinala niyo Mahal na Reyna"
"Pa-paano mo naman nasabi iyon Rekomelando?"
"Habang nag lalakad lakad ako sa loob ng palasyo upang magbantay ay nakita ko si Sharmyst na lumabas ng palasyo kaya naman ay sinundan ko ito at nakita ko siyang may kausap na lalaki"
*Flashback*
Habang nagbabantay ako sa palibot ng Palasyo ay nakita kong lumabas ang dating katulong ng Mahal na Prinsesa kaya naman ay pasimple ko itong sinundan, nakita kong tumitingin tingin sa palibot si Sharmyst kaya naman dali dali akong nagtago at ng makampante na siya ay dahan dahan kung tinignan ang bawat kilos na ginagawa niya hanggang sa may lumapit sa kanyang isang lalaki at may ibinigay si Sharmyst dito na isang sobre na agad rin namang tinanggap ng lalaki at itinago sa loob ng damit niya, mula sa malayo ay rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nilang dalawa
"Yhebo, iparating mo sa tunay na Zhameia ang letter na ito, naglalaman ito ng mga bagay na nais niyang malaman mula sa pag-iispiya ko sa nagpapanggap na Prinsesa"
"Maraming salamat sa pag-iispiya sa kanya, mag-iingat ka palagi rito Sharmyst nais ng tunay na Prinsesa na bumalik ka sa kanya na kumpleto"
"Walang anuman, para kay Zhameia gagawin ko ang lahat kahit kapalit nito ang buhay ko. Mag-iingat ka rin sa pagbalik Yhebo, alagaan mo ang Mahal na Prinsesa habang wala ako sa tabi niya"
"Makaka-asa ka sa akin Sharmyst, paano ba yan lumalalim na ang gabi kailangan ko ng umalis at bumalik sa tunay na Prinsesa at bumalik ka na rin doon baka hinahanap kana ng nagpapanggap na Prinsesa ng Palasyo huwag mo rin palang kalimutan alamin ang may pakana ng lahat ng ito, magkita nalang tayong muli pag may bagong utos ang Mahal na Prinsesa isa pa kailangan pa niyang magpaggaling at magpalakas dulot ng nangyaring aksidente noong Annual Festival, bantayan mo ring maigi ang anak ng Punong Rekomelando lalo pa't siya lang ang nag-iisang minamahal ng tunay na Prinsesa Zhameia"
"Makaka-asa ka sa akin Yhebo"
Nang umalis na ang lalaki at bumalik na si Sharmyst sa loob ng Palasyo ay dali dali rin akong bumalik sa loob ng Palasyo para ipaalam sa iyo ang mga nalalaman ko
*End Of Flashback*
"Ibig mong sabihin, sinadya ang nangyaring kaguluhan noon sa Annual Festival para mawala sa landas nila ang aking tagapagmana at gumawa sila ng paraan para magpanggap ang anak nila bilang tagapagmana ko at angkinin ang buong palasyo"
"Mukhang ganoon na nga po Mahal na Reyna"
"Kung ganoon buhay pa ang tunay kong tagapagmana at inaalam niya ang may pakana sa lahat ng kaguluhang ito"
"Ganoon na nga po Mahal na Reyna"
"Mukhang lumalalim na ang nararamdaman ng anak ko sa iyong anak Punong Rekomelando"
"Mahal na Reyna"
"Huwag kang mag-aalala Rekomelando kung ano man ang desisyon ng anak ko at anak mo ay wala na tayong magagawa pa, ngayon pa lang ay welcome ka na sa aming pamilya wala rin namang saysay kung magkakaroon pa tayo ng pagpipili para magiging Hari niya gayong may iniibig na pala ang aking tagapagmana ng trono"
"I-ibig niyong sa-sabihin Ma-mahal na Reyna ay pi-pinapayagan niyo a-ang aking unico hijo bilang ma-mapapangasawa ng i-i-iyong anak"
"Ganoon na nga, huwag kang mag-aalala kung hindi kasali sa Royal Bloodline ang iyong pamilya dahil wala rin namang saysay kung isang Prinsipe ang mapapangasawa niya gayong hindi naman niya ito minamahal, masisira lang ang estado ng ating Kaharian pag nangyari iyon. Sa ngayon ang kailangan nating gawin ay sakyan ang plano ng kalaban pero dapat ay mag-iingat pa rin tayo"
"Naiintindihan ko na po Mahal na Reyna. Para sa buong mamamayan kailangan tayo ang magtagumpay at hindi sila"
"Dapat lang Rekomelando, magpahinga ka na muna at kakailanganin nating maghanda sa mga susunod pang mangyayari simula bukas"
"Mauna na po ako Mahal na Reyna Elisha"
"Mag-iingat ka lagi Punong Rekomelando"
"Maraming salamat sa iyong pag-aalala Mahal na Reyna"
"Walang anuman iyon Punong Rekomelando, ginagawa ko lamang ang tungkulin ko bilang isang Reyna ng Kaharian at Ina ng buong mamamayan"