Pag gising ko, unang ginawa ko ay tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Kagabi kasi, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakaiyak. Buti nalang, hindi halata sa mukha ko ngayon.
Binuksan ko ang blue box na regalo ni papa. Sa loob nito ay isang perfume. Kumunot naman ang noo ko. First time kasi na ganito ang regalo ni papa. Madalas kasi puro pambata yung gift niya kagaya ng mga coloring book, art materials o mga puzzles. Ngayon, perfume? Anong nakain ni papa?
Yung last letter ni mama tinago ko muna sa bedside table ko. Babasahin ko yun paghanda na ako. Sa ngayon, wag na muna.
Yung ibang gifts din, nabuksan ko na pagkatapos kong magbihis ng uniform. May nakuha akong pera, mga alas, at iPad. Grabe naman tong mga kamag-anak ko. Ang sosyal mangregalo! Ewan ko ba kung gusto talaga nilang ibigay ang mga to o naaawa lang sila. Minsan kasi, yun ang nararamdaman ko.
Alam ng buong pamilya ko paano naghirap si papang palakihin ako ng mag-isa, pero nakaya naman naming dalawa eh. Eto nga't 16 na ako, buhay at malusog. Salamat sa Diyos.
Bilang bumukas ang pinto ko. Akala ko si papa. Si Chunk lang pala. Natawa tuloy ako. Suot kasi nito ang bagong minions costume na bigay ni Diego kahapon. Ang cute lang.
Tinignan ko ang oras sa phone ko. May 5 minutes pa para magbell. Medyo maaga pa to para sa kin, pero parang gusto kong pumasok ng maaga ngayon. Gusto kong makita si Jay.
Ihhh, ngayong araw sana makausap ko na siya.
Jayden Paras, humanda ka ngayon. Magiging akin ka rin!
•••
"Besh, di ka pinagalitan ngayon ha! Wala kaming narinig na sigaw galing sa adviser niyo kaninang umaga. Congrats!" panunukso ni Gab. Nasa gitna ako nilang dalawa ni Julia.
"Miracles happen, bes." sagot ko sa kanya.
Nasa Coliseum lahat ng Grade 10 ngayon. May importanteng announcement raw. Ano kaya yon? Sana naman di ipapatawang yung mga maraming late sa harap no? Dahil pagnagkataon, sigurado akong ako ang unang tatawagin.
Biglang may teacher na tumayo sa gitna ng stage at lumapit sa mic. Hindi ko alam pangalan niya pero sa tingin ko nakita ko na siya sa Non-academic office dati. Suki na kasi ako sa nga offices eh.
"Good Morning, Grade 10! I'm Mr. Salazar, Non-Academic Head. Today we'll be talking about the guidelines for your upcoming Year Level Fest!"
Biglang nagcheer kaming lahat. Shet! YLF na pala! Last year, nung grade 9 pa kami, gustong gusto naming tatlo ng mga kaibigan ko na sumali pero para sa grade 10 lang kasi to. Yung ibang level, sa audience lang.
Inaabangan ito ng lahat kasi maliban sa nasho-showcase ang mga talent ng estudyante, walang auditions to kaya nakakalusot ang mga gustong magpresent ng malalaswang performaces.
Example nung last year, may nag audition na kakanta sila at ang pangalan ng Banda nila ay "Call me Daddy." Tawang-tawa kami sa lyrics kasi ang lalaswa. Yung mga teachers naman, nagpanic kung paano matitigil yung performace nila. Nandun pa naman ang principal! HAHAHAHAHA ang confident nila, walang takot sa suspension.
"This year," patuloy ni Mr. Salazar, "I have to emphasize that no SPG performances will be tolerated."
Biglang nag "boo" naman ang mga lalaki naming schoolmates at kaming mga babae, napatawa nalang.
Pinatahimik muna kami ni Sir at nagpatuloy.
"If you want to perform, please sign up your name in the bulletin board near the main gate of the campus. I'd like to remind everyone, that you can only perform once. There will still be no auditions this year."
Nagcheer ulit kami.
"BUT again, No SPG. The faculty trusts that you, as role model students of this university, would comply."
Pagkatapos ng announcement, dinismiss na kami ni Sir. Nagdecide nalang kaming tatlo na pumunta sa canteen para magplano. Last year pa namin to hinihintay, hindi namin palalagpasin ang pagkakataong ito.
"So anong plano? SPG gawin natin!" paminimula ko nang nakaupo na kami. Mukhang obvious naman na ako ang bad influence naming talo.
"Guys, wag kayong magalit ha? Pero may plano na kasi kami ng boyfriend ko. Magduduet kami." biglang sabi ni Julia.
"Naku, pano na yan? Once lang pwede magperform." tanong naman nitong si Gab.
"Hmm, tutulong nalang akong magsuggest. Gusto niyo ng SPG? May idea ako!"
Parang tumayo tenga ko nung marinig yun kay Julia. "Gusto ko yan! Sige, anong naiiisip mo?"
"Hoy, Chandria, wag mong ipahalatang excited ka!" saway ni Gab. Napatawa nalang kaming tatlo.
"May sinusulat na kanta yung boyfriend ko. Ang title, 'Let me play your guitar.' Yung lyrics pag pinakinggan niyo, parang okay lang pero yung meaning, malaswa!"
Nagtawanan naman kaming tatlo. Grabe, ang liit talaga ng utak namin. Birds of the same feather have small brains together nga naman.
Bigla naman naming naramdaman na may nakatingin sa amin kaya nilingon namin to at nakita namin si Krizzy, kasama ang mga mean girls na kaibigan niya sa kabilang table.
Nakakunot ang noo niya at nakacross arms pa. Mukhang naiinis siya na nagtatawanan kaming tatlo. Nagroll eyes nalang ako sa kanya. Paano ba kasi. Wala kaming ginagawa tatlo pero kung makatingin siya, parang ang laki ng kasalanan namin sa kanya. Kung tutuusin, siya naman ang nang-iwan at mas pinili ang mga bully niyang mga kaibigan.
"Hayaan niyo na. Kung papatulan pa natin, mas lalala siya." Sabi ni Julia, ang pinakamatured sa aming tatlo.
"So back to the topic, guys." paninimula ni Gab, "Kailangan kong magperform para mapasa ko yung music club ko. Kung hindi, baka hindi pirmahan yung clearance ko. Nakailang absent na kasi ako dun."
"Magkaibigan nga talaga kayong dalawa." Sabi ni Julia habang tinuturo kami ni Gab. Binatukan ko naman siya. Kala niyo, hindi ko alam to ha. Marunong din kaya akong mambatok!
"Pero guys, seryoso. Since wala na si Julia dahil may plano na siya ng boyfriend niya. Tayo nalang dalawa, Chandria. Ikaw kumanta tapos ako yung mag-giguitar." pagsusugest ni Gab.
"Hoy ayoko nga! Ako nalang sa guitar!" pagpupumilit ko.
"Hindi ka naman marunong eh! Tsaka, ang ganda kaya ng boses mo ba't ayaw mo iparinig sa iba?"
Napaisip ako dun. Totoo namang maganda ang boses ko. At least, yun yung sabi ng lahat ng taong narinig na ito. Halos maiyak nga mga relatives ko tuwing may family reunion kami at pinapakanta nila ako. Kaboses ko raw kasi si Mama kaya hindi na ulit ako kumanta sa harap ng iba.
"Ayoko." sabi ko. Hindi sa nahihiya ako. Ayaw ko lang talaga.
"Hoy, may utang ka pa sa akin! Natatandaan mo yung role play dati?" pagbabanta ni Gab.
Naalala ko na naman yun. May role play kami dati tapos role ko yung puno at si Gab naman, butterfly. Hindi pa kami close nun. Friends pa nga kami ni Krizzy nun eh. Pero sa role play, umiyak ako sa teacher dahil gusto kong maging butterfly. Kaya ayun, si Gab ang naging Puno, tapos ako na ang naging butterfly.
Napatawa naman ako sa ala-alang yun. Grabe ang liit talaga ng utak ko.
"Ayoko pa rin." Sabi ko.
Biglang nagpout naman ito. "Nakakainis ka naman, Chandria eh! Paano yung clearance ko?" Naku po, mukhang iiyak na ang isang to.
"Chandria, sige na! Baka ito na ang chance mong mapaimpress si Jayden!" Pagkatapos sabihin ni Julia yun, bumilis bigla ang tibog ng puso ko.
Oo nga no? Bakit di ko naisip yun? Kapang narinig si Jay ang boses ko, siguradong tapos na ang laban at kaming dalawa ang nagkakatuluyan!
"Deal! Mag sign-up kana, Gab!" pag-uudyok ko. Nagcheer naman silang dalawa.
Shet, sana tama tong desisyon ko! Ito na ang chance kong mapainlove sa akin si Jay! Watch out crush, magiging girlfriend mo rin ako soon!311Please respect copyright.PENANAstfv4uSzX8