Chapter 13
"Patingin naman ng card mo!"
Tinititigan ko nang mabuti ang sariling recitation card, umaasang magkaroon ng himala at mabago ang aking nakuha.
"Congratulations, Celene! Mukhang top two ka pa rin overall."
Nilingon ko ang mga kaibigan at naabutan si Yna na tinuturo si Celene na hindi malaman kung nakangiti o nakasimangot sa sariling card niya.
"Congratulations din kay Luigi at matatalo ka pa rin niya!"
Sinalubong ko ang itinataas na palad ni Anika at sabay kaming nagtawanan.
"Mga bwiset! Kaibigan ko ba talaga kayo?" Humahalukipkip ito habang pinagmamasdan kami nang masama. "Manalig lang kayo sa akin, baka nga bagsak na 'yon, e."
Wala ang teacher namin sa first subject kaya nagawang tumakas ni Anika sa classroom nila at dito sa amin tumambay. Madalas niya itong gawin kahit noon pa man at madalas na rin siyang napapagalitan kapag nahuhuli.
"Akala ko ba ginalingan mo? Kakasabi lang ni Ma'am na nasa Crimson ang highest sa recitation niya."
Muli kaming nagtawanan ni Anika dahil sa pinapakitang reaksyon ni Celene.
Pinipigilan lang nitong magalit dahil nasa loob siya ng aming classroom pero siguradong kaunti na lang at sasabog na 'yan lalo pa't nababanggit ang mortal enemy niya.
"Manahimik ka nga, kulot. Sasabunutan kita diyan," anas ni Celene. Bulong lang 'yon pero may diin.
Nag-make face naman si Anika at nakipaghamunan pa kay Celene. Agad na akong umatras bago pa ako madamay sa away nila.
"Ikaw, Yna? May reklamo ka ba?"
Lumipat ako ng upuan kasi napapagitnaan ako ng dalawang impaktang nagbubungangaan.
Umiiling siya sabay ayos ng salamin. "Ayos na 'to sa akin. Ikaw ba? Ang taas mo pa rin naman," she says.
Ngumiti ako at tumango. "Okay na 'to. 'Yan naman kasi talaga ang naging performace ko sa subject ni Ma'am. May isa pa namang recitation bago mag-periodical."
Aaminin ko naman na hindi ako gaanong katalinuhan, masipag lang talagang mag-aral. Kaya kapag sobrang sipag ko, may reward ako. Pero kapag hindi ako nagsipag at nag-prente lang, binabawi lahat ng biyaya sa akin.
Sabay kaming napatingin kay Anika na biglang tumayo at pumamewang sa harap ni Celene na sapo ang ulo.
"Ah, talaga! Wala naman 'yang grades-grades na 'yan! Madadala ba natin 'yan sa pagtanda?"
Inilalagay ni Anika ang isang kamay sa kaniyang dibdib habang nagmo-monologue. Napaayos ako bigla ng upo.
"Ang sabi ng Daddy ko, hindi kailangang mataas ang grades mo sa school. Ang mahalaga, wise ka sa buhay! Kasi hindi pa naman ito ang real world! We'd get to face it after graduation! Oh, 'kala mo, ha?"
Celene laughs mockingly. "E, pa'no 'yan? Hindi ka na marunong academically, hindi ka pa wise pagdating sa reality. Ganda lang?"
Pinaniningkitan siya ng mata ni Anika sabay bumulong.
"Ang kapal ng mukha mo," anito at nag-flash ng facial expression na animo'y nasasaktan siya. "As long as maganda ako, magkakaroon ako ng matinong trabaho!"
Hindi pa sila totally nag-aaway sa lagay na 'yan. Tignan natin at maya-maya lang ay pinagkukwentuhan na nila ang buhay ng iba't ibang tao. Mga five minutes pa siguro.
Speaking of trabaho, kung kahapon ay may kaunti pang natitirang pag-asa sa akin na may isang mangangailangan ng empleyado sa Maravilloso, ngayon ay alam ko nang wala na talagang patutunguhan ang paghahanap ko.
Sa Poblacion na ako nag-apply, ang sentro ng bayan namin, pero wala pa rin akong napala!
Mas lalo ko lang tuloy naiisip ang inaalok sa akin ni Draven kahit labag naman talaga sa loob ko. Hindi biro ang perang involve... at hindi rin biro ang konsekwensya kung mabubuking kami.
"May tanong ako sa'yo, Anika," sambit ko sa kaibigan nung matahimik na silang parehas ni Celene. Kaming apat lang ang nasa row namin dahil nagsasama-sama na naman ang magkakaibigan sa classroom namin.
"Ano 'yun, girl?"
Nakaupo na ulit siya ngayon sa sahig habang nagsusuklay habang pinapahawak sa akin ang salamin.
"Tungkol kay Draven," bulong ko.
Batid kong naririnig kami ni Celene dahil katabi ko lang siya pero ni hindi man lang ito gumalaw.
Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Related ba talaga siya sa mga Velasquez? 'Yung mayayaman?"
Kumukunot ang noo ni Anika at inangat ang tingin sa akin.
"Oo, girl! Bakit?"
Ngumiwi ako at naibaba ang salamin na hawak. "Nung nakaraan ko lang kasi nalaman!"
Nanlalaki ang mga mata ng kaibigan ko, binibigyan niya pa ako ng tingin na parang hindi niya ako kilala.
"Huh? Hindi ka aware?! My gosh, Gi, ilang beses ko nang nakukwento 'yan!"
Mabuti na lang at maingay sa classroom kaya walang-wala lang ang naging sigaw ng babaeng ito.
Sinesenyasan ko siya na babaan ang kanyang boses. "Hindi! Hinaan mo nga ang boses mo, marinig pa tayo ng nga chismoso, gawan pa ng malisya."
Kinukuha nito ang salamin mula sa aking kamay at umusod papalapit.
"Ano'ng pinag-uusapan niyo?"
Sumulpot si Yna mula sa likod ni Anika at naupo sa isang bangko. Nagbulungan muna sila bago muling humarap sa akin.
"Hindi mo alam na apo siya ni Francesca Velasquez?" Ganoon din ang binigay na tingin sa akin ni Yna.
Umiiling ako. Nababasa ko naman sa mga mukha nila na parang tangang-tanga sila sa 'kin.
"Tao ka ba, Gi? Kilala sila kahit sa kabilang bayan! Balita ko nga nandoon din ang mga pinsan niya nakatira kaya bukambibig sila hanggang Unico!" Singit ni Celene nung sa wakas ay natapos na siyang magbasa ng notes sa notebook niya.
Nakagat ko ang aking labi. Ako lang pala talaga ang walang kaalam-alam at ang walang kaide-ideya na related si Draven sa mayamang angkang Velasquez?!
"Hindi talaga..." umiiling kong anang.
"Alam mo ba na umuwi 'yan mula sa ibang bansa nung first year? Bago pa lang siya dito noon. Noon pa lang pinapakilala na siya na apo ni Francesca Velasquez, chismis pa nga e tagapagmana 'yan dahil paborito. Saka hindi mo ba nahalata sa ere sa katawan niya?" Iminumuwestra ni Anika ang kanyang kamay habang nagsasalita.
Halata naman pero...
"Marami silang business. Nag-aangkat din sila ng mga prutas pakabilang bayan, o malamang nga hanggang Maynila! Basta 'yung mga tinitinda sa palengke? Kanila kinukuha 'yan. Malamang pati paboritong avocado ni Celene e sa kanila galing. Pero ang ninunong Velasquez daw talaga ay mga doktor, nahaluan lang sila dahil sa pamilya nung matriarch. Alam mo rin ba na kapatid no'n ang lolo ni Joseph? Kaya magkamag-anak sila!"
Tumango ulit ako kahit hindi mai-proseso ng utak ang mga nalalaman.
Hindi ako makapaniwala sa dami ng mga nalalaman ng kaibigan ko. Talaga nga namang iba kapag naging chismosa ang magagandang babae, lahat nakakarating sa kanila.
Muntikan ko nang mahulog ang mga hawak kong libro na ilalagay ko sana sa aking locker nang mabangga ako ng isang babae na nagmamadali. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko siya naiwasan dahil sa dami ng iniisip ko.
"Sorry po, sorry!"
Halos sabay pa kaming humingi ng pasensya sa isa't isa. Para lang siyang ipo-ipo na agad ding umalis. Inayos ko na lang ang pagkakahawak sa mga libro at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Palagi kong natye-tyempuhan na walang tao sa loob ng locker room kaya sobrang tahimik na naman. Mabilis na lang din akong kumilos dahil malapit nang mag-uwian at... may hahanapin pa ako.
Pagkatapos magkwento ni Anika kanina ng mga nalalaman niya ay lalo akong napaisip. Ayaw ko sa inaalok ni Draven pero hindi ko maiwasang i-consider ito. Marupok ako ngayon kapag trabaho na ang pinag-uusapan dahil naiisip ko ang mga magulang ko.
Pwede kong magamit ang pera para makatulong sa pagbabayad ng bills sa bahay, o makabawas sa bigat ng tuition ko. Wala pa man din ang pera sa palad ko ay alam ko na ang paggagastusan ko rito.
Pero paulit-ulit ko lang din iisipin na hindi ko maatim na manloko ng kapwa... kahit alam kong mababaw lang naman itong sitwasyon dahil ipapakilala lang naman niya ako bilang kasintahan.
Inayos ko ang pagkakalagay ng aking mga gamit sa loob ng locker. Ang mga libro ay nakaayon sa aming class schedule para isang kuhanan na lang, pati ang mga mahahalagang papel at projects ay inayos ko rin ang pagkakasalansan.
Sinarado ko ang aking locker at napatalon sa gulat nang tumambad sa akin ang pagmumukha ni Yna. Hindi ko napansin na nandito pala ang babaeng ito.
"Yna naman! Nakakagulat ka!" asik ko nang nakahawak sa dibdib.
Mahina siyang natawa. "Sorry, girl. Nandito ka pala?"
"Oo, akala ko ba magc-CR ka lang?"
Nakangisi itong naglalakad papalayo sa akin. "May kukuhanin lang din ako."
"E 'di sabay na tayong pumanik?"
D-in-ouble check ko ang lock at nang makampante ay sinilip ko siya sa kabilang row. Umiiling ito.
"Hindi na. Dadaan pa rin naman ako sa... sa may faculty. May itatanong lang ako kay Sir Ariel. Alam mo na," aniya na tinanguan ko na lamang.
Ganiyan naman talaga siya, palatanong sa mga teachers namin.
"Okay... ay! Naalala ko, may pinapakuha sa akin si Celene. Mauna na 'ko!"
Iniwan ko siya roon para pumunta sa locker ng kaibigan. May pinapakuha kasing notebook sa akin si Celene na nananaway sa taas kaya hindi pwedeng bumaba.
Nung makuha ko na ang gusto ay dali-dali akong lumabas sa locker room pero agad din prineno ang mga paa nung halos mabunggo ko si Dennis na nagmamadali.
"Sorry!" he apologizes.
Hindi ko inaasahan ang paghawak nito sa 'king braso.
"Sorry din!" natataranta kong sambit.
Humakbang ako sa kanyang kaliwa pero humarang siya, tr-in-y ko naman sa kanan pero gano'n din ang nangyari, sa pangatlong beses ay hindi ko na napigilang tingalain ito.
Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at mariing pumikit. Parang may iniindang sakit. Maya-maya pa'y dumilat ito at bahagya akong nginitian.
"Sorry, I'm in a rush. Did I hurt you?"
Umiling ako bilang sagot. Natameme pa 'ko sa gwapong mukha niya.
"Hindi naman, ayos lang."
Pakiramdam ko ay pilit na pilit ang binigay kong ngiti. Ang lapit naman kasi niya sa akin!
"I gotta go, sorry ulit."
Tumango ako at muling humakbang pero humarang na naman siya. Natawa na kaming parehas kaya saglit na tumigil ang aking mundo.
Ang lapit niya nga sa akin...
"Mauna ka na..." anito at gumilid para makadaan ako.
Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi kaya naman sumunod na lang ako sa sinabi niya. Nginingitian niya pa ako ulit bago ako tuluyang dumaan.
Ang swerte ko naman ata ngayong araw at nakasalubong ko si Dennis na hindi kasama ang mga kaibigan niya. Gusto ko pa sanang silipin kung ano'ng ginagawa nito pero narinig ko na ang ika-apat na bell tanda na uwian na.
Pasimple akong sumilip sa nakabukas na pintuan ng section ng tropang pakers pagkakuha ko sa aking sariling bag. Mayroong mga naglilinis ng kanilang classroom pero walang bakas ni Whatever.
"Giana! Tara na!" Tawag sa akin ni Celene pero pinapabayaan ko lang siya.
Pumasok ako sa loob at hinanap ang lalaking iyon. Baka nagtatago lang kasi.
"Sino po'ng hinahanap niyo? Si Anika ba? Nakalabas na po siya."
Tinanguan ko ang isang babae na nakapansin sa akin. Nginitian ko siya at nagpasalamat kahit hindi naman talaga si Anika ang hanap ko.
Nasa'n kaya ang Draven na 'yon?
"Hindi ako sasabay sa inyong lumabas. Mauna na kayo," pamamaalam ko sa mga kaibigan.
Sinilip ko naman ang kabilang section pero gaya kanina ay cleaners lang ang nasa loob. Wala ring bakas ng mayabang na 'yon.
"Bakit? Sa'n ka pupunta?"
"May aasikasuhin lang ako, sige na, ba-bye na! Ingat kayo!"
Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa ang magaling kong kaibigan na nagngangalang Celene at nagpaalam na rin sa akin. Sabay silang umalis ni Yna at ako nama'y naiwan dito sa corridor.
Nung hindi ko natagpuan si Draven sa lahat ng kwarto ay bumaba na rin ako. Sinubukan ko rin siyang hanapin sa library pero hindi ako nagtagumpay.
Asa'n na kaya ang Whatever na 'yon? Bakit kung kailan kailangan siya, saka naman nawawala?
Mabibigat ang mga paa ko habang nilalakad ang distansiya ng aming indoor gym. Nakailang ikot na ako sa building pero ni anino nya ay wala akong nasilayan. Kapag wala pa rin siya sa huling paghahanapan ko ay uuwi na ako!
Nanlumo ako nung walang maabutang tao sa loob ng gym namin. Sarado ang mga ilaw at mainit. Who would even dare to stay inside that dark space?
Bumaliktad na nga ang mundo, noong mga nakaraang araw ay kinukulit niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Ngayon ako na ang naghahanap sa kaniya para kausapin.
Nakahalukipkip ako habang naglalakad papunta sa gate. Hindi ko na hahanapin ang lalaking iyon. Kanina pa ako paikot-ikot pero hindi ko siya matagpuan. Napapagod na 'ko!
Sa oras na makita ko siya ngayong hindi ko na siya hinahanap ay baka masipa ko pa 'yon.
Napahinto ako sa pagmumura sa kanya sa aking isipan nung may nahagip ang aking mga mata na sobrang pamilyar na pagmumukha.
Kakasabi ko lang, eh!
Nakatayo ito sa kabilang kanto at may hawak-hawak pa na itim na payong. Ang nakakatawa roon ay diretsyo ang tingin niya sa akin ngunit walang emosyon.
Huminga ako nang malalim bago siya nilapitan. Kaya naman pala hindi ko ito makita sa loob kasi nandito na sa labas!
"Hoy, kanina pa kita hinahanap!" Asik ko pagkalapit sa kanya ngunit diretsyo lang ang tingin nito sa akin at sobrang lamig pa.
Tinataasan ko siya ng kilay. "Ano'ng problema mo?"
Tinaasan din ako ng kilay ng walanghiya at umirap pa nga.
"Hoy, bakit ang sama mo makatingin? Kanina pa kita hinahanap..." binago ko ang tono ng aking boses at naging marahan ito.
Si Whatever ba talaga ang nasa harap ko? Bakit hindi sumasagot?
"Ibang tao po ba kayo?"
Iniiwas niya ang kanyang mukha pero sinusundan ko iyon. Lumilipat ako ng pwesto at sa tuwing makikita niya ako ay umiiwas ulit ito.
Bwiset na 'to!
"Magkamukha naman kayo..."
Bakit hindi niya ako pinapansin? Napagtanto na ba niya na feeling close siya sa akin kaya naman iniiwasan na ako? So, dapat ba huwag ko na siyang kulitin ngayon?
"Kakausapin sana kita tungkol sa sinasabi mong trabaho," ani ko ngunit tinatalikuran niya ako. Pinipilit ko siyang humarap sa akin. "Tatanggapin ko na sana pero kung ayaw mo na okay lang-"
"Okay, tara, mag-usap na tayo!"
Bigla-bigla niya na lang akong hinatak na siyang ikinagulat ko. Maya-maya pa nga'y naka-akbay na siya sa akin habang pinapayungan ako. Ipinagtataka ko iyon.
"Sira ulo ka ba? Problema mo?"
Nagkibit-balikat lang siya habang nakangisi akong inaalalayan sa pagtawid. Wala na 'yung malamig niyang aura kanina. Back to normal na ulit.
May toyo siguro talaga ang isang 'to?
Nakapalumbaba ang Whatever sa lamesa habang ako naman ay kumakain ng burger. Wala siyang sinasabi habang nilalaro-laro ang hinubad nitong ID lace.
"Ba't ang tahimik mo? Hindi ako sanay," hindi ko na napigilang magtanong.
Tinapunan lang ako nito ng isang tingin at muling bumalik sa ginagawa.
"Bakit nga kasi?" Pamimilit ko.
Wala pa rin itong imik.
Naiinis na ako, ha! Hinanap-hanap ko siya tapos nung nakita ko na, ayaw namang mamansin? Akala niya ba gusto ko siyang lapitan?
Hello, may kailangan lang kaya ako sa'yo!
Sinubo ko ang natitira kong pagkain at binato ang packaging sa pinakamalapit na basurahan. Nandito kami ngayon sa cafeteria sa likod ng high school building kung saan naman talaga kami madalas mag-usap.
"Gusto kitang makausap para makapag-decide na ako once and for all. Gusto kong malaman kung gaano ka..." natigilan ako para maghanap ng tamang salita. "Kabait na employer!"
Uminom muna ako ng tubig bago nagpatuloy sa pagsasalita. Hindi naman ito tumitigil sa pangangalikot niya ng lace. Akmang hahablutin ko sana iyon para malayo sa kanya pero mabilis ang reflexes nito at agad naitago mula sa akin.
Pinanlalakihan niya ako ng mata. Sumandal ako sa aking upuan at dumekwatro.
"Kung gusto mo marinig ang mga kondisyon ko, magsalita ka! Kung ayaw mo naman... okay lang. Uuwi na lang ako at magkunwaring-"
"Mga kondisyon? Ako ang magpapasweldo sa'yo, hindi ba dapat mga rules ko ang masusunod?" He hisses and shakes his head after saying that.
Ang bilis kausap, ha!
I gulp hard. Makes sense, huh?
"Let me remind you, hindi lang ako ang may kailangan sa 'yo. Ikaw rin sa akin. Draven, sa 'yo na mismo nanggaling na kapwa tayo makikinabang dito. So dapat parehas tayong satisfied, hindi ba?"
Umiismid ito at ilang minutong nag-isip-isip bago nakasagot. "Sige, ano ba'ng mga kailangan mo?"
Papayag din pala, pinatagal pa!
"Una sa lahat, walang makakaalam sa kung ano'ng deal natin. Idagdag mo sa kontrata ang NDA. During and even after the time of contract, maibabaon sa ilalim ng lupa ang pagbibigay mo ng trabaho sa akin, pati ang pagtanaw ko ng utang na loob sa pamamagitan ng pagiging pekeng gelpren mo."
Parang may bumabara pa sa lalamunan ko habang sinasabi ang mga iyon kaya panay ako lunok.
Umayos siya ng upo at nag-inat pa. Inilalabas ko naman ang notebook kung saan ako nag-take down ng mga naiisip na butas sa magiging set up namin kanina nung magkaroon ako ng libreng oras.
I continue. "Pangalawa, hindi tayo pwedeng makita na magkalapit dito sa school. Kasintahan mo lang ako sa harap ng lola mo, hindi sa mata ng buong Maravilloso, hindi sa mata ng mga kaibigan ko, hindi sa mata ng mga-"
He cuts me off so suddenly. "I can agree not to tell your friends about the relationship, pero kung hihilingin mo na pati sa mga kaibigan ko, hindi pwede." He leans towards the table. Pinagmamasdan ko siya nang mariin. "Paano kung mag-imbestiga si Lola tas pagtatanungin 'yung mga 'yun? Think about that. Sila ang palagi kong kasama tapos wala silang idea? Kung hindi kita ipapakilala pati sa kanila, magtataka ang mga iyon pati si Lola. Then, boom! Nabunyag ang sikreto!"
Umaakto pa siya gamit ang mga kamay na parang may sumasabog.
"Pa'no kung ipagkalat nila na may relasyon tayo? Kilala ka, Draven. Delikado tayo kapag nakarating pa sa kapatid ko. Isang iglap lang 'yon dahil ika nga, may tenga ang lupa, may pakpak ang balita!"
Naiisip ko pa lang ang maging reaksyon ng kapatid ko, sumasakit na agad ang ulo ko.
He shakes his head coolly. "Giana, halatang wala ka pang nagiging lalaking kaibigan. Trust me on this one. When I tell them a secret, hanggang kamatayan nila bibitbitin 'yon. Saka pwede naman tayong maging magkaibigan dito sa school, ah? Hindi lahat ng tao, malisyosa kagaya mo. Alam mo ang rule ko? Huwag kang maging overthinker!"
Mataman ko siyang tinitignan. Parang wala lang talaga sa kanya ang pinag-uusapan namin.
"So, sasabihin mo talaga pati sa mga kaibigan mo? Pero... ang offer mo nung nakaraan, fake girlfriend lang sa harap ng lola mo!"
Para bang nabubugnot na ito nung sumandal sa kanyang upuan. "Package 'yan, Giana. Kung gusto mong magtagumpay tayong dalawa, at maitago ang kasunduan, may gagawin ka talagang labag sa loob mo." Huminga siya nang malalim at sumenyas na magpatuloy ako sa pagsasalita. "Ano pa?"
Parang nataranta naman ako kaya mabilis akong yumuko sa aking notebook. "Pangatlo, susweldo ako tuwing katapusan ng buwan, bawal ang delayed payment. Saka... hindi ko tatanggapin ang pera pambayad bilang... fake girlfriend mo. Pera lang sa trabahong kinuha mo sa akin."
He looks at me like I am a puzzle that's so hard to solve. Dinadala niya ang kanyang palad sa mukha at pinanghihilamos iyon. "Bakit hindi mo tatanggapin? Ayaw mo?"
"Ayoko," simpleng sagot ko. "Sapat na sa akin 'yung suswelduhin ko sa restaurant ba kamo? Okay na ako roon. Alam ko rin na kapag tinanggap ko ang trabaho sa resto, automatic na magpapanggap na ako na kasintahan mo. Ayokong kumita ng pera sa panloloko, okay? Pa-thank you ko na lang sa 'yo 'yon. Kaya kapag natapos 'to, wala akong utang na loob sa 'yo, Draven."
Ipinapatong niya ang dalawang kamay sa lamesa at bahagya pang inilapit ang pagmumukha sa akin. Napakalikot ng isang 'to.
"I want to know what's going on inside that head of yours, Giana," aniya nang nakatitig sa akin.
Nagsisimula na naman akong ma-conscious dahil sa paninitig ng isang 'to. Nakakainis talaga.
I tuck my hair behind my ears and clear my throat before speaking again. "F-Failure to compromise with my terms will result to... well, dahil may kontrata tayo pwede kitang idemanda, hindi ba?"
Ayon sa aking peripheral vision ay tumatango-tango na ang Whatever. May reklamo pa ba siya e inayos ko na nga ang set up namin!
"Okay, Giana. That's actually fair. I will change our contract, sunod sa kagustuhan mo, higit sa kagustuhan ko. I will gladly do all your requests. Pero..." he trails off. "Hindi ka rin pwedeng biglaang umalis sa deal natin. Ibabalik mo lahat ng swineldo mo kapag bigla kang nag-back out. Let's also give this deal a deadline. Isang taon lang, isang taon tayong maggagamitan."
Ang tagal naman ng isang taon...
"You'll act like a real girlfriend when we're around my friends... especially with my Lola. That also means you will stop crushing on my best friend. Naiintindihan mo?" Napatingala ako dahil sa sinasabi niya.
Umuuwang ang aking bibig nung makasalubong ko ang nanunuya niyang tingin at ekspresyon.
This boy!
"Ano ba 'yan, Draven! Ang dami ko nang sinasakripisyo, hindi pa tayo nagsisimula!" pagrereklamo ko.
He sneers. "Tumigil ka. Akin ka lang sa isang taon, so make sure that inside that 366 days, mawawala 'yang pagka-crush mo kay Dennis o pipitikin talaga kita," anito nang nakakagat at parang nanggigil sa akin.
Ngumunguso ako. Unfair. Tapos siya pwedeng lumandi sa iba?
"Daya mo," bulong-bulong ko habang bumababa ang tingin sa lamesa.
"Anong madaya? Mabubuking tayo kung mapansin nila na kinikilig ka pa rin sa kaibigan ko!" asik nito. "Saka hindi naman talaga kayo bagay, e! Alam mo dapat ang nagugustuhan mo Giana hindi 'yung mga tahimik! Dapat 'yung palaging may dalang kwento para mabilis masanay sa bibig mong makuda. Hindi kayo bagay no'n ni Dennis," sambit nito nang may diin at parang may kinukumbising kung ano.
Ang sakit magsalita, ah!
"Oo na!" singhal ko para matahimik na siya. "Saka excuse me, sinabi ba 'yan ni Dennis sa 'yo na hindi kami bagay! Bagay kaya kami!"
Mapanghamak niya akong pinapanood. Parang gusto na talaga niya akong abutin para pitikin sa noo.
"Alam ko ang tipo no'n. Saka practice-in mo nang huwag namumula kapag nandyan siya. Galingan mo ang acting mo at dapat sa akin ka lang kikiligin. Ang laki-laki ng daan nakikipagpatintero ka," matigas nitong saad sabay sandal at tingin sa malayo.
Nangungot ang noo ko at hindi nakuha ang sinasabi niya. Patintero raw?
Dahil nga nakaiwas ito ng tingin ay ngayon lang ako nagkaroon ng chance na titigan siya. Katulad ng lagi niyang ayos kapag uwian, nakabukas na ang butones at magulo na ang necktie nito. Pero ang buhok niya ngayon ay nakatayo at hindi hinahangin, 'di katulad dati na nakababa at magulo. Siguro ay nag-wax o gel siya.
Nakikita ko ang pagngalit ng kanyang panga habang sinusubukan ulit na magsalita kahit malayo ang tingin sa outside court namin. "Kapag kailangan kita, kahit may ginagawa ka, sa akin ang oras mo. And lastly, let me be a friend to you."
Muntikan na akong atakihin sa puso nang bigla siyang lumingon habang nakamasid ako sa kanya. Hindi ko makita ang malokong Draven na nakilala ko, ang kaharap ko lang ngayon ay ang seryosong version niya.
"For us to successfully carry this out, we have to be friends. In that way, magiging normal ang pagsasama natin. Do you get it, Giana?"
Binasa ko ang natutuyo kong labi habang nakikipagtitigan sa kanya. Pinilit kong ipantay ang intensidad ng tingin ko sa tingin niya ngunit nararamdaman ko ang tiyan ko na parang... babaliktad. Tumango na lang din ako kalaunan.
He flashes a faint smile. "Tell me if you want to add anything to our contract, ibibigay ko kaagad sa 'yo para mabasa mo at mapirmahan."
Ilang minuto siyang natahimik habang nag-iisip pa rin ako. Maya-maya'y inaalok niya na sa akin ang kanang kamay niya for a hand shake.
My heart skips a beat. "Is it a deal, Giana?"210Please respect copyright.PENANANRquDgu1Rl