Pagkatapos nung unang pagkikita namin ni Jay, pakiramdam ko nasa outer space ako ng ilang hours. Di nga ako nakapag concentrate sa discussions nung 1st period. Pang out of the world kasi ang beauty niya. Kung talaganag galing siya ng ibang planeta, payag na akong maging alien!
Pero nung nag 2nd period, parang bumalik na ako sa Earth. Nasa Science lab kami ngayon at sa subject na ito, kaklase ko si Gabriella, isa sa dalawa kong malalapit na kaibigan. Yung sinabi kong lahat ng lalaki sa campus, gusto niya.
Umupo ako sa tabi niya matapos lumabas yung teacher namin. Madalas kasi, hinahayaan niya lang kami dito sa loob pagkapatos niyang magbigay ng instructions kung anong gagawin sa lab.
"Hoy, Gab! Tignan mo nga mukha ko." Sabi ko naman sa kanya at tinignan niya ako pero agad din naman siyang bumalik sa pag-eexperiment.
"Oh, anong meron?"
"Wala ka bang napapansing kakaiba sa mukha ko?" Tanong ko ulit. Tinignan naman niya ulit ang mukha ko.
"Ano ba kasing gusto mong sabihin ko? Na mukha ka nang 16 years old at di na 15?" nag cross arms pa siya.
"Luh! Ang sungit naman neto! Pero pagbibigyan kita kasi naalala mo, so thanks! Asan regalo ko?"
"Teka, namumula ka ba dahil napagalitan ka na naman ulit ng adviser niyo?"
"Paano mo nalaman eh di tayo classmates sa first period?"
"Una sa lahat, nakita ko sa bintana kanina. Rinig na rinig ko. Nasa tapat lang kaya ng room niyo ang room namin. Nakalimutan mo ba? Pangalawa, wala namang araw na di na pinapagalitan nung adviser niyo, eh. Halos lahat ng classmates ko sa first period, kilala ka na nga eh."
Napabuntong-hininga nalang ako. Ang famous ko na pala. Yung nga lang, sa hindi maipagmamalaking bagay. Shet, nakakahiya.
"Hindi Gab! Namumula ako kasi pakiramdam ko, in love yata ako." Explain ko.
"Sabi ko na nga ba eh!" Napasigaw siya kaya napatingin ang iba naming kaklase sa amin.
"Shhhh! Hinaan mo boses mo." saway ko kay Gab. "Alam mo?"
"Oo! Ang obvious mo kaya! Sabi ko na nga ba may gusto ka sa adviser mo! After lunch lagi kang nasa office niya!"
Nasapak ko siya nang wala sa oras. "Gago! Ang tawag dun, detention! Nakakainis ka naman eh!"
"Joke lang! May crush ka sa new student, noh? Obvious kasi mukha mo kanina. Not bad, nakita ko siya. Siguro mga 3 stars siya sa akin." At bumalik naman siya sa pag eexperiment.
"Anong 3 stars? Eh 10 nga siya sa mga mata ko!" Pagpupumilit ko naman. Tsk, grabe naman ng standards netong si Gab.
"Bulag ka lang! Anyway, yung regalo mo nasa bag ko, kunin mo."
"Talaga?! Ihh, love mo talaga ako no?" Napa-hug naman ako sa kanya pero siya, parang diring-diri sa akin.
"Hoy, di tayo talo!" Napatawa nalang ako at kinuha ang gift ko sa bag niya.
"Wow! Ferrero chocolates! Paborito ko! Thanks Gab!"
"Welcome!"
Kumuha ako ng isa. Napakaspecial nito kasi ito ang first gift niya sa akin simula nang naging magkaibigan kami. Unlike Julia, yung isa naming kaibigan, bago palang kaming naging magkaibigan ni Gab pero matagal na kami naging schoolmates.
Nagsimula yung friendship namin one time sa PE class, magkaklase kaming tatlo tapos nagvolunteer akong maglead ng warm up exercise.
Since umalis saglit yung PE teacher namin, gumawa ako ng nga weird poses. Nagalit yung ibang kaklase ko maliban kay Julia and Gab na tawang-tawa. Naabutan kami ng teacher kaya pinalabas kaming tatlo sa gym.
Simula nun, naging matalik na kaibigan na kaming tatlo. Timing rin kasi yung dati kong bestfriends, Sina Honey at Erika iniwan ako. Si Honey lumipat ng school tapos si Erika nag abroad.
"Gab, tulungan mo naman ako." Sabi ko sa kanya matapos kong maubos yung isang chocolate.
"Oo, ano na naman?" Tanong niya na focus na focus pa rin sa pag eexperiment.
"Yun na nga, yung crush ko. Kanina kasi tinignan niya ako na para bang gusto niya akong lamunin. Don't get me wrong, gusto kong magpalamon."
Napatingin siya sa akin bigla, "Hoy! Ang dumi ha! Pero Chandria, hindi ka pa nga naiinlove, paano mo nasabi yan? Tsaka ni di ka pa nga nagkaka first kiss!"
Bigla kong tinakpan bibig niya. Ang lakas talaga ng boses nito.
"Oo nga. Hindi pa ako naiinlove o nagkafirst kiss pero pakiramdam ko, ready na ako."
Napapalakpak naman tong si Gab. Basta lalaki o lovelife talaga ang topic, number 1 talaga tong babaeng to.
"Teka, feel ko si Julia yung na assign na itour siya sa Campus ngayon. Kanina kasi, tinawag siya sa office."
Si Julia ay student officer sa school. At may boyfriend kaya kampante ako.
"Good. At least, malayo siya sa ibang babae dito sa school. Hindi natin alam, baka agawin pa siya nina Krizzy at ng ibang mean girls."
"Wow, yung mean girls talaga ha?"
"Ah basta! Ako yung unang nakakita sa kanya. First seen, first owned."
"Wow, naman! Bes, saang batas mo ba yan nabasa?"
"Gawa ko lang, pero suggest ko sa Senate soon."
Agad naman akong binatukan. Hay ewan ko sa kaibigan kong to, ang brutal!
•••
Di na mubalik teacher namin hanggang natapos na ang oras niya. Palabas na kami ng Science lab ni Gab nung nakasalubong namin si Julia.
Naglink arms kaming tatlo at nagsimulang maglakad. Si Julia naman, childhood friend ko. Actually may group kami dati ni Julia at yung Krissy, na ngayon ay ang sama na ng ugali. Kaya, kami nalang ni Julia ang naiwan. At dun nga, nakilala namin si Gab.
"May new student akong na tour kanina, grabe ang suplado!" Bati niya.
"Hoy, ang harsh mo naman!" Pagtatanggol ko.
"Eh paano ba kasi! Kanina ang bagal-bagal niyang maglakad. Tapos di naman nakikinig sa kin. Halos maubos na nga ang boses ko kakaexplain. Tsaka ang nakakainis pa, laging nakabuntong-hininga. Parang bored siya o hindi interesado. Sayang lang ang oras ko!"
Patay. Parang ayaw na talaga niya sa crush ko. Paano ko ba sasabihin to?
"Yang sinasabihan mong suplado, yan kung crush ngayon ni Chandria." So ayun, si Gab na ang nagsabi.
Napahinto naman sa paglalakad si Julia and expected, mukhang shock. Paano namang hindi? Never pa kaya akong nagkacrush!
"Sa lahat ng lalaking pwedeng maging crush mo, dun pa sa supladong lalaking yun?!"
"Siguro? Ewan, nagkataon lang." Bigla naman niya akong binatukan. Wow, parang gusto talaga akong patayin nitong mga kaibigan ko eh!
"Ang pangit ng taste mo ha." Sabi ni Julia at naglakad kami ulit.
"Ang gwapo niya kaya!" Pagtatangkol ko naman.
"Aanhin mo naman ang gwapo, kung suplado." sabat niya. "Basta, ayaw ko sa kanya Chandria."
"Eh di mabuti para akin lang siya. Tsaka may boyfriend ka na naman eh."
"Di yan ibig kong sahihin."
"Alam ko. Pero, gwapo pa rin siya! Alam niyo ba? Nagwink siya sa akin kanina!" Kinilig naman ako nang maalala ko yun.
"Hoy bes! Gusto mo samahan ka namin ni Julia magpacheck up ng mata mo? Kung anu-ano na yang nakikita mo." sabi naman ni Gab.
"Hoy! Promise! Hindi ako nagbibiro! Tsaka Julia, baka siguro di siya interesado sa tour niyo kanina kasi iniisip niya ako."
At dahil sa sinabi ko, huminto sila sa paglalakad at sabay nila akong binatukan.
"Hoy! Nakakarami na kayo ha! Nagbibiro lang naman ako!"
Pagkatapos ay napatawa sila sa reaksiyon ko.
Pero di ako nagbibiro. Sana nga iniisip rin ako ni Jay.
Dear Cupid, Tamaan mo naman yun ng pana mo para naman makausap ko siya ngayon.
Pleaaaaaaseeeee? Kahit pang birthday gift nalang!346Please respect copyright.PENANA7KTg1iW8a7