"Grabe, ang ganda naman pala ng mga mata mo, C." comento ni Jay.
Nakagat ko naman ang labi ko para maitago ang kilig at parang ang init na ng pisngi ko ngayon. Mamumula na yata.
Pero kahit kinikilig ako dito, hindi ko maiwasang magnakaw ng tingin kina Julia at Gab sa may puno. Nakakakonsensya.
Nasa garden kasi kami ngayon para sa Art Class. Gaya ng Science, magkaklase kami nina Jay, Gab, at Julia.
Ang task namin ngayon ay maghanap ng partner. Isa ang magiging modelo at isa ang magdudrawing sa modelo. Partner ko si Jay. Kanina kasi nung lumapit ako kay Gab, agad niyang hinila papalayo si Julia.
So official na ngang ayaw niya akong kausapin. Mukhang mahihirapan talaga akong magsorry sa kanya. Mapride pa naman akong tao.
"C, harap ka dito, hindi pa ako tapos sa mata mo." tawag ni Jay. Nakatingin kasi ako kina Gab.
"Alam mo ba Jay, may dinner kami ng Papa ko mamaya kasama ang girlfriend niya?" nagtry akong magopen up sa kanya.
Wala na kasi akong ibang masabihan eh. Nalaman ko to kagabi nung nakauwi ako galing kina Diego. Lahat ng problema ko nasabi ko na kasi kay Diego. Ayaw kong dagdagan pa.
"Shhh. Wag kang gumalaw. Nagcoconcentrate ako." saway niya.
"Ah, sorry." Nagtry naman akong di gumalaw pero gusto ko talaga ipalabas lahat ng nararamgaman ko eh kaya nagsalita ulit ako.
"Alam mo ba ang panget ng pangalan niya? Anne lang! Ang common diba?"
"Ang cool kaya ng mga one-syllable na pangalan? Mas gusto kong tawagin akong Jay. Tapos ikaw, tawag ko C. Ang taas kaya ng Chandria." pageexplain niya.
Kaya pala C lang.
"Ang point ko kasi, pakiramdam ko may bago nang bestfriend ang papa ko. Hindi na nga kami masyadong nag-uusap eh."
"Kalimutan mo na yan. Basta wag mong kalimutan practice natin sa banda ha." sabi niya ang nagpatuloy sa pagdradrawing.
Napabungtong-hininga nalang ako. Paano ko makakalimutan eh mamaya na ang dinner?
•••
Naglakad kami ni papa papuntang Greenwich. 7pm na. Ang dinner sa 6pm sana.
Sabi ko kasi kay papa maliligo pa ako. Hindi naman talaga ako matagal maligo, gusto ko lang talagang hindi matuloy ang dinner. Tapos nung palabas na kami ng bahay, sabi ko kay papa naiihi ako kaya bumalik ako sa loob para "umihi" kahit nagkulong lang talaga ako sa CR. Tapos nung lumabas kami ulit, sabi ko kay papa ikiss ko lang muna si Chunk.
Pero despite ng lahat ng effort ko para hindi matuloy tong dinner nato, talagang nagtagumpay si Papang dalhin ako dito sa mall.
"Chandria, hi!" masiglang bati ni Anne nang nakalapit na kami sa table.
Yung hair niya straight at hanggang shoulders lang. Matangos rin ang ilong at ang clear ng skin niya. Mukhang wala siyang make up maliban sa isang nude lip.
Not gonna lie, maganda ang outfit niya. Naka white off shoulder blouse siya tapos highwaist na maong pants. Yung shoes niya white rin. Wala rin siyang kahit anong suot na alahas maliban sa isang necklace na may weird looking pendant na crystal.
Naupo ako sa harap niya at napansin kong white rin ang nail polish niya. May theme ba dito? O baka favorite niya talaga ang white?
"Chandria" ulit niya. Ba't ba siya tawag ng tawag eh nasa harap lang niya ako?
Nagfake smike ako sa kanya. Ramdam ko ang tingin ni Papa kaya dinagdagan ko nalang ng "Hi."
Nagorder na kami. Alam ni papa na gustong-gusto ko ang lasagna. Pero sabi ko hindi ako gutom. Water nalang.
Jusko, good luck sa tiyan ko. Nawawala pa naman ako sa sarili ko kapag di pa ako kumakain.
Itong si Papa naman ang daming inorder. May dalawang large pizza, fries, at lasagna para sa kanilang dalawa. Mukhang may celebration na magaganap pero wala namang dapat icelebrate.
Habang hinihintay ang order, bigla akong kinausap ni Anne.
"Alam mo ba Chandria, ang daming ikwunento papa mo sa kin tungkol sayo. Ang ganda raw ng boses mo. Try nating magkaraoke minsan."
Ang daldal niya. Feeling close naman nito masyado. Hindi ko nalang siya sinagot at uminom ng tubig ko. Iisipin ko nalang na juice to.
"Panget, share mo naman kay Anne, anong gagawin niyo ni Gab sa Year Level Fest niyo." sabi ni papa.
Ayaw kong pag-usapan ang YLF kasi nga, hindi kami bati ni Gab at hindi na siya ang kasama kong magpeperform.
Kaya, iniba ko nalang ang topic. "Bakit ang Anne ang pangalan mo?"
Tumaas naman ang kilay ni Papa sa tonong ginamit ko.
Masisi niya ba ako? Ang hirap kaya maging friendly sa taong hindi mo gusto.
"Actually May Anne talaga ang pangalan ko pero gusto kong Anne ang gamitin. Kahit pareho namang one syllable ang dalawa, mas mataas pa rin naman yung Anne sa May ng isang letter." tapos tumawa naman siya.
"Ang pangit ng pangalan mo." comento ko. Kumunot naman ang noo ni Papa.
"I know right!" pagsasang-ayon naman ni Anne. "Ang ordinary ng pangalan ko, hindi special! Papa ko kasi nagpili. Wala siyang taste! Tignan mo tong necklace ko oh. Siya rin ang nagbigay sakin nung bata ako."
"Ang pangit ng necklace mo." dagdag ko. Si Papa mukhang namumula na.
"Finally, may nakakarelate! Ayaw ko nga tong suotin eh pero bigay niya to sakin sa death bed niya. Mumultuhin daw niya ako pag di ko sinuot."
Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Tinignan naman niya ang necklace niya na para bang inaalala niya ang panahong ibinagay yun ng Papa niya.
Grabe siya. Hindi man lang siya naiinis o nagagalit sa mga sinasabi ko. Nagkwento pa siya kung gaano sila kaclose ng Papa niya. Mga paborito nilang restaurants, movies, at pagkain.
Naiwan daw siya sa stepmom niya na siyang nagpalaki at nagpa-aral sa kanya nang mawala ang Papa niya.
Pero isa lang ang nasa utak ko. Baka sinasabi niya sa akin to para maging close kami kasi pareho kaming close sa Papa?
Biglang dumating ang order nila. Naamoy ko ang lasagna. Nagugutom ako. Gusto kong kumain pero pagginawa ko yun, parang natalo na ako laban kay Anne. Baka isipin niyang tanggap ko na siya.
Sa gitna ng pagkain, ubos na ang tubig ko. Inis na inis na ako kasi nagugutom ako pero sila tuwang-tuwa habang nagkukwentuhan kaya kinausap ko si Anne.
"Sinasabi mo lang ba yung tungkol sa Papa mo para ipamukha sa akin na pareho tayong walang mama?"
"Chandria." pagbabanta ni Papa. Mukhang nagpipigil na siya ng galit.
"Kasi kung akala mong magugustuhan kita dahil dun, nagkakamali ka. Ang pangit ng pangalan mo! Pati necklace mo ang pangit! Tsaka ang dami mong sinasabi!" inis kong sabi kay Anne.
"Chandria! Ang bibig mo." saway ni Papa.
"Yan din madalas sabi ng mga kaibigan ko eh. Ang dami ko raw talagang sinasabi. Ang daldal ko raw." pagsasang-ayon na naman niya.
Ano bang meron sa babaeng ito?! Bakit hindi siya nagagalit? Ang sakit na ng mga salitang sinabi ko pero nagawa pa siyang magsmile? Ang plastik ha!
Hindi ko na napigilan ang luha ko. Ang unfair! Dapat galit siya! Dapat naiinis din siya! Pero bakit siya ganito?
Sa galit ko, bigla akong tumayo at tumakbo palabas. Naabutan naman ako ni Papa at pinaharap niya ako sa kanya.
Nagtinginan lang kami. Umiiyak pa rin ako tapos siya naman nagpipigil ng galit.
"Hindi ko gusto ang asal na ipinakita mo kanina, Chandria." tapos binitawan niya ako at bumalik sa loob.
First time ko narinig yun galing kay Papa. Ganun nalang ba yun? Iiwan nalang niya ako dito? Mas pinipili ba niya si Anne kaysa sa akin?
Nagsimula na akong maglakad palabas ng mall pero talagang binagalan ko ang lakad ko. Baka sakaling sundan pa ako ni Papa at magsorry siya sa sinabi niya.
Pero hanggang sa makarating ako sa bahay. Ni anino ni Papa, wala. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Balak ko sanang tawagan si Diego, pero baka maistorbo ko pa siya. Si Gab naman, hindi pa kami bati. Si Julia, baka kasama si Jason.
Pakiramdam ko nag-iisa nalang talaga ako. Wala akong kakampi. Ni kausap wala. Kaya, umiyak nalang ako nang umiyak. Naramdaman kong lumapit si Chunk kaya niyap ko na rin siya.
Biglang pumasok sa isip ko ang mga sulat ni Mama. Tumayo ako at kinuha ang red box na inilagay ko sa ilalim ng kama ko. Binuksan ko ito at kinuha ang isang letter sa loob.
▪︎When I met my new dad
Binuksan ko ito at nagsimulang magbasa.
My love, Chandria...
This is a story of when I first met my Mama's boyfriend (aka my new Dad). Chandria, ewan ko kailangan mo to mababasa pero sa ngayon, nagawa ko tong sulat kasi pinapaliguan ka ng Papa mo sa baba. Dapat kasi tulog ako ngayon at nagpapahinga pero naisipan kong isulat ito.
Nak, in the future, hindi imposibleng magkaroon ng bagong girlfriend ang papa mo. Tanggap mo na naman yun eh. Kahit gusto kong sabay kaming tumanda, hindi ko na mababago ang kapalaran ko. Pero okay lang.
Hindi ko alam kailangan siya magkakagirlfriend ulit. Pero kung makakatagpo siya ng girlfriend kung kailan batang-bata ka pa, baka nga hindi mo marealize na hindi siya ang totoong mama mo at lalaki kang "Mama" ang tawag mo sa kanya.
Naiimagine ko lang yun, pero parang ang sakit na. Gusto kong maiyak. Kahit ganun, masaya pa rin ako dahil kahit paano, may tatayong mama para sa yo.
Anyway, focus na tayo sa kwento ko. So ayun na nga. Siguro mga 10 years old pa ako nun. Sabi ni Mama (aka Lola mo) na punta raw kami sa Ocean Park. Syempre, excited na excited ako nun. Never pa kaya akong nakapunta dun.
Nung araw na yun, tandang-tanda ko pa na suot ko ang tshirt na may nakasulat sa design na "Best Day Ever". Nasa bus palang kami ni mama at ng kapatid ko (si Uncle junifer mo) pero bukambibig ko na kung gaano ako kaexcited makakita ang malalaking isda.
Nung nakarating na kami. Biglang may lalaking lumapit sa amin. Sabi ni mama, "kaibigan" niya daw. Chandria, hindi man ako ang pinakamatalinong bata sa school namin, alam kong hindi lang siya kaibigan ni Mama.
Music Teacher daw siya sabi ni Mama. Yung kapatid ko, ang bilis nilang nagkaclose ng "kaibigan" ni Mama. Nagkasundo sila kase pareho silang may gusto sa mga turtles.
"Ang cute nilang tignan noh?" naalala kong sabi ni Mama habang tinuturo ang kapatid ko kasama ang kaibigan niya. Ang lalakas ng mga tawa nila.
Medyo nainis ako sa kapatid ko kasi dapat kami magkakampi dito eh. Ang naisip ko nun, "Traydor ka Junifer!"
"Best Day Ever ba to?" dagdag ni mama kasi hindi ko sinagot ang unang tanong niya. Mukhang ginamit pa niya talaga ang design sa tshirt ko.
"Gusto kong umuwi!" pasigaw kong sagot. Narinig yun ng kaibigan niya at lumapit sa aming dalawa. Sinubukan niya akong kausapin nun pero nagmatigas ako. Ayaw ko siyang kausap. Ang kapal kaya ng bigote niya!
Nasa souvenir shop kami nun. Nagpabili ako ng souvenir kay Mama. Hindi siya pumayag kasi ang sungit ko raw sa kaibigan niya buong araw. Kaya nung pauwi na kami, iyak lang ako ng iyak.
Tandaan mo 10 lang ako dito ha. Hindi ako laging OA.
So ayun, after ng araw na yun, may ipa pang mga "kaibigan" na ipinakilala ang lola mo sa amin pero lahat sila di naman nagtagal. Alam mo sinong nanalo? Edi syempre, Lolo mo ngayon.
Nung nagcollege ako, nagdorm na ako nun pero alam mo ba, bago ako umalis ng bahay, binigyan niya ako ng regalo? Isa yung box.
Agad kong binuksan kasi excited ako. Si Mama kuripot kasi yun. Tuwing pasko lang may regalo. So ayun, pagkabukas ko, isang red teddy bear yun. Naguluhan pa nga ako bakit niya binigay to? Eh malapit na akong mag 19 nun.
Alam mo bang dating Music Teacher ang Lolo mo? Siya naging mentor ko sa pagkanta kaya matuto akong icontrol ang boses ko. Kung hindi niya ako tinulungan, baka di naging maganda ang boses ko. Baka di nainlove Papa mo sakin.
Alam mo rin ba anung pinabili ko nung araw sa souvenir shop? Isang red teddy bear.
Siguro, ang kapal pa rin ng bigote ng Lolo mo ano?
Dito nalang muna. Mukhang parating na Papa mo. Kailangan pa namang tulog ako.
Hugs and Kisses baby! I love you always from Heaven.
Love, Mama.
Binasa ko ng dalawang beses ang sulat. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko matapos kong mabasa ang sulat ni Mama.
Kahit pagod ako kakaiyak, bumaba ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng sticky note at nagsulat dito.
"Sorry, Pa. Nakakatawa naman talaga si Anne eh. Madaldal nga lang."
ns 15.158.61.8da2