Chapter 4
"Alis tayo bukas!"
Naisipan namin na samahan si Yna sa library ngayong araw pero itong si Celene ay wala talagang pagpipirmi sa katawan kaya nag-aaya na naman siyang umalis.
"Huwag kang maingay, nasa library tayo..."
Sabay naming sinisilip ni Anika ang babaeng librarian na busy magtatak ng mga libro.
"Weekend naman na bukas, gumala naman tayo bago mag-exam," pangungulit pa rin ni Celene.
Madalas naka-schedule ang exams tuwing second week of the month. Monthly rin kung magbayad ako ng fees para makapag-take no'n kaya kailangan ko na ulit humingi ng pera para makapagpasa na ng resibo.
Isinasarado ni Anika ang hawak niyang libro para harapin si Celene. "Wala talagang tigil 'yang paa mo sa kakalakwatsa, 'no? Dalawang araw lang ang pahinga natin tapos gusto mo pang maglayas."
"E 'di huwag kang sumama! Tse!" asik nitong isa. "Sige na! Mag-mall lang tayo!" pamimilit pa rin ni Celene pero sa amin na lang dalawa ni Yna.
"Ano'ng gagawin mo du'n? Nagsasayang ka lang ng pamasahe!" anang ni Yna habang pinupunasan ang kanyang salamin.
I agree. "Oo nga. Saka wala akong pera, 'di ba nga?" makahulugan kong pagkakasabi. Nahuhuli ko ang pag-ngisi ni Anika kaya bahagya ko siyang kinukurot. "Ano'ng gagawin ko sa loob ng mall? Magpapalamig lang?"
Kinakagat ko ang labi ko para pigilan ang ngisi. Nung nagtataas na ng kilay si Celene ay alam ko na kaagad na nakukuha nito ang pinaparating ko. Sumisinghap s'ya.
"Si Draven lang naman ang nagsabi na wala kang pera! Ewan ko sa inyo! Sige na! Hindi na naman kayo mamamasahe kasi susunduin ko ulit kayo!" anito na parang napipilitan pa.
Natatawa ako.
"Iyun lang? Lunch rin kaya?" pagpaparinig ko pa.
Mabibilis ang mga kamay nitong hinihila ang buhok ko. Hindi naman gaanong masakit pero dumadaing ako habang natatawa.
"Bruha!" she reacts.
"Ikaw naman!" I fix my hair. "Tinitignan ko lang naman kung gagana ba!" I say and chuckle.
"Anong oras ba?" Binabalik na ni Anika ang libro sa bookshelf. "Susunduin mo rin ba ako if ever? Sunduin mo 'ko!"
Halos lumabas ang pangil ni Celene habang nakahalukipkip ito. Hindi rin naman nagtagal nung nalaglag ang balikat niya tanda na nagpapatalo na siya. "Oo na! Basta sasama kayo, ha? Huy, Yna, sumama ka na! Magic word na naman?"
Galante manlibre si Celene dahil may kaya ang kanyang pamilya, ganoon din si Anika na pinaka gastadora sa aming apat — which is understandable naman dahil nag-iisa lang itong anak kaya lahat ay binibigay sa kanya, samantalang si Yna naman ang maituturing na kuripot sa amin na miski sampung piso na bilihin ay tinatawaran pa nito.
Dahil wala namang ginawa kundi magkwentuhan sina Celene at Anika ay iniwan na lang namin sila ni Yna para maghanap ng mga may kabuluhang libro. Siguradong matutuwa sa akin ang kuya kong adik sa pag-aaral kapag nag-uwi ako ng libro tungkol sa math o science. Gusto ko lang magpabida sa kanya dahil madalas nitong maliitin ang paraan ng pag-aaral ko.
"Gi, tignan mo." Kinakalabit ako ni Yna kaya binabalingan ko siya. May iminumuwestra itong makapal na libro sa akin at nung tignan ko ang front page ay napagtantong lumang romance novel ito. "Naliligaw sa mga algebra."
Nakangiti ko iyong kinukuha mula sa kanya. Mahilig akong magbasa ng pocketbooks lalo na kapag umiikot ang storya sa pag-ibig pero hindi ko pa nasusubukan na magbasa ng classics. Binabalik ko ang tingin kay Yna na tumitingkayad pa para abutin ang libro na gusto niyang kuhanin. Inuunat ko ang aking braso para matulungan siya.
"Girl, babalik ko lang 'to sa likod, ah? Titingin na rin ako ng pocket books," paalam ko sa kaibigan. Inaaya ko pa siya pero nanatili lamang ito sa math section kaya agad na rin akong umalis.
Napakwento rin naman ako sa mga kaibigan ko tungkol sa nangyari kahapon at kung bakit sumulpot si Draven sa lamesa namin nang may dalang pagkain. Wala rin naman akong masikreto sa kanila dahil natural na usisera ang mga ito. At least ngayon, tapos na ang pinoproblema ko!
Medyo mahaba ang nilalakad ko papunta sa pinaka dulong parte ng library kung saan nakalagay ang fiction and non-fiction novels. Creepy ang atmosphere rito at kung hindi naman mga nobela (na hindi naman talaga recommended na mayroon sa isang school library) ay makakapal na encyclopedia ang nakalagay. Walang nagkakainteres na manghiram ng makakapal na libro kaya nasa dulo tuloy sila.
Hindi na halos makita ang anino ko dahil sa unti-unting pag-dim ng ilaw habang papalayo ako nang papalayo sa mataong lugar ng library. Tumitingin muna ako sa hagdan papanik sa computer lab para sa researching at sandaling pinapanood ang grupo ng mga kababaihan na may mga hawak na libro at umaakyat do'n.
Blangko ang mangilan-ngilang upuan na nakalagay rito katulad ng inaasahan. Humihinga ako nang malalim at pilit na iwinawaglit sa isipan ang nakakatakot na scenario-ng naiisip. Hindi na tanaw ng librarian ang pwesto ko dahil nga sa mga ilaw na hindi nakabukas. Napapakamot ako sa aking ulo habang tinatanong ang sarili kung bakit ko nga ba naisipan na pumunta mag-isa rito e matatakutin ako!
Lumiliko ako sa tinuturo ng signage sa kisame kung saan may nakalagay na novels. Napansin ko kaagad ang mga box na nakakalat doon kaya hindi ako kaagad pumasok.
"Ang kalat naman," I whisper.
Mga bagong donate yata 'tong libro na hindi pa naaayos kaya nakatambak muna. Sinisilip ko ang isang box na nakabukas bilang likas akong pakialamera at napagtantong mga pocketbook of all sorts pala ang laman nito.
Ibinababa ko ang aking backpack sa isang gilid habang nauupo sa harap ng box na iyon.
Isa-isa kong binabasa ang synopsis ng mga libro na nasa loob ng kahon. Iba't ibang mga kwento iyon at karamihan ay mga tanyag na manunulat pa ang gumawa kaso puro nakakaiyak ito na hindi ko naman masyadong gusto.
Hindi naman ako masokista na magdadala ng sakit sa sarili ko. Sino ba'ng gustong masaktan? Siguro mga manhid na tao lang 'yon!
Iyung mga tipo kong story ay tungkol sa mga puppy love na nagkakatuluyan sa huli. Feel-good kumbaga.
'Yung tipong isang cute na babae tapos may crush siya sa isang lalaki na misteryoso, tapos hindi niya alam na may lihim na pagtingin din pala sa kanya ang lalaki pero natotorpe 'to.
Ngumingisi pa ako habang inaabot ang may kulay purple na book cover. I'm checking kung anong taon ito p-in-ublish at nagulat nung nalamang na kare-release lang nito ngayong taon. Eto na yata ang pinaka latest na libro na nabuklat ko sa box na ito.
"My love," pagbabasa ko sa nakasulat sa unang pahina ng libro. "Lazarus..." at iyun ang title ng libro.
Naiintriga tuloy akong basahin ito dahil sa kagandahan ng pagkakasulat sa synopsis. Kailangan ko 'tong hiramin at baka hindi ako makatulog mamayang gabi kaiisip kung tungkol saan ba ito.
Kinukuha ko na kaagad ang backpack ko at ch-in-eck kung nasaan ang aking library card. My lips form a sweet smile after finding it.
Tumatayo na ako mula sa pagkakasalampak nung may marinig akong boses dahilan para magsipagtaasan ang balahibo ko.
"B-Babe..." it whimpers. "Babe... hmm..."
Tanging mga libro lang din ang kaharap ko habang nasa kalagitnaan ako ng dalawang matatangkad na mga bookshelves. Niyayakap ko ang libro habang kinukuha rin ang bag ko nang may nanginginig na kamay.
"Please, babe..."
I almost jump out of shock after hearing that voice again.
Babe?
Iniisip ko kung ako ba ang tinatawag niya pero hindi naman siguro dahil malambot ang boses nito at nasisigurado kong babae siya.
Dahan-dahan akong naglalakad papunta sa hallway habang tinatanaw ang nasa dulong mga shelves. Kung sino man ang babaeng iyon, siguradong may kausap siya. Sa telepono? I don't know! Mas natatakot ako na baka kailangan pala nito ng tulong dahil sa boses niyang parang nagmamakaawa.
Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi iyon multo. Gustong-gusto ko nang bumalik sa pwesto ng mga kaibigan ko pero para bang may nagsasabi sa akin na lumapit pa ako.
And so I do.
Hindi naman talaga siguro 'yun multo dahil wala naman atang multo na magtatawag ng babe! Maliban na lang kung ang pumatay sa kaniya ay nagngangalang... babe?
Sinisilip ko ang bawat uwang sa shelves na madaraanan. Kung tao man ang makikita ko rito, ayoko rin namang makaistorbo pa sa kanya kung sakaling hindi naman niya ako kailangan, but since hindi ko naman talaga sigurado kung tao ba ito ay dumidiretsyo pa rin ako.
Ganitong-ganito namamatay ang mga bida sa murder or horror story, Giana!
"Ah~! Sige lang!"
"Huwag mong lakasan, baka may makarinig sa atin..."
Hindi pa ako nakakarating sa pinakadulo ay natunton ko na kaagad ang pinanggagalingan ng ingay. Napapadpad ang tingin ko sa ilalim at hindi rin agad nakapag-function o react man lang nung tuluyan ko nang makita ang ginagawa ng dalawang tao sa konkretong sahig ng library.
Naihahawak ko sa 'king bibig ang kamay na may bitbit sa libro dahilan para mahulog iyon sa lapag. I gasp.
"Ugh—ah!" 'Yung lalaki ang unang nakapansin sa akin kaya agaran nitong tinutulak ang kasamang babae na kaninang gumagalaw sa ibabaw niya.
Kinikilabutan ako at the same time ay natataranta.
"Oh, my god!"
Hindi ko na kailangan pa ng maliwanag na flashlight para makilala kung sino ang lalaki na naririto sa harap ko at natatarantang nagtataas ng pantalon. The girl beside him has no clothes at all kaya 'di nito malaman kung paano magtatakip!
Inaalis ko na kaagad ang mga mata ko sa kanila habang nakahawak pa rin sa 'king bibig, takot at nandidiri.
"Patawarin nawa kayo!"
"Mag-ayos ka!" naririnig ko pang sinasabi ni Joseph bago ako tuluyang nagtatatakbo palayo.
Hindi naman ako batang paslit para hindi malaman kung ano'ng ginagawa nila! But of all the places, bakit sa library pa?! Ni hindi ko ma-figure ang nararamdaman ko! Gusto kong umiyak at magalit sa kanila at the same time pero wala akong ginawa kundi kumaripas ng takbo!
This is what I get for acting like a curious cat!
"Huy, Gi," tawag sa akin ni Celene pero nilalagpasan ko lang sila.
"Mag-CR lang ako!"
Dire-diretso ako sa paghakbang at wala nang balak na lumingon pa. I can feel my cheeks burning up. Nanghihina ako. Bakit ko ba kinailangang makita ang masamang imahe na 'yon?! Kahit kailan hindi ko ginustong makapanood ng mga taong gumagawa ng bagay na ganoon! It's disgusting! Purely disgusting! Lalo pa dahil kaedaran ko lang sila!
Bumabagal lang ang lakad ko nung daraanan ko na ang librarian pero nung malagpasan ko na siya ay hindi ko na rin kinayang labanan ang kagustuhan na tumakbo.
Disgusting!
"Giana! Giana!" I hear someone calling my name.
Nililingon ko ang manyak na si Joseph na nakasunod pala sa akin pero bago pa man niya ako maabutan ay mas binibilisan ko ang pagtakbo papalayo sa kanya. Mabuti na lang at uwian na at pwede na akong lumabas ng gate!
"Kakausapin lang kita!" he shouts.
Bakit niya pa ako kailangang kausapin?! Kung tungkol sa nakita ko, 'wag na lang at hindi na bale! Hindi pa nga nawawala sa isipan ko ang malaswang imahe nila kaya tantanan niya 'ko!
"Stop running!" he yells at me ngunit wala akong balak na huminto hanggang sa maramdaman ko na lang na nahila nito ang palapulsuhan ko.
Tinataboy ko kaagad siya. "Hoy, ano ba! Huwag mo nga akong hawakan! Wala akong nakita!"
Gulo-gulo pa ang buhok niya pati ang uniform. Halatang nawalan na ng oras para makapagbihis nang maayos.
Tinatanggal ko ang kamay nito sa braso ko saka umaatras papalayo.
"Saglit lang, promise... 'yung nakita mo..." he tries to explain but I'm not interested.
Akmang tatakbo na sana ulit ako ngunit mabilis nitong nahawakan ang aking palapulsuhan. Hinahatak niya ako palayo sa harap ng elementary building.
Nagpupumiglas ako. "Wala tayong pag-uusapan! Wala nga akong nakita! Ano ba? Bitiw nga!"
Aware naman ako na isa siya sa pinaka babaero sa kanilang magkakaibigan (at sa buong campus!) pero hindi ko naman ine-expect na over pa pala sa kayang abutin ng aking inosenteng utak!
Pilit niya akong hinahatak pero pilit ko ring binabawi ang aking kamay. Nagpapabigat ako na parang bata at nauupo pa sa semento.
Tignan natin ang galing ng manyak na 'to!
Para siyang matatanggalan ng ulirat habang lumilinga sa paligid. Pinanlalakihan niya ako ng mata. "Tayo riyan! Mag-uusap lang naman tayo! Kung wala kang nakita, bakit ka tumatakbo?!"
"Kasi wala nga akong nakita! Saka sino'ng hindi tatakbo kung hinahabol mo ako! Lubayan mo na nga ako! Alis!"
"Hindi ako naniniwala sa'yo," aniya at nauupo na rin para magkapantayan kami.
"Joseph!" pagtatawag ng isang boses sa kung saan.
Lukot na ang mukha ko sa pagmamakaawa na pakawalan niya ang kamay ko. "Wala nga akong nakita! Sasapakin kita, sige!" Sumisipa ako dahilan para ipirmi niya ang aking binti.
The guy hisses, halatang iritado na sa ginagawa ko. "Tayo kako riyan, Giana! Mag-uusap lang tayo! Huwag ka nang makulit! Nadudumihan ka, oh!" Nalilipat ang tingin niya sa likuran ko ngunit agad din namang nanumbalik sa akin. May binubulong pa siya habang lukot ang mukha at problemado.
Kumukunot ang noo ko sa kanya. "Bakit ka pa magpapaliwanag?! Boyfriend ba kita?! Kahit ilang babae pa kasama mo wala akong pake basta hindi ko lang kayo makitang gumagawa ng-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong buhatin ng parang sako. Napatili ako nang malakas ngunit natahimik na rin dahil sa pakiramdam na babaliktad ang aking sikmura!
"Tulong!" I shout.
"Tangina, huwag kang malikot! Baka madapa ako!" asik ni Joseph habang pilit na pinipirmi ang aking mga paa.
Ang angas niya pa! Baka nakakalimutan nito na binaboy niya ang isipan ko!
"Nasusuka na ako! Gusto mo bang masukahan ko uniform mo?!"
"Sa gaan mong 'to may maisusuka ka pa? Baka mamaya organs mo pa ang mailuwa mo!" he mocks.
Okay lang, at least hindi ako manyak!
Ilang minuto akong nakabitin patiwarik hanggang sa bigla na lang niya akong ibaba sa isang upuan. Nasa al fresco kami ngayon ng sarado nang canteen. Wala na ring ibang mga estudyante na palibot-libot. Sinasapo ko ang aking ulo dahil sa pag-ikot ng aking paningin ngunit dahil na rin sa takot na baka mapagsamantalahan ay niyayakap ko ang aking sarili at tinatakpan ang itaas na bahagi ng katawan.
"Wala akong gagawin sa 'yo!" singhal ni Joseph nang makita ang pinaggagagawa ko. Umiiling ito. "Damn, Giana, hindi kita tataluhin! Umayos ka nga mamaya sabihin pinagbabalakan talaga kita," he says in a now calm voice.
Wow!
Natatakot mapagbintangan na rapist pero hindi natatakot na mahuling may ginagawang kaharutan sa library! Iba rin ang lalaking 'to!
"Kasama mo sina... ang mga kaibigan mo, 'di ba?" Nabigla ako sa tinatanong niya at sa tono na gamit nito. Parang ayaw niyang tanungin iyon pero kailangan.
Humihinahon na rin sa wakas ang kanyang boses na may bakas ng kahihiyan.
I look at him in disgust. "Oo... bakit? Gusto mo bang sabihin ko sa kanila?"
Umiiling siya nang sunod-sunod. "Hell, no! Magsumbong ka na lang sa... sa guidance at office! Basta huwag mong ipagkakalat kahit kanino! Kahit kaninong estudyante rito!" aniya habang pabalik-balik ng lakad.
Mas nakakahiya nga naman kung mas marami ang nakakaalam ng kalokohan niya. But, hey! I'm not the kind who enjoys ruining someone's reputation... kahit kilala naman na talaga siyang babaero.
Tinataas ko ang kanang kamay ko na parang namamanata. "Okay. Sa Lunes, pupunta ako sa guidance office first thing in the morning! Agad-agad!"
Nililipat niya ang tingin sa akin mula sa malayo. Umuuwang ang kaniyang bibig at mukhang 'di makapaniwala. "What the? Magsusumbong ka talaga?"
I raise an eyebrow. "Sabi mo magsumbong na lang ako kaysa ipagkalat ko? Mabilis akong kausap! Ngayon, pwede na ba akong umalis?"
Pumapamewang siya habang mataman akong tinitignan. Ginagantihan ko siya ng masungit na titig. He can not scare me! Siya ang gumawa ng kalokohan so face the consequences!
"Johan! What the hell?" Sabay naming nililingon ang naglalakad, or more like, nagmamartsa papalapit sa aming pwesto. May back up pa itong nagngangalang Kris at Kyle.
Nang makalapit siya sa kaibigan ay bahagya nitong itinutulak ang kanyang dibdib sabay tingin sa akin.
Umuupo ako nang mas maayos.
"Ba't kasama mo 'to? Nililigawan mo na rin?"
"Gago ka ba?" asik ni Joseph sabay ganti ng tulak kay Draven na ramdam ko pa rin ang pangmamata sa akin.
"Oh, ano nga? Hinihingal ako kay Draven! Ang bilis maglakad! Akala ko umalis kayo ni Lisa? Bakit nandito ka pa?" tanong naman ni Kris na habol ang hininga. Hinahatak nito ang isang upuan na malapit sa akin at saka nauupo roon.
"Lisa Concepcion?" wala sa sariling pagtatanong ko.
Siya nga ata 'yun! I think she's a year below us. Sumali ito sa intrams nung freshman siya at iyon ang tumatak sa akin na pagkikita ko rito. Nag-flashback pa tuloy ang mga nakita ko kanina sa library! Kadiri!
"Ha?" Wala rin ata sa kanyang sarili si Kyle na nakanganga pa sa akin. Narinig nito malamang ang sinabi ko.
Umiiling ako at nagpapatay-malisya.
Dapat pala manahimik na lang ako... kahit naman kasi wala si Dennis sa paligid at pwede ko silang sagut-sagutin ay hindi ko pa rin gagawin dahil hindi naman ako feeling close, hindi tulad nila.
"Oo, siya. Bakit, nakita mo?" si Kris ang nagtatanong.
Hinaharap ko sya. Mukhang nababasa na nito ang iniisip ko.
Nanlalaki ang kanyang mga mata. "Saan, Giana?! Saan mo nahuli?!"
Napapalunok ako nang ilang beses. Yumuyuko ako at mas pinipiling hindi sumagot. Silence means yes!
"Johan?!"
"Stop calling me Johan!"
Tinitingala ko ang dalawa sa 'ming harap na parang mag-aaway sa tindi ng palitan ng titig.
"Then answer his fucking question, dude! Saan?!" Mas malakas na ang panunulak ni Draven kay Joseph ngayon, parang nagagalit pa ito.
"Ask her! She's the one who was snooping around!" Tinuturo ako ni Joseph.
"Bakit ako?!" agresibo kong sagot. "Kasalanan ko bang ginawa niyong motel ang library!"
Nakikita ko si Draven na nakahawak sa kaniyang sentido samantalang si Kyle na katabi niya ay tumatawa na. Naririnig ko rin si Kris na nakisabay sa hagalpakan.
Kulang na lang ay magpagulong-gulong sa lupa kakatawa 'yung dalawa.
What's so funny?
"Nakita mo talaga?" pagtatanong ni Draven sa akin habang nakahawak pa rin sa kaniyang sentido.
Lakas ng loob nitong kausapin ulit ako matapos niya akong walk out-an. Hindi pa nga nag-sorry doon sa sinabi niya! Hindi ko siya pinapansin. Pero gusto kong linisin ang pagkatao ko! Inosente pa rin naman ako, and correction, I did not snoop!
I try to explain myself. "Hindi ko sila pinanood o sinundan. Bad timing lang kasi napadpad ako sa pwesto nila! That was not my fault!"
I awkwardly look away.
"Grabe, laughtrip!" Binabalingan ko si Kyle na mangiyak-ngiyak na ngayon kakatawa.
"Kung ako 'yun magpipicture pa ako tapos ta-tag kita Joseph kapag in-upload ko na!"
Tumatayo si Kris mula sa kinauupuan saka lumapit kay Kyle, nag-apir silang dalawa bago harapin ang kaibigan.
"Utol, alam mo naman na kapag nagigipit ka, pwedeng-pwede mo kaming lapitan. Sana sinabi mo kanina na wala kang pang motel! Pahihiramin ka naman namin, eh!"
Nakabusangot na ang pinagtatawanan nila habang masama ang tingin.
"Kung saan ka na lang talaga abutan, 'no?!"
"Lubayan niyo nga ako at baka pag-untugin ko kayong dalawa."
"Tumahimik nga muna kayo..." awat ni Draven sa mga kaibigan nito.
Inaayos ko ang aking palda pati na rin ang backpack. Mukha na siguro akong batang kalye dahil sa itsura ko ngayon.
"Ano'ng nangyayari rito? Natanggap ko text ni Kyle." Biglang sulpot ni Luigi sa likod ni Draven. "Si Giana... hinahanap ka ata ni... ng mga kaibigan mo. Nasa may canteen sila," aniya nang mapatingin sa akin.
Tumatango naman ako. Siguro naman pwede na akong lumayas? Hindi naman ba nila ako bubugbugin?
"Etong si Joseph, Luigi! Nahuli ni Giana sa library na kasama 'yung girlfriend niya," panunumbong ni Kyle.
"What? As in sa library?" Hindi makapaniwalang tinititigan ni Luigi ang kanyang manyak na kaibigan. "Sa library, bro? Bakit doon?! Pwede namang sa janitor's room o 'di kaya sa hotel! Naghihirap ka na ba talaga at nagtitipid ka?" Inayos niya ang suot na salamin.
Iritableng sumasagot si Joseph. "Pwede ba?! Siya ang nagyaya doon! Malay ko bang makikita kami! Ang ingay naman kasi niya... sabi ko tumahimik lang. And correction, she's not my girl."
Okay... I'm done!
Sa tuwing nakikinig ako sa pinag-uusapan nila ay sumasakit lang ang ulo ko.
"Major offense ka na naman!" Luigi faces my direction. Para bang siya ang nagsisilbing attorney ng mga ito na inaasahang gagawa ng solusyon sa problema nila. "Giana, aware ka naman siguro na sira ulo si Joseph, 'di ba? Ako na ang humihingi ng pasensiya. Kung ano man 'yung nakita mo, pwedeng-pwede ka namang gumawa ng letter at ipaabot sa akin o 'di kaya pumunta ka na lang sa mismong office."
He sighs and tries to flash a smile.
"Pero sana huwag mo na lang makwento kahit kanino... kahit sa mga kaibigan mo pa. Ayaw na natin ng issue... kaya kapag nakarating agad sa taas, at least magagawan agad ng aksyon 'yon."
Tumatango na lang ako. Naiintindihan ko naman. Pero in the first place, kung ayaw niya naman pala ng issue, dapat nag-iingat siya. Wala naman akong pake kung ano'ng ginagawa nila sa buhay nila... pero hindi ba dapat safety first?
"Nagkakaintindihan ba tayo?" Okay na sana ang lahat kaso biglang sumabat si Draven.
Napaismid ako.
"Oo!" Sabay pasimpleng irap ko.
Naiinis ako sa kaniya. Matagal na pero lalo pang nadagdagan!
"Kapag may kumalat na chismis, ikaw ang sisisihin naiintindihan mo? Pagbabayarin ka namin!" he threatens me as if matatakot ako.
Sila ang may ayaw ng issue, ako ang may hawak ng issue. Sa tingin nila, sino'ng mananalo once na ipagkalat ko 'to?
These boys and their tiny brains.
I wince.
"Giana Nicolasia! Saan ka ba galing?!" nag-aalalang tawag sa akin ni Yna na nasa tapat ng canteen.
Kinakawayan niya ako nung una bago mabilis na lumapit. Napahinto ako nung makita ang concern sa kaniyang mga mata.
"Saan ka ba nagpupupunta? Sinundo na sina Celene at Anika kaya ako na lang naghintay sa'yo! Nag-aalala nga kami kasi nawala ka. Pinuntahan ka namin sa CR pero... ano ba'ng nangyari?"
Nararamdaman ko ang marahan niyang paghawak sa aking magkabilaang braso.
"Gi?"
Inaangat ko ang aking ulo para matignan ang aking kaibigan.
I hate lying. Hindi ko gusto ang pakiramdam na kinakabahan at nanlalamig kapag sinusubukan kong magsinungaling. Pero hindi naman siguro pagsisinungaling kung babaliktarin ko ang mga sagot ko, hindi ba? Totoo naman na nagbanyo ako pagkatapos akong komprontahin ng tropang pakers!
I sigh. "S-Sorry... tinatawag na talaga ako ng kalikasan kaya hindi na ako nakapagpaalam. Sorry nag-alala pa kayo," pilit kong pinapagaan ang mood nito.
Unti-unti naman atang gumagana.
Ngumingiti si Yna at mahina akong tinutulak. "Ikaw talagang babae ka! Akala namin nakakita ka ng multo kasi narinig ka pa naming tumili. Oo nga, bakit ka ba tumili?"
"Uhm... nakakita ako ng daga roon sa may novels... pasensiya ka na talaga, hindi ko kayo naisip agad kasi sasabog na talaga ang bulkan..." I say habang hawak ang tiyan ko.
"Mag-text ka na lang mamaya sa kanila para ma-inform sila. O, siya, umuwi na tayo," aya niya.
Tumatango naman ako at agad na naramdaman ang braso ni Yna na kumakapit sa akin. Wala sa sariling napapalingon ako pabalik at nakita ko roon si Draven sa malayo na nakahalukipkip at nakatingin nang diretsyo sa akin.167Please respect copyright.PENANAgVK4fsH82U