"Hoy! Ikaw ha, lumalovelife ka na talaga!" panunukso ni Gab sa akin.
"Wala nga akong experience eh! Ikaw tong expert pagdating sa lalaki. Wag mong ibato sa akin." pagtatangkol ko naman.
Nasa labas kami ng school ngayon. Kumakain ng tempura at fishball. Syempre, libre ko! Kasi, dapat naman talagang icelebrate yung nangyari kanina sa Science Lab diba? Nag-usap lang kaya lami ng crush ko! This time, may pa nickname pa siya. Feel ko tuloy ang special ko.
Ewan ko ba pero parang magkakasundo talaga kami ni Jay. Bad girl at bad boy? PAK! Ang benta!
"Hoy, pero seryoso, Chandria. Mukhang may gusto rin yung crush mo sayo!" dagdag ni Gab. "First time ko siyang makitang tumawa kanina. Nabigla ako. Sanay kasi akong poker face lang siya."
Bigla naman akong kinilig. "Sure ka, Gab? Ihhh! Ganito pala kiligin in real life no? Bakit nga ba ngayon lang ako nagkacrush? Ang sarap pala sa feeling neto!"
Pansin ko naman si Julia, tamihik lang na kumakain kaya kinausap ko siya. "Hoy, Julia! Bakit naman wala kang kibo diyan? Di ka ba masaya para sa kin?"
Nagbuntong hininga ito. "Ewan ko, Chandria ha? Masaya naman ako para sayo pero parang di ko talaga gusto si Jay, eh."
"Ay grabe, KJ mo naman Julia! Bigyan mo nalang nga siya ng second chance. Di porket, naging suplado siya nung tour niyo, ayaw mo na sa buong pagkatao niya?" Si Gab na ang nagtanggol.
Hay ewan ko ba! Kanya-kanya naman tayo ng opinyon eh. Kaya kung ayaw ni Julia, wag nalang ipilit. Basta ako? Gustong-gusto ko siya!
Pagkatapos naming kumain ay nagkahiwahiwalay na kaming tatlo.
Habang naglalakad ako pauwi, hindi ko mapigilang irecall ang convo namin ni Jay sa Lab. Grabe talaga siyang makatutok eh, may pangisi-ngisi pa. Tapos ang boses napakalalim! Isa pa, akala ko wala nang mas bad influence sa akin, mukhang meron pa pala.
Tsaka, ininvite niya akong mag-audition sa banda niya? Shet! Pakiramdam ko nasa ulap ako ngayon eh! Imagine, sabay kaming magpeperform sa stage? Ang cool nun!
Pagpasok ko sa bahay, naaamoy ko na ang mga pintura sa loob. Ibig sabihin nandito na si Papa. Pintor kasi siya.
Naglakad ako papuntang kusina at nakita ko siyang nakatalikod at nagluluto. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya at niyakap siya.
"Aga natin ngayon ha!" Bati ko.
Umikot siya at humarap sa akin. Niyakap niya ulit ako, "Nandito ka na pala panget."
Humiwalay ako para kumuha ng tubig sa ref.
"Panget, ano kasi.." seryosong paninimula ni papa. Rinig kong pinatay niya ang stove. Hindi ko gusto to. Hindi ako sanay na seryoso si Papa.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkuha ng tubig.
"May gusto akong sabihin sayo." pagpapatuloy niya.
Sa tono ng boses niya parang nagpractice talaga siya para dito eh.
"Bukas ng gabi, may lakad ako... Kasama ang kaibigan ko."
Kaibigan? Pwede namang sabihin mo na girlfriend diba? Ba't kailangang kaibigan pa?
"Isa siya sa mga umorder ng nga gawa ko. Binili niya ang isang painting ko dati. Dun kami nagkakilala."
Sana all order.
Kumuha nalang din ako ng snacks kahit nagsnacks na kami ng mga kaibigan ko.
"Anne, ang pangalan niya."
Wow, ang common naman ng pangalang niya siguro ang boring din ng personality niya.
Hindi nalang ako umimik. Anong gusto niyang sabihin ko? Congrats, Pa! Good news yan! O kaya Wow, gwapo talaga ng papa ko nagkagirlfriend pa!
Hindi ko na alam ano tong mga kinukuha ko sa ref basta ayaw ko siyang harapin.
Yung Anne rin ba ang bumili ng perfume na bigay ni Papa? Mamaya itatapon ko na yun.
"Chandria, please. Pakinggan mo naman ako." Isinara ko ang ref at hinarap siya. Pero walang emosyong makikita sa mukha ko.
"Alam ko namang di mo matatanggap agad eh. Alang kong mahirap to para sayo dahil sa loob ng ilang taon, ikaw lang at ako, diba?"
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Alam naman pala niyang mahirap to para sa akin eh? Bakit pinasok niya pa to? Hindi ba siya masaya na kaming dalawa lang?
Para namang nagfafast-forward ang utak ko. Yung Anne na sinasabi ni Papa nandito na sa bahay araw-araw. Na hindi na ako ang isasayaw ni Papa, si Anne na. Na tuwing birthday ko, tatlo na kaming manunuod ng BTS concert sa TV. Na tuwing kakain kami, tatlong plato na ang nakahanda at hindi dalawa.
"Sorry pa, kung hindi ako sapat para mapasaya ka. Naghanap ka pa ng iba." Biglang tumulo ang mga luha kong di ko namalayan ay kanina ko pa pala pinipigilan.
"Nak, hindi naman sa ganun..." lumapit siya sa akin para yakapin ako.
Usually, pag ganito, niyayakap ko din siya agad pero sa ngayon, umatras ako. Ayoko muna siyang yakapin.
"Sana di mo nalang sinabi sakin, pa!" pagkatapos ay tumakbo na ako sa kwarto ko at malakas na isinara ang pinto.
Itinapon ko ang sarili ko sa kama at umiyak. Bilang lumapit si Chunk sa akin kaya naman, niyakap ko siya.
Nagagalit ako pero mas nangingibabaw yung lungkot. Hindi ko akalaing darating ang araw na to. Dumaan nato sa isip ko dati eh pero hindi matanggap ng utak ko kasi tiwala akong hindi to gagawin ni papa. Na sapat lang ako para sa kanya.
Mali ako.
Ewan ko ba pero pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Hindi ko kailanman naramdaman to kahit wala na si Mama pero ngayon, ramdam ko ako nalang mag-isa.
Napansin ko ang letter ni Mama sa bedside table ko. Inabot ko ito at kinuha. Bubuksan ko sana to nang marinig ko si Papa sa labas na parang may kausap sa phone niya.
Si Anne siguro yun. Grabe, gaano na ba sila katagal? Baka ilang taon na? Ibig sabihin ba, ilang taon nang may itinatago si Papa sakin?
Sa galit, naitapon ko ang letter ni mama sa closet ko. Anong maitutulong ng letter na yan? Hindi naman para sa akin yan eh. Para sa batang Chandria naman yan. Anong maitutulong niyan sa sitwasyon ko ngayon?
Pagbinasa ko ba yan, maibabalik ko ba si Mama? Pagbinasa ko ba yan, nawawala ba sa buhay namin si Anne?
Narinig kong mas lumakas ang boses ni Papa kaya tumayo ako at nilock ang pinto. Kinuha ko ang airpods ko at nagpatugtug ng music. Full volume!
Ayaw ko muna siyang marinig o makausap. Gusto ko mapag-isa. Para naman masanay ako diba? Dapat sanayin ko na ang sarili ko na ako nalang.
Paano kung madesisyon si Papa na bubuo na sila ng sarili nilang pamilya kasama si Anne? Paano naman ako? Saan ako mapupunta?
Ang hirap pala mag-isa. Ang lungkot.346Please respect copyright.PENANARW4qVL8nci