Kagabi, nakatanggap ako ng text galing kay Gab. Sabi niya, punta raw ako sa kanila para makapagpractice kami sa performance namin para sa YLF.
Tumakas lang ako sa bahay at sinigurado kong tulog pa si Papa nung umalis ako. Ayaw ko pa siyang kausapin.
Nagbike ako papunta kina Gab. Hindi naman malayo yung bahay nila sa amin eh. Napakaganda ng araw ngayon at ang simoy ng hangin, ang presko! Nakakalimutan ko tuloy problema ko kay Papa at yung Anne na yon.
Pagdating ko sa bahay nila Gab, nasa labas ang buong pamilya niya, nagpipicnic. Yung papa niya nagluluto ng barbecue. Yung mama naman at ate niya kumakain ng salad. Mga model kasi tong dalawa maliban kay Gab. Ewan ko ba sa kanya. Ang ganda naman ng katawan niya at sakto rin ang height pero mukhang ayaw niya talaga maging katulad ng ate at mama niya.
Teka nga, nasan ba si Gab?
Nilock ko muna ang bike ko at naglakad palapit sa kanila.
"Good morning pooo!" masaya kong bati sa lahat.
"Oh? Nandito pala ang ampon ko!" nasiglang tawag ng papa ni Gab at nagmano ako.
"Nak, gusto mo ng salad?" Tanong naman ng mama niya. Lumapit ako at nagmano rin sa kanya.
"Hindi na po. Kumain na ako." Sabi ko naman sa mama niya.
"Hoy ma! Wag mo ngang biktimahin yang si Chandria sa pagkain niyo ng dahon!" Sigaw ni Gab na palabas ng bahay nila, may dalang soda.
"Anong dahon? Salad to! Ikaw kasi lagi ka kang nagjujunk food at coke!" sabat naman ng ate nito.
"Ewan ko sayo! Tara sa loob, Chandria. Iwan natin tong mga baliw dito sa labas."
Biglang tumawa naman ang papa niya. Grabe, para lang silang magkabarkada lahat.
Hindi to first time na nakapunta ko sa bahay ni Gab pero hanggang ngayon, kapag pumapasok ako sa loob, na-aamaze pa rin talaga ako kung gaano kalinis dito. Nasanay kasi ako sa amin na puro kalat. Nagmana yata ako kay papa sa aspetong ito.
Sa basement ako dinala ni Gab. Nandito kasi lahat ng gamit na kakailanganin namin gaya ng mga musical instruments, at kung anu-ano pa. May snack bar pa nga dito eh.
Musically inclined kasi pamilya niya. Yung papa niya, drummer. Yung ate, pianist, yung mama niya, nagviviolin. At itong si Gab, guitar.
Umupo kaming dalawa sa sofa matapos kinuha ni Gab ang guitara niya. Inabot din niya sa akin ang lyrics.
"Ready ka na?" Nagsimula siyang nagstrum ng mga chords.
"Game!" sagot ko naman.
At yun na nga, nagpractice kami nang nagpractice ni Gab. In fairness ha, ang ganda ng lyrics ng kantang to. Yung gamit na chords ang ganda rin sa tenga, sakto lang sa boses ko yung pitch.
Pagkatapos ng mga dalawang round, nagbebreak kami. Nagchichika kami tungkol kay Jay, tungkol sa mga gwapong teachers ng school, at nakapagTiktok pa kami.
Nung lunch time, umakyat kami para kumain at pagkatapos ay bumalik na kami sa basement.
Nagpahinga kami ng mga ilang minuto at nagpractice ulit. Sa tingin ko perfect ang tandem namin ni Gab. Para talaga kaming isang banda.
After naming matapos, kumuha si Gab ng snacks para sa aming dalawa.
"Shet, para tayong professional na banda!" masiglang sabi nito at tumango naman ako para sumang-ayon.
Bigla akong may nakitang familiar na CD na nakapatong sa music player nila. Lumapit ako dito at kinuha ito.
"Oh my God, Gab! Ito daw yung kantang kinanta ni Mama nung nagkita sila ni papa for the first time!" shet, ba't bigla akong naexcite?
"Running After You by Matthew Mole?" basa niya nung inabot ko ang CD sa kanya. "Alam ko ang chords nito."
"Talaga? Subukan natin. Alam ko ang lyrics."
"Sabihin mo muna sa akin paano sila unang nagkita. Yung kasi yung mga favorite kong part sa nga love stories eh. Pleaseeeee?" pagpupumilit nito.
Umupo naman ako sa tabi niya at nagsimulang magkwento. Favorite ko rin kasi kwento kung paano nagkita sina Mama at Papa.
"So ganito yun. Sabi ni Papa, isang gabi nasa may dagat siya, nagpipinta ng project para sa finals nila. Pagkatapos, may biglang narinig siyang mala-anghel na boses. Sinundan niya ito at nakita si Mama sa may stage, kinakanta nga ang kantang yan."
"IHHHHH! Parang sa movies lang naman yan nagyayari eh! Pero nakakakilig ha!" komento ni Gab.
"Wait, di pa nga tapos eh." saway ko sa kanya at nagpatuloy. "Habang kumakanta daw si Mama, nakita niya si Papa at hanggang natapos ang kanta, kay Papa lang siya nakatingin. Yung para bang sila lang dalawa? Para daw nawala bigla yung mga tao sa paligid nila at silang dalawa lang ang mga tao sa mundo."
"Shet! Sana alllllll!" tili nito.
"So ayun na nga, pagkatapos nun, bumaba sa stage si Mama at inimbita siya ni Papa na magdinner sa may dagat. Ayun, hanggang nagsunrise daw, nag-usap sila. The rest is history." Pagtatapos ko.
"Besh! Sure ka bang nag-usap lang? Baka sa dagat ka ginawa!" nabatukan ko naman siya.
"Gaga! Hindi kaya makalat mama ko! First meeting pa nga yun eh. Wag masyadong advance!"
"Sorry naman! Naexcite lang! Pero Chandria, in fairness sa parents mo ha! Sobrang romantic naman nun."
"I know right! Sana mangyari rin sa akin yun."
"Soon, bes. Kalma! Lika kantahin natin to para pagkatapos, sa Jollibee tayo mag dinner libre ko!"
"Deaaaal! Sino ako para umayaw sa libre?" natawa kaming dalawa at nagsimula na.
Kinuha niya ang guitar at nagsimulang tumugtog. Ang ganda ng kantang to. No doubt nabighani ang Papa ko kay Mama. Hindi ko man alam kung kaboses ko ba talaga siya, pero pag kinakanta ko to, para bang naririnig ko siya?
"Grabe." yun ang unang sinabi ni Gab nung natapos na ang kanta. "Sure kang ayaw mong kantahin to sa YLF? Yung kantang to, parang ginawa para sa boses mo, Chandria!"
"Lol! Ayoko nga! Baka pag pinanuod lang ako ni Papa, iiyak yun. Ako pa yung mapapahiya. Ang pangit pa naman umiyak nun!"
"Ikaw bahala." nagkibit-balikat nalang siya. "Tara na sa Jollibee?" Yaya niya.
"Wait lang, tanong ko lang. Bakit ba ayaw mong magmodelo katulad ng mama at ate mo? Pasado ka naman ah?" curious kog tanong.
Sa isang wall kasi dito sa basement, puno ito ng mga modelling pictures ng mama at ate niya. May mga awards pang nakasabit.
"Nakita mo anong kinakain nila kanina? Besh, SALAD! Hindi ko kaya yun!"
"OA makareact ha? Nacurious lang ako! Tara gutom ka lang siguro. Sagot mo lahat ha!"
"Game! Kahit mag buffet pa tayo sa harap ng mama at ate ko eh!"
Nagtawanan kami at nagsimulang bumalik sa taas. Nung dumaan kami sa living room, mas nagtawanan kami nung nakita naming kumakain pa rin sila ng salad habang nanunuod ng mukbang sa TV.
Para tuloy kaming baliw sa mga mata ng pamilya ni Gab.
Hay, sana ganito nalang lagi.
Masaya at walang problema.352Please respect copyright.PENANAiGe17ful7C