Wednesday, the day before the Year Level Fest, talagang hindi na ako pumasok sa school at nanatili nalang sa kwarto. Kumpara nung Monday, mas magaan na ang loob ko pero hindi ko pa rin yata kayang makaharap si Jay.
Don't get me wrong, I don't feel anything towards him anymore.
No, let me change that.
Narealize kong wala pala talaga akong nararamdaman sa kanya.
That was just a simple crush or plain attraction. I was attracted merely for his physical aspects, but not on how he made me feel.
First time ko eh. Kaya nadala ako ng emosyon. I didn't know how to properly handle my emotions and still keep myself intact, but I think, I know better now.
Tama si Mama Ann, hindi ko dapat baguhin ang sarili ko para lang magustuhan ako ng taong gusto ko.
Bigla namang tumahol tong si Chunk, pulling me out of my thoughts. "Lika ka nga dito." kinarga ko siya at pinaupo sa lap ko.
"Alam mo, Chunk. Minsan, gusto ko nalang maging aso. Katulad mo. Yung magihintay lang ako kung kailan ako papakainin. Yung may magsusunod sa lahat ng kalat ko. Ang sarap siguro ng buhay mo no? Namimili ka pa ng ulam. Swerte mo."
Napatalon ako sa gulat nang may biglang kumatok. Pati si Chunk nagulat at bumaba ng kama ko, pabalik sa dog bed niya.
Ano ba naman yan. Nagheart to heart talk pa kami ng aso ko eh.
"Pasok."
Nang bumukas ang pinto, pumasok ni Diego.
"Diego?" tawag ko sa kanya.
Gusto kong tumakbo para sa yakapin siya pero bakit ganon? Parang naaawkward ulit ako sa kanya.
"Hi." bati nito. Nakatayo lang ito sa may pinto at hindi gumagalaw.
I studied his face at napansin ko naman ang suot niya. Usually nakawhite shirt at surf shorts lang siya eh pero ngayon, ibang-iba. Naka white polo siya na bukas ang dalawang buttons sa itaas. Tapos naka black shorts.
Hindi ko alam pero parang may iba sa kanya. Pero baka siguro, sa suot lang niya. Nagtataka naman ako bakit ganito ang porma niya ngayon. Nagpapaimpress ba siya kay Gab?
"Sinong kausap mo dito?" tanong niya nang nakaupo siya sa kama ko at humarap sa akin.
"Ah, si Chunk lang haha." madalas ang dami ko pang sinasabi eh pero parang nauubusan yata ako ng salita ngayon.
"Sinabihan ako ni Gab tungkol sa nangyari sayo." Sabi nito.
Mukhang nagkakamabutihan na talaga ang dalawa. Madalas na silang mag-usap eh.
"Anong sabi niya?" tanong ko.
"Lahat. Lahat ng nangyari sa party at nung Monday sa school niyo." umiwas naman ako ng tingin sa kanya.
Nakakahiya.
Patay ka sa kin, Gabriella!
"Para sayo." binalik ko naman ang tingin ko sa kanya at may inabot siyang maliit na box.
"Para saan to?" tanong ko habang kinuha ito sa kanya.
"Buksan mo nalang." sabi niya at ginawa ko naman.
"Wow." Hindi ko napigilan ang sarili kong mamangha. "Ang ganda."
Sa loob my box, may isang gold necklace at ang hugis ng maliit na pendant naman nito ay isang seashell.
"Thanks, Buttcheek!" sabi ko at ngumiti sa kanya. "Pero, para saan to?" tanong ko.
Hindi ko naman birthday. Tapos, wala naman akong ginawa para ireward ako ng ganito kaya para saan to?
"Wala. Gusto ko lang ibigay." sagot niya at kumunot naman ang noo ko. Magtatanong pa sana ako nang bigla siyang nagsalita.
"Ang totoo niyan, nung nasa City Times Square kami, nakita ko yan sa isang shop. Tapos naisip kita bigla kaya binili ko." seryosong sabi niya.
Sa di ko malamang dahilan, biglang uminit ang pisngi ko. Shet! Nagbablush ba ako? Umiwas nalang ako ng tingin. Ano ba tong nagyayari sakin?
"Nung pumunta kami dito nung araw na yun, balak ko sanang ibigay pero mukhang enjoy na enjoy ka nung namasyal din kayo ni Jay kaya di ko nalang tinuloy." dagdag niya.
Tinignan ko naman si Diego at ang lalim na naman ng tingin niya sa akin.
"T-thank you. Nagustuhan ko." Shet. Nauutal ako. Ano ba kasing meron sa mga matang yan?
"Welcome."
"Pero bakit seashell?" curious kong tanong sa kanya.
"Paborito mo ang Little Mermaid diba?"
Tinignan ko naman ang pendant. Oo nga, katulad ito nung nasa Little Mermaid. Kilalang-kilala niya talaga ako.
"Gusto mo isuot ko sayo?" biglang tanong nito.
"Ahh, sige." Teka nga bat ang dami yata naming dead air ngayon? Di naman kami ganito mag-usap ah?
Ibinigay ko sa kanya ang necklace at tumalikod na. Inalis niya ang buhok ko sa leeg ko at ramdam ko naman ang malalim na paghinga niya.
"Alam mo, wag kag maniwala sa Jay na yun. Hindi ka naman madrama eh. Maingay nga lang." sabi nito kaya tawa naman ako.
"Ewan ko talaga sa yo." tinulungan ko siyang hawakan ang mga buhok na nakaharang sa leeg ko.
"Seryoso ako." sabi niya habang inilagay sa harap ko ang necklace bago inilipot sa leeg ko. "Kaya wag mong iisipin na may mali o may kulang sayo." sabi nito at narinig ko naman ang clasp ng lock.
Hinawakan ko ang pendant at muli itong tinignan. Pagkatapos ay hinarap ko si Diego and our eyes met.
"You are beautiful, Chandria. Lahat ng kung ano ka." seryosong sabi niya nang hindi pa rin tinatanggal ang pagkakatingin sa akin. "You're enough just the way you are."
Pagkatapos itong sabihin ni Diego ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pero parang iba to eh. Hindi yung katulad nung kay Jay na sa bilis ng tibok, hindi ako mapakali. Kay Diego, parang napapakalma ako. Yun bang sa bawat tibok ng nito, parang mas napapanatag ang loob ko.
Nagsmile naman siya akin at biglang may nangyari. Something na talagang hindi ko ineexpect. For the first time ever, nakikita ko na, ang gwapo ni Diego!
Napupungay na nga mata, mahahabang mga lashes, matangos na ilong, at mapupulang nga labi. Yung sun-bleached na buhok niya parang ang sarap isuklay gamit ang kamay ko.
Bakit hindi ko to nakikita dati? Kaya pala parang may nakikita akong iba sa mukha niya. Tama yung mga kaibigan ko. Bulag yata ako at ngayon ko lang napansin to.
Siguro talagang nasanay na ako dahil lumaki akong kasabay siya kaya di ko makita ang nakikita ng iba.
Napanganga ako. Shet. Ang init na ng pisngi ko. Pakiramdam ko gusto ko...
"HOY!" tawag naman ni Diego. "Okay ka lang?" tanong niya.
Isinara ko ang bibig ko and blinked a few times, trying to keep my composure. "W-wala. Ikaw kasi. Kung anu-anong sinasabi mo."
Tumaas ang kilay niya. "Anong mali sa sinabi ko? Totoong maganda ka, Chandria."
Pagkatapos niyang sabihin ito, narealize kong... Shet!
Gusto si Diego.
Gusto ko ang bestfriend ko.
Yung puso ko, ang bilis na para bang kinoconfirm nito ang ngayon ko lang na realize. Na para bang sinasabihan ako nito na sa wakas, nagising na rin ako sa katotohanan.
Gusto ko si Diego. At hindi lang dahil nagugwapohan ako sa kanya ngayon.
Gusto ko si Diego at lahat ng kung ano siya.
"Chandria, kinakabahan na ako sayo eh. Ayos ka kang ba talaga?" tanong nito.
Ayos lang ba talaga ako? Eh, ngayon ko kang narealize na gusto kita eh!
"O-oo. May inisip lang. Ano ka ba haha." sabi ko nalang.
"So, anong gusto mong gawin natin ngayon? Libre ako buong araw. Excused ako para magpahinga kasi bukas may tournament kami. Gusto mo magmovie mara?"
Hindi ko yata napoprosess lahat ng sinasabi niya kasi hindi ko mapigilang tutukan siya.
"Hoy, Chandria." tawag niya.
"Oh?" Iniwas ko nalang ang tingin ko. Nahuli niya akong nakatutok lang sa kanya. Baka ano pang isipin neto.
"Sabi ko, manuod nalang tayo ng little Mermaid. Alam mo ba nung isang araw, niyaya ako ni Gab na manuod kami ng Little Mermaid? Tawang-tawa siya kami memorize ko daw yung lines ng movie."
"Huh? Saan kaayo nanuod?" tanong ko sa kanya.
Movie namin yun eh. Bakit sineshare niya sa iba?
"Sa bahay namin. Pumunta siya para isauli yung tshirt na hiniram niya nung nag surfing lessons kami."
"Ahhh. Ganun ba?"
At nagpatuloy na siyang magkwento tungkol kay Gab. Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko nung nalaman kong nagkakamabutihan na ang dalawa.
Hindi lang pala dahil nagiging possessive ako sa kanya. Nagseselos na pala ako.
Kung kailan ko pa narealize ang totoong nararamdan nitong puso ko, ngayon pa na parang wala na akong pag-asa. Mukhang masaya na sila eh. Hahadlangan ko pa ba?
Haaaayyy... pati dito, late rin ako?
"So, manuod na tayo ng Little Mermaid?" tanong niya.
Sabi ko dati pag kasing gwapo na niya si Prince Eric, ibang Disney movie naman. Sa palagay ko, panahon na.
"Hindi. Gusto yung Frozen 2 naman." sagot ko sa kanya.288Please respect copyright.PENANA5b1eiqQPDV