"Babaan mo pa ang boses mo." sabi ni Jay kaya ginawa ko naman. "Yung parang maiiyak ka."
Nasa sala kami ng bahay nila ngayon. Tinuturuan niya ako paano daw mag "emote". Ewan ko ba, di ko naintindihan style nila pero ito yung gusto niya eh kaya go nalang.
Nagrequest ng water break sina Ralph at Lanz kaya ngayon, nakaupo lang kami ni Jay sa sofa nila. Ang lapit niya sa akin. Amoy ko na naman ang malakas niyang pabango.
"Mas maganda siguro kong medyo iparough mo ng kaunti ang boses mo." suggest niya.
Rough? Paano naman yun?
Sinubukan kong i- "rough" ng boses ko. Gusto ko ngang matawa kasi ang pangit pakinggan sa boses ko pero mukhang tama ang ginagawa ko kasi ngumiti naman itong si Jay.
"Yan! Perfect!" pumalakpak pa siya pagkatapos kong kantahin ang 1st verse.
"Thanks." sabi ko nalang.
"Kailangan ka pang mag-improve. Kung pwede nga umiyak ka sa final performance para feel na feel ng audience."
"Ah, sige. Susubukan ko."
Umiyak habang kumakanta? Ewan ko lang kung magagawa ko yun pero kung yun ang gusto niya, wala akong choice. Siya ang leader kaya siya ang masusunod.
Pagkatapos ng break, nagresume na ang practice. Inaamin ko, hindi ko man talaga gusto ang kanta o ang ingay nito, talaga nga namang marunong maglead tong si Jay ng grupo. Siya yung nagsasabing kailan bilisan, kailan hihinto muna at kung anu-ano pa. Mukhang hindi niya to first time maghandle ng banda.
Mga hapon na nung natigil ang practice namin kasi tinawag na si Lanz pauwi kaya nagpack up na sila. Nung umuwi na rin si Ralph, nagdadalawang isip na ako kung matutuloy ba yung sinasabi ni Jay na mamamasyal kami. To be honest, yun lang naman talaga ang nilolook forward ko buong araw. Hindi talaga ang practice.
Bumalik sa tabi ko si Jay matapos niyang ihatid palabas si Ralph. This time, mas malapit na siya sa akin, kaysa kanina. Nakatutok lang siya sa mga mata ko.
Ito na ba yun? Ngayon ba ako magkakafirst kiss? Magagamit ko na ba natutunan ko sa YouTube?
Oo, sinunod ko ang advice ni Gab pero wala naman akong natutunan dun eh. Para lang silang mga isdang naglalaplapan.
"C, sama ka sakin sa Saturday. Punta tayo sa dati kong school. Malapit lang yun sa City Times Square." imbita niya. Akala ko nagjojoke lang siya pero ang seryoso kasi ng tingin niya.
Shet! Iniimbitahan niya ba akong magdate?! Ihhhhh. Mukhang magkakaboyfriend na ako this Saturday ah!
"Why not? Sige ba!" Charot naman. Hindi pa nga ako nagpaalam kay Papa eh.
"Cool. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Sure akong magugustuhan ka nila. Ang astig mo kaya."
Pinigilan ko ang sarili kong kiligin. Ang init na naman ng mga pisngi ko. Ewan ko anong ginawa ko bakit "astig" ako sa kanya pero shet, namumula na yata ako!
"Thank you." sabi ko sa kanya.
"Don't mention it." Ngumiti naman siya tapos ipinat niya ang ulo ko. "Uhm, sige. Medyo busy ako kailangan ko pang ligpitin tong kalat bago dumating sina Mama.
Napatayo naman ako agad. "Ah, oo. Tinawagan na rin kasi ako ng Papa ko. Mauuna na ako." Paalam ko. Hindi naman talaga ako nakatanggap ng tawag. Nakakahiya lang na parang may iniexpect ako (meron naman talaga).
Mukhang walang pasyal ang magaganap ngayon ha. Sa Saturday nalang.
"Sige, see you." Sabi niya bago isara ang pinto ng bahay nila.
Ilang minutes din akong nakatutok sa nakasarang pinto. Ewan ko ba, parang naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
Malayo ang bahay nila sa bahay ko. Hindi ko rin dala bike ko kasi nakadress ako ngayon. Talagang nag-ayos ako para kay Jay.
Kaya naman, naglakad nalang ko. Gusto ko rin mag-isip. Gusto kong ayusin tong nararamdaman ko. Ang gulo kasi. Hindi ko alam kung ako yung magulo o kung si Jay.
Kasi isang minuto, napakasweet niya sa akin. Lagi niya akong kinocompliment. May pasmile-smile pa siyang nalalaman at pasmirk-smirk pa. Tapos, bigla nalang siyang nagiging cold o yung walang pake. Ewan. Ang hirap mag-explain.
•••
Napagdesisyunan kong puntahan si Diego. Lagi naman siyang may sagot sa mga problema ko eh. Kailangan ko ang utak niya ngayon. Hindi na to kaya ng dalawang brain cells ko.
Nang nakarating ako kina Diego, naabutan ko siya sa labas. Nagtatapon siya ng basura.
"Hi." Bati ko sa kanya. Medyo nagulat naman siya.
"Oh? Anong meron?" nagcross arms siya. Mukhang alam niyang may problema ako.
"Wala." Sabi ko naman. "Namiss lang kita." pagbibiro ko. Umiwas naman siya ng tingin at huminga ng malalim.
"Tara sa swing." Seryosong sabi nito at naglakad nga kami sa backyard niya. May swing set kasi sila dito. Dumaan muna siya sa faucet sa labas at naghugas ng kamay.
"Kung iimbitahan ka ng isang babae na mamasyal kayo tapos ipapakilala ka raw niya sa mga kaibigan niya, date na ba tawag dun?" tanong ko sa kanya at nagsimulang magswing.
Umupo lang si Diego sa swing at hindi gumalaw. "Bakit? Ginawa ba ni Jay yan?" tanong niya. Nakatingin lang siya sa malayo.
"Oo. This Saturday daw punta kami sa may City Times Square. Malapit dun school nila."
"So pipiliin mo naman yang si Jay kaysa sa kaibigan mo?" napahinto naman ako sa pagswing nang marinig ang tanong niya.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.
"Di ka ba nagchecheck ng phone mo? May message si Julia. Inimbitahan niya tayo manuod ng performance nila ni Jason sa City Times Square ngayong Saturday." sabi nito at agad kong kinuha ang phone ko sa bag.
Shet. Totoo nga. Paano na to? Mukhang sinusubukan ni Julia na pagbatiin kami ni Gab.
"Teka nga. Ba't invited ka? Close ba kayo ng mga kaibigan ko?" tanong ko naman kay Diego.
"Wala naman akong gagawin this Saturday kaya pumayag ako. Tsaka, di naman to first time na sumama ako sa inyong tatlo." explain nito.
"Diba ayaw mo sa mga matataong lugar?" tanong ko ulit.
Medyo claustrophobic tong si Diego eh. Ewan ko ba bakit sasama pa siya. Kung sa City Times Square yun at may mga performaces pa, siguradong maraming tao ang nandun.
"Akala ko kasi pupunta ka kaya sinabi ko kay Julia na pupunta na rin ako."
"Pero um-oo na ako kay Jay. Paano yun?"
Hindi siya sumagot at nagswing nalang.
"Meet up nalang tayo dun. Mas marami, mas masaya." suggest ko.
"Ikaw bahala."
Naiimagine ko tuloy kaming lahat na magkakasama. Sana talaga magkabati na kami ni Gab. Nakakamiss din pala ang ingay niya.280Please respect copyright.PENANAodJhlaJAT9