~Elisha Vallejo~141Please respect copyright.PENANA0PMBhAwM3x
Point Of View
"Mahal na Reyna, nagkakagulo na po ngayon sa bayan kung saan nagaganap ang Annual Festival"
"Ano?! Paano nangyari iyon? At nasaan ang aking Prinsesa Zhameia? Hanapin niyo siya, hindi maaaring mawalan tayo ng tagapagmana sa trono"
"Masusunod po Mahal na Reyna"
Hindi! Hindi maaari! Yung anak ko!
"Mahal na Reyna, nakita po naming mag-isa nalang ang anak ni Punong Rekomelando sa isang sakayan at wala ng malay, marami rin pong tama ng mga baril ang kanilang sinasakyan at may mga dugo rin ito"
"Hindi pwedeng mangyari ito! Hanapin niyo ang anak ko!"
kinabukasan...
"Mahal na Reyna, wala po kaming nakitang bangkay ng Mahal na Prinsesa marahil ay napadpad ito sa kabilang Isla o di kaya'y wala na ang Prinsesa"
"Hindi maaari! Kung kailangan magpadala ng mga tauhan para pumunta sa ibang karatig bayan natin at sa mga kalapit nating Isla ay gawin ninyo"
"Pero Mahal na Reyna, hindi ba't~~~"
"Wala ng pero pero pa, gawin ninyo ang lahat para maibalik dito sa palasyo ang Prinsesa"
"Masusunod po Mahal na Reyna"
Kung hindi pa rin mahahanap ang aking Mahal na Prinsesa Zhameia ay mapipilitan akong sundin ang napag-usapan noon mahigit sampung taon na ang nakakaraan
*Flashback*
10 years Ago...
"Pinapatawag ko kayong lahat para ipaalam sa inyo na napagdesisyonan na namin na sa oras na bawian ng buhay ang ating tagapagmana, ang kanyang kanang kamay ang siyang awtomatikong susunod na magiging Reyna." ang pinal na desisyon ng kanilang kasalukuyang Hari
"Kung iyon nga ang pinal ninyong desisyon Mahal na Hari ay wala na kaming magagawa pa." ang sabay na sagot ng kanyang nasasakupan sabay yuko nito bilang paggalang sa nakakataas sa kanila
"Salamat sa inyong suporta, natitiyak kung hinding-hindi kayo magsisisi sapagkat sa oras na tumuntong sila sa pitong taong gulang ay magsisimula na ang kanilang pagsasanay bilang mga tagapagmana sa kani-kanilang lahi. At dito nagtatapos ang ating pagpupulong, paalam sa inyong lahat maaari na kayong bumalik sa kanya kanya ninyong gawain."
Muli ay agad na naman silang yumuko bilang paggalang sa kanilang kasalukuyang Hari at agad naman silang bumalik sa kani-kanilang mga gawain
*End of Flashback*
"Nawa'y nasa mabuting kalagayan ang ating anak Hernando"
~Minister of Justice Berkshiremnes~141Please respect copyright.PENANAHemOVPV221
Point Of View
"Kamusta ang operasyon niya?"
"Huwag po kayong mag-aalala, tagumpay ang kanyang operasyon maaari niyo na ho siyang makita sa kanyang kwarto"
"Maraming Salamat"
"Walang Anuman ho"
Huh! Ahahaha Ahahaha Ahahahaha Ahahahaha Ahahahaha Ahahahaha
Agad akong pumasok sa kwarto kung nasaan siya
Pagpasok ko pa lang ay manghang mangha na ako, kamukhang kamukha na niya ang kanilang Mahal na Prinsesa
"Huh! Ahahaha Ahahahaha Ahahahaha Ahahahaha Ahahahaha Ahahahaha"
"Bukas na bukas, ay kailangan mo ng magpakita sa kanila at para na rin simulan ang iyong pagpapanggap bilang kanilang Mahal na Prinsesa"
"Masusunod po, Kamahalan"
"Magaling, narito ang mga kailangan mong pag-aralan para na rin hindi sila magdududa na hindi ikaw ang kanilang Mahal na Prinsesa"
~Third Person~141Please respect copyright.PENANAhXobRZJPmB
Point Of View
kinabukasan...
Habang nagkaroon ng pagpupulong ang lahat tungkol sa napag-usapan noon mahigit sampung taon na ang nakakaraan ay bigla bigla nalang pumasok ang isang kawal at agad na isiniwalat ang magandang balita
"Mahal na Reyna! Nakita na po namin ang Mahal na Prinsesa Zhameia"
"Ano?! Aba'y ehh isang magandang balita iyan. Ano pa ba ang mga hinihintay natin? Halina't puntahan na natin ang Mahal na Prinsesa"
Masayang masaya na sana si Perkomendum ng maalala ng Mahal na Reyna ang napag-usapan nila noon kung hindi lang sana dumating ang kawal kanina pero masaya naman siya at nakabalik na ang kanilang Mahal na Prinsesa Zhameia samantalang hindi naman mapagsidlan ang saya ng isa nilang kasapi matapos marinig ang sinabi ng kawal kanina
Nang makarating sila ay agad na niyakap ng Mahal na Reyna ang kanyang nag-iisang tagapagmana
Sa kabilang banda naman ay nakita ng mag-asawang Yente ang totoong Prinsesa na palutang lutang sa Isla at agad nila itong tinulungan
~Zhameia Vallejo~141Please respect copyright.PENANAfMKKP2imrm
Point Of View
the next day...
"Mahal na Prinsesa, nakahanda na po ang iyong sasakyan pabalik sa palasyo"
"Nagbago ng isip ko, alamin mo kung ano ang nangyayari ngayon sa Palasyo"
"Masusunod po Mahal na Prinsesa"
"Mahal na Prinsesa narito na ang dating ninyong katulong"
"Papasukin mo"
"Ma-mahal na P-p-prinsesa? Pa-paanong?"
"Bakit parang nakakita ka ng isang multo?"
"Pa-patawarin niyo po ako Mahal na Prinsesa, may nagpapanggap po kasi na kayo at kababalik lang nito sa Palasyo"
"Kung gayon tama nga ang hinala ko, nais kung bumalik ka doon at manilbihan sa kanya alamin mo rin kung sino ang nasa likod nito"
"Masusunod po Mahal na Prinsesa"
"At huwag mo rin ipagkalat na hindi siya ang tunay na Prinsesa"
"Ma-masusunod po Mahal na Prinsesa Zhameia"
~Sharmyst Salcedo~141Please respect copyright.PENANArH94u5yaHh
Point Of View
"Mahal na Prinsesa ako po ito si Sharmyst"
"Come in"
"Nakahanda na po ang iyong susuotin mamaya sa inyong pagsasanay"
"Maraming Salamat"
"Mahal na Prinsesa narito po ang Mahal na Reyna"
"Let her in"
"Mama, naparito po kayo. Bakit po?"
"Anak, gusto lang kitang makita hindi ko kakayanin kapag nawala ka pang muli sa akin"
"Mama, hindi na po ako mawawala muli sa inyo"
"Sana nga anak"
"Nagbalik ka pala Sharmyst"
"Mahal na Reyna, narito po ako para muling pagsilbihan ang Mahal na Prinsesa"
"Mabuti naman kung ganoon"
"Halina't magtungo na tayo sa lugar ng iyong pagsasanayan ngayon"
"Sige po Mama"
~Elisha Vallejo~141Please respect copyright.PENANAAzqsZuHron
Point Of View
Mama? Bakit ganoon na ang tawag niya sa akin? At bakit pakiramdam ko'y ibang babae na ang nasa harapan ko ngayon? Ni hindi ko manlang maramdaman ang pintig ng isang ina para sa kanyang anak, dapat malaman ko kung ano ba talaga ang tunay na nangyayari
"Narito na ang Mahal na Reyna Elisha at Mahal na Prinsesa Zha"
Pasimple kong sininyasan ang guwardiyang nakabantay dito kaya't hindi niya natapos ang kanyang sinabi
Agad naman nilang binuksan ang pintuan at agad kaming pumasok, napansin kung aalis na sana ang dating katulong na si Sharmyst ng sininyasan ko siya kaya naman ay sumama na rin siya sa amin papasok sa loob
"Mama, hindi ba't bawal ang katulong na pumasok rito?"
"Anak, nakalimutan mo na ba? Lagi mong sinasama si Sharmyst dati kung saan ka man magtungo"
"Oo nga pala muntik ko ng makalimutan iyon mama"
Huh! Tignan natin kung hanggang saan ang kakayanin ng pagpapanggap mo
"Mahal na Reyna" napansin ko ang pagtataka sa mukha ni Punong Rekomelando kung bakit ako nandito agad ko naman siyang sininyasan at agad naman niya itong nakuha
Habang nagsasanay siya ay napapansin kong marami na siyang alam samantalang ang tunay kong anak ay puro kalokohan lamang ang alam, ang kanyang mga kilos ay ibang-iba rin kay Zhameia maging ang mga tawag niya sa ibang tauhan dito sa loob ng palasyo ay ibang iba rin at pansin ko rin ang pagiging close nila ng Minister of Justice samantalang dati ay takot na takot siyang lumapit dito
"Hanggang dito nalang muna ang ating pagsasanay Mahal na Prinsesa"
"Maraming Salamat Punong Rekomelando"
"Mama, kung iyong pahihintulutan pwede po ba akong maunang lumabas dito sa silid at ng ako'y makalanghap ng preskong hangin"
"Sige anak"
Nang makita kong nakalabas na siya'y agad kong kinausap ang dalawa
"Sharmyst"
"Ma-mahal na Reyna"
"May nalalaman ka ba sa nangyayari ngayon?"
"A-ano po ang i-ibig niyong sa-sabihin Ma-mahal na Reyna?"
"Hindi mo ba napapansin ang pagbabago ni Zhameia?" napansin ko ang pagkabigla niya sa aking tanong mukhang may alam nga siya at marahil ay kasabwat niya ang nagpapanggap na iyon
"Ba-baka naman ay da-dahil sa na-nangyaring aksidente kaya nagbago siya Ma-mahal na Reyna"
"Ano sa tingin mo Punong Rekomelando? Marahil ay tama ang sinabi niya Mahal na Reyna isa pa't si Sharmyst rin naman ang kasakasama noon ng Mahal na Prinsesa"
"Siguro nga'y tama kayo, nanibago lang siguro ako sa inaakto niya ngayon"
"Sundan mo na ang Mahal na Prinsesa, Sharmyst baka hinahanap kana niya"
"Mauna na po ako sainyo Mahal na Reyna, Punong Rekomelando"
"Punong Rekomelando, mamayang gabi nais kung sundan mo ang Sharmyst na iyon, baka may makuha tayong impormasyon kung sino ang nasa likod nito at kung nasaan ang tunay kong tagapagmana"
"Masusunod po Mahal na Reyna, napapansin ko rin na mukhang sinanay na siya bago pa siya nakarating dito at nagpapanggap bilang si Zhameia"
"Napapansin mo rin pala iyon, sa tingin mo kakampi kaya niya si Sharmyst"
"Marahil ay hindi niya kakampi ang dating katulong niya na si Sharmyst dahil bakas rin sa mukha nito ang pagtataka sa mga ikinikilos ng nagpapanggap na Zhameia"
"Kung gayon ay kailangan nating manmanan ang dalawa, marahil ay alam ni Sharmyst kung nasaan ang anak ko"
ns 15.158.61.20da2