Nang dumating na nga ang Saturday, maaga akong gumising at bumaba para magpaalam kay Papa. To be honest, hindi ko pa talaga alam anong sasabihin o kung paano sisimulan to pero bahala na.
Ngayon ko lang talaga napagdesisyunan na sabihin kay Papa kasi kung maaga akong magpaalam, baka mag-iba pa ang isip niya o kaya kakalimutan niyang pinayagan niya ako (kung papayag talaga siya).
Pagdating ko sa kusina, nakita ko naman agad si Anne. Nagbabasa siya ng newspaper habang si Papa naman naghahain ng rice at ham. Napapansin kong madalas na siya dito ah? Kulang nalang talaga dalhin niya ang buong gamit niya at dito na rin tumira.
"Good Morning." Bati ko sa kanila at naupo sa harap ni Anne.
"Hi, Chandria. Musta tulog mo?" tanong naman niya.
"Okay lang." sagot ko. Dapat mapasaya ko si Papa. Kung hindi, baka hindi ako payagan.
Biglang may notification ang messenger ko. Binuksan ko ito at galing pala kay Jay ang message:
"Excited na ako mamayang gabii."
Napangiti naman ako dun. Tapos may sinend siya na picture pero dahil ang bagal ng wifi namin, ang tagal nitong magload.
"Chandria, bawal ang cellphone dito." sabi ni dad. Kaya in-off ko nalang ang phone ko.
Bigla akong nagkaroon ng idea. Ramdam ko kasi, gustong magsleep over din tong si Anne kasi napansin ko ang malaki niyang bag sa living room kanina nung pababa ako nang hagdan kaya baka papayag si Papa na magsesleep over din ako para masolo nila ang isa't isa.
"Pa, pwede ba akong magsleepover kina Gab ngayong gabii?" paalam ko sa kanya.
"Sige ba." Kumunot naman ang noo ko. Parang ang bilis naman yata niyang pumayag. Mukhang gusto niya talaga masolo si Anne ngayon.
Gusto ko man mainis, masaya naman akong pumayag siya. Bahala silang dalawa magsaya, basta magsasaya rin ako.
Bigla kong naramdaman ang titig ni Anne. At nung lumingon ako sa kanya, tinignan niya ako na parang alam niya ang binabalak ko. Grabe, ang talino niya ah? Basang-basa niya talaga ako.
"Masarap ba yung ham?" tanong ko nalang sa kanya.
"Masarap na masarap." sabi niya at nag-ngitian kaming dalawa.
Para bang may sikreto kami na hindi namin ipapaalam kay Papa.
•••
"Sure ka ba talaga na magsesleep over ka sa kanila?" tanong ni Julia.
Panlimang beses na niya itong tinanong sa akin simula nang dumating ako sa kanila. Dito na kasi ako nagbihis para hindi isipin ni Papa na may party akong pupuntahan. Nakasimpleng off-shoulder dress ang ako at white shoes.
Ang paalam ko kay Papa, kina Gab ako pupunta kasi kung sasabihin kong kina Julia, sure akong mabubuking ako. Hindi kasi to marunong magsinungaling. Ang mature lang talaga niya.
"Oo nga, Julia. Magiging okay lang ang lahat. Wag kang mag-alala sa akin. Papa ko nga hindi na nagtanong pa." sabi ko sa kanya habang nagpapack ng bag ko.
Sa loob ng bag, may dala akong pajama, tootbrush, at iba't iba pang mga essentials. Nagdala na rin ako ng snacks.
"Syempre, hindi na magtatanong ang Papa mo kasi may tiwala siya kay Gab. Kapag nalaman niyang sa bahay ng lalaki ka magsesleep over, ibang storya na yun."
May point naman siya dun pero kung sasabihin ko ang totoo kay papa, baka ibang storya na rin yun at talagang hindi ako payagan.
"Ay basta, sige na tulungan mo nalang ako sa makeup ko. Yung light lang ha para natural." sabi ko sa kanya at umupo na sa harap niya.
Nagsimula siyang kilayan ako. "Ewan ko lang, Chandria. Ako yung natatakot para sayo eh. Simula pa lang nung una, ayaw ko na talaga kay Jay."
"Party lang naman ang pupuntahan ko. Hindi naman ako mangingibang bansa." biro ko.
Nagkibit-balikat nalang siya. Mukhang alam niyang hindi na talaga niya mababago ang isip ko.
"Tapos na." sabi niya pagkatapos ng ilang minuto.
Tinignan ko naman ang repleksyion ko sa salamin at natuwa sa resulta. Para namang walang binago si Julia. Inenhance lang niya kung anong meron na sa mukha ko.
"Thanks, Julia!" niyakap ko siya.
"No worries, wala naman akong kailangan gawin. Ang ganda mo na eh. Basta Gab ha. Pag may problema, tawag ka lang." Sabi nito.
Nitignan ko siyang mabuti at mukhang concern na concern talaga siya. Kinabahan tuloy ako bigla.
"Julia, hindi naman nakakatulong yang reaksyon mo eh!" reklamo ko sa kanya.
"Masisisi mo ba ako? Alangan naman na magcelebrate ako para sa kaibigan kong magoovernight sa bahay ng crush niyang ilang months lang niya nakilala para lang magkafirst kiss?" pagtapos niya itong sabihin, huminga siya ng malalalim. Naubusan yata ng hangin.
"Ewan ko sayo! Alis na ako!" Nagpaalam na ako sa kanya at nagsimulang naglakad. Malapit lang kasi ang bahay nila Julia sa bahay nila Jay.
Actually, 7pm pa. 8 magsastart ang party. Nabibigla nga ako sa sarili ko kasi lagi naman akong late sa klase pero sa isang party-slash-overnight, ang aga ko.
Gusto ko lang talaga umalis sa bahay nila Julia eh. Baka makumbinsi pa niya akong wag na lang talagang tumuloy sa party. Titig palang niya, naguguilty na ako sa pagsisinungaling ko kay Papa.
Dahan-dahan lang akong naglakad nang may park akong nakita. Napaupo muna ako sa may bench para pakalmahin tong puso ko. Ang bilis kasi ng tibok. Hindi mapakali. Parang ramdan din yata nito na ngayon ako magkakafirst kiss.
Hindi ko sure kong talagang handa na ako pero ang dami ko nang YouTube videos na napapanuod kaya sinasabi ko sa sarili kong, magiging maayos lang ang lahat.
Habang nakatutok lang ako sa mga makukulay na ilaw dito sa park para magpalipas ng oras, bigla akong kay natanggap na text galing kay Gab:
"Nagdidinner kami ni Diego ngayon. Grabe, ang hot niya pala magsurf?!"
Pagkatapos kong mabasa ito, may kung akong kirot akong naramdaman sa puso ko. Naiimagine ko kasi silang dalawa ngayon, kumakain habang nagtatawanan at ini-enjoy ang time nila na magkasama.
Hindi ko alam bakit nararamdaman ko to. Siguro nagiging possessive lang talaga ako kay Diego dahil simula bata kami, ako lang naman yung talagang kasama niya palagi. Hindi nga siya marunong makipagsocialize sa iba. Kahit nga iba na yung school namin nung naghighschool kami, sabi niya ako lang daw kaibigan niya.
Naisip ko rin na parang ang unfair ko naman kay Diego. Ako, may dalawang babaeng kaibigan, sina Gab at Julia. Tapos ngayon, sina Jay at mga kaibigan niya at kabanda namin. Pero si Diego, ngayong nagiging close sila ni Gab, pinagseselosan ko na.
Teka, nagseselos ba talaga ako? Imposible! Bakit naman ako magseselos? Diba dapat masaya ako para kay Diego at Gab? Baka nga yung crush na sinasabi ni Diego, si Gab pala yun at kaya ayaw niyang sabihin sa akin ay dahil malapit kami ni Gab?
Kaya siguro, inimbitahan niya itong ilakad pauwi nung araw hinatid nila yung cheesecake sa bahay at kaya siguro pumayag siyang turuan niya ito kung paano magsurf.
Nakabuntong-hininga nalang ako.
Bakit ba nararamdaman ko to?384Please respect copyright.PENANAKCEV7igzwY