Saturday ngayon, 10am. Nasa harap ako ng main gate ng campus namin. Hinihintay ko si Jay kasi nagtext siya na dito raw niya ako susunduin para sabay kaming pumunta sa dati niyang school.
Sympre, pumayag naman ako kasi yung paalam ko kay Papa, sina Gab, Julia at Diego lang ang kasama ko. Mas mabuti nang dito niya ako sunduin kaysa sa bahay. Hindi pa kasi siya kilala ni Papa. Busy pa si Papa kay Anne.
Pero magkikita naman talaga kami ng mga kaibigan ko. Yun nga lang, sa 1pm pa kung kailan yung performance nila Julia.
Talagang maaga akong nagising ngayon. Hindi pa nga lumalabas ang araw nun. Nakasuot lang ako ng simpleng tshirt at shorts. Baka kasi magoverdress ako at ano pang sabihin ni Jay.
Ewan ko ba, hindi ako sure kung excited ako o kinakabahan. Hindi nga ako nakatulog nang maayos kagabi. First time ko kasing gumala na kasama ang isang lalaki, maliban kay Diego at Papa.
Biglang may kotseng bumusina sa likod ko. Nilingon ko ito at nagroll down naman ang bintana sa driver's seat.
"C! Sakay na!" Tawag ni Jay.
SHET! Siya yung driver?! Ineexpect ko kasi na magcocommute lang kami. Kinabahan tuloy ako bigla.
Naglakad ako palapit sa kotse niya at nibuksan ang passenger's seat.
"Hi!" Bati ko nang nakapasok ako. Naka plain black shirt naman siya at shorts. Tapos nakashades pa. Ang cool niyang tignan.
"Ikaw ba si C?" Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod. Akala ko kaming dalawa lang dito sa sasakyan niya eh.
Sa likod, may dalawang lalaki. Kambal yata sila. Yung isa poker face lang pero yung isa naman ang lapad ng ngiti.
"Hi!" bati ko naman sa kanilang dalawa. Di ako sure sino sa kanila yung nagtanong eh pero baka itong nakasmile.
"Tama nga si Jay, mukhang ang cool mo." sabi nang nakasmile.
Tumaas naman ang kilay ko. Paano naman niya nasabi yun, eh wala pang 5 minutes simula nang nakapasok ako dito sa kotse eh.
Anyway, nagthank you nalang ako sa kanya. Nalaman ko rin na ang pangalan nitong laging nakangiti ay Carl tapos tong isa naman ay na mukhang hindi talaga nagsasalita ay si Lorl.
Pagkatapos kong magseatbelt, nagsimula nang magdrive si Jay. Takte! Ang bilis niyang magmaneho, lagi pang nagoovertake. Dyos ko, sana umabot kami sa pupuntahan namin.
Tapos ang music pa na pinatugtug niya ngayon sa kotse, yun na namang parang metal na maingay. Yung nakakasakit sa tenga? May pa head bang-head bang pa silang tatlo.
Nilingon ako ni Jay at nagsmile. Nagsmile naman ako pabalik.
"Gusto mo ng bubble gum, C?" Tanong niya na nakatingin pa rin sa akin.
"Hindi na. Okay lang." Hindi ako kikiligin sa patingin-tingin niyang yan kung aksidente lang naman ang kahahantungan namin. Mas gusto kong magfocus siya sa pagmamaneho. Please lang, gusto ko pang mabuhay.
Para pakalmahin ang sarili ko, inisip ko nalang lahat ng naging interactions namin ni Jay this week.
1. Nilibre niya ako ng sandwich. Pero hindi ko naubos kasi nagka allergic reaction ako. Hindi ko naman alam na peanut butter pala yung palaman.
2. Nung nagpractice kami, nakatutok lang siya sa akin habang kumakanta ako. Pero nung nilingon ko naman siya, umiwas lang siya ng tingin.
3. Nung hinati niya ang isang chocolate, binigay niya sa akin yung mas malaking part. Oh diba? Parang ang special ko!
Ilang minuto ang nakalipas, lumingon ako sa bintana at napansin na mukhang malapit na kami. Nakikita ko na kasi ang City Times Square at mukhang may mga organizers na nagseset-up ng stage. Mukhang malaking event talaga to. Sigurado akong maraming tao ang dadalo.
Nung sinabi ni Jay na malapit lang ang school niya dito, totoo naman talaga dahil nasa tapat lang ito ng City Times Square. Nung napasok na kami ng campus, nagpark naman siya. Mukhang may event sa school nila ngayon.
"Anong meron dito ngayon?" tanong ko kay Jay.
"Intrams. Kaya pwede ang outsiders." In-off nya ang kotse saka lumabas na sila kaya lumabas na rin ako.
Nagmukha tuloy akong nakababatang kapatid nila kasi ang tatangkad nilang tatlo. Sakto lang naman ang height ko pero ang tangkad lang talaga nila eh.
Nagsimula kaming maglakad papasok. Ang lawak ng field nila dito. Ang dami ring mga booths at food stalls. Pati stall ng McDonald's meron. Sana ganito rin ang intrams ng school namin. Yung sa amin kasi puro performaces at competitions lang. Kami pa yung kailangang magdala ng packed lunch.
"C, bilis pacustomize tayo ng tshirt." tawag ni Jay. Di ko namalayan ang layo na nila. Ang lalaki kasi ng hakbang. Tapos ako naman, distracted sa mga stalls.
So yun na nga, nagpacustomize kami ng tshirt. May mga ready to make designs na kaya yun nalang pinili ko. Syempre ano pa ba? Edi Minions tshirt. Yung kay Jay, rock n' roll. Tapos yung sa kambal, ewan di ko maintindihan yung design.
Naglibot pa kaming apat. Pumasok kami sa ibat ibang booths gaya ng horror booth. Matatakutin akong tao pero parang hindi naman nakakatakot ang horror booth nila dito. Itong si Jay naman, grabe kung makasigaw. Talo pa ang babae!
Nung nakalabas kami ng booth, sabi ni Jay punta raw kami sa Coliseum kasi daw may Battle of the Bands. Baka raw kasi may mga style kaming pwede masali sa performance namin.
Papasok na sana kami nang bigka akong makareceive ng message kay Diego:
Chandria, san ka na? Sila Julia na ang susunod na nagpeperform.
Tinignan ko ang oras. Shet! Lampas 1 na pala. Hindi ko namalayan. Ni hindi pa nga ako nakapaglunch.
"Jay? Sila Julia na ang next na magpeperform." sabi ko sa kanya.
"Ah, si Julia. Yung kaibigan niya. Kakanta daw sila sa City Times Square." sabi nito sa kambal.
"Tara na?" pag-aaya ko. "Hindi kayo magsisisi. Magagaling yung mga yun."
"Mauna ka nalang, C. Kita nalang tayo dun." sabi naman nito.
Mukhang wala siyang balak manuod. Kung pipilitin ko siya, baka di ko na maabotan yung performance.
"Sige. Text lang kayo." tapos tumakbo na ako.
Shet. Ito pa naman ang ayaw na ayaw ko. Nakapagod tumakbo pero kung may okasyon man na ayaw kong malate, ito yun. Baka pati kami ni Julia mag-away na rin, hindi pa nga kami nagkakabati ni Gab.
Nung nakalabas na ako ng campus, tumawid na ako. Takte! Ang dami ngang tao dito. Hindi ko naman first time dito kasi lagi kaming gumagala dito ni Diego pag-isa sa amin ang may pera. Pero ito ang first time ko na ganito karami ang nandito.
Sana okay lang si Diego. Hindi pa naman yun sanay sa mga matataong lugar.
Isiniksik ko ang katawan ko para makapunta sa harap pero ang hirap kasi eh. Hindi ko na kaya pang isiksik ang katawan ko kaya nung nakakita ko na ang stage kahit sa malayo, huminto na ako.
Sila Julia at Jason na pala ang nagpeperform. Yung mga audience, nakatutok kang sa kanila at mukhang nagiging emosyonal sa kinakanta ng dalawa. Syempre, sino bang di magiging emosyonal sa kantang to?
🎶Now, I need somebody to know242Please respect copyright.PENANAaoj59h0CNU
Somebody to heal242Please respect copyright.PENANAT6uJVoCfGs
Somebody to have242Please respect copyright.PENANA7DOewIYJAy
Just to know how it feels242Please respect copyright.PENANArbqaWH0FQ7
It's easy to say 242Please respect copyright.PENANAwfCBMEmdxm
but it's never the same242Please respect copyright.PENANAJDDa1r7qdO
I guess I kinda liked the way 242Please respect copyright.PENANAHJX5PQN3mP
you helped me escape🎶
Bigla naman akong napalingon sa may gilid ng stage at nakita ko si Gab at Diego. Mukhang may binubulong si Gab kay Diego at napatawa naman itong Diego. Biglang sinabayan ni Gab ang kanta ni Julia at nagslow dance. Mukhang iniimbitahan pa nga niya si Diego.
Napatawa ako sa reaksyon ni Diego dahil umiiling ito. Hindi naman siya yung tipong sumasayaw eh. Pero nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ni Gab at nagsayaw silang dalawa. Kung hindi ko sila kilala, aakalain kong magjowa sila.
🎶And I tend to close my eyes when it hurts sometimes242Please respect copyright.PENANAKhfZ3HQq7b
I fall into your arms242Please respect copyright.PENANAW9UWqjdixZ
I'll be safe in your sound 'til I come back around🎶
242Please respect copyright.PENANAXiT2kJO97F
Dahan-dahan akong umatras. Gusto ko mang lapitan ang dalawa, hindi pa kami bati ni Gab at parang ayaw kong sirain ang moment nila. Ang saya kasi nilang tignan. Bagay na bagay. Ewan ko ba pero biglang bumigat ang pakiramdam ko.
Bigla naman akong nakatanggap ng text mula kay Jay. Nasa McDonald's stall sila at nagorder na sila ng pagkain para sa kin. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko. May kissmark kasi pagkatapos ng last word sa text niya. Pero tama rin ako. Wala silang planong pumunta rito. Hndi naman kasi to ang mga gustong genre ni Jay sa kanta.
🎶For now the day bleeds242Please respect copyright.PENANAeJaTymo8sC
Into nightfall242Please respect copyright.PENANAB7QudoA5QK
And you're not here242Please respect copyright.PENANAtRr9z0v2LA
To get me through it all242Please respect copyright.PENANASWmAfyxd2J
I let my guard down242Please respect copyright.PENANAg434r8jHT1
And then you pulled the rug242Please respect copyright.PENANAJIa8QplrPy
I was getting kinda used to being someone you loved🎶
Tinignan ko ng huling beses si Diego at Gab at naalala ang sinabi ni Gab sa akin na cute at gwapo si Diego sa paningin niya. Akala ko biro lang yun pero ngayon, mukhang seryoso pala siya. Inikot siya ni Diego at mukang ang saya niya. Namumula pa ang mga pisngi nito habang si Diego, ewan. Parang iba ang nakikita ko sa mukha niya ngayon.
Nagsimula na akong maglakad pabalik ng campus nila Jay at tinext ko nalang si Diego:
Buttcheek, ang daming tao, hindi ko kayo makita. Enjoy kayo.242Please respect copyright.PENANArm3hADl987