Pagtapos naming magplano kung akong gagawin namin sa YLF, tinulungan nalang ako nila Julia at Gab na magstalk kay Jay. Nagsuggest patong si Gab na hingin namin sa office ang schedule ni Jay para naman alam ko ang bawat kilos niya at kung saan siya bawat minuto ng araw.
Syempre dahil may kaibigan kaming student officer, naging nadali sa amin ang pagkuha nun kaya ngayon, kabisadong-kabisado ko na ang sched ni Jay.
Todo na talaga to! Full force ang support ng mga kaibigan ko. Paano namang hindi? Eh first crush ko yata to. Wala akong experience sa mga ganito. Pero normal lang ba to? Normal pa ba ako? Ganito ba talaga nainlove? Nakakabaliw!
The whole week, sinundan ko talaga si Jay. Halos malate pa nga ako sa ibang subjects ko pero what's new? Kahit teachers ko di na nagugulat. Siguro mas magugulat pa sila kung maaga akong pumasok.
So far, ito yung mga alam ko tungkol sa crush ko:
1. Lagi siyang nag-oorder ng Milo sa canteen tuwing lunch. Grabe, parang nililiteral naman yata niya ang Milo Everyday!
2. Ayaw niyang kinakausap siya pag nagcecellphone siya. Okay, noted! Sisirain ko nalang siguro yun o ipapanakaw ko. HAHAHAHA Joke! Di naman siguro ako baliw. Mga very slight lang.
3. Laging Mobile Legends ang nilalaro niya sa phone. May mga subjects kasi na magkaklase kami at lagi kong napapansin na kahit may discussion sa harap, nakayuko lang siya at naglalaro.
4. Ang bango niya! Yung panglalakeng amoy talaga? Yung malakas na nakakabaliw? Yun! Nalaman ko to kasi nung Wednesday, sa canteen, talagang nakiinsert ako sa line para ako yung nasa likod niya. Grabi gusto ko siyang iback hug nun pero pinigilan ko lang talaga sarili ko.
Bigla akong nakareceive ng call galing kay Gab at sinagot ko agad ito.
"HOY CHANDRIA MARQUEZ, ASAN KA?!" bungad nito. Nilayo ko naman phone ko sa tenga ko. Grabe! Gusto yata nitong sirain ang eardrums ko ha!
"Nandito ako sa boys' locker room. Hinintay kong lumabas si Jay." Sagot ko naman.
"GAGA! Hindi ka nagdouble check nag sched niya? Friday ngayon, magkaklase tayo sa Science lab! Nandito siya, bilis!"
Agad ko naman iend call ang tawag ni Gab at tumakbo na papuntang lab. Shet, akala ko kasi Thursday pa ngayon! Ano ba to, pati utak ko late!
Nang makarating ako sa may pinto sa lab, inayos ko na muna ang buhok ko at ang uniform ko. Pinunasan ko rin pawis ko. Grabe, di ko maalala kung kailan ako huling tumakbo nang ganun. Kaya nga ayaw na ayaw ko ang exercise eh!
Kumatok muna ako bago pumasok. Kahit late dapat respectful.
"Hi Sir!" Bati ko kay Mr. Yllaya.
"Chandria, ba't pumasok ka pa?"
"Eto namang si Sir! Galing kaya ako ng CR! Hala ka sir, wag masyadong mastress, nagiging makakalimutin kana!"
Kumunot naman ang noo nito. Para bang kumbinsidong-kumbinsido siya sa pinagsasabi ko.
"O siya! Balik ka na sa partner mo." Sabi nito.
Takte! Kung nagtatanong ako sinong partner ko, baka mabuking ako ni Sir. Kaya nilapitan ko nalang sila Gab at Julia. Aba, sila pa talaga ang nag partner ha! Paano naman ako?
"Hoy, sino partner ko?" Tanong ko nang nakalapit na ako sa kanila.
Di naman nila ako sinagot, pero ibinaling lang nila ang ulo niya sa may likod. Si Jay, nag-iisa at nakayuko. Nagcecellphone yata.
"Wag niyong sabihing..."
"Oo, go kana sa kanya! Magpasalamat ka sa amin. Inilayo namin ibang babae sa crush mo. Grabe yung iba kanina, kulang nalang itapon nila ang sarili nila sa kanya!" Chika naman nitong si Gab.
Niyakap ko silang dalawa sa tuwa. "Thanks guys! The best talaga kayo!"
Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa inuupuan ni Jay. Takte! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para yatang anytime, pwede na itong sumabog.
Inaangat naman ni Jay ang ulo niya nang makarating ako sa table at bigla siyang ngumisi.
"Hi" bati nito.
Pakiramdam ko umiinit pisngi ko kaya lumingon ako kina Gab at Julia para sana humingi ng moral support, pero yung dalawa ayun, balik na sa pagdidisect ng palaka nila.
Binalik ko ang tingin ko kay Jay na ngayon ay ang lapad ng ngiti.
Magsalita ka, Chandria! Ito na pagkakataon mo! Wag kang pabebe!
"Tayo na?"
AY TAKTE! Sa lahat ba naman ng salitang pwede kong masabi, yun pa talaga?! Gusto kong sampalin ang sarili ko!
Kumunot naman ang noo ni Jay pero pagkatapos ay tumawa ito. Mukhang nakuha niya ang atensyon ng iba naming kaklase kasi biglang tumahimik ang buong lab. Sina Julia at Gab, ayon nagvivideo pa!
Pero in fairness, pati tawa niya ang hot ha!
"Oo, tayo na." sagot naman ni Jay.
Teka lang naman! Baka atakihin ako sa puso neto at makita ko ang mama ko nang wala sa oras! Kalma ka lang, Chandria!
"Tayo na ang partners, Oo." Dagdag ko naman at umupo na sa tabi niya.
Grabe ang bango! Yung tipong nakakahilo pero nakakabuhay din ng dugo? Ay ewan! Basta mabango siya.
"Magdidisect daw ng palaka. Tapos ito," may inabot siyang papel. "Ilalabel daw ang parts? Ewan di naman ako nakinig."
Marami pa siyang sinabi pagkatapos dun pero di ako makapagconcentrate. Ang haba kasi ng lashes niya. Nakakadistract. Tapos ang tangos pa ng ilong. Tsaka, yung mga labi niya, ang pula parang naka liptint lang.
"Okay ka lang?" Bigla akong nabalik sa realidad. Di ko alam ang tagal ko na palang nakatutok sa kanya!
"Ah, oo, nirerecall ko lang mga parts ng palaka." pagsisinungaling ko.
Ibinaling ko ang tingin ko kina Gab at Julia para di niya makitang namumula na ako. At parang tinutukso talaga ako ng dalawa kasi itong si Gab sinusunod niya kung paano ako nakatulala kanina habang kunwari nag-eexplain si Julia.
"Mga kaibigan mo?" Biglang tanong ni Jay kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Ah, oo hehe. Hayaan mo na. Simulan nalang natin to."
Nagsimula na akong magdisect sa palaka habang si Jay naman, nag-oobserve lang. Namomotivate naman akong magdisect. Pati yata ulo ng palaka, gusto kong hiwain eh!
After ilang minutes, nagcellphone na siya ulit. Ako nalang ang nagtatrabaho pero hindi naman ako nagrerelamo. Na-aawkward din kasi ako pag nakatutok lang siya. Pero sino ba yung katext niya? May girlfriend ba siya?
"Galing mo naman pala, Chandria." Biglang sabi niya.
Napahinto naman ako. Kung hindi ako nagkakamali, compliment yun diba? Tsaka pano niya nalaman ang pangalan ko?!
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Takte! Ang sarap pakinggan ng pangalan ko sa boses niya. Aatakihin na talaga ako dito eh!
Inhale, Exhale.
"Thanks!" Yun lang nasabi ko. At narealize ko na baka alam niya ang pangalan ko nung pinagalitan ako ni Maam sa first day niya. Shet. Nakakahiya.
Pagtapos ng pagdidisect, ay nagsimula na akong magsulat sa papel. Nakalimutan kong wala nga pala akong dalang ballpen o kaya bag. Buti nalang at ang bait niya para pahiramin ako ng ballpen. Para ngang ayaw ko nang isauli to eh.
Nagsimula na akong maglabel ng mga parts na alam ko pero itong si Jay, nag siscribble lang ng mga words na hindi naman related sa subject.
"Bad Juvenile?" Basa ko sa sinulat niya. "Hindi naman parte ng palaka yan, diba?"
Natawa siya bigla. "Hindi yan parte ng palaka. Banda ko yan."
"Ahhhh, sinong myembro?"
"Ako pa lang. Pero may katext ako ngayon, gusto daw sumali at maging drummer."
Thank God, hindi pala girlfriend ang katext. May laban pa.
"Ano pa bang kulang sa banda mo?"
"Hmmm...wala pang singer."
"Marunong akong kumanta!" bigla ko namang nasabi.
Nagulat siya. Pati ako, nagulat din. Hindi na ako nakapag-isip. Bigla nalang lumabas sa bibig ko.
"Sali ka sa banda ko, C. Promise, magiging lit tayo!"
Ang ganda pakinggan ng lit pero yung C? WOW, di ko akalaing kikiligin ako sa isang letra ng alphabet. May nickname siya para sa akin? Shet! Paano kumalma?
"Pag-iisipan ko." Sagot ko. Charot. Dapat paghard to get muna.
"Basta, mag audition ka ha. Promise, di mo pagsisisihan!"
"Teka nga, ba't ka ba lumipat ng school?" pagchachange topic ko.
In fairness, ang confident ko nang makipag-usap sa crush ko ha. Para tuloy akong expert dito.
"Sabihin nalang nating, naging bad boy ako."
"Bad boy? Ano naman ginawa mo? Lagi ka bang late? O kaya nagcucuting? O kaya hindi pumapasok?" curious kong tanong.
Tama nga si Diego. May bad boy aura nga itong si Jay.
"Hmm...paano ko ba to ieexplain?" Nag-isip siya. "Teka, demonstration nalang."
"Demonstration? Paano naman?"
"Sinong kinamumuhian mo dito sa klase ngayon, C?" Tanong niya.
Iniscan ko ang buong lab. Wala naman akong kinamumuhian. May mga taong kinaiinisan ko lang. Pero pagkamuhi? Parang ang lalim naman yata yun.
"Wala eh, mga kinaiinisan lang." Sagot ko.
"Sige yan nalang, sinong kinaiinisan mo dito?"
"Kita mo yang nasa harap ni sir?" Tanong ko sakanya at tumango naman ito. "Ang hilig mambully nyan sa mga lower years. Nakakainis! Di na naaawa sa mga bata."
"Watch me, C."
Bigla siyang tumayo at dinala ang isang parte sa palaka namin. Teka, ano bang binabalak niya? Kinakabahan ako sa mga kilos niya.
Lumapit siya kay Sir para kausapin ito tapos sa likod niya, gamit ang kamay nito, ipinasok niya sa water bottle ng lalaking kinaiinisan ko ang parte ng palaka.
Walang ibang nakakita sa ginawa ni Jay maliban sa akin kasi halos lahat nakafocus sa pagsusulat ng label sa papel. Kahit si Sir, walang kaalam-alam eh.
Nakapanganga ako sa nakita ko. Shet! Ginawa niya ba talaga yun? Bumalik si Jay sa upuan niya at napatawa siya sa mukha kong di makapaniwala.
Mayamaya, tinawag ni sir ang atensyon naming lahat para idismiss na nang biglang napatalon yung lalaking nasa harap at ibinuga sa mukha ni Sir ang tubig na ininom niya.
Lahat ng tao sa room ay nagtawanan at hindi ko maiwasang maisip lahat ng mga panahong pinagtawanan ng lalaking yan ang mga studyante sa lower years na binubully niya.
"So, pasado ba, C?" Bulong ni Jay.
Tinignan ko naman siya at parang proud na proud pa siya sa sarili niya. Napa-iling nalang ako.
"Grabe, ang bad boy mo pala."
Pagtapos kong sabihin yun, ay nagwink naman siya.
Teka nga, ano ba tong pinasok ko?287Please respect copyright.PENANA1RvxppOPyj