Chapter 3
"Ilang araw na lang pala start na ng ber months," pamumuna ni Celene habang abala sa kaniyang cellphone.
Magmula kaninang umaga hanggang ngayong break time namin ay hindi ko maiwasang luminga-linga sa paligid. Actually, kagabi pa lang hindi na ako mapakali.
Hindi ako mapakali na nasa ibang tao ang gamit ko! My precious wallet! Kakaunti na nga lang ang laman no'n, pinagkaka-interesan pa.
Marahan kong tinutuon ang atensyon kay Anika na pinanonood ang pagguhit ng katabi nitong si Yna sa sketchbook habang hinihimay ang burger niya. Gusto ko siyang tanungin kung nakita na ba niya ang kanina ko pa hinahanap pero alam kong magtataka lang sila at mapapaamin pa ako sa nangyari kahapon. Hindi ko kayang magsinungaling.
"Ano ba'ng hinahanap mo, Gi? Kanina ka pa lumilingon kung saan-saan." Si Yna rin pala ang unang makakapansin sa akin na kahit abala e parang may mga mata sa ibabaw ng ulo niya.
Umuuwang ang bibig ko at medyo natatanga. "Huh?" I lick my dry lips. "Wala, ah! May... tinitignan lang akong kung ano..." pagpapalusot ko.
Nalulukot ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Pati tuloy si Celene at Anika e naki-usyoso na. I gulp. Ang hirap talaga kapag may observant na kaibigan.
"Baka si Dennis?" Binababa ni Celene ang cellphone sa lamesa namin at idinadantay ang isang siko ro'n.
"Kung si Dennis nga, nasa classroom lang 'yun or sa cafeteria one. Alam mo naman na 'di sila naglalagi dito sa likod," sagot ni Anika.
"Ano ba kayo! Bakit ko naman hahanapin si Dennis?" depensa ko. "Huwag niyo akong pansinin, ang isipin niyo ay 'yung lecture kay Hitler!" anang ko with a hint of humor para lang pagtakpan ang totoong rason.
Nakikita ko ang pag-irap ni Celene habang sumasandal naman sa upuan niya. "Isa pa 'yan. Bakit kung kailan ga-graduate na tayo, saka naman dumodoble ang hirap, tumitriple ang katamaran?"
"True," sabay na sagot nina Yna at Anika.
"Ayoko mag-college! Hindi pa ako handa!" hiyaw ni Anika na parang maiiyak. "Kinder na lang tayo forever, please?"
"Basta ako gusto ko nang matapos lahat 'to. Ayoko nang mabuhay!" si Yna ulit na nililigpit na ang mga gamit niya sa pagguguhit. There goes her dark humor again.
"Same," pamamatol ni Celene.
Sabay-sabay kaming lumilisan mula sa palagi naming pwesto kapag kakain. Tinatahak namin ang daan pabalik sa building habang nag-uusap-usap pa rin tungkol sa kinatatakutan ngunit 'di na rin namin mahintay na pagtatapos. We are on our last year in high school kaya todo na ang pressure sa kung ano ang kukunin na kurso sa kolehiyo.
At dahil malapit na nga ang ber months, malapit na rin ulit magbukas ang admissions for college sa iba't ibang Unibersidad, isa itong malaking problema para sa amin na taga-probinsya dahil nag-e-expect na ang mga pamilya namin sa magiging desisyon naming pasukan na eskwelahan.
Pero ayoko munang mamroblema sa ganyan. Marami pa naman akong oras, e. Mas problema ko ngayon ay kung nasaan ang wallet ko!
Alam kong hindi absent ang isang iyon dahil never naman um-absent ang taong sakim sa atensyon. Pero nung sinundo namin si Anika kanina, hindi ko rin naman siya nakita sa classroom nila. Kung tutuusin madali lang naman talaga hanapin 'yon dahil palagi niyang kasama ang mga kaibigan niya, pero sa araw na ito, they are nowhere to be seen.
Pinipindot ni Yna ang floor namin bago nagsara ang pinto ng elevator. Nasaktuhan na kaming apat lang ang sakay nito ngayon.
"Saka grabe rin ang pagiging grade conscious ng mga kaklase niyo, 'no? Kanina, girl, si Elton John na kaklase niyo nakikipag-kumpitensya kay Luigi sa pagsasagot ng math problem sa board. Partida wala pa sa home court niyo, ha? Competitive talaga," pagdadaldal ni Anika na nakasandal sa malamig na dingding ng elevator. Tumatawa si Celene.
"Elton John?" pag-uulit ko sa codename na binigay namin para sa isang kaklase. "E, absent 'yun sa amin, ah? Bakit nasa inyo? Kailan ba nangyari 'yan?" nagtatakang tanong ko.
"Kanina nga, girl. Catch up naman sa chika!" sagot ni Anika na may pagpitik pa ng daliri sa harap ng mukha ko. "E 'di ba bagong rule nga ng SSG 'yun na kapag na-late, either tambay sa quadrangle," she points her finger down before continuing. "Or ibabalandra sa mga classroom. Ang late sa amin ay sina Draven, e! Iikot 'yun sa inyo mamaya. Wala sigurong late sa..."
Tumatango-tango ako habang papalabas kami ng elevator dahil sa nalaman. So, that's it! Kaya pala hindi ko nakikita ang mokong! He's late!
Tinatatak ko na sa aking isipan na dapat ay makuha ko ang wallet sa kanya bago kami mag-lunch. Hindi na rin naman ako mahihiya pa dahil aking gamit naman ang kukunin ko 'no. Siya dapat ang mahiya dahil s'ya ang tumangay no'n sa 'kin.
Maingay pa sa aming classroom dahil may iilang minuto pa bago matapos ang break. Kasama sa mga gumagawa ng lubusang ingay ang mga best friend ko na busy makipagdaldalan sa kani-kanilang seatmates. Katabi ko lang naman talaga si Celene ngunit imbes na ako ang daldalin niya, 'yung nasa kabila ang kausap nito!
Nakangiwi tuloy ako habang nirorolyo ang buhok ko ngunit dahil wala akong pantali, kumuha na lang ako ng iilang hibla mula sa tuktok ng aking ulo at doon ito pinakapit. Pinapaypayan ko pa ang sarili gamit ang clipboard dahil sa init na dala ng kaingayan ng mga kaklase.
Agad din namang natapos ang maliligayang oras sa pagdating ng aming English master teacher na sobrang sungit.
"Good morning, class!"
"Good morning, Miss Pepa!"
Nakataas na ang kilay ng guro kahit hindi pa siya nagtatagal dito sa amin nang isang minuto.
Parang ang init-init ng ulo ni Ma'am palagi. Pero sabi naman ng ibang section, madalas daw siyang nakangiti at sobrang bait.
Humihinga nang malalim ang may katabaan na babae habang minamata kami. Wala pa namang nangyayari sa classroom namin pero parang mangangain ito sa laki ng butas ng kanyang ilong.
"Ayoko ng maingay, ha! Manahimik kayo at masakit ang ulo ko. Ang mag-iingay, bukas ang pintuan pwede na agad lumabas!"
Parang labag pa sa loob niya nung magsimula siyang magsulat sa aming white board.
"Kulang talaga sa chugug 'yang si Ma'am kaya laging mainit ang ulo. Wala kasing makitang gwapo rito kaya masungit siya pagdating sa section natin. Samantalang sa ibang section, kumpul-kumpol ang mga gwapo kaya good mood siya lagi," bulong-bulong ni Celene out of nowhere habang nagsusulat kami ng notes.
Sinisiko ko siya dahil baka marinig kami ni Ma'am. Sobrang tahimik ng buong classroom namin ngayon na kahit konting kaluskos ay maririnig.
"Bakit? Wala bang asawa si Ma'am?" I ask, curiously.
She tries her best not to laugh at what I ask as if I'm being funny. "Wala, baliw. Sino namang magtatangka? Pero tanungin natin si Anika mamaya, malamang buong talambuhay niyan alam ng babaeng 'yon."
Mahina tuloy akong natatawa dahil sa sinasabi niya at napahagikgik din naman ito. Tinutulak ko siya nang bahagya na ginagantihan din nito ng tulak. Muntikan na akong bumulanghit ng tawa kundi lang dahil kay Ma'am Pepa.
"Sino 'yang nagtatawanan diyan?! Para kayong mga kinikiliting pusa! Lumabas na kayo kung hindi niyo kayang itikom 'yang mga bibig ninyo!" dumadagundong ang boses nito.
Dumidiretsyo kami agad ng upo ni Celene habang nanlalaki ang mga mata.
Mabuti na lang at hindi lumingon si Ma'am kundi makikita niya ang pagpapawis naming dalawang magkaibigan. Ang hina na nga ng boses namin, e!
Tinatawanan pa kami ng iba naming kaklase na pasimpleng sumesenyas gamit ang kanilang mga daliri. Nawala rin naman kaagad ang atensyon sa amin nang magbukas ang pinto at pumasok sa loob ang mga taga-council na hindi marunong kumatok. May mga kasama pa silang ibang estudyante mula sa kabilang section.
"Ma'am, sorry po we're late. Assist lang po namin ang mga late ng kabilang section."
Apat na estudyante mula sa ibang section ang pumapasok sa classroom. I stretch my neck to check kung may papasok pa ba, at kung sinuswerte rin naman ako, may tumatakbo nga sa hallway na humahabol sa pagsasara ng pinto namin. I can't help myself but frown while watching him smile brightly even in this situation.
"Morning, Ma'am Pepa! Sorry po, late!" he greets.
Nagpatong-patong ang ingay ng bulungan ng mga kaklase kong babae at ng nag-iisang kaklase naming bakla na nasa likuran ko. Nililingon ko si Isko na hinahampas ang braso ng kaibigan niya habang nakatingin sa direksyon ni Draven. Lumilingon si Yna na nakaupo lamang sa harapan ko at sabay kaming napailing.
Pinauupo ang mga late sa nakahilerang upuan sa tabi lamang ng white board. Para nga talaga silang dini-display dahil nakaharap sila sa amin imbes na nakatalikod. Ako ang nasa bungad ng aming row kaya kitang kita ko ang ginagawa nila. Pinapanood ko pa si Draven nung piliin niya ang upuan sa dulo na nasa gawi ko. Mabuti na lang at nasa fourth row ako dahil kung nataon na ako ang nasa first row, face-to-face pa kami ng panget niyang mukha!
Natanggal lang ang tingin ko sa lalaki nung kalabitin ako ni Celene. Pinapalapit nito ang mukha ko sa kanya dahil may ibubulong siya.
"Kinikilig na naman ang tumbong ni Isabel niyan," pagbabanggit nito sa pangalan ng kaklase namin na nasa first row. "Hanggang ngayon hindi nakalagpas sa Draven phase niya."
Umaayos ako ng pagkakaupo. Maraming kumakalat na chismis na nagkakagusto sa kanya lalo na noong early years namin sa high school. Hindi lang naman sa kanya, marami naman ding may itsura na nag-aaral dito sa eskwelahan namin na nakakaagaw ng atensyon... pero, okay, siya na nga ang may pinakamarami dahil bawat section ata mayroong representative na nagkakagusto sa lalaking 'yan. Gwapong-gwapo sila sa kanya, idagdag pa na may pagka-friendly ito.
At hindi lang basta pagkakagusto, ah! Iyong halos itapon na ang sarili sa kanya, a chika courtesy of my friend Anika.
Mayroon ngang nabuong claim sa batch namin na gawa ng mga bading that goes like this: "Lahat tayo, at one point, ay dumaan sa Draven phase."
Uhm? As if! It's a Dennis phase for me!
Parang hindi raw makukumpleto ang high school life sa batch namin kung hindi kami nagkagusto man lang sa kanya.
Yuck! Hindi ko makita ang nakikita nila!
I don't get those girls who go head over heels for their crushes. Malalim ang pagkagusto ko kay Dennis pero hindi ako aabot sa punto na magpapapansin at itatapon ang sarili sa kanya. May kaunti pa akong hiya sa katawan! All I can do is to daydream!
Nagpapatuloy na lamang ako sa pagkopya ng notes pero dahil nasa harapan nga ang Draven na iyon ay hindi ko napipigilang mapatingin sa kanya. Nagugulat lang ako nung sa pangalawang beses ko s'yang tignan ay nakatingin na rin ito sa akin.
Hawak nito ang isang ballpen na pinapatama niya sa kanyang sentido habang kagat ang pang-ibabang labi at seryoso akong tinitignan. Pinanliitan ko lang siya ng mata at nililipat sa white board ang atensyon. Wala pang isang minuto nung tignan ko siya ulit at ganoon pa rin ang itsura nito. Inaangat niya ang dalawang kilay at umaayos ng upo.
I narrow my eyes again, he then copies me. Ngumingiwi ako at umaangat naman nang kaunti ang sulok ng labi niya.
Panget mo.
"Sit properly and stop writing. Magdi-discuss muna ako..."
Napapatingin kaming lahat kay Ma'am Pepa na ang hinhin-hinhin na ngayong magsalita. Hindi ko na ulit tinignan si Draven.
Mamaya kami magtutuos kapag tapos na ang discussion.
"Kita mo? Mahilig sa gwapo si Ma'am," anas ni Celene, pinupuna ang pagbabago sa tono ng aming guro.
"Bakit? May pumasok bang gwapo?" maang-maangan ko at nakinig sa klase.
Mabait ang naging facilitator namin para sa natitirang oras sa subject ni Ma'am Pepa kaya nagawa naming magkakaibigan na magkopyahan sa activity.
"Ano'ng sagot sa number two?" Yna asks.
Inaabot lang ni Celene ang papel niya sa amin at kumokopya na kami ro'n.
"Can I ask for some paper?"
"Sure!"
"Yiiiie!" Ang nang-aasar na mga hiyawan ang nakapagpatigil sa akin sa pagsasagot ng activity.
Tumitingin na agad ako sa harap kung nasaan ang atensyon ng mga kaklase. Naririnig ko lang ang boses ng lalaking iyon kanina pero hindi ko pinansin. Ngayon, nakikita ko naman siyang nakatayo at nanghihingi ng papel doon kay Isabel na may crush sa kanya.
"Marami rin akong papel, Draven! Handa akong magputol ng puno para sa 'yo!" sinisigaw ng baklang si Isko na nakapagpatawa sa kanila.
"Huy, baklang kalye ka talaga," komento ni Celene.
Papansin talaga ang putek.
Binabalik ko ang atensyon sa pagsusulat. Alam naman niyang may gusto sa kanya si Isabel, nabalita pa nga noon na nagpadala 'yan ng mga chocolate sa kanya nung February saka isa sa mga masipag magpadala ng love letter.
Sobrang papansin mo talaga, 'no? 'Di ka ba mabubuhay nang hindi dapat agaw-atensyon ang ginagawa mo? Can't you just be invisible forever?
"Pahiram ng ballpen," a voice says near me. Bumababa ang tingin ko sa sahig mula sa aking notebook. May mga sapatos ng lalaki malapit sa paa ko.
I lift my face to meet his eyes. Nang nagtatagpo na ang mga mata namin ay biglang sabog ng nakaipit kong buhok. Naiirita ako lalo.
"Ano?" halos pagalit kong anang.
"Ballpen kako pahiram. Nawalan ng tinta 'yung akin." Nginunguso nito ang ballpen na hawak ko. Nung hindi na siya nakanguso ay saka ko napapansin na parang natatawa ito dahil sa umuuwang niyang bibig.
I scowl at him. Nagmamasid muna ako sa paligid kung nakatingin ba sila at mukhang wala namang pake ang mga kaklase ko sa paglapit niya sa akin.
"Mayaman pero walang pambili ballpen," I hear Celene's snarky remarks.
"Matalino pero top two lang," ganting asar ni Draven sabay kuha sa ballpen na hawak ko. Agad itong umalis na parang wala na naman siyang kinuha na gamit ko!
Binabalingan ko si Celene na nakasimangot sa tabi ko. "Gago amputcha. Foul 'yun, ha?"
Umiirap ako sa hangin. Ang ending, hindi ko rin nakuha ang wallet ko sa buong oras na kasama namin siya sa classroom. Napag-isip-isip ko rin na baka ma-issue pa ako sa kanya kapag nakita ng mga kaklase ko na kinuha ko ang coin purse ko sa kanya, lalo naman 'yung mga kaibigan ko 'no! Mahirap na.
Lumabas kaming tatlo ng mga kaibigan ko nang mag-lunch time. Nag-text si Anika na hintayin daw namin siya sa may hallway at for sure nag-aayos pa 'yon ng mukha. Sampung minuto din ang lumipas bago siya lumabas ng classroom nila.
Pagewang-gewang ang kulot na buhok ni Anika habang naglalakad kaya marami na namang napapatingin sa kanyang kagandahan. With her Russian-like beauty and height, every guy falls on their knees just by looking at her.
Pero ang tanging napapansin lang namin habang rumarampa ito ay ang kabagalan niyang maglakad!
"Bilisan mo nga maglakad diyan! Nasa red carpet?!" And as usual, panira ang always kontrabida na si Celene.
Mahinang tumatawa si Yna na nasa tabi ko. Niyayaya ko siyang bumaba na kaya nagsabay kami at para iwanan na rin ang dalawang magkaaway sa taas.
Sa cafeteria sa harap usually makakabili ng mga ulam at kanin na dinudumog tuwing lunch. Mas malaki ito kaysa ro'n sa cafeteria sa likod kung sa'n kami madalas nakapwesto. Madalang lang kami kung kumain dito dahil crowded nga dahilan para uminit, samantalang sa kabila ay may al fresco kung saan kitang-kita rin ang outdoor court ng Aldeana.
Nung makatapak kami sa loob ng canteen ay marami nang estudyanteng kumakain at iilan na lang ang bumibili. Nararamdaman ko ang unti-unting pagguho ng aking mundo habang nakatitig sa nakahain na paboritong kaldereta sa menu.
"Bakit ngayon pa kung kailan wala akong pera?" binubulong ko sa sarili.
Inuna ko pa kasing mahiya at iwasan ang tanong ng mga kaibigan ko kaysa kuhanin ang wallet ko kay Draven.
Lintyak!
"Girl, pabili naman ako, please? Pasabay lang? Pila lang ako doon sa french fries, sige na? Mauubusan ako, e!" Kinakalabit ako ni Anika habang sinasabi niya iyon.
Isa pa palang katangian nito ay ang pagiging matakaw, katulad ko. Sadyang wala lang talaga akong pera kaya hindi ko masabayan ang saya niya sa pagkain ngayon.
Pumapayag na lang ako at ibinubulsa na ang pera niya. Sinasamahan siya ni Celene sa kabilang pila samantalang iniwan ko naman si Yna na nakaupo sa isang bakanteng upuan dahil may baon naman siya at 'di na kailangang bumili.
Pumipila na ako sa counter para makapag-order na kaagad habang mariing tinititigan ang kaldereta na para bang mauubos ito kapag nalingat ako. Makikitikim na lang ako mamaya kay Anika, kahit isang kagat lang!
"Ate, isang order nga nito!"
Hindi pa nakaka-order 'yung nasa harapan ko ay may bigla nang sumingit sa kanya. Nangungunot ang noo ko nang tignan ang mukha ng sumisingit sa pila.
"Ilang kanin, pogi?" pagtatanong ng kahera.
Nagulat ata 'yung lalaking napagigitnaan namin dahil sa pagsulpot niya kaya umalis 'to ng pila. Naglalabas ng wallet si Draven at paunti-unti iyong binubuklat na para bang ang kapal-kapal ng laman nitong pera.
"Hmm... sa tingin ko dalawa sakto na. Saka iced tea sa bote, masama ang soft drinks kapag mamantika ang kinakain. Magkano lahat, Ate?"
Nililingon ko ang mga kaibigan ko na hindi naman nakatingin sa akin. Busy si Yna sa pagce-cellphone kaya 'di niya ako pinapanood. Buti na lang din at nagpakita ang lalaking ito sa akin. Mababawi ko na ang coin purse ko! Good timing!
"Take out ba o dito kakain?"
Maglalakad na sana ako palapit sa kaniya with full confidence pero para bang napako ako sa kinatatayuan dahil sa paglingon at paninitig nito sa akin.
Dumidiretsyo siya ng tayo saka pumapamulsa. "Take out ba or dine-in, baby?"
Teka, ano raw? Ako ba 'yun?
Lumilinga-linga ako sa likod ko para makasigurado at baka mamaya'y girlfriend niya pala kausap niya, pero may sari-sariling mundo ang mga tao sa paligid namin.
"H-Ha?" tanging lumalabas sa bibig ko.
He chuckles before looking away. "Take out, 'te. Doon kasi kami kumakain sa kabilang cafeteria, pero pwedeng pakilagay na lang sa tray? Salamat."
Ilang beses na akong napapakurap. Ano'ng tinawag niya sa akin?
Baby? Sanggol? Bata?
Mukha ba akong musmos sa paningin ng lalaking 'to?
Nakangiti siyang humarap sa 'kin habang hawak ang isang tray na may naka-styro na ulam at iced tea... and my coin purse!
"Hoy, tulala ka na. Mesmerized masyado? Gwapong-gwapo?" mayabang nitong ani kaya bumabalik sa mukha niya ang mga mata ko. He's still standing near the counter.
"Ano? Ikaw pogi? Manalamin ka nga," patuya ko habang lumalapit sa counter. Kulang na lang itulak ko rin siya ngunit hinahayaan ko siyang tumayo malapit sa akin. "Isang order nga po ng kaldereta. Take out. Salamat," I say to the staff.
Nililipat ko sa kaliwang paa ang bigat ng aking katawan habang naghihintay. I can see him in my peripheral vision, and he is still stupidly on stand-by beside me.
"Ang sungit mo naman," aniya. "Eto na wallet mo, oh? Nawala ka bigla kahapon sa kalsada."
Napapalingon ako sa kanya dahil sa sinasabi nito. Gusto ko siyang sipain bigla!
"Ako? Nawala?! Hoy, muntikan na nga akong masagasaan kahapon dahil sa 'yo! Hindi mo ba nakita?!" asik ko sa kanya.
Medyo nalulukot ang mukha nito ngunit nakangisi pa rin naman. I am so irritated at him.
"There were so many cars yesterday, Giana. I didn't see you, I promise. Cross my heart, not hoping to die," pag-iinarte niya habang idinidikit 'yung tray sa braso ko. "Kuhanin mo na 'to. Kawawa ka naman, 'yung laman ng wallet mo puro papel. Buti sana kung papel na pera kaso papel na kung ano-ano."
Hindi natatanggal sa kanya ang tingin ko kahit dumating na ang in-order kong pagkain ni Anika. Ngumingisi pa siya bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Tapos ang kaunti pa ng laman, puro bente! Wala ka ring mabibili sa halaga ng nasa wallet mo kaya tanggapin mo na 'to. Hindi nga pala 'yan peace offering ah, baka mag-assume ka."
Parang umaakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa pinagsasasabi nitong Draven Velasquez na mayabang na 'to. Marahil barya lang talaga sa kanya 'yung pera ko pero pinaghirapan ng mga magulang ko ang bawat singkong duling doon!
My lips form a thin line habang malamig siyang tinititigan. Hindi nawawala ang mapang-asar na expression ng mukha niya, talagang in born na yata 'yon.
"Salamat, ha? Kung binilang mo sana 'yung laman, aabot naman ng isandaan kahit papaano."
Marahas kong kinukuha ang coin purse ko na nakapatong sa tray saka tumatalikod para sa pagkain ni Anika. I can see how his eyebrows furrow when I look at him again.
"At kaya ko ring bumili ng sariling pagkain ko. Iyo na lang 'yan," huling sinabi ko bago siya tinalikuran at dumidiretsyo palabas ng canteen.
Alam ko namang hindi niya intensyon na ma-offend ako (siguro) pero nakakainis lang talaga. Kahit ano'ng lumabas sa bibig ng mayabang na iyon ay naiinis ako.
Hindi ko na inaabala pang lingunin kung sinusundan ba ako ng mga kaibigan ko. Dire-diretso akong naglakad papunta sa likod para ro'n na lang sila hintayin. Nang makarating sa kung saan kami madalas nakatambay ng mga kaibigan ko ay nagmamadali ako lalo para hindi kami maagawan ng pwesto.
Tunog ng nahulog na barya ang maririnig sa paligid dahil sa pagbuhos ko ng laman ng wallet ko sa lamesa.
Mukhang wala namang nabawas dito. Malamang, minamaliit nga niya 'yung laman tapos kukunin niya pa?
Pumapalumbaba ako sa lamesa habang nakatingin sa mga nakakalat na pera sa lamesa. Nawalan na ako ng gana dahil sa lalaking mayabang na 'yon.
Hindi naman kasi kami parehas ng estado ng buhay. Baka kasi sanay siyang nilulustay ang pera niya sa mga walang kwentang bagay, samantalang ako, kailangan ko pang mag-ipon para mabili ko 'yung mga gusto ko. Sino nga ba siya para maliitin ako?
"Uy, girl."
Ibinababa ni Anika ang dala niyang pagkain at naupo sa aking tabi, si Celene at Yna naman ang nauupo sa harap.
"Ba't biglang walk out?" pagtatanong ni Yna na bakas ang pagtataka sa mukha. Naiwan ko nga pala siya sa canteen.
Tumatama sa 'king mukha ang malakas at sariwang hangin na ikinagugulo ng aking buhok. Agad ko itong inaayos. "Wala. Nakita ko kasi na madaming nagpupunta dito sa likod kaya baka maagawan tayo, nagmadali ako."
Sa pangalawang pagtama ng hangin ay tuluyan na nga akong napupuwing. Kinukusot ko ang aking mata gamit ang aking daliri.
"Ay! Nakakalokang hangin 'yan!" pagtili ni Anika sa tabi ko.
Napapapikit ako para kusutin ang kaliwa kong mata. Ang hapdi!
Kasabay ng pagmumulat ko ng mata ay ang malakas na pagdadabog ng tray sa harap ko. Nakakagulat! Tinitingala ko ang nagbaba nu'n at tuluyang napagtanto kung bakit biglang lumakas ang hangin.
"Maawain! Kaya naman pala biglang lumakas ng hangin kasi pumarito ka." Umuusod ang lamesa habang sinasabi iyun ni Celene.
"Ma'am here's your order po," may halong panunuya ang tono ng pananalita ni Draven habang matamang nakatingin sa 'kin.
Siya pa ang may ganang magsungit?!
Iniirapan ko siya at inilalabas na ulit ang coin purse ko. "Magkano ba 'yan? Barya lang naman sa'yo ba't nanghihinayang ka pa?" Sinisimulan ko nang magbilang ng pera na ipambabayad sa lalaking 'to.
"Hindi na kailangan," aniya sabay lakad paalis.
Oh, teka? Saan pupunta 'yun?
Nagtataka akong bumabaling sa mga kaibigan ko na nakatingin lamang sa amin. Hinahabol ko pa ng tingin si Draven na naglalakad na papalayo habang ang isang kamay ay nasa likod ng ulo niya.
"Ano'ng meron? Bakit kinakausap ka no'n, Giana?" tanong ni Yna na sinisipat ang laman ng tray na binaba ni Draven.
"Binigyan ka pa ng pagkain!" Anika states the obvious. Para nga lang siyang shock na shock.
Nanlalaki ng mga mata ni Celene habang tinatabi ko ang aking wallet sa bulsa. She looks at me with burning eyes. "Nanliligaw sa 'yo 'yon? May gusto sa 'yo?!"
"Hindi 'no!" I deny.181Please respect copyright.PENANAHjBsGNNOcu