Nang nakabalik na ako sa campus, agad ko naman silang nakita na kumain sa McDonald's stall.
"Guys, sayang di niyo nakita performance nila." paninimula ko at naupo. Chicken fillet at iced tea yung inorder nila para sa akin. Yung gravy may pormang heart. Kinilig ako bigla.
"Bayaran mo yung kambal, C ha? Sila nagbayad niyan." Sabi naman ni Jay.
Shet. Akala ko libre ni Jay to sa akin eh. Nakakahiya. Umasa pa naman ako.
"Ahh, oo naman. Syempre." sabi ko at kumuha ng pera sa wallet.
"Nagustuhan mo ba ang drawing ko?" Tanong nito.
Sasabihin ko sana na Oo pero bigla siyang nagsakita, "Pwet yan ni Carl."
Tapos nagtawanan silang tatlo.
Tumawa nalang din ako. Ibinaligtad ko ang plato, at hugis pwet nga ito. Shet, imagine kung sinabi kong oo, diba? Baka akala pa nilang gusto ko talaga ang pwet ni Carl. Jusko!
"Bilisan mo na sa pagkain, C. May pupuntahan pa tayo." sabi ni Jay.
"Saan naman?" tanong ko.
"Malalaman mo mamaya." Tapos nag wink naman ito.
Naeexcite tuloy ako.
•••
Pagkatapos naming kumain, sa campus lang pala yung sinasabi niyang pupuntahan namin. Initour niya ako sa dati nilang classroom, sa gym at marami pang iba. Mukhang ang saya niya habang kinukwneto niya sa akin ang mga ala-ala niya rito.
Pero may tanong na bumabagabag sa utak ko. Kung talagang masaya siya rito? Ba't kailangan niya pang lumipat ng school?
Akala ko sa Campus lang kami pero nung mga 5pm na, ang sabi ni Jay punta raw kami sa sinabi niya sa akin nung kumakain kami. Sa may City Times Square daw. Natuwa naman ako kasi baka ito na ang chance kong mapakilala siya sa mga kaibigan ko.
Yun nga lang, sa tabi pala ng City Times Square. Agad silang pumasok sa isang shop. Teka, hindi shop to eh. Bar ba to? Kinabahan ako bigla.
Mukhang kilala ni Jay ang nagbabantay dahil nagngitian lang silang dalawa at pinapasok lang kami kaagad. Pagkapasok namin ang dilim ng paligid. Mga neon lights lang na nakakasilaw ang tanging source of light dito. Ang ingay pa ng music.
Bigla silang umupo sa may bar at umorder si Jay ng mga hindi ko kilalang inumin. Pero hindi ako makapagconcentrate sa sinasabi nila sa bartender kasi iniscan ko yung paligid. May iba dito na parang kaedad lang namin. May isang magjowa pa nga na naghahalikan.
Nung ibinalik ko ang tingin ko kay Jay, may iniinum na siyang alak. Dont get me wrong, hindi pa ako nakakatikim ng alak. Binase ko lang talaga sa amoy. Ang strong, nakakahilo.
"Ano yan?" tanong ko. Kahit obvious na. Gusto ko lang manggaling sa kanya mismo.
"Pink gin. Masarap to gusto mong tikman?" iniabot niya ang baso sa akin at agad naman akong umiling.
"Hindi na. Okay lang ako. Pero legal ba lahat ng to?" tanong ko sa kanya. Underage drinking na to eh.
Bigla namang tumawa ang kambal.
"Sorry, Ma." sabi ni Carl.
"Sabihin nalang nating, isa to sa mga bad sides ko." tapos ng wink na naman siya.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Para bang ibang Jay ang kausap ko. Gusto ko nang umuwi pero baka kung anong masabi niya sa akin. Baka isipin nilang ang KJ ko.
Naglaro nalang ako sa phone ko nang biglang nakatanggap ako ng text galing kay Julia:
"San kana Chandria? Nasa linya kami ngayon para makasakay ng roller coaster dito sa Times Square. Punta ka na dito. Dali!"
Parang gusto ko na talagang makasama ang mga kaibigan ko eh. Nilingon ko si Jay para sabihin sanang pupunta ako sa Times Square kahit saglit lang nang mapansin kong naninigarilyo na ito.
"Anong ginagawa mo?" concern kong tanong. Kanina, alak. Ngayon, sigarilyo naman? Anong susunod?
"Chill, C." sabi nito at ngumisi. "Gusto mong makarinig ng kwento?"
Hindi ako sumagot dahil naguguluhan pa ako sa mga pinanggagawa niya pero nag patuloy lang naman ito sa pagkukwento.
"Pumasok ako sa school isang araw na lasing. Tapos, ayun nahuli ako ng Principal. Sa lahat ba naman ng pwede kong makasalubong, yung principal pa talaga?" tapos tumawa siya.
"Tapos, di ko napigilan ang sarili ko at sinukahan siya. Nakakatawa ang mukha niya." dagdag nito at nagyawanan silang tatlo.
So yun pala ang dahilan. Hindi pala dahil gusto niyang lumipat. Grabe. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon.
"Ah, labas lang muna ako Jay ha? Wala kasing signal. May kailangan akong itext." pagsisinungaling ko pero mukhang busy na siyang makipag-inuman sa kambal kaya lumabas na ako.
Paglabas ko, nakahinga na ako nang maluwag. Grabe ang usok ng sigarilyo ni Jay sa loob. Parang ang sikip tuloy ng dibdib ko.
Madilim na pala. Kahit dito, kitang-kita ko ang roller coaster. Nakikita ko itong dahan-dahang umaakyat, tapos mabilis na bumaba. Rinig na rinig ko ang mga hiyaw nila. Siguradong nakasakay na silang apat diyan.
For sure, magkatabi rin si Gab at Diego.
"C, okay ka lang?" tawag ni Diego at lumapit siya sa akin. Wala na siyang hawak na sigarilyo o kaya alak.
"Okay lang. Ikaw, okay lang?" tanong ko naman sa kanya.
"Sus, sanay na ako. Hindi agad ako nalalasing dahil lang sa limang baso ng Pink gin." Tumawa naman ito.
"Asan na yung kambal?" tanong ko.
"Mukhang umaga pa sila matatapos." Sagot niya.
Hindi ko na naiwasan na mapanganga. Grabe naman yun. Iinom hanggang umaga? Good luck sa mga atay nila.
"Lagi ba kayong nandito? Pansin ko kasi parang kilala ka na nung nagbabantay sa loob." curious kong tanong.
"Oo. Dati halos thrice a week kaming nandito pagkatapos ng school. Ang saya kaya malasing. Try mo." pang-uudyok niya.
"Naku. Kayo nalang. Okay lang ako dito." sabi ko at ibinalik ang tingin sa roller coaster. Parang gusto ko na talagang sumakay.
Agad ko namang naramdaman na tumabi na sa akin si Jay. Yung mga braso namin ang lapit. Bigla akong may naramdaman na para bang anong oras, may pwedeng gawin si Jay. Hahalikan ba niya ako? May sasabihin ba siya?
"Uwi na tayo." sabi niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Hindi ko pansing kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko.
"Tara." Sabi ko naman at nagsimula na kaming maglakad papunta sa campus kung saan nakapark ang kotse niya. Medyo natawa kami pareho nang muntik na siyang matumba.
"Akala ko ba hindi ka lasing? Siguraduhin mo Jay ah? Ikaw pa naman ang magmamaneho." sabi ko sa kanya.
"Okay lang ako, promise. May bato. Hindi ko nakita."
Pagkatapos nun ay nakarating naman kami sa kotse niya nang hindi na siya natutumba. Nung nasa loob na kami, may biglang kinuha siya sa bulsa niya.
"Para sayo." inaabot niya ang isang paper bag.
"Ano naman to?" tanong ko.
"Buksan mo nalang." at ginawa ko nga. Sa loob ng paper bag, may isang charm bracelet. Kinuha ko ito at napansin na may C na nakaengrave sa heart na pendant.
"Wow! Thank you, Jay!" shet kinikilig ako! Gusto kong tumalon sa saya. Unang regalo niya ito sa akin. Ibig sabihin ba nito, gusto niya rin ako? Ihhhhhhh!
"Pangit ba?" tanong niya.
"Nagjojoke ka ba? Ang ganda kaya nito. Gusto-gustong ko. Thank you ulit!" sabi ko at isinuot ito sa kamay ko.
Nagsmile naman siya at nagsimulang magdrive. Pilit kong pinipigilan ang ngiti ko pero ang hirap talaga!289Please respect copyright.PENANAYh3qIgkERU