8:15pm na at nasa labas ako ng front door sa bahay ni Jay pero kahit dito pa lang, rinig na rinig ko na ang party na nagaganap sa loob. Ang lakas ng music. Ano kayang iisipin ng mga kapitbahay nila?
Kumatok ako pero mukhang wala yatang makakarinig nito kaya sinubukan ko ang doorknob. Bukas ito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at hindi ko namang naiwasan na takpan ang tenga ko dahil sa lakas ng music. Parang may concert na nagaganap.
Pagkapasok ko, ang daming tao. Yung living room nila Jay, puno-punong. Hindi ako sanay na ganito rito kasi sa tuwing magpapractice naman kami, kaming apat lang ng mga kabanda ko ang nandito.
Nagsimula akong maglakad papunta sa living room nila para sana nahapin si Jay nang narealize ko, wala pala akong kilala dito. Siguro mga tatlo lang galing sa school ko ang narerecognize ko pero di ko naman alam ang mga pangalan nila.
Hinala ko, baka schoolmates at mga kaibigan niya ito sa dati niyang school. Grabe ang mga tao dito. Masasabi ko talagang kavibes ni Jay dahil mga suot pa lang, ang cool nilang tignan. Yung mga babae naman, parang wala nang natitirang tela sa katawan.
Lumabas ako sa may garden. First time kong marating ang parte ng bahay nilang to. Ang laki ng swimming pool. Parang sa olympics lang. Paglapit ko, nakita ko naman si Jay na pinalilibutan ng mga lalaki at nagkakatuwaan sila.
Nilapitan ko siya. "Hi Jay!" Bati ko sa kanya at agad ko namang nakuha ang atensiyon niya.
"Hi, C! Dumating ka!" Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap. Nagulat naman ako kasi never pa niya akong niyakap. Tapos, may pasayaw-sayaw pa siyang nalalaman.
Magtatanong sana ako kung okay lang siya nang maamoy ko ang alak sa hininga niya. Kaya pala nagiging clingy. Mukhang lasing na to.
"Dadating ba yung Mama mo dito?" tanong ko sa kanya.
Nagsmirk ang siya at sinabing "Inom ka muna ng alak. Pupuntahan ko yung ibang kaibigan ko." at umalis na nga siya. Ni hindi niya sinagot ang tanong ko.
Hindi naman talaga ako umiinom ng alak. Di ko pa nga natry eh. Kaya naupo nalang ako sa may sofa nila rito at kitang-kita ko ang buong garden. Ewan ko ba pero pakiramdam ko, hindi ako nabibilang dito. Naa-out of place ako.
"Psst." rinig kong tawag ng katabi ko. Nang niligon ko siya at nagulat naman ako.
"Krizzy?" invited din siya dito?
"Nandito ka pala, Chandria. Kamusta?" wow parang ang bait niya yata? Baka sa alak ng siguro. May hawak siyang isang bote eh.
Hindi ko nalang siya sinagot. Ayaw kong mabad vibes ngayon. Baka masira pa ang mood. Lumingon nalang ako sa may pool at biglang nakita si Jay. May kasayaw siyang babae at hawak niya ang bewang nito.
Sus. Bakit naman ako magseselos? Eh ako yung girlfriend ni Jay diba? Pero....girlfriend ba talaga?
Tinignan ko ang bracelet sa kamay ko. Ako lang naman binigyan niya nito diba? Tsaka ako kaya ang singer ng banda niya.
"Gusto mo ng alak?" yaya ni Krizzy.
Hindi ko pa rin siya nilingon at nagfocus lang kay Jay. Ngayon naman, yung kamay niya bumababa na sa pwet ng babaeng kasayaw niya.
"Akin na nga yan!" sa inis ko, kinuha ko kay Krizzy ang alak, at ininom ito.
"Whoah, dahan-dahan ka lang. Baka di mo kayanin."
"Anong namang pake mo? Tsaka, alaka ko galit ka kay Jay dahil hindi ikaw ang pinili niyang singer?" inis na tanong ko at uminom ulit ng alak. Kadiri naman ng lasa pero bahala na.
"Ayaw ko kay Jay. Pacool-cool siya pero hindi naman siya cool. Gusto ko lang talaga kumanta sa Fest. Tsaka nandito ako kasi ang boring sa bahay. Ako lang mag-isa."
Nabigla ako sa sinabi niya. Akala ko may gusto rin siya kay Jay eh.
Hindi ko alam bakit ko pa siya kinakausap. Hindi na naman kami friends pero wala naman akong ibang kilala dito kaya nagopen up nalang ako ng topic. "So, kamusta ka na ng wala na kami?"
Nagulat siya sa tanong ko. Hindi ko alam saan nanggagaling tong confidence ko pero mukhang umeepekto na ang alak.
"Ewan." at ngumisi naman siya. "Minsan, naiisip ko na baka mas masaya ako pag kayo pa rin ni Julia ang kasama ko ngayon pero pagkasama ko naman kayo, pakiramdam ko, hindi ako nabibilang sa inyo. Masyado kayong mabait eh."
Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko alam ganito pala ang nararamdaman niya. Bigla lang niya kasi kaming iniwan ni Julia. Isang araw, nalaman na lang naming kasama na siya sa mga mean girls ng school tapos siniraan pa kami ni Julia. Kung anu-anong bagay ang ipinigkakalat niya sa buong campus.
Sa iba't ibang topic napunta ang pag-uusap namin ni Krizzy. Pagkatapos nun ay nag-usap nalang kami tungkol sa mga memories namin nung magkaibigan pa kami. Narealize kong ang saya namin dati.
Para namang wala talagang nag-iba sa kanya ngayon eh. Hindi ko lang alam ba't mas pinili niyang sumama sa mga kaibigan niya ngayon. Pero, baka may personal siyang dahilan.
"Wait lang, magjowa na ba talaga kayo ni Jay?" pagchachange topic niya.
"Sa totoo lang? Hindi ko alam." pag-aamin ko sa kanya. Nilingon ko ulit si Jay at mukhang ang lapit na ng mukha niya sa babaeng kasayaw niya. Kulang nalang, maghalikan sila.
Kinuha ko nalang ang phone ko para madistract. In-on ko ang data ko at nag-Instagram. Tumigil na rin ako sa pagiinom kasi medyo nahihilo na ako.
Naalala ko bigla ang message ni Jay. Hindi ko pa pala nakita kung pic na sinend niya kaning umaga. Agad kong binuksan ang message at nabigla ako sa nakita ko.
"WHAT THE FCK?!" sigaw ni Krizzy sa tabi ko. Yan din ang gusto ko sanang sabihin. Hindi ko alam nakatigin din pala siya sa phone ko.
Picture ito ng ari ni Jay. Nagpanic ako at agad dinilete ang convo namin kahit nagsishake pa yung kamay ko.
"Nagsesend kayo ng nudes sa isa't isa?!" gulat na tanong ni Krizzy.
"Hindi! Ngayon ko lang din nakita to!" pagtatangkol ko sa sarili ko.
"Well, parating na siya so good luck nalang sayo." Tumayo na siya. "Pero payong kaibigan lang, I mean, dating kaibigan, wag kang magpapadala sa kanya. Hindi ka niya deserve." at tuluyan na nga siyang umalis.
Nahihilo ako kaya napasandal nalang ako sa sofa. Hindi ko rin alam anong mararamdaman ko sa nakita ko. Gusto kong masuka.
"Nandito ka lang pala, C!" paninimula ni Jay nang makarating na siya. "Tara?" yaya nito.
"Saan naman?" Kinakabahan kong tanong.
"Sus. Dami mong tanong." hinila niya ang kamay ko at nagsimula kaming maglakad.
Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang unakyat kami sa 2nd floor ng bahay nila. Dati, kapag may practice kami, gustong-gusto kong makita ang kwarto niya pero ngayon, parang gusto ko nalang tumakbo pauwi. Ayaw ko nang halikan niya ako.
Dinala niya ako sa pinakadulo ng corridor at binuksan ang isang kwarto.
"Bakit tayo nandito? Paano na yung party sa baba?" tanong ko. Gusto kong bumalik nalang dun kahit maingay. Hindi na kasi umaabot ang music dito. Ang tahimik.
"Sus, di nila mapapansing wala tayo dun. Wag kang mag-alala. "
Nang makapasok kami, agad niyang sinara ang pinto at nilock ito. Ang bilis na talaga ng tibok ng puso ko pero sa hindi magandang dahilan. I'm guessing kwarto niya to kasi may mga posters dito ng mga bandang hindi ko naman talaga kilala.
"Uy, may Harry Potter ka pala dito." sabi ko nung nakita ang libro sa may bedside table niya. Actually, hindi ko pa talaga nabasa to, nakita ko lang yung movie. Naghahanap lang ako ng mga bagay na pwedeng pangdistract.
Hindi naman ako sinagot ni Jay at naupo kang siya sa kama niya.
"Alam mo paborito ko si Draco. Sana sila nalang ni Hermione yung nagkatuluyan." chika ko kahit ramdam kong di naman siya nakikinig.
"Upo ka sa tabi ko, C." yaya niya.
Hihimatayin na yata ako sa nerbyos. Naupo ako sa kama niya. Yun nga lang, sa edge lang ng bed at malayo sa kanya. Natatakot ako sa mga titig niya.
"Pauwi na ba ang parents mo?" tanong ko nalang.
Biglang lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Bigla siyang nagsmirk at hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya.
Shet. Ito na ba yon? Magkakafirst kiss na ba ako? Pero ngayong nandito na ako at ilang inches nalang ang pagitan ng mga mukha namin, gusto ko nalang lumayo sa kanya.
"Jay, ano kasi-"
"Shh. Ako bahala sayo."
Tapos, inilapit pa niya ang mukha niya sa akin at hinalikan na talaga niya ako. Ramdam ko ang bilis ng tibok ko pero hindi dahil sa kilig kundi ay dahil sa takot.
Hindi ko magalaw ang labi ko dahil sa kaba nang biglang ipinasok niya ang dila niya sa bibig ko. Nagulat ako at agad siyang itinulak palayo.
"Tsk! Para saan naman yun?" inis na reklamo niya.
"S-sorry." nanginginig kong sagot.
"Putang ina mo naman, Chandria! Ang dami mong drama."
"A-ano ulit sinabi mo?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Narinig ko naman talaga eh. Di lang matanggap ng utak ko.
"Gusto mo pang ulitin ko?" tumawa siya. "Mahiya ka naman sa sarili mo."
Sa inis at galit ko sa mga nakikirig ko galing sa kanya, agad ko siyang sinampal ang mukha niya nang malakas.
"Ang kapal ng mukha mo!" tapos ay tumakbo na ako palabas ng kwarto niya.
Narinig ko pa nga siyang nagmura pero bahala na siya. Kinuha ko ang bag ko na iniwan ko sa living at talagang tumakbo na ako palabas ng bahay nila.
Hindi ko na mapigilang umiyak. Tumakbo nalang ako nang tumakbo. Wala na akong pake kung daan ako dadalhin ng mga paa ko basta ang gusto ko kang, makalayo sa kanya.314Please respect copyright.PENANA8uVZPl09FU