Malapit na ako sa bahay nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pwede naman akong tumakbo pero ewan, wala akong gana. Ang bigat ng nararamdaman ko.
Ilang beses ko sinubukang tawagan si Gab. Pero hindi ko alam anong sasabihin ko sa kanya. Takot ako sa anong pwede niyang sabihin at mas takot akong saktan siya. Excited na excited pa naman siya nung practice namin.
Nang nakarating ako sa balay, basang-basa na ako. Pagpasok ko, ang tahimik. Wala pa si Papa. Hindi naman to first time na nauna akong umuwi kaysa sa kanya pero bakit ganon? Bakit parang walang buhay ang bahay ngayon?
Pumasok ako sa kwarto at nagpalit. Habang nagbibihis ako, hindi ko maiwasang maisip ang last letter ni Mama. Nandun pa kaya ang mga ibang tinatago niyang sulat sa kwarto niya?
Kailanman, hindi pinaramdam sa akin ni papa na wala na siya pero sa mga nakalipas na araw, pakiramdam ko, may kulang. Yung tipong, hindi ako buo?
Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko pero tumakbo ako palabas at sumakay sa bike ko. Wala akong pake kung ang lakas ng ulan. Di bale nang mabasa ako.
Ang bilis ng tibok ng puso. Hindi ko alam kung adrenaline rush ba to. Pero alam kong gusto kong makuha ang mga itinagong sulat ni mama sa bahay ni lola.
Wala akong ideya kung nandun pa rin yun kung saan ito itinago ni mama pero kailangan ko ng mga sagot.
Baka sa pamamagitan nito, mararamdaman kong hindi ako nag-iisa. Na kahit papano ay kasama ko si Mama.
"Lola!" Bati ko nang nakapasok ako sa sala.
"Uy, apo! Nandito ka pala. Ba't ang basa mo? Baka magkasakit ka neto!" sabi niya nang nakalapit na ako sa kanya. Nagmano ako.
"May kailangan lang po akong nahapin sa kwarto ni Mama. Pwede po ba?" tanong ko.
"Aba, syempre! Bakit naman kita pipigilan? Baka pagalitan pa ako ng nama mo pag nagkita kami ulit." Tumawa siya.
"Lola naman eh! Wag kang magbiro nang ganyan. Mabubuhay ka pa ng 100 yrs!"
"Naku, nung bata pa ako gusto kong mabuhay ng ganyan katagal pero ngayong hindi na ako bumabata pa, wag nalang! Ang sakit na sa katawan."
Nagtawanan naman kaming dalawa.
"Teka nga La, nasan ba si Lolo?" tanong ko.
"Tulog na! Alam mo naman ang mga matatanda."
"Eh, ba't gising pa po kayo?"
"Sinabi ko bang matanda na ako?"
Napatawa naman ako. Wala nga naman siyang sinabing ganun.
"Sige na punta kana sa kwarto ng mama mo."
"Sige po, La."
Umakyat ako at pumasok sa kwarto ni Mama. Kahit 16 na ako, ito pa yung pangawalang beses na nakapasok ako rito. Yung unang beses, bata pa ako. Hindi ko na masyadong matandaan.
Ang bango at ang linis pa rin dito. Nasasabi ko talagang inaalagaan ni lolo at lola ang kwarto ni Mama.
Gaya ng sabi sa sulat ni mama, nasa ilalim daw yun ng kama niya. Kinapa ko ang ilalim ng kama at may nahawakan akong parang box. Kinuha ko ito mula sa ilalim.
Red box. Nandito pa! Nandito talaga!
Mukhang walang nakakaalam na nandito to kasi ang buong kwarto napakalinis pero itong box, puno ng alikabok. Naghanap ako ng pamunas sa cabinet at pinunasan ko ang box.
Pagkatapos, umupo ako sa kama ni Mama at dahan-dahan ko itong binuksan. Ewan ko pero kinakabahan ako.
Nang nabuksan ko na, may nakita akong apat na envelope. Pero hindi katulad ng birthday letters ko, ang kakapal nito. Parang ang taas yata ng nakasulat.
Sa bawat envelope, may iba't ibang label:
▪︎ When I met my new dad288Please respect copyright.PENANAMWbrcIqjta
▪︎ When I had my first kiss288Please respect copyright.PENANAXJuITvs5A2
▪︎ When I had my first heartbreak288Please respect copyright.PENANAa7Iejst0or
▪︎ When I first fell in love
Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko. Parang hindi ko pa rin matanggap na totoo ang mga ito. Na hinihintay lang ng mga to na mabasa ko sila.
Ibinalik ko to sa box at dinala ito palabas. Magpapaalam sana ako kay lola pero nakatulog na siya sa sofa. Hinalikan ko nalang ang pisngi niya at inayos ang higa niya. Pinatay ko nalang din ang TV at nagbike pauwi. Buti nalang tumila na ang ulan.
Kanina parang ang bigat ng nararamdaman ko. Pero ngayon, may kung anong lakas ang sumapi sa akin.
•••
"ANO? CHANDRIA NAMAN EH!" sigaw ni Gab.
Kakatapos ko lang sabihin sa kanya ang tungkol kay Jay at sa banda. Kami nalang dalawa ang natira sa room. Dismissal na kasi.
"I'm sorry, Gab. Pero intindihin mo naman ako. Kung hindi ako magpeperform kasama si Jay, si Krizzy ang papalit sa akin. Alam mo namang gusto ko si Jay diba?" pag-eexplain ko.
Hindi ako makatingin sa kanya dahil naguiguilty ako. Pero pinipilit kong harapin siya kasi kundi ko to gagawin, walang kahahantungan to.
Inexpect ko na naman ang magiging reaksyon niya eh. Nagpractice pa nga ako kaninang umaga paano sasabihin to para hindi siya gaanong masaktan.
Tumawa lang siya at tinignan ako na parang hindi siya makapaniwala sa pinagsasabi ko.
"Chandria! Naririnig mo ba yang sarili mo? Paano naman ako? Para sa clearance ko yun! Akala ko excited kang magperform tayo?"
"Oo, Gab! Gusto kong magperform kasama ka! Pero kasi, ito lang ang chance ko para lagi kong makasama si Jay. Para magkaroon ako ng chance sa kanya!" hindi ko maiwasang maitaas ang boses ko.
Bigla siyang umiyak. Shet, naiiyak na rin ako.
"Alam mo? Ang unfair mo! Pangawalang beses na to, eh. Yung role play dati, tapos ito! Magkaibigan tayo, Chandria! Pero mas pinipili mo yang crush mo kaysa ang kaibigan mo! Nag-iisip ka ba? Nakapaka-selfish mo!"
Kumulo naman bigla ang dugo ko sa sinabi niya. "Selfish ka rin naman ah? Naalala mo dati? Sa Recitals ng club niyo? Mas pinili mo si Krizzy na maging partner mo kaysa kay Julia? Tapos hindi mo siya pinansin ng ilang weeks? Selfish ka rin!" hindi ko na napigilan ang luha ko.
Never pa kaming nag-away ng ganito ni Gab. Never pa akong may nakaaway nang ganito. Ang sakit sa puso.
"Ang tagal na nun, Chandria! 16 na tayo ngayon! Magmove on ka naman. Nagiging unreasonable ka na eh!" Tapos tinulak niya ako palayo at tumakbo siya palabas ng room.
Napaupo ako sa sakit na nararamdaman ko at umiyak. Grabe, bakit mas masakit pa to kaysa nung nalaman kong may bagong girlfriend si Papa?
After ng ilang minuto, lumabas na ako sa campus at naglakad pauwi. Wala nang lumalabas na luha sa mga mata ko pero ang bigat pa rin ng nararamdaman ko. Nasa tapat na ako ng bahay namin pero parang ayaw kong pumasok.
Baka mas lalo lang akong malungkot. Paano kung bukambibig na naman ni Papa si Anne? Paano kung biglang sabihin ni Papa na magpapakasal na pala sila?
Tumakbo ako palayo sa bahay. Nagdesisyon akong puntahan ang unang taong naisip ko na alam kong makapagpapasaya sa akin.
Si Diego.288Please respect copyright.PENANAEtzi0ewzwN