Chapter 11
"Saan ka galing?" salubong na tanong ni Kuya pagkapasok ko ng bahay.
"Diyan lang."
Nararamdaman ko si Archie sa aking binti kaya bumababa ang tingin ko sa kanya.
"Saan 'yung diyan lang, Giana? Kung saan-saan ka siguro nagpupupunta!"
Hindi ko na pinapansin ang kapatid at sa halip ay niyayakap na lamang ang aso ko.
"Giana, nakikinig ka ba? Siguro kasama mo kanina 'yung boyfriend mo? May syota ka na?" paratang ng kuya ko.
Iniirapan ko nga. Nakakairita naman ang isang 'to, puro tanong. Sino naman ang magiging kasintahan ko?
E, ang kasama ko lang naman talaga ay si Draven!
I sigh. Ang Whatever na 'yon na nilayasan ko kanina. Paano ba naman, bigla akong nahiya sa social status ng pamilya nito. Hindi ko naman kasi ine-expect na kabilang siya sa mga Velasquez na bukambibig ng sambayanang Maravilloso.
Akala ko talaga ay nagkataon lang na iisa sila ng apelyido. Pero honestly? Hindi ko rin naman iyon naisip kahit ilang taon ko na siyang kilala. Kung hindi ko pa na-realize kanina ay baka umabot hanggang graduation na wala akong kaide-ideya.
Hindi ko sure kung bobita ba talaga ako o wala lang talaga akong pakialam sa lalaking 'yon.
Velasquez siya. Kahit isa ka pa sa pinaka tahimik na tao rito sa Maravilloso ay imposibleng hindi mo sila kilala. Napakatunog ng pangalan ng pamilyang 'to.
Bakit? Hindi naman sila kabilang sa pulitika, hindi naman sila mga artista, hindi rin sindikato.
Pero pamilya sila ng mga doktor at negosyante. Pagmamay-ari nila ang nag-iisang hospital dito sa Maravilloso, iyon ding sa kabilang bayan, at maraming-marami pa sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas.
Kalat din ang mga negosyo nila kahit saan ka man tumingin! At kalahati yata o higit pa ng lupa sa aming bayan ay sa pamilyang iyon. Well, chismis lang 'yung huli. Pero hindi naman malabo na may katotohanan.
Basta ang nasisigurado ko, hindi lamang triple sa kinikita ng pamilya namin taon-taon ang kayamanan nila, kung tutuusin ay barya na lamang 'yon.
"Wala akong boyfriend, Kuya. Baka ikaw?" panunuya ko sa kapatid na papetiks-petiks sa upuan.
"Ano'ng akala mo sa akin? Porket tomboy ka?" At nandidila pa nga ang bata.
Akala siguro niya nasa mood akong makipagbiruan ngayon. Nilalayasan ko na siya at dumidiretsyo na sa 'king kwarto para makapagpahinga.
Una kong ginagawa pag-akyat ng kwarto ay ang pagbubukas ng bintana, sa pagkakataon ding ito ay itinatali ko ang kurtina para hindi tangayin ng hangin. Dumudungaw ako sa bintana ko at napapangiti nung makita kung gaano kabuhay ngayon ang tinanim kong bulaklak sa paso. Nakapatong sila sa planter box ng iron grills kaya hindi nahuhulog. I smile as I look up on the sky. Papalubog na ang araw kaya nagkukulay kahel na ito.
Ang ganda naman.
Ilang minuto akong nakatulala roon. Nagmumuni-muni katulad ng ginagawa ko nitong mga lumipas na araw. Marami pa rin akong iniisip pero mas malakas na ang loob ko ngayon. Kaya kong makahanap ng trabaho at magsisimula ako bukas.
Naagaw ang aking atensyon nang biglang may naririnig na kaluskos mula sa puno ng mangga sa baba. Halos ka-height na ito ng aking bintana. Maaabot ko na nga ang mga dahon nito kung malapit lang sa akin.
Tinititigan ko ito nang maayos. Muli akong nakarinig ng kaluskos na para bang may pumapanik doon.
Gumalaw ang mga dahon nito!
Naalala ko si Giselle. Hindi kaya ito na talaga 'yung kumakaibigan sa kanyang engkanto?
Muntikan nang malaglag ang puso ko nang may biglang tumutunog. Napapahawak pa ako sa aking dibdib sa sobrang kaba! Cellphone ko lang pala na nag-notify!
Agad ko itong inaabot mula sa study table.
Ayon sa pop-up notification ay mayroon daw nag-text sa akin na unknown number. Baka scammer lang kaya hindi ko pinagtuunan masyado ng pansin. 'Yung mga kunwaring kamag-anak o 'yung mga nagpapanggap na mula sa bangko, kunwari nanalo raw ng isang million.
Tigilan nila ako lalo pa't nangangailangan ako ng pera. Baka kumagat ako sa patibong nila.
Sinusulyapan ko ulit ang puno. Sino ba'ng pinaglololoko ko? Baka pusa lang 'yon na pumapanik.
Sumakto at nung lumabas na ako ng aking kwarto ay papanik na rin si Giselle para yayain akong maglaro raw sa labas. Nagpaalam muna ako na maglilinis muna ng katawan at pumayag naman siya.
"Ate, bilis!" anito pagkababa ko habang pinapatuyo pa rin ang aking buhok gamit ang tuwalyang nakasabit sa balikat.
"Ano ba 'yon?"
Sinusundan ko siya papuntang kusina. Lumalabas pa muna siya papuntang bakuran bago ako muling tinatawag.
"Ate, bilisan mo kasi! Ang tagal!"
Nag-alangan akong lumabas dahil sa itsura ko. Naka-short shorts lang ako at sando! Hindi naman ako makikita ng mga kapitbahay namin pero nakakailang pa rin.
I sneer. "Ano nga?"
Pinapanood ko siya habang umaakyat ito ng kanyang slide. Tinuturo niya ang mga sanga at dahon ng puno ng mangga na sumisilong sa kanya.
"Meet and greet with your engkanto?" pang-uuyam ko.
Umiiling ito. "Hindi! Tignan mo, oh! May mga mangga na! Pwede na tayong kumuha rito! Tulungan mo ako!"
Minadali niya ako para kumuha lang ng mangga mula sa puno? Nasisiraan na talaga ang batang 'to!
"Bakit ako ang kinukulit mo? Hindi ba dapat si Kuya GL ang pinakukuha mo niyan?!"
"Napag-utusan lang naman ako! Sige na, para may gummy bears ako," sagot nito ngunit wala pang ilang segundo ay natulala siya at napatakip sa kanyang bibig. Parang may masama pa siyang nasabi.
Nagtataka naman ako. "Napag-utusan na ano? Kumuha ng prutas diyan? Baliw ka na talaga, Giselle!" Iniilingan ko siya bago tinawag si Kuya nang pasigaw.
"Bakit ba?!" sagot nito mula sa sala.
"Kumuha daw kayo ng mangga ni Giselle!"
"Ayoko nga!" he stubbornly answers.
Muling umaangat ang tingin ko kay Giselle.
I motion my hands at her. "Pumasok na nga lang tayo. Bukas ka na lang manguha ng bunga niyan, wala talagang kwenta 'yang si Kuya."
Pinapakita niya sa akin ang kanyang palad. "Wait lang!"
Naglalakad na ako papalayo at sinesenyasan siya. Gusto ko pang manood ng TV bago kami maghapunan.
"Ate! Wait!"
Napatili ako at hindi agad nakakilos nung makita kong bumabagsak mula sa itaas ng slide si Giselle dahil sa tangkang paghabol niya sa akin.
Tinakbo ko kaagad ang distansiya naming dalawa at mabilis siyang inaalo nung ngumangawa na ito. Nahulog at nasubsob ang loka-loka.
Niyayakap ko ito at pilit na pinapatahan. Ilang beses ko ring tinawag ang kuya namin nang biglang may kumakaluskos na naman mula sa itaas. Napunta ang atensyon ko roon.
"Ang kulit mo naman kasi bunso, eh! Nadisgrasya ka tuloy!" Kumakaripas ng takbo si Kuya GL sa amin ngunit mas pinili kong tingalain ang puno.
Pinakikinggan at pinagmamasdan ko nang mabuti ang puno. Hindi ko man makita mula rito ang kabuuan niya pero batid kong may bumababa? May gumagalaw mula roon. Sigurado ako!
"Halika na kay kuya... tahan na."
Sumasama na si Giselle sa kapatid namin samantalang naiwan ako rito sa pwesto namin nang nakatulala.
Parang anino nga ng tao ang nakita ko mula sa puno. Akala ko kanina ay pusa lang. Pero imposible naman na may papanik diyan sa puno ng mangga! Kusa namang nahuhulog ang mga bunga niyan!
Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Mama na pupuntahan ko kunwari si Troy sa kanilang bahay, pero ang totoo talaga niyan ay babalik ako ng Poblacion para maghanap ulit ng trabaho.
Mukhang nakumbinsi ko naman siya.
"Okay, sige... pero isama mo si Archie, 'nak. Matagal na siyang hindi nakakalabas ng bahay. Ipasyal mo siya sa garden."
Parang gumuho ang aking mundo na suhestyon ni Mama. Ngiting-ngiti pa ako kanina tas biglang ganito?
"P-Pero, Ma... alam niyo naman po na mahirap isama si Archie," I insist.
She shakes her head. "Isama mo pa rin siya at nagiging asong bahay na ang aso mo. Mag-taxi ka kung ayaw niya sa tricycle. Baka nakakalimutan na niya ang itsura ng labas dahil hindi nailalakad."
Nakasimangot tuloy akong lumalabas ng bahay. Wala na akong nagawa dahil kapag si Mama ang nagsalita, kailangang sumunod.
Nakaabang pa ang aso ko sa may gate na masayang-masaya ang mukha. Hindi ko naman magawang mainis sa kanya kahit ano'ng iritasyon ko. Masyado siyang cute!
"Naligo ka naman ba?" pagtatanong ko habang hinahaplos ang baba nito.
Tumatahol ito.
Mukhang ready na nga siya kahit hindi ko pa niyayaya. Ba't ba ang talino ng mga aso?
"Archie! Behave!"
Kasalukuyan naming binabaybay ang daan patungong Santa Miranda. Sobrang rare lang makakita ng isang husky na naglalakad sa initan at tanghaling tapat! Kasya naman sana kami sa isang tricycle kaso mapag-inarte ang Archie ko. Takot siya roon simula pa raw pagka-baby niya.
Ang arte, gusto niya nakasasakyan kami palagi.
"Ikaw naman kasi, e. Maghahanap lang naman ako ng trabaho, sumama ka pa! Para sa atin din naman ang ginagawa ko. Paano ka makakakain ng masarap na dog food kung wala na tayong pera?" pangongonsensya ko sa aso ko na lumulundag pa sa saya dahil nakalabas.
Balak kong iwanan muna siya kay Troy dahil hindi ko naman pwedeng isama 'to sa Poblacion.
Tumatahol ang aso ko nang may makasalubong kaming lalaki na mukhang natakot naman sa kanya kaya kaagad umiiwas. Basta talaga sa lalaki, nagagalit siya. Pero kapag babae naman, ang bait nito.
To: Troy
Saan ka ba? Sumagot ka naman! Marami na akong missed calls sayo!
Galit ka ba sakin? Hindi ka magkaka-gf kapag hindi ka sumagot!!!
Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng kanilang bahay ay wala pa ring sagot ang lalaking iyon. Hindi ko naman kasi plinano na pumunta rito, palusot ko lang naman 'yon kay Mama kaso naniwala naman sa akin.
Napilitan tuloy akong iwan si Archie sa kasambahay nina Troy na kilala na rin ako. Nagulat pa sila dahil sa laki ng dala kong aso ngunit sinabihan ko na ang mga ito na mabait naman siya.
Nakaramdam yata si Archie nung subukan kong ibigay ang tali sa kasambahay kaya tumatahol ito at lumilingkis na sa akin.
He's giving me puppy eyes like he's questioning me. "Mama, why are you leaving without me?"
"Archie-kuy, babalikan kita mamaya. Behave ka lang, ah? Love-love ka ni Gigi, baby... sandali lang ako, promise! Dadalhin ka ni Troy sa garden!" anang ko rito at saka nagmamadaling umalis.
Paniguradong magugulat si Troy mamaya pagkakita niya sa matalik niyang kaibigan na si Archie. Na-imagine ko pa tuloy at hindi naiwasang matawa.
Binuksan ko kaagad ang dala-dalang payong pagkababa ng jeep. May dala rin akong maliit na backpack at brown envelope na naglalaman ng bio-data, photocopy ng school ID ko, pati passport pina-photocopy ko na rin para sure.
Balak ko pa ngang gumawa ng resumé kaso hindi naman kumpanya ang papasukan ko. Magmumukha lang akong baliw. Mamaya niyan nakasulat sa CV ay Manager tas na-hire ako bilang tagahugas ng pinggan.
Actually, hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula at kung ano'ng papasukan kong trabaho. Basta naghanda lang ako ng mga requirements na kaya kong i-provide sa ngayon. Bahala na! Basta kailangan may mapala ako ngayong araw.
Kaya mo 'to, Giana!
Dumiretsyo ako ng tayo at inayos ang aking balikat.
Game face on!
Pinupunasan ko ang mga butil ng pawis sa aking noo. Hindi ko na alam kung ilang oras na ba ako naglilibot dito sa bayan.
Naikot ko na ang buong palengke, pati nagkakatay ng baboy napagtanungan ko na. Tagakaliskis ng bangus, wala rin. Nakalabas na ako't lahat ng wet market, wala pa rin. Miski taga-prito ng burger patty, walang bakante!
Sa dami kong natanggap na rejection sa araw na ito, baka hindi na ako masaktan kung pati ang crush ko ire-reject din ako.
Kanina, ang taas-taas ng self-confidence ko. Ngayon, kasabay ng pagkawala ng aking enerhiya ay ang pagbaba ng aking kumpyansa. Wala yata talagang naghahanap ng empleyado ngayon.
Pumwesto ako sa gilid ng bakery at bumili ng tig-sasampung palamig. Pawis, malagkit, ngunit mabuti at hindi naman ga'nong mabaho. Para akong galing sa gyera! Gusto ko na lang maiyak sa pagod at inis.
Muli akong nag-ikot-ikot matapos kong magpahinga hanggang sa tuluyan na akong nakararamdam ng sobrang pagod. Naubos 'yung napakaraming kopya ng bio-data at I.D na dala ko kanina. Talo ko pa ata ang mga fresh grad nito!
Saglit akong naupo sa labas ng kainan na isa sa in-apply-an ko. Wala rin namang gusto tumanggap sa akin kapag nalalaman nila na high school pa lang ako. Kahit nga sana pumasok ako ng weekdays, basta tuwing hapon lang, kakagatin ko. Kaso ayaw pa rin nila.
Ginagawa kong pamaypay ang brown envelope na wala nang laman habang minamasahe ang kaliwa kong paa. Pagod na nga ako, gutom pa.
Syempre hindi ako pwedeng umuwi na ganito ang itsura. Magpapalit muna ako ng t-shirt at maliligo ng pabango. Baka magtaka ang nanay ko. Galing ako kunwari kina Troy pero taliwas iyon sa mukha kong parang kakatapos lang mag-training sa militar.
Nag-inat ako pagkatayo bago naglakad papunta sa pinakamalapit na fast-food. Makikigamit ako ng banyo at sobrang dumi ng restroom sa loob ng palengke. Nakakahiya pang magpalit ng damit.
Nag-spray muna ako ng pabango bago pumasok.
"Ang bango!" binubulong ko sa aking sarili.
Amoy fried chicken at spaghetti. Gusto kong maiyak sa gutom at inggit sa mga kumakain, siopao lang kasi ang lunch ko na tig-kikinse kanina sa may bakery.
Gustuhin ko man, sakto na ang pera ko pamasahe. Kaya konting tiis lang. Diretsyo ang tingin sa banyo, huwag magkakamaling lumingon.
Mabilis akong kumikilos at ni-lock ang banyo. May dalawang cubicle sa loob pero dahil busy silang kumain, akin muna ang buong CR. Mamaya na sila.
Una kong ginawa ay ang paghihilamos gamit ang tubig, sunod ay pagtu-toothbrush bago nagpalit sa mas maayos na damit. Lahat iyon ay ginawa ko sa loob ng limang minuto bago ko in-unlock ang pinto. Baka akalain nila ay naliligo na ako rito.
Hindi agad ako lumabas at nag-ayos pa ng mukha. Nakangiti na ako sa salamin habang pinagmamasdan ang matingkad kong labi na mamaya'y magiging kulay pink dahil sa magic lip balm ko. Pinusod ko nang mas maayos ang aking mahabang buhok na halos umabot sa aking bewang. I put it in a tight bun.
Hindi na ako mukhang nag-apply ng trabaho!
Pumapanik na ako sa second floor kung saan kaunti lang ang mga kumakain. Pumwesto ako malapit sa aircon, 'yung tipong pagkababa ng bagong order na pagkain e lumamig na agad type of pwesto. Deserve na deserve ko ito after a long tiring day.
Kung makapal nga lang din talaga ang mukha ko ay iidlip ako rito mismo kaso nakakahiya. Sobrang hirap ko pa namang gisingin.
Nilabas ko ang aking cellphone na ngayon ko na lang ulit nahawakan. Bumubungad sa akin ang mga text ni Troy na isinusumpa ako. Kanina ko pa nga 'yan naririnig na tumutunog pero hindi ko pinapansin, alam ko naman kasing magrereklamo siya.
Tinatawanan ko na lang ang mga text na iyon at hindi ni-reply-an.
Papatayin ko na sana ang cellphone nang may napansin ako. 'Yung unknown number na nag-text kagabi. Nag-text ulit siya kaninang alas dyes ng umaga.
From: Unknown number
Hi po
Sino kaya 'to?
Reply:
Hello po! Sino sila?
Kapag ito bagong number lang pala ni Anika!
Time check, mag-a-alas dos na ng hapon. Sobrang init pa rin sa labas at nakakatamad pang umuwi lalo na kung kanina ka pa naglalakad at ang tanging gusto mo lang ay maupo.
Nagdadalawang-isip tuloy ako kung tutuloy na ba ako.
To: Troy
Hoy trojan horse! Pabalik na ako diyan
Sinasabit ko sa aking balikat ang bag na dala at bumababa na mula sa second floor. Naririnig ko pang tumunog ang aking cellphone kaya tinignan ko iyon. Si Troy lang pala na nag-reply at 'yung unknown number ulit.
From: Unknown number
Hulaan niyo po.
Nalulukot ang mukha ko at naiisip na baka isa lang ito sa mga kaibigan ko na nanti-trip. Bago pa ako makapagtipa ng mensahe ay may biglang humaharang sa dinaraanan ko.
"Hello, miss. Pwede mahingi number mo?"
Napahinto ako sa paglalakad at pagkatingala ko ay ang nakangising Draven Whatever ang bumubungad sa akin.
Hala ka!
Kaunting-kaunti na lang at mapagkakamalan ko nang stalker ang Whatever na 'to!
Humihinga ako nang malalim bago nagkukunwaring hindi siya nakita at tumutuloy lamang sa paglalakad.
Alalahanin mo, Giana, kilala siya ng lahat ng tao rito.
Baka ipapatay ako kapag narinig nilang inaaway ko ang isang Velasquez!
"Giana, sandali!" Hinahawakan niya 'ko sa may palapulsuhan na nagpapahinto sa akin. "Kausap pa kaya kita? Kahapon ka pa nang-iiwan, aba!"
Umaarko ang aking kilay.
Hello? Sino'ng hindi magugulat?
Big time kaya siya at ang pamilya niya! Kahit kanino mo tanungin sa mga tao dito, iisa lang pagkakakilanlan nila... mayayaman!
Mas lalo kong nararamdaman ang pagiging dukha.
"Sino po sila?" Kumukunot ang noo nito nung nagpatay-malisya ako. "Hindi po kita kilala," anang ko with hand gestures pa to shoo him away.
Imbes na kumagat ito sa palusot ko ay isang malakas na pitik sa noo ang aking nakuha kasunod ng pagtawa niya.
"Aray ko naman, Draven!"
Hinahaplos ko iyon dahil sa sakit.
"Nababaliw ka na naman, ano? Ano'ng sino-sino sila? Ako ito, 'yung pinaka gwapo!" pagyayabang na naman nito.
Tinitignan ko siya nang masama. Paano ko naman siya hindi makikilala? Oo, eto 'yung mayabang!
"Hindi nga kita kilala!" asik ko.
Ngumingiti siya nang malapad. "Bakit ka muna nandito?"
"Ano ba'ng ginagawa sa loob ng Jollibee?"
"Kumain, syempre!"
Tinatanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at gumilid. Nasa gitna pa talaga kami ng hallway nag-uusap. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Tinititigan ko siya na parang natatangahan ako rito. "E 'di 'yun na ang sagot sa tanong mo! Draven, asa'n ang common sense?"
Pinapanood ko ang mga tao at ang kanilang mga reaksiyon. Normal naman. Hindi naman kami agaw-atensyon, kanina lang dahil harang kami sa daan.
Pero iba talaga ang pakiramdam ko sa isang 'to simula kahapon pa, eh!
Pinaniningkitan niya 'ko ng mata. "Talaga lang, ha? Kapag tinanong ko 'yung cashier kung may in-order ka, may isasagot sila?"
Natatameme ako. Syempre, wala! Naki-aircon lang naman ako, e.
I sneer at him. "Bakit ba?! Tsk! Uuwi na nga 'ko."
Iniirapan ko ito at hahakbang na sana kaso humaharang na naman siya. Nung tr-in-y ko namang umiwas ay humaharang pa rin siya.
He smiles again. "Kain ka muna, samahan mo ako. Libre ko."
I give him a death glare. Hindi pa sapat ang pag-uusap, kailangan makita pa ako ng mga tao na kumain kasama siya?
"Ayoko. Busog ako," pagtanggi ko.
Siguro jino-joke talaga ako ng tadhana kasi biglang tumunog 'yung tiyan ko. Mahina lang naman pero siguradong narinig niya.
He chuckles. Nagkakatinginan kami. "Weh? Niyayaya pa lang kita, nagugutom ka na. Sige na, tara na, please? Sinasamahan naman kita, ah? Balik mo naman 'yung favor sa 'kin."
First of all, hindi ko naman sinabing sundan niya ako palagi kapag accidentally or coincidentally kaming nagkikita. Napaka pakielamero niya kasi at walang sariling buhay!
Inaakbayan na niya ako at pinipilit maglakad palapit sa pila. Wala na akong nagawa, alam ko naman kasing kahit magpumilit pa ako na ayaw ko ay mangungulit lang siya. Baka ang ending ay sundan pa ako kina Troy. Mahirap na!
Tinatanong niya ako kung ano raw gusto ko pero umiiling lang ako.
Kunwari wala akong gusto pero gusto ko talaga ng... "Two-piece chicken, isang spaghetti, large fries at malamig na malamig na coke. Pakidagdagan na rin ng extra gravy. Salamat. At saka wait, dagdagan mo rin ng sundae."
"Hindi ka naman talaga gutom niyan?"
Dapat sa isipan ko lang ang order ko pero naisaboses ko bigla nung tanungin ako ng kahera. I crinkle my nose at Draven. Tinatawanan niya lang ako bago siya pumalit sa pagkausap sa kahera. Nakakahiya tuloy pero naisip ko, siya nga ay hindi nahihiya sa akin kaya ba't ako mahihiya sa kanya?
Siya lang ang taong hindi ko naman kaibigan, hindi ko rin kaklase, ni hindi ko nga nakakausap nang matino pero kung makalapit sa akin akala mo close kami! Hindi kami close, okay?
Wala kaming maayos na pinagsamahan sa pagkakaalala ko, basta lagi lang niya akong inaasar. Ewan ko nga kung bakit trip ako nito.
Hindi naman niya siguro ako crush, ano? Kadiri 'yon isipin!
Ngayon ko lang sinisipat ang itsura ng kasama ko habang abala siya sa pagbabayad. Mukhang galing ito sa laro ng basketball.
Katulad nung suot niya nung nagkita kami sa simbahan — naka-jersey short at t-shirt na iba ang kulay ngayon, 'di ko malaman kung green ba 'yon o blue. Basta in between.
Ang laki pa ng sapatos niya na mukhang bago, kung hindi man bago, siguro ingat na ingat. Ngayon ko lang din napansin na may bitbit pala siyang bag. 'Yung tatak na may malaking check katulad ng kanyang rubber shoes.
"Hawakan mo 'to."
Umayos ako ng tayo nang lingunin niya ako. Inaabot niya sa akin ang kanyang bag na kinukuha ko naman. Kanina ko pa pala siya tinitignan.
Pati sa sarili ko ay nagiging defensive ako. Hindi ko siya pinagnanasaan! Napapaisip lang ako kung magkano ba ang mga gamit niya at kung magkano ang baon niya sa araw-araw.
Hindi ba't nakakamanghang isipin na may isang tao na hindi namomroblema sa magiging kinabukasan niya? Kasi sobrang secured na dahil sa pera nila.
Nagkaroon pa tuloy ako ng pake sa lalaking ito bigla. Dati ay wala lang naman siya sa akin, pero nung nalaman kong mayaman siya, napaisip ako na baka naman may kailangan 'to sa akin kaya lumalapit?
Baka naman pusher talaga ang pamilya nila at naghahanap sila ng mga mahihirap na pwedeng mangalakal ng shabu?
Sinusundan ko siya papanik. Ako ang may hawak ng kanyang bag at siya naman ang may hawak ng tray na may number na eighteen.
"Mamili ka na ng upuan bilis! Nangangalay na ako," utos niya habang nginunguso ang mga lamesa.
Kung makautos din ang isang 'to akala mo'y alila niya ako.
Syempre pinili ko ang kinauupuan ko kanina kung saan malapit sa aircon. Napatingin pa sa akin 'yung magkasintahan na pinapanood ko lang kaninang kumain malapit dito.
Ibinababa ni Draven sa lamesa ang tray na hawak niya. Natatakam na tuloy ako sa pagkain sa 'king harap.
Medyo makapal ba ang mukha ko kung pumayag akong magpalibre? Hindi naman siguro, nagugutom lang talaga.
"Kumain ka na, wala pa 'yung sundae saka 'yung burger steak na in-order ko e," he says. Iminumuwestra niya ang pagkain.
Nilalagay niya sa ilalim 'yung bag na ipinatong ko sa upuan at siya ang naupo roon. Hindi ako nagsasalita kasi ano namang sasabihin ko?
He looks at me and nods once. "Kumain ka na, sige na." Tinuturo niya ulit ang pagkain sa harap namin.
Nahihiya ako ng kaunti. Libre na nga ito tapos mauuna pa akong kumain sa nagbayad, hindi naman ako katulad niya na makapal ang pagmumukha.
Bahagya akong ngumunguso at yumuyuko, pinagdidikit ko rin ang aking mga binti.
"Bahala ka, ako kakain niyan, nagugutom na kaya ak-"
Kaagad kong kinuha ang isang manok at kinagatan na ito na nagpatigil sa kanyang magsalita. I watch as he smiles.
Bawal daw tumanggi sa grasya sabi ni Mama.
"Thank you," sabi ko bago buksan ang kanin na nakabalot sa papel.
Gutom na talaga ako, hahayaan ko muna siyang magsalita!
I hear him sigh. "Hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko kanina, ah?"
Binuhos ko ang gravy sa chicken at sa kanin. Kulang ang salitang gutom para i-describe ang pagkalam ng sikmura ko ngayon.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Draven. "Ano'ng ginagawa mo rito? Sabado na Sabado? Wala naman sigurong pinapagawa sa school?"
Kinuha ko 'yung crispy balat ng fried chicken. Mas doble ang sarap nito lalo na kapag gutom na gutom!
"Hello? Giana?"
Pumipitik-pitik siya sa harap ng mukha ko.
Inaangat ko ang tingin sa kaniya at saka lumunok. "Tsk. Nakita mong kumakain 'yung tao tapos dinadaldal mo!" pagmamaldita ko rito.
Sumisipsip ako sa aking inumin.
Umuuwang ang kanyang bibig. "Aba! Sasagot ka lang naman! Saka 'wag ka kasing masyadong subsob sa pinggan!"
Nilalagay ko sa bakanteng upuan 'yung itim na tray para mabilis kong maabot in case na mainis ako sa kaniya.
"Naghahanap nga ako ng trabaho, 'di ba?" binubulong ko lang 'yon bago muling sumubo.
Halos magdikit ang mga kilay nito sa pagtataka nung tingalain ko. "Talagang seryoso ka? Naghahanap ka ng trabaho? Para sa'n ba?"
"E, sa trip ko lang gano'n."
Ayokong sabihin ang rason at baka pagtawanan niya pa ako.
And for the nth time, 'di kami close.
"Nakahanap ka naman ba?"
Kumukuha siya sa french fries ko kaya sinasamaan ko ito ng tingin. Imbes na ibalik niya iyon ay nginingisian niya lang ako at dumukot pa ng mas marami.
"Akala ko ba akin 'yan?" pagrereklamo ko lalo na nung kumuha pa siya ulit.
"Pahingi lang, eh!"
"Ba't 'di ka bumili?"
"Hindi ako mahilig diyan," anito pero ang dami niya kung maglagay sa kanyang bibig. "Kaya share na lang tayo. Oh, back to our topic... nakahanap ka ba ng trabaho?"
Inilalayo ko sa kanya ang french fries ko at inilagay 'yon sa sulok pero dahil mahaba ang mga braso niya, naaabot niya pa rin at inaangkin na ito nang tuluyan.
Ngumunguso ako habang sinusundan ng tingin ang french fries. Alam kong nang-aasar lang siya nung inaalukan niya pa ako ng fries at tinapat sa aking bibig. Kinuha ko na lang at ako na ang nagsubo sa sarili ko.
"Syempre wala. Ayaw nila akong tanggapin kasi bata pa raw ako, walang experience sa pagtatrabaho."
Nagpapatuloy ako sa pagkain.
Nagtatanong na naman si chismoso. "Para saan ba kasi 'yang paghahanap mo ng work? Kailangan ba natin 'yan? Requirement ba 'yan para maka-graduate?"
Sasabihin ko ba? E, siya lang din naman ang nakakaalam na naghahanap ako ng trabaho, miski mga kaibigan ko walang clue sa pinaggagagawa ko.
"Basta. Huwag mo nang tanungin," I shrug off the idea of telling him the truth.
Bumababa ang tingin ko sa aking pinggan at napagtantong paubos na pala ang kanin ko.
Ang bilis naman ata?
Sumulpot ang isang crew sa gilid namin. "Eighteen po, two sundaes at isang ultimate burger steak. May kulang pa po ba?"
Napatingin ako sa in-order ni Whatever. Ang laki ng plato at ang daming french fries sa ilalim.
Akala ko ba ayaw niya no'n?!
"Dalawang extra rice na lang saka isang large fries."
"Saka po dalawang tubig, thank you po," habol ko pa bago umalis ang waiter.
"Malay mo lang kasi matulungan kita," anang Whatever at bumabaling sa 'kin.
Muli kong pinagmamasdan ang lalaki na lumalantak na ng processed patatas.
Tulong daw ba kamo? Mula sa Velasquez?
Umiismid ako. "Hindi ba mayaman kayo?"
Napahinto siya sa pagkalkal ng french fries para tingalain ako. Bakit? May masama ba sa tanong ko?
"Mangungutang ka?" Ngumingisi siya nang nakakaloko.
I roll my eyes. "Abnormal."
Mataman niya 'kong tinitignan habang nasa tapat na ng kaniyang bibig ang kutsara. "Hindi ako mayaman, 'yung pamilya ko lang," aniya.
Ang humble, ah?
Ngumunguso ako. "Pero kasama ka sa pamilya nila, so mayaman ka rin. Paano ka ba naging Velasquez?"
Ngumingisi ito at ipinapakita sa akin ang kanyang palad habang ngumunguya. Nung makalunok na ito ay saka lang siya sumagot. "Syempre, pinanganak akong Velasquez. Nagpakasal 'yung nanay ko sa tatay ko na Velasquez tapos alam mo bang binuo nila ako? Gusto mo ba pati 'yon ikwento ko sa'yo?"
Binato ko kaagad siya ng maliit na fries na iniwasan naman niya. Tawa ito nang tawa.
"Masamang nagsasayang ng pagkain!" pamumuna nito sabay subo ng kutsara niya.
"Ayusin mo kasi sagot mo!"186Please respect copyright.PENANAZFVP8hgOk3