~Zhameia Vallejo~183Please respect copyright.PENANAuS3UtQ4z02
Point Of View
kinabukasan...
"Mahal na Prinsesa nagbalik na po si Yhebo"
"Papasukin mo"
"Mahal na Prinsesa, narito na po ang sobre na naglalaman ng mga nalalaman ni Sharmyst mula sa kanyang pag-iispiya sa nagpapanggap na Prinsesa"
Agad ko namang binuksan ang sobre na ibinigay niya at kinuha ang sulat na nakapaloob dito atsaka ito binasa
"Kung ganoon tama nga ang hinala ko, sinadya nga nila ang nangyaring kaguluhan noon sa Annual Festival para mawala ako sa kanilang landas at ipalit ang kanyang anak sa aking trono na ngayon ay nagpapanggap na bilang ako"
"Mahal na Prinsesa, napag-alam ko rin po na may nangyaring kasunduan noon na kapag namatay ang kanilang tagapagmana which is kayo po Mahal na Prinsesa ay awtomatikong ang iyong kanang kamay ang susunod na papalit sa iyong trono which is Lady Yen ang anak ni Perkomendum"
"Kung ganoon, bakit nakikisali ang Berkshiremnes na iyon?!"
"Huminahon po kayo Mahal na Prinsesa, nais ng kasalukuyang Minister of Justice na kunin ang parte niya sa Palasyo, ang iyong ama na si Haring Hernando at si Berkshiremnes ay magkapatid sa kanilang ama. Ang iyong ama na si Haring Hernando ay anak lamang ng isang concubine at si Berkshiremnes ang anak ng Reyna noon. Ang alam ni Haring Hermondo noon ay hindi makapagbibigay ng anak ang kanyang Reyna na si Miondress kaya napilitan itong maghanap ng isang concubine. Ang concubine na iyon ay walang iba kundi ang dating iniibig ng Haring Hermondo na si Zhafina, dahil sa ipinagbabawal ang pag-iisang dibdib ng normal na mamamayan at ng isang nagmula sa Royal Bloodline ay napilitan ang dalawa na maghiwalay. Nagbunga ang kanilang pagsisiping at iyon ay si Haring Hernando ang iyong ama, sanggol palang ang iyong ama ay ipinaalam na sa lahat na ang iyong ama ang magiging tagapagmana ng kanyang trono. Sa labis na sakit na naramdaman ng kanyang Reyna na si Miondress ay ginawa nito ang lahat para mabuntis lamang, nang gabing mahimbing na natutulog ang iyong Lolo na si Haring Hermondo ay ginapang ito ni Miondress kahit na ipinagbabawal ang pagsasama sa iisang kwarto ang Hari at Reyna at nagbunga ito at iyon ay si Berkshiremnes ang kasalukuyang Minister of Justice ng Palasyo. Nagulat ang lahat sa ibinalita ng Reyna noon na buntis ito ngunit anuman ang masabi ng Hari noon ay pinal na at hindi na maaaring palitan pa o mabawi pa kaya naman habang lumalaki ang dalawa ay ang anak ng concubine ang itinuturing na Prinsipe at ang anak ng Reyna noon ay lumaki ng may nararamdamang galit sa iyong ama. Nang mamatay si Haring Hermondo ay awtomatikong ang iyong ama ang naging Hari ng Palasyo at dahil sa huling habilin ni Haring Hermondo na gawing Minister of Justice ang kanyang kapatid na si Berkshiremnes ay tinupad niya ito, dahil hindi nakayanan ng Reyna noon ang mga nangyayari ay nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pag-inom ng lason dahil doon lumaki ang nararamdamang galit at inggit ni Berkshiremnes sa iyong ama, at nadagdagan pa ito ng malamang ikakasal na ang babaeng iniibig niya sa iyong ama at mas lalo ring nadagdagan ito ng malaman niyang nagbunga ang kanilang pagsasama which kayo po Mahal na Prinsesa Zhameia. At ang nangyaring pagpaslang sa iyong ama nalaman ko rin na ang Minister of Justice na si Berkshiremnes ang nagpapatay sa kanya, hindi lumaban ang iyong ama dahil para sa kanya kapag nawala na siya sa mundo ay saka lamang makakampante si Berkshiremnes at nangyari nga ito. Yun nga lang ay binalak ni Berkshiremnes na palitan ang trono ng iyong ama kaya lang mahigpit na binilin ng iyong ina na kailanman hindi na siya mag-aasawa pang muli at ang magiging iniibig ng kanilang tagapagmana ang siyang magiging susunod na Hari at ang lahat ng mga nakarinig sa sinabi ng iyong ina ay hindi na tumutol pa kaya naman napilitang maghanap ng isang babae si Berkshiremnes na makapagbibigay sa kanya ng anak na babae at saka lamang niya papatayin ang tagapagmana ng trono ng iyong ama at ina which is kayo po Mahal na Prinsesa Zhameia"
"Bakit parang kasalanan ko pa Yhebo? Sana pala hindi na nalang ako nabuhay"
"Huwag niyo pong sisisihin ang sarili ninyo Mahal na Prinsesa"
"Pero kung hindi dahil sa Lola at Papa ko hindi mangyayari ang lahat ng ito, at hindi rin ako mabubuhay sa mundong ito"
"Mahal na Prinsesa, biktima lamang kayo at wala rin namang may gusto sa mga nangyayari ngayon"
"Ano bang dapat kung gawin Yhebo para ma itama ang lahat ng mga nangyayari ngayon?"
"Ang gawin ang nararapat Mahal na Prinsesa, isa pa't malaki ang kasalanang nagawa nila. Hindi mamamatay ang iyong Lolo Hermondo kung hindi ito pinatay ng dating Reyna Miondress at hindi rin mamamatay ang iyong ama kung hindi ito pinatay ng iyong tiyuhin na si Berkshiremnes at hindi ka rin mapupunta rito at mahihirapan kung hindi pinagtangkaan ang buhay ninyo Mahal na Prinsesa at ang iniibig ninyo na si Landrieu. At ang pagpapanggap ng anak ni Berkshiremnes na si Bershendice bilang ikaw ay isa ring malaking kasalanan, talagang nilamon na sila ng kanilang galit at kasakiman at kung magpapatuloy pa iyon Mahal na Prinsesa ay masisira lamang ang estado ng Kaharian at magiging kawawa lang ang mga mamamayan kapag sila ang nagtagumpay sa larong ito"
~Landrieu Sibyla~183Please respect copyright.PENANAvupsuYysjs
Point Of View
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?" napansin ko ang panginginig ng kanyang mga kamay
"Huwag mo nga akong hawakan! Atsaka pwede ba, lahat ng tao nagbabago kaya huwag ka ngang gumawa ng issue sa akin tsskk"
"Mahal na Prinsesa nandiyan lang pala kayo"
"Good thing you're here Sharmyst, umalis na nga tayo rito nasisira lang ang mood ko tsskk"
Pasimple kong sinundan ang dalawa at naririnig ko sa malayo ang mga pinag-uusapan nila
"Puntahan mo si Mama at ibigay mo sakanya ito" nakita kong may ibinigay siyang isang maliit na botelya na agad namang tinanggap ni Sharmyst dapat malaman ko ang laman ng botelyang iyon
"Masusunod po Mahal na Prinsesa"
Susundan ko na sana si Sharmyst ng makita kong hindi iyon ang daan patungo sa chamber ng Mahal na Reyna, nang tumigil ito sa paglalakad ay agad nitong pinatakan ang isang bulaklak at nakita kong unti-unting namamatay ang mga paruparu na dumadapo rito at agad niyang nasambit ang mga salitang hindi ko inaasahang maririnig iyon mula sa kanya
"La-lason! Lalasonin niya ang Ina ng Mahal na Prinsesa, kailangan malaman ito ng totoong Prinsesa ngayon din dapat ngayon pa lang ay makakabalik na siya sa Palasyo bago pa maghari ang nagpapanggap na Prinsesa at ang ama nito na si Berkshiremnes!"
"I-ibig sabihin? Hindi iyon ang tunay na Prinsesa kailangan malaman ito ni Ama at ng Mahal na Reyna"
~Elisha Vallejo~183Please respect copyright.PENANArzkWkcXYZU
Point Of View
"Mahal na Reyna narito po ang anak ni Punong Rekomelando"
"A-anong ginagawa ng iyong anak dito Rekomelando?"
"H-hindi ko rin alam Mahal na Reyna"
"Papasukin mo"
"Mahal na Reyna may dapat po kayong malaman tungkol sa Prinsesa"
"A-anong ibig mong sabihin?"
*Flashback*
Matagal ko ng pinagdududahan ang bumalik na Prinsesa kaya naman hinarangan ko ito ng makita ko siyang naglalakad mag-isa at parang nababalisa agad ko siyang hinawakan ng mahigpit at agad na kinompronta
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?" napansin ko ang panginginig ng kanyang mga kamay matapos kong sabihin ang mga salitang iyon
"Huwag mo nga akong hawakan! Atsaka pwede ba, lahat ng tao nagbabago kaya huwag ka ngang gumawa ng issue sa akin tsskk"
"Mahal na Prinsesa nandiyan lang pala kayo"
"Good thing you're here Sharmyst, umalis na nga tayo rito nasisira lang ang mood ko tsskk"
Pasimple kong sinundan ang dalawa at naririnig ko sa malayo ang mga pinag-uusapan nila
"Puntahan mo si Mama at ibigay mo sakanya ito" nakita kong may ibinigay siyang isang maliit na botelya na agad namang tinanggap ni Sharmyst
"Masusunod po Mahal na Prinsesa"
Susundan ko na sana si Sharmyst ng makita kong hindi iyon ang daan patungo sa chamber ng Mahal na Reyna, nang tumigil ito sa paglalakad ay agad nitong pinatakan ang isang bulaklak at nakita kong unti-unting namamatay ang mga paruparu na dumadapo rito at agad niyang nasambit ang mga salitang hindi ko inaasahang maririnig iyon mula sa kanya
"La-lason! Lalasonin niya ang Ina ng Mahal na Prinsesa, kailangan malaman ito ng totoong Prinsesa ngayon din dapat ngayon pa lang ay makakabalik na siya sa Palasyo bago pa maghari ang nagpapanggap na Prinsesa at ang ama nito na si Berkshiremnes!"
Agad agad naman akong pumunta rito para ipaalam sa inyo ang mga nalalaman ko
*End of Flashback*
"Kung ganoon hindi nga siya ang tunay kong anak"
"Mahal na Reyna!"
"Mamayang gabi ipaalam niyo sa lahat na ipapasa ko na ang aking trono sa aking tagapagmana simula bukas, dapat malaman ito ni Sharmyst para maipaalam niya sa aking tunay na anak ang mga nangyayari ngayon"
"Masusunod po Mahal na Reyna"
~Bershendice Vallejo~183Please respect copyright.PENANAgcT4WRYmsu
Point Of View
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?"
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?"
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?"
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?"
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?"
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?"
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?"
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?"
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?"
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?"
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?"
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?"
"Nagbago ka na, ikaw nga ba talaga ang Prinsesa?"
"Hindi! Dapat malaman ito ni ama"
"Minister of Justice narito po ang Mahal na Prinsesa"
"Pa-papasukin mo"
"Anong ginagawa mo dito Bershendice?! Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag kang magpapadalosdalos sa mga ikinikilos mo, lalong lalo na ang pakikipagkita sa akin ng madalas dito!"
"Ama! Nagdududa na po sila sa akin, ano ng gagawin natin ngayon?"
"Huwag kang mag-aalala anak, magtatagumpay rin tayo sa huli at pag nangyari iyon mapapasaatin na rin ang Palasyong ito. Bwahahahahahahahaha!!!"
"Minister Of Justice narito po si Zerkhone"
"Kamahalan, ipinapaalam na sa lahat na bukas na bukas ay ipapasa na ng Mahal na Reyna ang kanyang trono sa kanyang tagapagmana"
"Huh! Bwahahahahahahahaha!!! Narinig mo ba iyon Bershendice, bukas na bukas ay kokoronahan ka na bilang isang Mahal na Reyna. Ibig sabihin lang nito ay tagumpay ang iyong pagpapanggap. Bwahahahahahahahaha!!! Bwahahahahahahahaha!!! Bwahahahahahahahaha!!!"
"Maghanda ka na, Mahal na Reyna Bershendice Bwahahahahahahahaha!!!"
"Bwahahahahahahahaha!!!"
"Bwahahahahahahahaha!!!"
"Bwahahahahahahahaha!!!"
"Bwahahahahahahahaha!!!"
"Bwahahahahahahahaha!!!"
"Bwahahahahahahahaha!!!"
~Zhameia Vallejo~183Please respect copyright.PENANA5tGvRoejyT
Point Of View
"Mahal na Prinsesa narito po si Yhebo"
"Papasukin mo"
"Mahal na Prinsesa, ipinararating ni Sharmyst na bukas na bukas ay kokoronahan na ang nagpapanggap na Prinsesa sa Palasyo, ipinararating rin niya na binigyan siya nito ng isang lason para lasonin ang iyong ina"
"Sumusobra na sila! Magsihanda na kayo, bukas na bukas ay dadalo tayo sa seremonyas nila"
"Masusunod po Mahal na Prinsesa"
ns 15.158.61.19da2