Parang ang daling pumili ng pulitiko.
Sobrang nega na ba kung nakaka-paranoid na pumili ng kandidato, hindi madaling sabihin na dapat may puso, may utak, kung kahit sino ang maupo sa pwesto ay walang kasiguruhan kung walang pansariling intention or lahat in favor sa kanya at sa lahat ng po-protektahan nya o ng mga taong pinagkakatiwalaan nya? Kung pakikinggan ba nya, babalansehin ang pro's and con's, kung anong magiging epekto pagkatapos ng ilang buwan o taon sa kung anuman ang pirmahan nyang batas, kung paano sya magiging handa sa mga sakuna o hindi inaasahang panibagong sakit na wala pang ma-imbentong lunas na hindi pansamantalang gamot o solusyon lang.
Ano nga ba ang kailangan natin para umunlad ang ating bansa? May alam sa economics? Hindi ibababa ang iba para sya lang ang aangat? May konsensya? Alam ang solusyong gagawin o pa-planuhin para hindi na maulit ang hindi magandang nangyari sa nakaraan? Mga pagkakamali at pagkukulang ng mga naunang naupo sa pwesto? May pagmamahal sa bansa? Gaano kalawak ang pang-unawa at pasensya para maisakatuparan ang lahat ng proyektong makakatulong para iangat ang ating bansa?