Shet! Di ko namalayan ang oras! Sa kakanuod ko nitong Kdrama ay di ko namalayang late na pala ako sa school. Takte! Bakit kasi ang gwapo nitong si Park Seo Joon eh! Nakaka-inis! Kailan ba sila magki-kiss nitong leading lady niya? Nasa episode 14 na ako wala pa rin!
10 minutes na after nang first bell pero nandito pa rin ako sa bahay. Eh kung late na ako, ba't pa ako magmamadali diba? Sayang effort ko sa pagtakbo kung pwede naman akong rumampa.
Bumaba ako sa kwarto ko at isinuot ang bago kong black shoes. Mamaya ko na bubuksan yung ibang birthday gifts ko. Makakahintay naman yun. Di ko lang sure kung makakapaghintay yung adviser ko.
Shet, ako nanaman pagagalitan nun! Pero sanay na rin naman ako hehe favorite student kaya ako ni maam.
Tumakbo na ako palabas, di na muna ako kumain ng breakfast, pwede naman sa canteen nalang mamaya.
Teka nga, ba't ba ako tumatakbo? Late na ako eh. Kaya naglakad nalang ako. Ang ganda kaya ng mga ulap ngayon at ang sariwa ng simoy ng hangin. Sana ganito nalang palagi.
Alam niyo ba ba't ang relax ko lang? Eh besides kasi na sanay na akong pagalitan ng teacher ko, nasa tapat lang kasi ng bahay namin ang school HAHAHAHAHAHA kaya rinig ko yung bell kanina.
"Good morning, guard!" Bati ko kay Manong nang nakarating na ako sa gate.
"Uyy! Chandria! Pang-ilang late mo na to ngayong linggo?" Tanong niya. Close na kasi kami nitong si guard dahil palagi akong late. Hindi na nga niya kinoconfiscate ang ID ko eh.
"Sus, di kapa nasanay sa kin guard eh araw-araw, ikaw ang unang nakikita ko dito!" Napatawa naman si guard.
"Oh, bilisan mo na. Baka pagalitan ka na naman nung adviser mo."
"Sige na nga, sabi mo eh!" Sagot ko at nagsimula na akong tumakbo.
Palapit na ako ng room namin nang hindi ko namalayan ang "Wet Sign" kaya nadapa ako at timing naman dahil sa harap pa ng pinto ng room namin.
Takte! Ba't di ko kasi nakita yun. Basa tuloy palda ko.
"CHANDRIA MARQUEZ!"
Patay! Kilalang-kilala ko ang boses na yon. Good luck sayo, Chandria!
Tumayo ako at nagsmile kay maam. "Hi Ma'am, good morning!"
Itong si Maam naman parang nagpipigil ng galit. Kadalasan kasi, sisigaw pato ng "LATE AGAIN?" o kaya "BA'T KA PA PUMASOK?".
Pero ngayon, parang tinatry niyang kumalma. Yun pala, hindi siya nag-iisa sa harap. Katabi niya ay isang lalaki na nakasandal sa blackboard at nakatingin sa labas ng bintana. Sino ba yan? New student? Nakacivillian kasi siya.
Bigla siyang lumingon sa lugar ko. SHET! Ang gwapo naman nito! Mala-anghel ang mukha. Saang langit bato bumagsak? Tapos ang tangkad pa niya, athlete ba to? O artista?
Ewan ko, parang nagso-slow motion lahat. Yung parang sa Kdrama pag pinapakita na yung bidang lalaki? Shet, ang tangos ng ilong at ang pupula ng labi.
Biglang bumilis tibok ng puso ko at uminit bigla ang mga pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin. Nakatutok kasi siya sa akin. Nagbablush ba ako? First time to! Kahit kailangan di ako nagbablush. One time lang siguro nung nagka-allergic reaction ako.
Tinignan ko ulit ang lalaki. Para naman tong si Taehyung ng BTS. Ang gwapo! Myembro bato ng isang Kpop group? Totoong tao ba to? Ang hot kasi ng dating niya.
Bigla naman niya ibinaling tingin niya sa labas ng bintana.
Yung puso ko parang sasabog na. Ito ba ang tinatawag nilang Love at first sight? Para namang lalabas tong puso ko sa katawan.
Isa lang naiisip ko, may crush na yata ako sa kanya? Parang gusto ko na siya! First time kong naramdaman to sa isang totoong tao in real life talaga! Puro sa BTS, Korean actors, Disney princes o mga lokal na artista lang kasi ako nagkakagusto.
Di katulad ng bestfriend kong si Gabriella, na halos lahat ng lalaki dito sa school ay gusto niya at bawat lalaking nakakasalubog namin ay binibigyan nya nag rates. 5 stars kung ideal type nya tapos 1 star naman kapag ayaw niya.
Para sa kin, 10 stars tong lalaking ito.
"MS. MARQUEZ, NAGHININTAY AKO."
Patay! Nakacross arms na si maam. Ano ba kasing hinihintay niya? Kailangan ko pa bang mag explain? Parang di naman siya nasanay na lagi akong late. Di ko alam sasabihin ko.
Pwede sigurong "Maam, in love yata ako".
Di ba nababasa si Maam sa mga mata ko? Kulang nalang siguro magpormang hearts to para malaman niyang ayaw ko siyang kausap at gusto ko lang kausap yung katabi niya.
"MS. MARQUEZ?!" tawag ulit ni maam. Shet.
"Im sorry, I'm late, Miss." Sa wakas ay nahanap ko na ang boses ko. "Eto kasi yung nangyari miss. Maaga talaga akong gumising tapos nung papunta na ako rito, nakasalubong ko yung isang lola kaya tinulungan ko muna siyang tumawid ng kalye. Wala po kasi siyang mga paa."
Nagsmile ako kay maam pero kumunot naman ang noo niya. Totoo naman talagang nangyari yun. Yun ngalang, mga last month pa.
"Paano siya nakatawid kung wala naman pala siyang mga paa?" Tanong ni Maam.
Teka, sinabi ko bang wala siyang paa? "Wala pong sapatos, Ma'am. Yun yung gusto kong sabihin hehe."
"Hmmmm." sabi naman ni Maam. Parang ayaw talaga niyang maniwala.
"Totoo, Maam! Ito oh, bago yung sapatos ko, bigay ni lola para pasalamatan ako." Shet maniwala ka na Maam. Kinakabahan na ako sa mga titig mo.
"Hmmmm." Ulit niya.
"Maam naman! Promise, last day nato!" Last day na akong mag e-explain.
"Ms. Marquez, di mo yata napapansin na may kasama ako dito sa harap?"
Pansing-pansin ko, Maam! Kung alam mo lang.
Bigla naman napatingin ulit sa direksyion ko yung lakaki.
"Sige maam, papasaok na ako ha? Para maipakilala mo na siya sa akin este sa lahat hehe."
Di ko na hinintay sagot ni maam at umupo na ako sa lugar ko.
"Okay, let's deal with that later." Tinignan na naman ako ulit ni Maam. Haysss, nakakahiya na ha. Sa harao pa talaga ng new student.
"Please introduce yourself to the class." Sabi naman niya sa lalaki.
"Hi, I'm Jayden Paras. Call me Jay." Pati pangalan, ang gwapo!
"Would you like to say something else?" Tanong ni maam kay Jay tapos umiling naman ito. Ayaw na yata niyang magsalita o nahihiya pa? Ewan.
"Okay, make yourself at home here, but you have come with me ti my office first." sabi niya kay Jay at tumingin naman ulit siya sa akin, "and to you Ms. Marquez, see me at my office after lunch."
UGGH! NA NAMAN?! Suspension na ba to? Di ko na kasi mabilang pang ilang late nato.
"Maam, birthday ko po ngayon!" Sabi ko naman. Kahit one last chance maam, please.
"Oh? Well, Happy birthday to you." Tapos lumabas na siya. Savage mo naman maam!
Tumayo ng tuwid si Jay kasi nga nakasandal lang sa sa blackboard tapos, tinignan niya ako. Di ako makagalaw. Nakatingin lang din ako sa kanya. Kahit sa malayo, ay kitang-kita ko ang magaganda niyang mga mata.
Bigla naman siyang nagsmirk sa akin. Dahil dun ay tumayo balahibo ko sa katawan. Di pa nga ako nakamove on sa pa smirk-smirk nya nang biglang nagwink pa siya sa akin bago niya sinundan palabas si Maam.
Never ko pang natry na may nag wink sa akin. Totoo yung nakita ko diba? Para sa akin yun diba? Pero bakit?
Nung malapit na siya sa pinto ay lumingon siya ulit sa direksiyon ko.
Nakatunganga naman ako habang hawak ang isang kamay ko sa may puso ko.
Tapos, bigla siyang nagsmile sa akin at lumabas.
Ang puso ko mas bumilis pa ang tibok. Para akong nakainom ng limang kape sa bilis nito.
Shet.
HAPPY BIRTHDAY TO ME.621Please respect copyright.PENANAFPqWBowYpP