Nung Tuesday, nagpagdesisyunan ko na magKdrama nalang buong araw para nagpalipas oras. Hindi ko pa gustong bumalik ng school eh. 5pm na nang may kumatok sa kwarto ko. Akala ko si Anne lang pero nung biglang nay tumili, alam na alam ko na kaninong boses ito.
"CHANDRIAAAA!" sigaw ni Gab patakbo sa akin at agad niya akong niyakap. "Namiss kita kahapon at buong araw ngayon!"
"Hi guys." Bati ko kay Gab at Julia. "Akala ko ba sabi mo, hindi tayo talo Gab?" panunukso ko sa kanya.
"Gaga mo talaga. Ewan ko sayo!" pagkatapos ay tumabi na sila sa akin.
"Sabi ko na sayo diba? May something talaga yung Jay na yun eh." saad naman ni Julia at biglang sinuklay ang buhok kong hindi ko na naaayos simula kahapon.
Hindi ko nalang siya sinagot at tinutukan ko nalang ang ceiling. Tama naman talaga si Julia eh. Lagi naman talaga siyang tama. Kung kasing mature lang talaga niya ako, baka hindi ako nagkukulong sa kwarto ko ngayon.
"Chandria, ano ba talagang nangyari? Spill the tea, sis! Paano ka namin maiintindihan kung sinasarili mo yan?" pagpupumilit ni Gab.
Tama nga siya. Kaibigan ko naman sila. Deserve nilang malaman. Tsaka, gusto na rin ipalabas lahat ng nararamdaman ko kaya sinabi ko na sa kanila ang nangyari sa party.
"Tapos yun na nga. Narealize ko na nung mas nakilala ko na talaga siya, parang di ko naman talaga siya gusto. Mukhang nagandahan lang ako sa ideya na may crush ako, yung kikiligin ako, at yung may inilolook forward akong makita sa school. Hindi pala sa kanya mismo." sabi ko sa kanila.
Nabigla rin ako sa sarili ko dahil finally, the realization hit me. Katulad nung sinabi ni Mama sa isang letter niya na hindi pala talaga niya gusto si Miguel. Yung chocolate lang na binibigay niya.
Napansin ko namang ang laki ng ngiti ni Gab. Tatanungin ko na sana siya kung anong nagyayari sa kanya nangbiglang magsalita si Julia.
"Ibig sabihin naturn off ka?" Tanong niya.
"Siguro?" pabalik na tanong ko.
"Sus, di porket mukhang cool siya o bad boy, ideal boyfriend na siya kaagad. Niloloko lang tayo ng mga libro." saad ni Julia. "Dapat dun tayo sa talagang may puso at tanggap ka nang buong-buo."
Bigla naman akong nag-isip sino kaya yung mga "may puso" sa school namin, pero mukhang isa lang talaga ang taong pumapasok sa isip ko. Yung mga katulad ni
"Diego!" biglang sigaw ni Gab kaya napatingin kami ni Julia sa kanya. "Si Diego ang pinakagentleman na lalaking nakilala ko. Tapos alam niyo ba? Shet mga besh! Ang hot niya magsurf! Pagbasang-basa siya, parang pati ako, nababasa rin!"
Bigla naman siyang binatukan ni Julia. "Umayos ka gaga! Parang kapatid na yan ni Chandria. Pinagnanasahan mo pa!"
Wow, nabigla ako kasi di naman to nagmumura si Julia. Kung magmumura man siya, minsan lang talaga. Pero ang mas ikinagulat ko, magkaparid ang pagtungun niya sa amin ni Diego?!
"Promise guys! Kailangan niyo siyang makitang magsurf. Sama kayo next weekend! May surf lessons daw ulit sabi ni Diego."
Bigla namang akong nalungkot. Parang ang close na talaga nila eh? Ni hindi ko nga alam na may nga surfing lessons.
Nagchikahan lang kaming tatlo hanggang sa tinawag na si Julia ng mama niya kaya umuwi na silang dalawa.
Matapos nun, nagmukmuk nalang uliit ako sa room at naglaro ng mga video games. Mukhang ayaw ko pa ring bumalik sa school bukas hanggang mataoos ang Year Level Fest. Di na naman ako kailangan dun. May iba nang pinalit.
•••
Ilang oras ang nakalipas at nung dumdidilim na, biglang may kumatok sa kwarto ko. Si Anne pala. Siya kasi yung pinabantay ni Papa sa akin dahil baka daw may gawin ako sa sarili ko.
Sa tingin siguro ni Papa, suicidal ako. Ang di niya alam, sira lang ang puso ko.
"Hi." bati nito.
"Hi." bati ko rin sa kanya. Medyo naguiguilty kasi ako. Kasi naman, simula nung Monday, napakapatient niya sa akin. Hindi siya nagrereklamo kahit minsan, nasusungitan ko siya.
"Tara sa baba?" yaya niya.
"Bakit? Kakakain lang natin diba?" totoo naman eh. Pinaglutuan niya ako ng mac n cheese para sa dinner.
"May sorpresa ako para sayo. Tara na."
Kumunot naman ang noo ko pero sinundan ko rin naman siya sa baba. Pagdating namin sa living room, nagulat ako kasi may malaking fort siyang ginawa gamit lang ang mga kumot at unan. Nilagyan pa niya ng fairy lights. Nung pumasok ako, napaka sa cozy sa loob. May snacks din at Laptop.
"Para saan to?" tanong ko sa kanya nung pumasok din siya sa fort na gawa niya.
"Nextflix and Chill. Sino ba ang nagsabing para sa magjowa lang yun?"
Napatawa naman ako sa reaksyon niya. "Pero bakit mo to ginawa?" tanong ko.
Huminga muna siya ng malalim at nagsalita. "Dati, nung bata ako, kapag may problema ako, ginagawan ako ng papa ko ng fort. Dun ako nagsastay hanggang sa gumaan na ang pakiramdam ko. Tapos pag okay na ako, lumalabas na ako." Napangiti naman siya.
"Talagang close kayo ng Papa mo no?" tanong ko sa kanya.
"Oo. Close na close. Siya lang kasi ang meron ako. Yung Mama ko, hindi ko na nakilala. Kahit pictures nga wala. Ni pangalan niya, wala akong ideya."
Kumunot ang noo ko. "Hindi ba sinabi ng Papa mo? Parang ang unfair naman yata nun."
"Actually, ako yung may ayaw." mas lalong kumunot ang noo ko. "Nagkagirlfriend kasi ang Papa ko, batang bata pa ako nun, kaya lumaki akong tinuring na ang stepmom ko na totoong mama ko."
"Hindi mo ba namimiss ang biological mom mo?"
Nagsmile naman siya pero hindi umabot sa tenga. "Sa totoo lang, may mga araw na namimiss ko siya. Pero honestly, minsan ko lang talaga siya maisip eh. Hindi naman dahil hindi ko siya mahal ha. Siya kaya ang naglarga sa akin ng 9 months! Yung stepmom ko lang kasi, kailanman di niya ipinaramdam sa akin, na may kulang. Pinaramdam niya talaga sa akin paano magmahal ang isang tunay na ina."
"Sorry." sabi ko. Hindi talaga miya deserve lahat ng sinabi ko especially nung nagdinner kami.
"Sorry? Para saan naman?" Tumawa siya. "Alam mo, naiintindihan naman kita eh. Kung nakilala ko ang girlfriend ni Papa nung 16 ako, hindi ko rin siguro yun matatanggap agad."
"Wait. Bakit pala si Papa? I mean, hindi naman panget ang papa ko pero bakit pinipili mo siya na may anak na naman siya? I mean, maganda ka naman, medyo bata ka pa. Bakit siya?" curious kong tanong.
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Chandria, pinili ko ang Papa mo dahil, ipinakita niya sa akin na worth it akong mahalin. Na I don't have to settle for less. Napakatoxic at abusive kasi ng mga naging ex-boyfriends ko. Akala ko hindi ako deserving na mahalin, but your father proved me wrong." ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.
"I've never been loved right, pero now, I'm genuinely at peace. Tsaka, yung edad, distansya, timbang, at kung anu-anu pa ay mga excuses lang naman yan eh. Kung mahal mo ang tao, tanggap mo ang lahat sa kanya. Tinanggap ako ng Dad mo kaya tanggap ko ang lahat sa kanya ng buong-buo." parang maiiyak na siya so I placed my free hand on top of her hand na nakahawak sa isang kanay ko para macomfort siya.
"Chandria, I'm not here to take your father away from you. That has never crossed my mind. Ever. Alam ko ang pinasukan ko at alam ko ang lugar ko. I have no intentions of replacing your Mom. I'm here to love your Dad and everything that he loves. And that includes you."
Pati ako nagpipigil na rin ng luha. Ramdam na ramdam ko na mahal na mahal niya ang Papa ko. That's why she's been putting up with me kahit ang attitude ko. I didn't want her in my life kasi akala ko talaga aagawin niya ang Papa ko, but looking back, narealoze kong, ang selfish ko.
"I'm sorry, Anne." At tuluyan na nga akong naiyak. Niyakap lang niya ako at hinaplos ang likod ko.
"I told you, don't be. Naiindihan ko lahat." tapos ay humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ko. "We can always start over."
Napasmile ako sa sinabi niya. Start over? Mukhang ang ganda pakinggan.
"Anne, ayaw ko talaga ang spongebob. Minions lang." pag-aamin ko.
Nagulat naman siya at natawa. "Actually, same! Nagpatattoo lang ako nung spongebob kasi gusto kong maging cool sa harap ng crush ko. Spongebob kasi yung paborito niya."
Nagtawanan kaning dalawa. "Same, gusto ko ring magmukhang cool sa crush ko pero mukhang wala na eh. Sa huli, iba rin pinili niya." naalala ko ulit sina Jay at Krizzy sa stage na nagpeperform.
"Chandria, ayokong mangealam sa lovelife mo ha? Pero ito lang ang masasabi ko. Based sa lahat ng naging experiences ko in the past, please don't settle for less. Hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo para lang mahalin ka ng tao. The one that deserves you will accept everything about you wholeheartedly. Trust me on this. Darating siya so be patient." ngumiti siya kaya panangiti na rin ako.
That makes sense. "Thanks, Anne." Tatandaan ko yan. Also, how would you like me to address you?" tanong ko sa kanya.
"Your choice. Anything's good naman eh." sabi niya at binuksan na ang laptop. Mukhang magmomovie mara na kami dito sa fort.
"Okay, Ma." sabi ko at gulay siyang napalingon sa direksyon ko. Nagkibit-balikat balang ako at nagsmile sa kanya.
Tama nga siya, nakakagaan nga ng pakiramdam pag nasa loob ka ng fort.326Please respect copyright.PENANA4qSq2cUycF