Pagdating namin ni Diego sa bahay nila, tulog na ang parents niya. Malapit na rin kasing mag 11pm. Dumiretso kami kwarto niya at nagbihis naman ako ng pajama ko.
Paglabas ko ng banyo, nakaupo siya sa kama nya at mukhang may malalim siyang iniisip. Nakabihis na rin siya. White shirt at pagsurf nyang shorts. Paborito niyang combo.
"Buttcheek, ayos ka lang?" panimula ko nang makalapit na sa kanya. Inangat naman niya ang ulo niya at nitignan lang ako sa mata.
Ito na naman ang mga mata niya. Ang lalim, para bang may gustong sabihin ang mga mata niya pero parang may humahadlang din dito. Hindi ko maintindihan.
"Ayos lang. Ikaw, okay ka na?"
"Oo. Salamat ulit." at nagsmile ako sa kanya. Hindi talaga ako sure kung okay na ako pero hindi na mabigat yung nararamdaman ko kumpara kanina.
"Anytime." sagot nito.
Hindi ko naman alam anong isasagot ko sa anytime kaya nagtitigan lang kaming dalawa. Para bang hindi namin alam anong sasabihin sa isa't isa. Ewan ko, naawkward ako sa kanya. Hindi naman ako ganito.
"Ang cute naman ng pajama mo." comento niya. Tinignan ko naman ang mga stars na pattern sa pajama ko.
Usually, may sasabihin pa ako pero ngayon, parang walang salitang lumalabas sa bibig ko.
Napansin ko naman ang picture frame sa bedside table niya. Nilapitan ko ito at kinuha. Picture namin to nung bata pa kami ni Diego. Sa picture, may hawak akong apa ng ice cream at umiiyak ako tapos si Diego naman, inaabot niya ang ice cream niya.
Naalala ko to. 7 years old dito. Namamasyal kami sa park nun. Kasama ko si papa, tapos kasama niya parents niya. Nahulog yung ice cream ko kasi talagang makulit ako nun kaya umiyak ako. Si Diego naman, di nag-atubiling ibinigay ang ice cream niya sa akin at pilit akong pinapatahan. Nakatingin na kasi sa amin ang mga tao sa park.
Grabe, kahit nung bata pa kami, siya na talaga ang laging nagpapatahan sa akin. Simula pa lang nung una, inililigtas na niya ako.
"Naalala mo yan?" biglang tanong niya.
"Paano ba namang hindi? Ang dami kayang taong nainis sa akin nun dahil ang inggay ko raw." sabi ko at ibinalik ang frame.
"Hanggang ngayon naman eh." panunukso niya.
"Ewan ko sayo."
Humiga naman ako sa kama niya at pumailalim sa blanket. Bakit ganun? Ang lambot talaga ng kama niya. Mukhang mabihis akong makakatulog neto.
"Alam mo? Ang hindi ko na matandaan ay yung last time na nagsleep over ako dito." sabi ko sa kanya.
"Dito kana sa kama ko matulog. Dun na ako sa sofa sa baba." sabi niya at tumayo na.
Kumunot naman ang noo ko. "Bakit pa? Pwede namang tabi tayo ah? Hindi naman to first time na magkatabi tayong matulog."
Napakamot siya bigla sa batok niya. "Iba na kasi ngayon."
"Anong naiba?" curious kong tanong. Naguguluhan ako sa kanya.
"Basta. Tulog ka na diyan." naglakad na siya papunta sa pinto.
"Pwede dito ka muna?" tawag ko sa kanya. "Kahit hanggang makatulog lang ako. Ayoko mapag-isa."
Lumingon naman siya ulit sa akin at nagbuntong-hininga. "Sige na nga. Mapilit ka eh."
At tumabi siya sa akin at hinarap ako. Ewan ko ba parang may iba akong nakikita sa mukha niya. Hindi ko lang talaga maexplain.
Bigla naman siyang humikab. Mukhang pagod na siya. Nakalimutan kong galing pala sila ni Gab na nagsurf.
"Sorry pala at naabala pa kita. Mukhang pagod ka galing sa dagat."
"Okay lang. Wala sa akin yun. Nga pala, ano ba talagang nangyari sa party?"
Napaiwas naman ako ng tingin. "Ayoko munang pag-usapan yun."
"Bakit, may masama bang nangyari?" napapikit naman ako nang maalala ko ulit yung nakita ko sa phone ko at nung nasa kwarto kami ni Jay.
"Sabihin nalang nating walang magandang nangyari."
"Alam mo naman na pwede mo akong mapagsabihan ng mga problema mo diba?" tanong niya kaya napatingin ko sa kanya.
"Alam ko naman yung Diego. Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sayo. Ayaw ko lang talagang maalala yun."
"Sige, sabihan nalang kita kung anong ginawa namin ni Gab kanina." pagsusugest nito.
Hindi ko rin alam kung gusto kong marinig to pero mas mabuti nato kaysa sa pag-uusapan namin ang party.
"Sige ba. Anong nagyari? Kamusta si Gab?"
Bigla naman siyang natawa na para bang may inaalala siyang nagyari kanina. "Not bad sa isang first timer. Ilang beses siyang nahulog pero nakuha rin naman niya agad."
"Ahhh." ito lang yung nasabi ko. Ang saya ng mukha niya ngayon, pero bakit bigla akong nalungkot?
Humikab ako. Inaantok na rin yata ako.
"Alam mo ba, ang takaw pala niya? Kahit may laman pa yung bibig niya, salita pa rin siya ng salita." dagdag nito.
"Diego?" tawag ko sa kanya. Mukhang natatalo na talaga ako ng antok ko. Ang bigat na ng mga mata ko.
"Bakit?"
"Pwede bang bigyan mo ako ng quote? Sulat mo nalang sa papel tapos lagay mo sa bag ko. Bukas ko nalang babasahin."
Naramdaman kong umalis siya sa tabi ko para kumuha yata ng ballpen at papel.
"Diego?" tawag ko ulit sa kanya.
"Bakit?"
"Kailan mo ba ipapasa yang project na yan?" nakapikit kong tanong.
Tumawa naman siya at may sinabi pero di ko na narinig pa dahil nakatulog na ako.
•••
Kinabukasan, nagising ako nang hindi pa sumisikat ang araw. Nakalimutan ko pa ngang wala pala ako sa kwarto ko at nandito pala ako kina Diego. Wala na siya sa tabi ko at mukhang sa living room na talaga siya na tulog.
Naalala ko na naman lahat ng nagyari sa party. Bumigat ulit ang pakiramdam ko at naalala ang huling sulat ni Mama sa akin.
▪︎When I had my first heartbreak
Basak ba talaga ang puso ko? Kailangan ko ng sagot. Baka si Mama matulungan ako.
Bumangon na ako at kinuha ang bag ko. Naalala kong humingi pala ako ng quote kay Diego at hinanap ko ang papel kung saan niya isinulat ito.
Nang nakita ito, agad ko itong binasa:
I can't save you from every chaos, but I'd be willing 252Please respect copyright.PENANAvPYZwBZdT9
to dive into them with you.
Napakunot naman ang noo ko. Mukhang di yata nakakatulong na kagigising ko palang kaya kinuha ko nalang ang phone ko ang pinicturan ito. Mamaya ko nalang to ianalyze.
Lumabas ako ng kwarto ni Diego at bumaba. Nakita ko namang ang himbing ng tulog niya pero mukhang uncomfortable nito. Kaya, bumalik ako sa kwartpniya at kinuha ang kumot. Ibipatpng ko ito sa kanya bago lumabas at inasara ang pinto.
Bago ako nagsimukang maglakad, timext ko kuna siya.
"Salamat, buttcheek!"
Nang nakarating na ako sa bahay, nakita ko ang sapatos ni Anne sa labas. Mukhang nagovernight na talaga siya rito pero wala na akong pake. May sarili akong mga problemang dapat ko munang maayos.
Nang nakapasok na ako ng room ko, agad akong nahiga sa kama ko habang nakatutok sa ceiling at nai-isip.
Diba gusto ko si Jay? Bakit hindi ko gusto yung nararamdaman ko nung hinahalikan niya ako? Bakit parang may mali?
Naalala ko naman ang quote na bigay ni Mama sa last letter na binasa ko. May difference daw sa halik dahil naa-attract ka lang at sa halik ng pagmamahal.
So saan yung kay Jay dun sa dalawa?
Kinuha ko ang unan ko at inilubog ko ang mukha ko rito. Ang hirap naman nito. Ang gulo-gulo. Bakit ko ba kasi pinasukan to?!252Please respect copyright.PENANAYujaf12XvU