Chapter 10
"Isang major subject ang ibinagsak nito. Pinapaalala ko lang, Giana? Periodical 'yan," ani Celene sa tonong hindi ko nagugustuhan.
Pagilid kong tinititigan ang kaibigan. "Alam kong bagsak. Kitang-kita ko naman na hindi umabot ng passing score," iritable kong anang.
Nginingisian ako nito. "Oh? Ba't ka naiirita diyan? Galit?"
Iniirapan ko siya bago muling tumingin sa malayo.
"Hindi mo na kasi kailangang pansinin. Alam ko, okay? Ano naman ngayon? Mababago ko pa ba 'yan?"
Tahimik na lang ulit ako habang nakatitig sa outdoor court na may iilang estudyante na nagkalat. Unti-unti na nga ring lumalamig ang simoy ng hangin kaya mabilis na nanunuyo ang labi at lalamunan ko. Itinungga ko ang isang bote ng tubig para basain iyon.
"Sinasabi lang naman niya, Giana. Parang hindi ka na nasanay kay Celene," ani Yna sa mahinahong boses.
Sinisiko na ako ni Anika pero hindi ko siya nililingon. "Bakit ba ang sungit mo? Hindi ka naman kasi umabot sa gano'ng kababa na score lalo na kapag sa exam..."
Isang linggo na ang nakalilipas simula noong nalaman ko na ninakawan kami ng kanang kamay ni Papa sa negosyo pati na rin ang problema na hinaharap tungkol sa lupang kinatatayuan ng fast-food restaurant namin.
Ni hindi ko nga matanong ang mga magulang ko kung may katotohanan ba ang mga narinig noong gabing 'yon pero sino ba'ng niloko ko? Malamang totoo iyon.
Ano 'yon? Silang dalawa lang na mag-asawa ang naglolokohan?
'Yun din ang dahilan kung bakit maraming gumugulo sa aking utak nitong mga nakaraang linggo. Likas na yata talaga sa akin ang maging overthinker.
"Babawi na lang ako sa susunod..." sambit ko pampalubag-loob sa mga kaibigan ngunit higit para sa sarili ko.
Aware ako na malaki ang magiging hatak sa grades kapag may mababang score sa exam pero masyado akong maraming iniisip para problemahin pati ito.
"May problema ka ba?" Paulit-ulit na tanong ng mga kaibigan ko na hindi ko naman masagot.
Hindi naman ako mukhang may problema, ah? Paano ba nila napapansin?
"Kahit sabihin mong wala, hindi, okay ka lang... alam namin na kabaligtaran iyon! Magsabi ka na kasi!"
Umiiling ako sa mga kaibigan bago isinasandal ang likod sa upuan, nag-iisip ng maipapalusot.
Paano ko ba ikukwento sa kanila na baka sa susunod ay wala na akong pang-aral? Na baka hindi pa ako makapag-college dahil sa problemang hinaharap ng pamilya ko, at na baka ito na ang huling buwan na papasok ako ng eskwelahan!
Malaki ang galit ko ngayon sa sekretarya ni Papa na tinuring na rin naming pamilya. Ito pa ang naging ganti niya pagkatapos ng lahat!
Ayoko talaga sa mga manloloko at manggagamit. Ayoko sa mga sinungaling. Bumabaliktad ang sikmura ko sa isipin na magsisinungaling ako sa kapwa ko para paikutin lang sila... hindi ko kaya.
Ayoko naman ding magtanong sa mga magulang ko dahil sa pagkakakilala ko sa kanila, malamang ay sasarilihin lang nila itong problema.
Nitong mga nakakaraan na araw ay hindi ko na rin halos nakikita si Papa sa bahay. Alam kong sinusubukan nilang itago ang problema sa amin pero naririnig ko pa rin ang usapan nila ni Mama sa loob ng kanilang kwarto... or more like, pinapakinggan ko.
Tuwing pinagmamasdan ko ang pagod niyang mga mata ay lalo lamang nadadagdagan ang galit ko sa taong nagbigay ng problema sa amin!
Hindi ko na tuloy alam kung ano ba'ng dapat kong gawin, kung ano'ng pwede kong maialok na tulong.
Alam kong kaya rin akong basahin ni Mama kaya kapag uuwi ako ng bahay ay sinusubukan kong magpakita na wala akong iniisip o pinoproblema kahit ang totoo niyan ay madami nang umiikot sa ulo ko.
Ayokong maging pabigat sa mga magulang ko. Buong buhay namin hindi kami nakaranas ng hirap dahil sa kasipagan nila, kaya ngayong alam kong mayroon kaming problema, ayoko nang dumagdag pa. Alam ko ring mabigat lalo pa dahil nasa kolehiyo si Kuya at may balak pang maging doktor. Hindi biro ang tuition fee lalo pa't nasa pribadong eskwelahan siya. Syempre, ako dapat ang magsakripisyo sa amin kung sakaling bumagsak na nang tuluyan dahil ako naman ang totoong wala pang balak para sa kinabukasan.
Si Kuya, planado niya na ang buhay niya. He's going to be a great doctor, I know that for sure. He's intelligent, caring, and wise. Kaya ako ang walang karapatan na maging pabigat.
Maybe I am just overthinking, baka malusutan pa namin itong problema, baka bumalik din naman ang nawalang mga pera at masolusyunan na ang problema sa negosyo na pinagkukunan namin sa pang-araw-araw. But it's all just maybes. Ayoko nang maghintay pa na tuluyan kaming bumagsak bago ako kumilos.
I know I have to do something, even though my parents clearly do not want me involved.
Hindi naman na ako bata. Hindi ko masisikmura na nahihirapan sina Papa at Mama, na napapagod sila para lang kumita ng pera lalo pa ngayon na patong-patong ang problema namin at gastusin.
Kailangan ko pa ring tumulong kahit papaano.
"Na-gets mo? Grabe! Ang dali! Sana ganiyan na lang lagi ang lesson ni Ma'am, baka tumaas ang grade ko sa kanya."
"True!"
Tahimik lamang akong nakasunod sa dalawa kong kaibigan habang binabaybay namin ang hallway. Nakakasabay namin ng dismissal ang ibang section para sa lunch break kaya ang gulo na naman dito sa floor namin. Nagpapaunahan din kasi silang makasakay ng elevator o makababa ng hagdan, wala man lang kaayos-ayos lalo na ang mga lalaki.
"Recess ba 'to o earthquake drill?"
"Bakit? Dahil nararamdaman mo na namang nanginginig tuhod mo?"
Naririnig ko ang usapan ng mga lalaking nasa likod ko pero hindi ko sila pinapansin. Nakatanaw lang ako sa mga kaibigan ko na nauuna nang bumaba, naiwan pa ako dito sa taas dahil sa traffic.
"Duck, cover, hold!" Halos matulak pa ako ng mga lalaking taga-ibang section dahil sa kaguluhan nila. Rinig ko naman kung sino ang nagpapasimuno ng kalokohan nila kahit hindi ko lingunin.
Para talagang mga tanga.
"Pare, lindol ka ba?"
"Bakit? Kasi niyanig ko mundo mo?"
Nagtatawanan ang mga lalaki. Nakikita ko pa si Celene na nililingon-lingon ako kaya sa sunod na pagtingin niya sa gawi ko ay sinesenyasan ko na siyang bumaba.
"Kasi ang lakas mo bumayo?"
"Yuck, pare! Kaya walang nagiging girlfriend e!"
Nakangiwi kong binabalingan ang pwesto ng tropang pakers sa bandang likod dahil sa mga kalokohan nila. Nagkatinginan pa kami ni Draven na nasa tabi ng railings. Pinanlalakihan niya ako ng mata na hindi ko na ginantihan dahil humahakbang ako pababa. Nasa third floor na kami pero ang bagal pa rin ng usad ng pila!
"Oh, 'yung mga patpatin diyan ingatan niyo at baka maapakan, ha!"
Nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagmamadaling bumaba ni Draven hanggang sa mauna na nga siya sa dulo ng hagdan.
I tuck my hair behind my ear. Nangungunot na ang noo ko dahil sa kabagalan ng mga kaklase na bumaba. Ano ba'ng nangyayari at tila lumiit ang mga biyas nila?!
Abala pa ako sa pagiging iritable nang maramdaman ko ang malakas na pagtulak sa akin sa likod. Tili ko ang nangingibabaw sa buong floor sa takot na malaglag ako at madamay ang mga nasa ilalim. Hindi agad ako nakahawak sa railings ngunit bago pa ako tuluyang mahulog ay may yumayakap na sa aking bewang.
"Bad joke, Kris!" asik ng nakahawak sa akin.
Bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ko nga lang alam kung dahil ba sa muntik ko nang pagkahulog o dahil kay Dennis na nakayapos sa akin!
Tinititigan ko ang mukha niya. Wala na kaming distansya at dikit na dikit na talaga sa isa't isa lalo pa nung humakbang siya pababa para matulungan akong tumayo nang diretsyo.
"Okay ka lang?" he asks with concern in his eyes.
Natameme ako. Ang lapit-lapit naman niya!
Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong pakialam. Ang mahalaga ngayon maliban sa hindi ako namatay sa hagdan ay ang mga braso ni Dennis na nasa bewang ko!
Binabalingan niya ang mga kaibigan nang may nanlilisik na titig.
"Excuse me! Bilisan niyong bumaba! Baba! Baba!"
"Bakit mo tinulak si Giana?" may diin na pagkakatanong ni Dennis kay Kris sa likuran ko.
"Sabi ni Draven, e!"
"Sasaluhin ko naman! Ano sa tingin mo? Hahayaan kong masaktan? Alis nga riyan! Tabi!"
Napapatingin ako kay Draven dahil sa pagtataas niya ng boses habang umaakyat papunta sa amin. Bahagya niya pang itinutulak ang kaibigan dahilan para mawala ang pagkakahawak sa akin ni Dennis at mapalitan niya ito ng pwesto sa harap ko.
"Giana! Ano'ng meron?!" sigaw ni Celene mula sa baba.
Marahan akong hinahatak ni Draven pababa ng hagdan. Sakto ang pagdating ni Celene na mabilis din akong inilalayo mula sa magkakaibigan.
"Ano'ng ginagawa niyo sa kaibigan ko?" pagtatanong nito habang nilalagay pa ako sa likuran niya. Umiiwas ng tingin ang magkakaibigan na nakapila na sa gilid habang tuloy-tuloy naman ang pagbaba ng mga estudyante sa hagdan. "Mga tarantado talaga kayo, ah? 'Di niyo ba alam na fragile 'to?" bulyaw pa ng kaibigan ko na nakasinghal kay Draven.
"Sorry, Giana. Si Draven nagsabi na itulak ka, hindi ako," umiiling na ani Kris at nakaturo pa kay Whatever.
"Aba! Talagang!" Muntik pang atakihin ni Celene si Draven kaya siya naman ang hinihila ko. "Gusto mo ikaw ang itulak ko, Velasquez?!"
Mabuti na lang hindi ako nahihirapan na hilahin at patigilin ang kaibigan ko na dakdakan ang mga lalaking iyon. Kung tutuusin, tatlong hakbang lang naman ang paghuhulugan ko kanina kaya pilay lang ang aabutin ko roon kung sakali. Pero dahil si Dennis naman ang nakasalo sa akin, palalampasin ko!
"Ang lapit-lapit niya sa akin, girl! Ang gwapo! Ang bango pa!" Halos magtatalon ako sa loob ng canteen habang kinukwento ko kina Anika ang ginawang pagsagip sa akin ng crush ko. "Pakiramdam ko nag-slowmo rin kanina. Para akong nasa fairytale! Kung nakita mo lang kung paano siya nakayakap sa akin, kikiligin ka rin!"
Ngiting-ngiti si Anika habang nakakapit sa braso ko. "Tapos? May sinabi ba? Concerned ba?"
"Oo! Ahh!" Hawak-kamay na kaming nagtatatalon dito sa loob ng canteen. Kaming apat lang naman ang tao kaya malakas ang loob ko na magtititili. "Nagalit pa nga kay Kris, e! Bakit daw ako tinulak! Ang gwapo, girl!"
"Hala, girl!" Inalog-alog ni Anika ang balikat ko habang nakakagat-labi at halatang nagpipigil ng emosyon. Tumataas ang dalawa kong kilay nang may abot tenga pa ring ngiti. "Feel ko... feel ko gumagana na prayers mo! Nung nakaraan tinulungan ka rin niya sa upuan! Tapos nagka-moment pa kayo sa elevator! Hala, girl! OMG!"
Bumibitiw ako sa kaibigan ko para takpan ang mukha kong namumula na. Alam ko namang imposible ang sinasabi ni Anika pero syempre sa loob-loob ko ay kinikilig pa rin ako!
"Hoy!" Celene snaps. Sabay kaming napapatingin sa kanya na nasa harap ng counter at mapanghusga kaming pinapanood. "Nasisiraan na ba kayo ng bait? Ikaw, Giana? Kahapon lang tinotoyo ka, ah? Saka bakit ba kinikilig kayo kay Dennis e malamang nga instinct niya lang 'yon! Mga baliw."
Nakita ko ang paniniko sa kanya ni Yna at pag-iling nung lingunin niya ito.
"Bitter," Yna mouths. "Bumili na nga kayo ng pagkain n'yo para makaupo na tayo. Tinatawanan na kayo ni Ate, oh." Nginunguso pa nito ang tindera na nakangiti lamang habang inaayos ang binibili nila.
Nagpaunahan pa kami ni Anika na makapunta sa counter pero mas mabilis siya kaya ito ang unang nakapagsabi ng bibilhin. "Isa pong flying saucer, Ate."
"Ako rin po," pahabol ko pa at pasimpleng sumisilip sa likod ng counter kung ano'ng pinagbibibili nila.
"Saglit lang mga hija, ah? Medyo nagloloko 'tong makina, e. May iba pa ba kayong bibilhin?" she asks while fixing her hairnet. Nagsusuot na rin ito ng panibagong plastic gloves habang pinapakinggan kami.
"Iced tea na lang po ako, 'te."
Nakanguso ako habang naglalabas ng pera mula sa aking wallet. Muli kong pinapanood ang ginagawa ng nagtitinda.
"Ilang araw na po kayong mag-isa dito, ah? Asaan po 'yung kasama niyo?" pagsasaboses ko sa naiisip. Dahil madalas kaming bumili rito, sanay na akong makita ang tandem na tindera na nag-a-assist sa amin.
Parang ngayon lang nangyari na napag-isa itong tindera sa canteen namin nang matagal na panahon.
"Oo nga po!"
Tinitingala niya kaming magkakaibigan habang sabay sa pagpapalaman niya ng tinapay. "Nag-resign na 'yun. Alam niyo naman, hirap na ng buhay. Magkakatulong ata sa Maynila para may pantustos sa anak niyang mag-aasawa na."
Umuuwang ang aking bibig ngunit kalaunan ay tumutango na lang din. Sunod-sunod na nagtanong ang mga kaibigan ko samantalang ako ay lumilikot na ang utak sa naisip na ideya.
"Ako na lang ang tutulong sa 'yo, Ate. Part-time lang, para may katulong ka. Kahit kalahating sweldo po, oh?" sambit ko rito ngunit sa pabirong tono.
Natawa naman si Ate na animo'y naniniwala nga na nagbibiro lamang ako. "Ay, nako, beh. Tanungin mo ang eskwelahan kung papayagan ka. Saka bakit mo naman kakailanganin ng pera kung taga-Aldeana ka na nga. Kung gusto mo ng trabaho, maghintay ka hanggang mag-dise otso ka. Walang nang tumatanggap ngayon sa menor de edad at hindi nakatapos man lang ng hayskul. Mataas na ang pamantayan nila ngayon. Ewan ko ba sa ekonomiya natin at bakit pahirap na nang pahirap. Mga mayayaman na lang ang umaangat, iyong nasa laylayan, nananatiling nasa laylayan, minsan lumalagapak pa sa pinaka mababa."
Pinipilit ko na lang ngumiti kahit nakakapanghina ng loob ang sinasabi nito. Agad akong sumasagot para mabawi ko naman ang dignidad ko at isipin niya lang na nagbibiro talaga ako.
"Sayang po. Masipag pa naman ako gumawa ng sandwich. Ikaw rin, Ate!" I joke.
Inilalagay ko sa isang balikat ang aking buhok para hindi sumabog sa hangin na dala ng mabilis na pag-andar ng jeep.
Nung nakaraan ko pa iniisip kung saan ako makakahanap ng trabaho na pwede akong kumita ng pera para sa sarili ko. Ito lang kasi ang naisip kong paraan para makabawas sa burden ng mga magulang ko, kaso dahil sa sinabi nung tindera sa canteen namin ay medyo nawalan ako ng kumpyansa.
Tama naman na suntok sa buwan ang naiisip kong solusyon. Sino nga ba'ng maaaring tumanggap sa ni hindi man lang HS graduate at tuwing weekend lang papasok dahil may klase sa weekdays? May gano'n ba? Para lang akong naghahanap ng rainbow sa gabi which is medyo imposible.
Gusto kong humingi ng tulong sa mga kaibigan ko, lalo na kay Troy dahil siya itong nakalalabas ng bayan namin, pero kilala ko ang bibig no'n at baka madulas pa. Kung kina Celene at Anika naman, baka ang dating ay ginagamit ko ang mga koneksyon nila for my own gain. Ayoko ng gano'n. Si Yna lang ang pwede kong sabihan kung tutuusin, pero alam kong mag-aalala lang din siya sa akin.
So, I guess, kaya ko na 'to nang mag-isa.
Ang pros naman ng pagtatago kong ito ay para hindi na rin malaman pa nina Mama at Papa ang ginagawa ko. Alam kong magagalit sila at pahihintuin ako sa binabalak. Paano ko sila matutulungan kung pipigilan nila ako?
"Oh, bayan! Poblacion! Dito na babaan!" sigaw ni Manong Driver kaya agad na rin akong tumatayo para bumaba na ng jeep.
"Hija! Iyang naka-uniform ng Aldeana! 'Di ka pa nagbabayad sa akin, ah!"
Kaagad akong natigilan nung sumigaw ulit si Manong. Pababa na sana ako kaso nahinto kaming mga pasahero sa may bungad.
"Hinihintay lang kita kasi akala ko tsumetsempo ka lang! Tatakasan mo pa ako?"
Nililingon ko ito at ang lilimang kasama ko sa jeep.
Ako ba? Ako ba 'yung sinisigawan ni Manong?
"Ikaw nga, 'neng. Hindi ka pa raw nagbabayad," ani isang babae na kinakalabit pa ako.
"Manong, nagbayad po ako!" pagdidipensa ko sa aking sarili.
Tinatanaw niya ako mula sa rearview mirror. "Hija! Ilang taon na akong tsuper! Hindi ka pa buhay! Sana sinabi mo na lang na wala kang pamasahe hindi 'yung manloloko ka, 'neng!"
'Yung tibok ng puso ko ngayon tinaob 'yung intensity sa tuwing nakikita ko si Dennis.
"P-Pero... nagbayad po a-ako!" Manginig-nginig ako habang kinakausap ang drayber.
Dinuduro na ako ng matanda na ngayon ay nililingon na ako mula sa upuan nya sa harap ng steering wheel. "Kulet mo, ineng! Ako pa tatarantaduhin, e. Doon ka na nga at huwag na huwag ka na ulit sasakay sa 'kin!"
Para akong maiiyak.
"Manong, nagbayad naman po talaga ako. Sakto po iyon!"
"Hindi pa ako ulyanin, hija! Bumaba ka na!" asik nito na parang ako talaga ang may kasalanan.
Pinadadaan ko muna ang mga kapwa pasahero bago ko kinalkal ang aking bag para hanapin ang wallet ko. "Magbabayad na lang po ulit ako, Manong..." anang ko sabay abot ng barya kahit labag sa 'king loob.
Alam kong minsan ay nagiging lutang ako, pero kahit kailan hindi ko malilimutan magbayad ng pamasahe!
Kagat-labi akong bumababa ng jeep habang hawak ang bag ko na ni hindi ko na naisarado. Tumunog pa ang bulsa ng palda ko nung tumama iyon sa may railings pababa ng jeep. Dinadalaw ng putla ang mukha ko nang mapagtanto na tunog ng mga barya 'yon.
Anak ng tokwa. Mukhang hindi nga ako nakapagbayad!
Hindi pa ako nakaka-recover sa kahihiyan nung inaangat ko ang aking tingin at naabutan sina Dennis at Draven sa may gutter na pinapanood ako. Umangat ang balikat ko sa gulat at napaatras pa ng lakad dahil sa imahe nila sa 'king harapan. Ilang hakbang lamang ang layo ng magkaibigan sa akin.
Si Draven ang kaagad na lumalapit at halos patakbo pa.
"Ano'ng nangyari?"
"Ano na namang ginagawa mo rito?"
Nagkasabay pa kami sa pagtatanong nung nasa harapan ko na siya.
Inaayos ko ang aking backpack at isinusuot na ito sa 'king likod.
Tinutulungan niya pa akong abutin ang strap ng bag ko habang ang mga mata ay nasa loob ng jeep na hindi pa umaandar. "Chismoso ako, e. Ikaw pala 'yung sinisigawan ng driver."
Sabi ko na nga ba at unti-unti nang nasisira ang reputasyon ko kanina! Nung sinubukan kong luminga sa paligid kung saan medyo marami ring mga tao ay malalagkit na mga mata lang ang naabutan ko. Bigla kong nararamdaman ang pag-init ng aking mga pisngi.
"Hindi lang ako nakapagbayad ng pamasahe," I answer, honestly. "Mauna na ako sa inyo. Bye." Pamamaalam ko pa saka dahan-dahang umaatras.
"Sasamahan na kita!" pamimigil ni Whatever nung nakakailang hakbang pa lang ako. "Deej! Una na kami!" anito kay Dennis na nagsusuot na ng headphones at nakamasid lang sa amin. Iniwan niya ito roon sa kinatatayuan nila kanina.
Sunod-sunod akong umiiling pagkatapos ibalik kay Draven ang tingin na kumakaway na pala kay Dennis. "Hindi na!" pagtatanggi ko. "Bakit mo naman iiwan si Dennis?" may diin na tanong ko rito.
"Matanda na 'yan, ikaw pa naman mukhang tatanga-tanga sa kalsada. Gusto ko lang din makita kung paano ka pagagalitan ng ibang matanda," pang-uuyam niya saka nagsisimulang maglakad at hinihila pa nga ako.
Nagpapatihila na lang ako sa kanya at ngumiti kay Dennis na tumango lamang bilang pamamaalam sa akin. Binabalingan ko ulit si Draven na nakangisi pa habang naglalakad kami.
"Bahala ka nga sa buhay mo," anang ko sabay pagbawi sa aking kamay. Mabilis akong naglalakad para malagpasan siya.
Hindi ko naman siya mapipigilan, e. Likas na matigas ang ulo ni Draven Whatever!
"Wait lang, hoy! Huwag mo naman akong iwanan!"
"Ikaw ang may gustong samahan ako, bahala ka sa buhay mo!"
Hindi ko na namalayan na nasa gilid ko na ito. Nakayuko kasi ako habang naglalakad dahil pakiramdam ko tinitignan pa rin ako ng ibang tao.
"Ba't ka ba nakayuko? Tumingin ka nga sa harap, baka mapa'no ka niyan." Itinataas ni Draven ang aking baba para tumingin sa kalsada pagkatapos sabihin 'yon.
Mahina kong pinaghahampas ang kamay niyang humahawak sa akin.
I hiss. "Ang cool mo lang kapag ako kasama mo, 'no? Close ba tayo?"
The side of his lips raise. "Kaya nga ako lumalapit para maging close tayo..." anito at lumulukso-lukso pa habang naglalakad kami.
"Bakit mo ba ako gustong maka-close? Feeling mo gusto ko sa'yo?" diretsyo kong pagkakasabi.
Porket maraming may gusto sa kaniya, dapat ba kabilang ako?
Matagal na hindi nakasagot si Draven habang naglalakad kami papuntang sentro ng Poblacion.
"E, gusto kasi kita," anang ni Draven kasabay ng malalakas na tunog ng sasakyan.
Biglang bumibilis ang tibok ng puso ko at muntikan pang mapahinto sa paglalakad.
Seryoso ba siya sa sinasabi niya?! May gusto siya sa akin?!
I gasp and start to walk faster.
"Dahan-dahan lang naman sa paglalakad! 'Di ka naman siguro iiwan ng pupuntahan mo!" bulyaw nito at pilit na hinahawakan ang aking siko.
Bwiset na lalaking 'to, ang dami nang nangyari sa buhay ko ngayong araw tas sasabay pa siya!
"Saan ka ba kasi pupunta?"
Hinahawi ko ang kamay niya. "Wala! Alis!" pagtataboy ko.
Bigla akong hindi makatingin sa mga mata niya.
"Para namang tanga 'to! Kanina ayos pa 'yang utak mo tas ngayon inaaway mo naman ako," aniya sa malamlam na boses.
I look at him pero hindi direkta sa mata kundi sa balikat lamang niya.
"Hindi kita inaaway! Pinapaalis lang kita."
"Oo nga, bakit mo ako pinapaalis?"
I exhale, heavily. "Kasi nga 'di kita gusto," sagot ko sa humihinang boses.
Napapahinto ako sa labas ng isang bakery nung mahagip ng mga mata ko ang note sa labas lamang ng pintuan. Naghahanap sila ng tindera.
"Whatever. Feeling mo naman gusto kita," bulong-bulong ng nasa likod ko.
Hindi ko muna siya pinapansin at imbes ay itinutulak ko ang pintuan papasok sa isang sikat na bakery rito sa bayan. Sikat sila sa paggawa ng ensaymada kaya medyo malago na itong negosyo.
"Kakasabi mo lang na gusto mo 'ko," nag-alangan pa akong sabihin iyon pero nadulas din naman ang dila ko.
In fairness, naka-aircon ang bakery na ito. Kung matatanggap man ako sakali, hindi ko na kailangan pang mamroblema sa init.
Humahagalpak naman na ng tawa ang aking kasama. "Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ko? Gusto kitang patayin. Hindi porket sinabi kong gusto kita ay may pagnanasa na ako sa'yo!"
Tinitignan ko nang masama si Draven na sobrang daldal. Okay? E 'di mali lang ako ng pagkaka-interpret! Buti naman kasi 'di ko alam ang gagawin ko kung gusto niya talaga ako, 'no!
Kumukuha ako tinapay na nakabalot sa plastik habang sinisilip 'yung kahera na busy sa pagpa-punch. Paano ko ba ito i-a-approach?
"Nagugutom ka ba?" Umiiling lamang ako sa tanong ni Draven Whatever na nasa gilid ko at minamata ang mga tinapay. "E, bakit tayo nandito? Dito ka ba talaga pupunta?"
Tinitignan ko ulit si Draven habang inilalagay ang isang daliri sa harap ng aking labi. "Manahimik ka na lang diyan at huwag mo 'kong guluhin, pwede?"
Umiirap ako bago tuluyang dumiretsyo na ro'n sa pwesto ng babae.
Humahagalpak na naman ng tawa ni Draven habang papalabas kami ng bakery na pinasukan namin. Sinisiko ko ito at nililingon pa 'yung kahera na nakangiwi dahil sa kanya... o baka dahil sa akin talaga.
"Two points for Giana para sa araw na ito!" aniya nang nakataas ang mga braso na parang nagche-cheer at halos ipagsigawan pa sa mundo ang pang-aasar.
Akala nung kahera ay pinagti-trip-an ko siya nung tanungin ko kung pwede ba akong mag-apply bilang staff. Tinanong nya pa ako ng kung ano-anong mga detalye at papeles na wala naman akong dala.
"Hindi kami tumatanggap ng mga pinapasuso pa ng nanay, bata. Kung nang-aasar ka lang, umalis ka na!" anito sa nagtaray na mukha.
Ako na ngayon ang nakangiwi kay Draven. Napanuod na naman tuloy nya kung paano ako napagalitan ng isang matanda ngayong araw. Tawang-tawa pa rin ito kaya halos umapoy ang ulo ko sa inis dahil sa kanya.
"Tumahimik ka nga. Nakakatuwa?" I sneer at him.
Humaharap siya sa akin nang may malaking ngisi sa labi. "Ano ba kasing ginagawa mo do'n? Bakit ka nag-a-apply ng trabaho?" anito na biglang tumitigil sa paghakbang kaya pati tuloy ako ay napapahinto.
Binababa ko ang tingin sa sahig at sinisipa-sipa ang maliit na bato sa konkretong lapag. "Wala," mapakla kong sagot.
"Anong wala? Trip mo lang gano'n?"
"Syempre, hindi!"
Humahalukipkip ako at nagmartsa na papaalis. Minamalas talaga ako kapag kasama ko ang lalaking 'to. Kung hindi ako muntikang mamatay, natatalakan naman ako.
"Ibig sabihin magta-trabaho ka talaga? Sobrang laki na siguro ng pangangailangan mo at naisipan mo 'yan..."
Nag-iinit lang lalo ang ulo ko!
"Manahimik ka na lang ulit diyan at huwag mo 'kong pakialaman, okay? Wala ka bang buhay at bakit ako ang pinepeste mo?" pagbubulyaw ko rito at umaaktong sobrang galit na.
Mukhang hindi naman tinatalaban ang lalaki at cool pa rin siyang nakatayo malapit sa akin.
He shrugs his shoulders. "Boring sa bahay, e."
"So pampalipas mo ako ng oras?"
Umiiling siya. "Nope, pero nag-e-enjoy akong kasama ka," anito sabay flash ng mas malapad na ngiti.
Napapangiwi tuloy ako dahil sa sinabi nito.
Pwes, ako, hindi natutuwang kasama siya!
Umiirap na lang ako bago mapagpasyahang lapitan ang mga tindahan malapit sa palengke. Meron doon isang lotto-han na naghahanap daw ng tao. Tao naman ako kaya feeling ko pasok ako sa qualifications.
"Hi po..." pagbati ko sa babaeng may edad na at mukha namang mabait.
Nginingitian naman niya ako.
"Tataya ka ba o bibili ka nito? Bente pesos lang, beh. Malay mo maging milyonarya ka bigla!"
Iwinawagayway niya ang isang maliit na card, sa pagkakaalam ko iyan 'yung ginagamitan ng barya tapos pwede kang manalo ng malaking halaga ng pera. Parang hini-hypnotize ako ng card na 'yon.
Gising, Giana! Wala kang pera!
"Ay, sorry po, Ate. 'Di po ako interested. Pwede ko po bang matanong kung nagha-hire pa kayo ng tatao rito?"
Bakas sa mukha ng babae ang pagkadismaya dahil 'di niya ako nauto. 'Di bale po, kapag natanggap ako, sa unang sahod ko ay papakyawin ko 'yan lahat.
"Bakit? Mag-a-apply ka?"
Parang narinig ko na 'to kanina pero mas mabait namang version 'yung sa kanya.
I nod. "Opo sana."
"Kung ganoon, asan ang mga requirements mo? Bio-data, barangay clearance, NBI clearance, birth certificate, valid ID mo? Kailangan kumpleto."
Umuuwang ang bibig ko. Oo nga pala, hindi ako makakakuha ng clearance hangga't wala pa ako sa tamang edad.
Binabalingan na nito si Draven habang natatahimik naman ako.
"Hello, pogi! Tataya ka ba o bibili ka nito? Bente pesos lang, pogi! Malay mo maging milyonaryo ka bigla — teka? Pamilyar ka sa akin, ah?"
Wala palang pag-asa rito. Kailangan kumpleto ang requirements. Hindi naman pwedeng sabihin ko na cleared ako sa mga pulis kasi 'di pa naman ako makukulong. Oo nga 'no? Bakit ko kailangan ng NBI clearance e automatic namang pasado ako.
Hello?
"Ay, teka! Kilala na kita! Kamukhang-kamukha mo 'yung tatay mo, naku! Batang Velasquez!"
Agad kong tinatanggal ang maduduming kamay ni Whatever nang ma-realize na nakaakbay pala siya sa akin.
Nagtataka naman ako habang nakikita ang tuwa sa mga mata ng babaeng nagbabantay. Magkakilala ba sila? Sinisipat ko ang mukha ng kasama para makita kung ano'ng magiging reaksyon niya.
Velasquez... Velasquez... bukod sa apelyido ito ni Whatever, parang may kilala pa akong may ganiyang surname. Saan ko nga ba narinig?
"Tatlo pong ganiyan, Ate."
Nakangiti lang naman siya dun sa babae. Bakit pakiramdam ko magkakilala lang sila?
"Talaga?!"
Nasa proseso ako ng pag-iisip nang bigla akong kinakalabit ni Draven. "Hoy, tara na," he prompts. "Thank you po."
"Balik ka rito kapag nanalo ka, ah!" magiliw na pamamaalam ng babae sa kanya na lalong nakapagpapataka sa akin.
Tumatango si Draven at may sinasabi pa bago ako tuluyang iginigiya papaalis doon. Ni hindi ko na nagawa pang magtanong tungkol sa clearance na kailangan para makakuha ng trabaho dahil nilalayo niya na ako sa lotto-han.
"Ayan, diyan ka na lang maghanap ng pera kaysa magtrabaho ka. Tsk." Inilalahad nito sa akin 'yung tatlong card na binili niya kanina.
Velasquez.
Sino pa ba'ng kilala kong Velasquez na tagarito?
Hindi ko pinapansin si Whatever at sa halip ay tumitingin sa malayo. Nasa bangketa na kami at kaharap ang mahabang kalsada na dinaraanan ng mga sasakyan.
Fr... Francesca. Francesca Velasquez.
Tama, siya nga! Posible kayang kamag-anak siya ni Draven?
"Velasquez ka ba?" tanong ko at mariing sinusuri ang kanyang mukha.
Kasalukuyan niyang inaayos ang kanyang bag nang mapatingin sa akin. Ang mahaba nitong buhok ay tinatangay pa ng hangin.
He grins boyishly. "Ikaw? Velasquez ka ba?"
"Hindi."
"Gusto mo ba?" pagbibiro nito kaya sumasama na naman ang timpla ko. Nangingibabaw ang tawa niya sa paligid. "Pwede naman! Papalitan ko apelyido mo," he adds while still chuckling.
Nakangiwi ko siyang tinititigan.
Ano kaya kung ipasagasa ko na 'to? Para wala nang peste sa buhay ko. May sarili naman kaya akong apelyido!
"Bwiset ka talaga 'no? Nevermind na lang!" Akmang aalis na sana ako ngunit ipinapatong na naman niya ang mabigat niyang braso sa aking balikat.
"Ano ba kasing tingin mo sa pangalan ko? Hindi ba ako si Draven na napakagwapong Velasquez?" pagyayabang niya na naman.
Umiirap ako at saka humihinga nang pagkalalim para pigilan ang sarili na saktan siya.
"Related ka ba kay Francesca Velasquez?" diretsyo kong tanong.
Inaalis ko ang kanyang kamay sa 'king balikat habang naghihintay ng isasagot nito.
Sana naman hindi, 'di ba? Sana isa lang siya sa mga nagkataon lang. Hindi ko kasi ma-imagine na mayaman ito higit pa sa inaasahan ko.
Like, heredero levels.
He wiggles his eyebrows. "Oo. Lola ko 'yun. Bakit? Gusto mo makilala?"
My jaw dramatically opens as I realize the meaning of what he just said. Nanlalamig akong bigla.
Patay na.
"Lola mo si Francesca Velasquez? E 'di Lolo mo si Aga Velasquez?!" pagkukumpirma ko sa nalaman.
"Malamang! Mag-asawa kaya sila!" At tinatawanan na nga niya ako ulit.173Please respect copyright.PENANAYqaYZSCDfk