Nung Monday, pinapunta lahat ng Grade 10 sa Coliseum para daw ipractice ang magiging flow ng program para sa Thursday.
Ayaw ko talagang pumasok ngayon, pero naisip ko, baka naman pwede kong maayos yung nangyari sa amin ni Jay diba? Naisip ko kasi, baka talagang lasing lang siya nun kaya nasabi niya yung mga sinabi niya sa akin sa kwarto niya. Gusto ko rin sanang magsorry kasi nasampal ko siya.
"Chandria! Finally nandito ka na pala." bati ni Gab nang makita niya akong papasok ng Coliseum. Ang blooming niya ngayon ha.
"Hi, Gab!" pinilit kog pasiglahin ang boses ko para di na siya mag-alala.
"Hoy, may utang ka pang chika sa akin! Tara muna sa loob." At hinila na nga niya ako papasok ng Coliseum.
Naabotan namin si Julia sa may front row at umupo kami ni Gab sa tabi niya.
"Uy! Nandito na pala kayo." Bati ni Julia. Nagsmile nalang ako sa kanya.
Naalala ko tuloy yung sinabi niyang simula pa nung una, ayaw na ayaw na niya kay Jay. Naisip ko, kung nakinig ba ako sa kanya, di sana ito yung nararamdaman ko ngayon?
"So chika kana, Chandria! Text ako nang text sayo pero di ka naman nagrereply!" reklamo ni Gab.
"Sorry, in-off ko kasi muna yung phone ko." yun naman talaga yung totoo. Natatakot kasi akong baka may imessage si Jay sa akin at baka ano pang isend niya.
"Kamusta, Chandria? Anong nangyari? Nagkafirst kiss ka na ba?" tanong naman ni Julia.
Magandang tanong yan. Nagkafirst kiss ba talaga ako? Pero sabi nga ni mama, di counted kapag hindi ko hinalikan pabalik.
"Basta, ang hirap iexplain." sabi ko nalang sa kanya.
"Ano ba yan! Hindi ka naman ang kukwento Chandria eh! Excited pa naman akong pumasok ngayon para marinig yang kwento mo!" reklamo ulit ni Gab.
"Ms. Gabriella Rapadas, please observe silence." saway ng adviser ko.
Ngayon ko lang talaga gustong magpasalamat na nagsalita si Ma'am. At least, hindi na ako yung pinapagalitan niya.
After nun, nagsalita na ang Non-academic head namin sa stage na magsisimula na ang flow. May 4 na magpeperform, tapos si Gab, tapos kami ng banda ni Jay at tatlo pang performances pagkatapos namin.
After pagperform si Gab, umupo siya ulit sa tabi ko. Bigla namang initroduce ng Non-academic head namin ang susunod na magpeperform, which is kami nila Jay.
"So for our next, performance ladies and gentlemen, we have the Bad Juvenile led by Mr. Jayden Paras."
Nagpalakpakan ang lahat. Mukhang cue ko na to na tumayo at umakyat sa stage. Tatayo na sana ko nang biglang lumabas si Krizzy galing sa backstage at ipinasa naman ni Jay ka kanya ang mic.
"Anong nangyayari, Chandria?" naguguluhang tanong ni Julia.
"Hindi ko rin alam." naguguluhang sagot ko rin sa kanya.
"Chandria, wag mong sabihing..." panimula ni Gab.
At nag-umpisa na ngang tumugtog ang napakapamilyar na tunog. Syempre, alam na alam ko ang ingay na yan. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Kinakanta ni Krizzy ang mga linyang dapat ako sana ang kumakanta.
Ibig sabihin ba nito na hindi na ako singer ng banda? At si Krizzy pa talaga ang ipinalit niya?
"Chandria? Okay ka lang?" tanong ni Julia.
Paano naman ako magiging okay neto? Nakakahiya kaya! Biglang may namumuong luha sa mga mata ko. Bago pa makita nila Gab ay tumayo na ako at tumakbo palabas.
"Chandria!" rinig kong tawag nila Julia pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.
Ayoko na. Gusto ko nalang umuwi. Hindi naman ako kailangan dito kaya ba't ipapahiya ko pa ang sarili ko?
Gusto kong matawa. Tama nga si Jay. Hindi na ako nahiya para sa sarili ko at ang dami kong drama sa buhay. Ang sakit.
Ang sakit dahil pakiramdam ko tama siya.
•••
Biglang may kumatok sa pinto kaya tinakpan ko nalang ang mukha ko sa unan. Ayokong may makakita sa akin ngayon. Wasak na wasak ako.
Narinig ko namang bumukas ang pinto at naramdamang may umupo sa kama ko.
"Chandria, may maitutulong ba ako?" si Anne pala.
Bakit nandito siya?
Mukhang nabasa niya ang iniisip ko dahil agad siyang nag-explain. "Tinawagan ako ng kaibigan mo. Si Gab ba yun? Sabi niya puntahan raw kita. Baka kung si Papa mo kasi, mag-alala pa. Nasa ttabaho pa naman yun."
Teka kailangan naman nakuha ni Gab ang number ni Anne? Wag mong sabihin na nung araw na galing sila sa City Times Square at binisita ako sa bahay, nakapag-usap pa sila?
"Hindi kita tatanungin kung anong nangyari. Personal mo namang buhay yan. Nandito lang ako kasi baka may gusto kang kainin. Gusto mong ipagluto kita?" natouch naman ako sa sinabi niya.
Yung tipong alam niya ang boundaries niya at hindi niya pinaparamdam sa akin na kailangan kong iexplain lahat ng nararamdaman ko.
Oo, hindi pa ako sure kung ready na akong papasukin si Anne sa buhay namin ni Papa. Pero di ko naman pwedeng ipagkaila na talagang maganda ang personality niya. Hindi niya deserve na pagsungitan ko siya.
"Gusto mo ng lasagna? Diba paborito mo yun?" tanong ulit niya kaya kinuha ko ang unang nakatakip sa mukha ko at humarap sa kanya.
"Mukhang masarap nga ang lasgna ngayon." sabi ko sa kanya at ngumiti naman ito.
"Be right back." at lumabas na siya ng kwarto ko.
Napansin ko ang bracelet sa kamay ko at tinanggal ito. Para namang nagflashback lahat ng nangyari sa akin these past months. Simula nung una kong makita si Jay sa classroom nung nalate ako hanggang sa makita ko siya kanina sa stage kasama si Krizzy.
Bigla kong narealize na baka pinaglaruan lang talaga ako ni Jay. Naisip ko na baka hindi talaga siya interesado sa akin. Maybe he's keeping me by his side hindi dahil may balak siyang jowain ako kundi ayaw lang niya mawalan ng singer ang banda niya.
Looking back, narealize ko na ngayon na hindi naman talaga cool ang pagiging bad boy niya. Actually, matagal ko nang narerealize. Di ko lang talaga pinansin ang red flags.
Para bang nang mas nakilala ko siya, mas hindi ko na siya nagugustuhan. Hindi ko alam kung kailan nagsimula.
Nung araw ba na parang nararamdaman kong binabago niya ako, specifically paano ako dapat kumanta, kumilos at kung anu-ano pa?
Nung araw ba na nalaman ko ang mga bisyo niya at kung anong nangyari sa dati niyang school na nagdahilan kung bakit kinailangan niyang lumipat?
O nung araw ba na naramdaman kong ayaw ko pala siyang halikan?
Hindi ko alam talaga pero isa lang naiisip ko.
Ginamit lang niya ako. Pero ang di ko matanggap, Nagpagamit din ako.
Alam niya siguro na head over heels ako sa kanya. First time kong magkacrush eh kaya di ko alam paano ihandle lahat ng emosyon. Siguro tinake advantage niya yun para sa sariling benefit niya.
Grabe. Ang daming red flags pero inignore ko lang. Kung sana hindi ko hinayaang magbulag-bulagan. Edi sana, mas maaga kong naligtas ang sarili ko.
Ilang minuto ang nakalipas, biglang nay kumatok sa pinto ko. Si Anne.
"Sabi ng Snickers, You're not you when you're hungry. Kaya baka pag nabusog ka, gumaan na pakiramdam mo." Paninimula nito.
Alam kong tinatry niya akong icomfort pero waley talaga ng banat niyang yun eh.
"Wala ka bang ibang banat?" tanong ko nang nakalapit na ako sa kanya.
"Mukhang kailangan ko pang matuto. Ganun naman talaga diba? We live and we learn." sabi nito kaya di ko mapigiligang ngumiti.
"Medyo mas okay na yan." sabi ko ag sinundan na siya pababa.
Mamaya ko nalang punan ang kulang ko sa puso. Sa ngayon, uunahin ko nalang muna ang tiyan.284Please respect copyright.PENANAkYQkRwptFK