Chapter 1
Giana's POV
Iniilingan ko na lamang ang mga estudyante sa labas ng pintuan na mukhang tumakas pa sa subject period nila, karamihan pa rito ay puro babae. Those friends they're going crazy over aren't even a band, just playing for grades, pero heto't dinadayo pa ng mga kerengkeng na junior namin.
Binabalik ko ang tingin sa stage para panoorin ang paghahanda ng anim na kalalakihan habang kanya-kanya sila ng hawak na mga instrumento. Ang totoo talaga niyan, hindi ko naman din masisisi ang mga tao sa labas na dinadayo sila dahil kung wala lang akong VIP pass ngayon sa libreng pa-concert ng crush ko, malamang nasa labas din ako at nagkakandarapa para lang makatikim ako ng kahit tatlong minutong sulyap sa maamo niyang mukha.
A famous intro to a song starts to play inside our school's auditorium. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang lalaking hinahangaan na tumutugtog ng acoustic guitar.
The screams become violent every passing minute. Biglang nagkabuhay ang boring na performance task namin dahil sa mga nagkakagulong dalagita. Alam ko namang nababaliw sila dahil sa 'di maitatangging karisma ng magkakaibigan sa stage, but it'll be too much to claim na sila lang ang natatanging grupo na may gwapong mga myembro sa school namin, siguro plus points na lang din dahil senior sila at ga-graduate na. Sinasabi ko ito ngayon dahil kahit aminado akong may dating sila, nasa iisang lalaki lang ang atensyon ko.
And it'll always be just him.
"In a world where everybody hates a happy ending story,
It's a wonder love can make the world go round...
But don't let it bring you down and turn your face into a frown...
You'll get along with a little prayer and a song~"
I giggle. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko at ang kakaibang pakiramdam na hatid ng pagkanta ng crush ko.
"Hoy, 'te!" Para akong hinahatak sa reyalidad dahil sa malakas na pagtulak ng isa kong kaibigan. Napawi na ang ngiti ko nang lingunin siya.
Panira na ng imahinasyon, sadista pa!
Sumasama ang tingin ko rito. "Pwede namang hindi manakit, 'di ba?"
Umiirap ang babae.
"Girl," paninimula nito. Sumusulyap pa rin ako sa harap dahil hinahatak ni Dennis ang mga mata ko at hindi ko ito maalis mula sa kanya. "Inform lang sana kita na pulang pula ka na at halos mapunit na 'yang labi mo sa kangingiti. Gusto mo isigaw ko kung sino crush mo diyan?"
Hinimas-himas ko ang braso ko na tumama sa arm rest ng upuan. Halos malaglag na rin pala ako dahil sa sobrang kilig kaya naman umayos ako ng pagkakaupo. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Celene dahil alam kong hindi niya 'yon magagawa lalo pa't mahilig akong gumanti.
Napapangiti ulit ako dahil sa kagwapuhan ni Dennis habang seryosong nakayuko sa gitara niya. His spiky dark hair is glittering from the spotlight. Bumababa pa ang tingin ko sa mga mata niyang pumipikit kapag may kakantahin siyang parte, sa labi niyang mapupula na maswerteng lumalapat sa hawak na mikropono, sa panga niyang hinubog sa perpeksyon, sa braso at mga daliri niyang nakahawak sa gitara...
Partida at limang upuan ang layo ko sa stage pero lumilinaw talaga bigla ang mga mata ko basta siya ang tititigan.
"Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye
Let me hear you sing it~"
Nag-bow ang tropang pakers tanda na tapos na sila sa kanilang performance. Hindi ko na rin namalayan ang oras dahil sa kakatitig kaya nakisabay ako sa palakpakan ng mga tao. Ngumingiti pa ako na parang tanga habang sinusundan ng tingin si Dennis na pababa ng stage at tinatapik ang balikat ng kanyang kaibigan.
Bumubuntong-hininga muna ako saka sumasandal sa kinauupuan nang nakangiti. Para akong binigyan ng malaking regalo ngayong araw. Pakiramdam ko sa akin talaga dedicated ang performance niya dahil sa sobrang dami kong emosyon na naramdaman kanina.
Nililingon ko si Yna na mukhang kanina pa ako pinagmamasdan. Ngumingiti siya nang mapansin na malapad din ang ngiti ko.
"Ang gwapo niya, girl. Ang galing pang kumanta. Ang galing maggitara. Ang gwapo! Yes po, Father, aasawahin po!" anang ko at napapadyak sa sahig.
Tumatawa ang kaibigan ko habang abala pa akong pulutin ang nagkalat kong puso at katinuan sa sahig.
"Nako, Celene, oh. 'Yung kaibigan mo nababaliw na naman. Puntahan mo na nga si Dennis para mag-confess na 'to-" agad kong tinatakpan ang bibig ni Yna na mabilis niya namang tinatanggal. She laughs in a teasing manner.
"Sabi ko nga kanina kilig na kilig na naman siya, 'di naman umaamin. Sabi sa 'yo tutulungan naman kita, Gi. Ako'ng bahala sa love life mo basta maisipan mo mag-confess," panggagatong ni Celene.
"Joke lang!" Umaayos ako ng pagkakaupo at tila ba na-speed up ang pagpupulot ko sa aking katinuan dahil sa sinasabi nila. "Eto na, aayos na talaga ako," I say as I fix my straight hair.
Maraming musical instruments ang nakahilera ngayon sa aming auditorium stage. Iba't iba ito at ang madalas gamitin ay ang gitara at drums. Kung kaya ko lang sana tumugtog ng kahit isang instrument e 'di sana hindi ako napipilitan na maging vocalist para sa activity namin na 'to.
"Ang tagal naman nating tawagin," Yna says.
Sumasandal sa 'king balikat ang katabi ko sa kaliwa na si Yna, napagigitnaan nila ako ni Celene na sa kabila ay katabi naman si Anika. Kanina pa kami nabuburyo sa tagal naming tawagin, buti na lang at nagkaroon ako ng kaunting entertainment kanina.
"Malay natin maudlot kasi napagdesisyunan na ni Sir na bigyan tayo ng perfect score," binubulong ko lamang ito sa kaniya bilang pag-iingat at baka marinig kami ng iba at maisumbong pa.
"As if naman gawin niya talaga 'yun, hindi nga nagbibigay ng perfect ten 'yan sa quiz, dito pa kaya sa performance task?"
"E 'di i-zero na lang natin sya sa evaluation."
Sabay kaming tumatawa matapos mag-apir.
Paglaon ay napapadpad na naman tuloy ang tingin ko kay Dennis na kasama ang mga kaibigan niya sa kabilang side ng auditorium bilang pampalibang. Kumonti na rin ang audience na nasa labas ng auditorium at nakikinood, malamang dahil natapos na ang tropang pakers. Habang pabalik-balik ang mata ko sa crush ko na tahimik ay bumabalik na naman sa isipan ko ang kahapon pa bumabagabag sa isipan ko.
Panonoorin niya kaya kaming mag-perform?
Kinikilabutan na naman tuloy ako sa panlalamig ng aking paa. Siguro mas okay kung umalis na siya habang maaga pa! Habang hindi pa nasisira 'yung eardrums niya dahil sa boses ko.
As if on cue, napabilang ang grupo naming magkakaibigan sa sumunod na pagbubunot ni Sir Manlangit ng magpe-perform. Tuluyan ko nang nakakalimutan ang kilig na pinaramdam sa akin ni Dennis at napalitan na ito ng ilang boltahe ng kaba.
Todo na ang pag-cheer ni Anika sa amin (na kanina pa tapos mag-perform kaya maraming energy) habang naglalakad kami papuntang stage. Nakakailang dasal na ako sa aking isipan, at ni hindi ko na nagawang patahimikan si Anika nung sumigaw ito ng: "Go, Gi! Para sa crush mong nanonood, kung sino man siya!"
Wala na ako sa sarili nung hawakan ko ang mikropono na nakakabit sa stand, pilit itong itinataas para makapantayan ang aking bibig. Violin ang itutugtog ni Yna samantalang si Celene naman ay sa gitara kaya iyon ang kinukuha nila. Pumipikit ako nang mariin nung marinig ang sigawan at palakpakan ngunit sa isang partikular na pwesto lamang sa loob ng aming auditorium.
"Whoo! Go, Giana Lapid! Crush ka ni Kyle!"
"Crush ka namin, Giana! Galingan mo para sa future ng sanlibutan! Ikaw ang pag-asa ng kabataan!"
"When I say Gi, you say Ana! Gi! Ana! Gi! Ana!"
Hinaharap ko sina Celene at Yna nang nakakagat-labi, tila nagsusumbong dahil sa nagsisimulang kahibangan ng mga kaibigan ni Dennis. Buti sana kung kasama siya sa nagche-cheer, kaso puro pambibwiset lang ng mga asungot niyang mga kaibigan na lalaki.
"Huwag mo na lang pansinin," Celene says while holding the guitar. "Basta 'yung pr-in-actice natin tandaan mo, ha? Uminom ka naman ng luya kaya okay lang 'yan," she assures.
"Kapag pumiyok ako hindi naman nila matatandaan!" pagbibiro ko pa kahit ang totoo ay kanina ko pa 'yon pinapaalala sa sarili ko.
Remind me again why I have to do this? Hindi ba ako ga-graduate kapag pinili ko na lang sumayaw kaysa kumanta sa music subject namin?
Humaharap na ulit ako sa mikropono as I try to remain calm.
Compose yourself, Gi. Kayang-kaya mo 'yan! Sanay ka naman noon sumayaw, ah? Mas mahirap pa nga 'yon kaysa kumanta!
"Ang galing! Opera ba 'to?! Nasa teatro ba ako?!"
"Putsa ka, pare! Wala pa!"
"Silence, boys at the back! Gusto niyo ba maitlogan?!" pananaway ng teacher dahilan para manahimik kahit papaano ang mga bwiset.
Humihinga ako nang malalim at pinakikinggan ang pagbibilang ni Celene sa likod ko. Hindi ko na ulit pinapansin pa ang tropang pakers at baka makagulo lang sila lalo sa akin. I can already hear Yna playing the violin, 'di nagtagal nung sinundan iyon ni Celene ng gitara.
"There will be no ordinary days for you
If there is someone who cares like I do
You have no reason to be sad anymore~"
Sa unang bigkas ko ng kanta ay parang gusto ko na agad mag-back out. It's not my first time to perform in front of people — kung sa pagsasayaw. Pero ang pagkanta? Hidden talent ko lamang ito, at madalas pa, shower o tabo lang ang nakaririnig.
"I'm always ready with a smile
With just one glimpse of you
You don't have to search no more
Cause I am someone who will love you for sure~"
"Ang ganda ng boses, 'tol!"
Hindi ko na nagawa pang mag-bow dahil sa kahihiyan pagkatapos kumanta. Kulang na nga lang ay tumakbo ako pababa ng stage dahil pakiramdam ko tinatawanan ako ng mga ka-schoolmate namin dahil sa boses ko, idagdag pa ang pang-aasar ng mga lalaki sa likod.
I look at them piercingly while heading down the stairs.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ako ng mga kaibigan ni Dennis ay sinusubukan nila ang pasensya ko. Hindi naman ako nakatatanggap ng mga pang-iinsulto galing sa kanila pero 'yung mga banat nila lagi ang kinaiinisan ko. Masyado silang mapang-asar!
"Idol, pa-autograph mamaya, ah?"
"Mamaya kapag nagkaroon ka na ng album makalimutan mo na kami," they tease.
Hindi ko alam kung nananadya ba 'tong sina Kyle at Draven at lumipat pa talaga sila ng upuan kung saan madaraanan ko.
Tinititigan ko sila nang masama.
Ginagatungan pa ni Kyle ang naunang sinabi ng kaibigan. "Oo nga! Fan na fan mo pa naman kami. Gi, pa-autograph mamaya, ah?"
Iniirapan ko na lamang sila at hindi na pinansin. Naririnig ko ang pagtawa ni Celene sa gilid ko.
Nung malagpasan ko silang dalawa ay nagtawanan lamang ang mga ito. "Wala pang album nagsusungit na kaagad!"
Mga sira ulo!
"Alam mo 'yung pitch niya 'tol? Perfect, e."
"Ganda nga ng boses. Parang anghel. Anghel na naipit."
Hanggang sa paglabas namin ng auditorium ay nagpaparinig pa rin ang mga kumag. Hindi ako nag-a-assume lang na ako ang pinag-uusapan nila dahil ilang beses na nilang binabanggit ang pangalan ko. Mga abno talaga.
"Huwag mo nang pagbalakin na patulan. Titigilan ka din ng mga 'yan," binubulong ni Celene sa akin bago kumapit sa braso ko upang hilahin. Nasa walkway canopy kami papunta sa aming building samantalang nasa likod lamang namin ang magkakaibigan ngunit nasa bandang initan.
My lips form a pout.
Wala naman talaga akong balak pumatol pa dahil sanay naman na ako kahit madalas ay hindi ko pa rin maiwasan na mapikon. Ayoko lang din talaga silang patulan at baka ma-bad shot ako kay Dennis. Naririnig ko naman siyang sinasaway ang mga kaibigan niya minsan kaya pananatiliin ko na lang ang image kong mahinhin sa harap niya.
"Kulang-kulang talaga sa turnilyo ang mga 'yan," anas pa ni Celene.
Diretsyo lang sina Anika at Yna na nagkukwentuhan at nauuna sa amin sa paglalakad habang ang katabi ko naman na si Celene ay mukhang naiirita na sa mga naririnig niya.
Pinatatalas ko ang aking pandinig para makiusyoso sa mga lalaking 'yon.
"Pr-in-actice lang naman talaga 'yung gitara, 'di naman marunong. Mali-mali pa ng chords."
"Ohh, panis! 'Wag ka naman ganiyan mang-real talk, p're! Babae pa rin 'yan, pards! Gara mo porket glow up ka na!"
I bite my lips inward habang dahan-dahan na pinapanood ang reaksyon ng kaibigan ko. She narrows her eyes. Gusto kong matawa dahil alam ko naman kung kanino nanggaling ang komento na 'yon.
Naghahanap kaya talaga ng sakit ng katawan ang tropang pakers?
"Hindi ba talaga kayo titigil, ha?!"
Napahinto kaming tatlo nang biglang nagsisisigaw si Celene. Nanginginig ang mga kamay nito partnered with her infamous death glare. Bumitiw na ito mula sa pagkakakapit sa akin at nililingon na parang action star ang mga kalalakihan.
Hindi ko na siya napigilan pa nung humahakbang ito papalapit sa kanila. Agad na nagsipag-atrasan ang anim, kabilang na si Dennis na nasa gilid lang naman at nakasuot ng itim na headphones.
"Alam niyo kayong lima? Wala nang ginawang araw ang Diyos na hindi ako nairita sa pinaggagagawa ninyo! Saka ano kamo, hindi raw ako marunong maggitara? E kung ipukpok ko kaya sa ulo niyo 'yung ginamit ko kanina tapos itutugtog ko ulit!" high blood na asik ni Celene.
Kung ako ay hindi pumapatol, kabaliktaran naman ang babaeng ito. You wouldn't dare mess with her, I'm telling you. She grew up surrounded by boys so nothing could ever, I mean ever, frighten that girl.
Si Anika kaagad ang umawat kay Celene sa pamamagitan ng paghawak sa balikat nito. "Girl, kalma ka lang, baka ma-guidance ka pa n'yan..."
"Teka lang, ha?" pagpapagitna ni Luigi, ang student council sa tropang pakers. "Miss Estrada, bakit masyado ka namang triggered? Ikaw lang ba ang may hawak ng gitara kanina sa stage?" May panunuyang anito sabay ayos sa kanyang nahuhulog na salamin.
Nagkakatinginan kami nina Yna at Anika. Napapakamot ako sa aking ulo habang nakangiwing pinagmamasdan ang maamong mukha ni Luigi na baka mabahiran na ng dugo mamaya.
"Gago ka ba? Sa tingin mo magre-react ako kung hindi ko alam na ako 'yung pinag-usapan niyo? Ano'ng akala mo sa akin? Bobita? Mangmang?" matapang na balik ni Celene na namumula na ang buong mukha.
Ang totoo niyan ay hindi ko talaga maiwasang matawa kapag nagagalit ang kaibigan kong ito, lalo pa dahil kaaway na naman niya si Luigi. Alam kong dapat ko na siyang patigilin dahil nakakahiya kay Dennis na nanonood, pero baka sa akin naman malipat ang inis ng kaibigan kong walang katiting na takot sa katawan.
Hinahatak ng tropang pakers si Luigi pabalik nung hindi agad ito nakasagot kay Celene.
Napapalingon na ang mga tao sa 'ming direksyon pero hindi naman na siguro bago ang ganitong eksena kung saan involve si Celene. Running for valedictorian pa naman ito at baka mapurnada pa dahil sa hilig niyang makipag-away.
Nagpapatuloy sa pagdaldal si Celene habang namomroblema kaming magkakaibigan kung paano siya patitigilin.
"Girl, tara na. Okay na 'yan. Male-late tayo kay Hitler," I try to console her na hindi naman din gumana.
Halos sumabog na ang bangs ng kaibigan ko nung duruin niya ang kaaway na pilit pinapantayan ang intensidad ng kanyang tingin.
"Lalo ka na, delos Reyes! Ikaw pa naman ang student council sa inyo at President pa ang posisyon mo! Bakit hindi mo gawin 'yung platapormang nilatag mo noong tumatakbo ka? No to bullying ba kamo? 'Yan ang hirap sa inyong mga nasa posisyon e, puro lang kayo pa-fame hindi naman kayo kumikilos. Mga talk shit kasi kayo."
Parang may pinanghuhugutan na si Celene sa mga sinasabi niya. May iba pang lumalabas sa bibig niya na hindi na maproseso ng utak ko sa sobrang bilis.
Luigi hisses like he's displeased. "Hindi ako nangangako ng hindi ko kayang gawin, Celene. Nagsisimula pa lang ako. Ano ba'ng koneksyon nito sa pinuputok ng butsi mo? You still can't accept that I won against your bet last election?" anang Luigi habang humahakbang at nakahalukipkip.
"E ano rin ngayon kung ikaw nga ang pinag-uusapan namin? Hindi ba pwedeng magbigay ng komento? We have freedom of speech, weren't you promoting that as campaign manager? Isa pa, you really need to improve, so just take what you heard as a piece of advice from the professionals, okay?"
Humahakbang rin si Celene papalapit at mata sa matang nakikipagtitigan kay Luigi. Am I over reacting when I say, kung nakasusunog lang ang titig ng kaibigan ko, malamang abo na si Luigi?
Hindi nakalusot sa akin ang mahinang hagikgik ng lalaking nasa likod lamang ni Luigi at animo'y nagsisilbing bodyguard nito. Nagkatinginan kami saglit ngunit masyado akong problemado kay Celene para makipagtagisan ng titig sa kanya.
"I don't need advice, especially if it's from you, Mr. delos Reyes. Magaling ako at wala akong pakialam sa sinasabi niyo, ang akin lang, manahimik ka kapag hindi hinihingi ang opinyon mo. Kung matapang ka lang din naman, why can't you shove in my face what you just said earlier? Bahag ang buntot, still the same wimp from first year, huh?"
Ramdam na ramdam ang tensyon sa pagitan nilang dalawa lalo pa nung bahagyang tinulak ni Celene ang kaliwang balikat ng lalaki. Nakita ko ang nagngalit na bagang ni Luigi.
"Patay ka kay Alkalde Mayor, Celene," pagbibiro ng isa sa magkakaibigan. Sinesenyasan ko sina Yna at Anika na tulungan ako para mahatak si Celene. I hold her arms and pull her with force.
She scoffs scornfully. "Pake ko? Buti nga si Mayor may ginagawa sa munisipyo, 'yung anak niyang nandito, nakatunganga't pabigat!"
Nakikita ko ang mariin na pagpikit ni Luigi na kanina pa hindi nakaahon sa mga pinagsasasabi ni Celene. Pinaglalakad ko na ang kaibigan habang pilit namin siyang inilalayo. Nakaharap pa siya sa direksyon nila nung hatakin namin pero hindi rin nagtagal ay nagpatianod siya at sumabay sa aming maglakad.
"Tara na, bilis!" pagmamadali ni Anika. "Celene, gumawa ka na naman ng eksena! Buti nagpahuli tayong lumabas kundi ang dami mo na namang audience!"
Pinapagpag ni Celene ang mga kamay namin na nakahawak sa kanya sabay ayos sa buhok nitong maluwag na ang pagkakatali ng ponytail. Umaakyat kami ng ilang hakbang para makapasok sa loob ng aming building.
"Bakit niyo ba ako pinipigilan? Dapat lang talaga na makatikim ng real talk ang delos Reyes na 'yon! He's so full of himself! Ano ba'ng nagawa niyang matino? Akala mo naman ang galing din niyang maggitara e bano naman siya sa pinakabano!" anito habang iniikot ang kanyang buhok pa-bun.
"Ang init ng dugo mo kay Luigi, girl. Si Giana dapat ang magalit nang sobra dahil siya ang inaasar nina Draven, bakit ikaw ang napikon?" anang Yna. Nagkakatinginan kaming tatlo at tila ba nabasa ang iniisip ng isa't isa.
Ngumingisi ako nung pindutin ang elevator pataas.
"Alam mo, Celene, madali lang sa akin na hindi sila pansinin dahil kahit gano'n sila kagago, totoong wala akong pake sa kanila. Sa kagaganyan mo, baka sabihin pa ni Luigi na hindi ka maka-move on sa nangyari at may pakialam ka pa rin dahil siya ang napapansin-"
Celene cuts me off with her exaggerated voice and defensive facial expression. "Never! Mamatay na lang ako, 'no!"
"Defensive," Anika teases. "Kalma ka na, girl. Naubos ang ganda mo dahil sa mga pinagsasabi mo kanina." Hinawakan pa nito ang baba ni Celene na nakahalukipkip at iniirapan siya.
I chuckle.
Pinauna ko na silang pumanik nung maalala ko na kailangan ko palang kuhanin ang gamit ko sa locker room. Hindi na ako nagpasama sa kanila at baka sabay-sabay kaming mapagalitan kapag tatlo kaming nahuli sa subject period ng terror teacher namin.
Tinatakbo ko ang distansya ng locker room ng fourth year na nasa dulo ng mahabang hallway. May iilang estudyante sa loob nang makapasok ako, 'yung iba pa ay mga kaklase ko kaya nginitian ko sila.
Binubuksan ko ang aking locker gamit ang susi na nakakabit sa 'king ID. May kalakihan ang locker namin at maliban sa matangkad siya ay may kalaparan din kaya kasya ang maliit na katawan sa loob nito, it even has a space for hanging clothes.
Nagmamadali akong kumilos para sana makasabay na sa mga kaklase ko pero nang subukan kong hilahin ang isang libro ko ay aksidenteng silang naglaglagan sa sahig. Walang silbi ang pagiging spacious ng locker namin dahil sa dami kong tinatambak na gamit sa loob nito.
I sigh as I pick up my books from the floor.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa isang illustration board na last week ko pa pinagkaka-busy-han matapos. Proyekto kasi ito ng grupo namin kung saan ako ang napiling maging leader. Kapag nasira 'to baka tanggapin ko nang hindi ako makaka-graduate kailanman.
Naririnig ko na ang tunog ng time bomb sa paligid. Napag-iwanan na ako ng mga kaklase ko. Tinitignan ko ang oras sa wall clock na nakasabit sa dingding at napagtantong isang minuto na lang bago ang next period. Halos ibato ko na tuloy ang mga libro ko sa locker dahil sa pagmamadali. Kilala ang teacher naming 'yon na galit sa mga late at tardy students, ayokong madali ng minus points niya gayong kinukuha ko lang naman ang project ko.
"Nakakainis naman, oh. Ngayon ka talaga magugulo?" I whisper to myself.
Nagulat pa ako nung makarinig ng boses ng mga lalaki sa labas. Wala naman sana akong pakialam kaso napaka ingay ng mga ito na animo'y nakikipag-rambulan.
Napapangiti na lang din ako nung masusian ko na ang locker ko at umaambang lalabas na ngunit agad din akong napaatras nang makita ko ang likod ni Dennis malapit sa pinto.
Umuuwang ang bibig ko at napapatalon na sa kaba.
Anak ng tokwa!
Sila pala 'yung maiingay! Ano ba'ng ginagawa nila rito?! Bakit ngayon pa e nagmamadali ako?!
Wala na ako sa sarili ko nung tumatakbo ako papunta sa huling hilera ng mahahaba naming locker. Walang gumagamit sa mga iyon kaya alam kong hindi nila ako pupuntahan o makikita man lang. Sana.
Malilinaw ang mga yapak ng mabibigat na mga paa ng magkakaibigan, pati na rin ang mga boses nila na kanina ko pa naririnig. Si Dennis lang ang nakita ko at siguradong hindi niya rin naman ako napansin dahil nakatalikod siya mula sa entrada. Nakasapo ako sa aking noo habang mahigpit na nakayakap sa illustration board ko. Mas todo ang kaba ko ngayon kumpara sa kaninang kumakanta ako.
Pinaparusahan ba ako ngayong araw?
"Huwag ka na ngang mairita diyan. Alam mo naman 'yung dila ni Celene. Masyadong matalas. Saka hindi naman siya aware, 'di ba? Babae 'yun, huwag mo nang patulan," I hear a distinct voice say.
'Yung kaibigan ko ang pinag-uusapan nila. Siya lang naman ang may matalas na dila na nagngangalang Celene.
"Sa tingin mo ba kaya kong-" hindi natuloy ang sasabihin ng sa tingin ko'y si Luigi dahil kay Dennis.
"Nice! Hopeless romantic!" anito na halatang nang-aasar.
Inililibot ko ang paningin sa hindi napupuntahang kasuluk-sulukan ng locker room namin. Mabuti na lang at may ilaw dito dahil kung hindi, iisipin kong lunggaan na ito ng multo.
"Not in a romantic way. What I meant to say was... you know what I mean! Ala namang suntukin ko 'yun e nasa council ako. Paano ako magiging good example kung papatol ako sa kaniya?" depensa ni Luigi na nagpabalik sa akin sa kasalukuyang sitwasyon.
Humihinga ako nang malalim habang naghahanap ng paraan para masilip sila.
"E kahit na ano'ng sitwasyon, hindi mo naman talaga kayang suntukin 'yun..." tawanan ang sunod kong narinig pagkatapos no'n. "Kasi hindi ka naman nananakit ng babae, 'tol! Eto talaga..." dagdag ng nagsalita na halata namang nang-aasar pa rin.
Ang mahaba kong buhok na kanina'y nakapirmi sa aking likod ay nahuhulog sa dibdib ko nang yumuyuko ako at bahagyang sumisilip para makita ang magkakaibigan.
Meron kaming mga locker na nakadikit sa pader at pinapalibutan ang buong kwarto, meron ding hilera na nasa gitna at nakatago ako ngayon sa pinaka dulong hilera na nasa gawi lang din ng pintuan. I can see Luigi and Dennis leaning on the door while their friend Joseph is trying to open his locker na nakadikit sa may pader. Pinapalibutan siya ng iba pa nilang kaibigan, pinaka malapit sa kanya ay si Draven na may dini-dribble na maliit na bola sa sahig.
"Eto kasi ang pasimuno ng lahat, eh! Kung hindi lang kita kaibigan, matagal na kitang nilaglag!" Tinuturo ni Luigi si Draven na abot-kamay niya lang at ginulo ang necktie nito.
He smirks. "Sinabi ko lang naman sa 'yo na tanungin mo kung sakaling manligaw ka, hindi kita pinilit manligaw 'no."
Binabato niya ang hawak na bola kay Dennis na agad naman nitong sinalo. "Wala rin naman tayong napala parehas."
"Technically, you're still to blame. I was convinced to just keep it myself, pero pinilit mo ako for your own gain, pare!" anang Luigi na nagtatanggal ng salamin at pinupunasan ito gamit ang laylayan ng kanyang uniporme.
"Awts. Kawawa naman mga lover boy," panghahamak ni Joseph.
"Nagsisihan pa ang nginig tuhod gang, ah?"
"Kanta ka nga Dra ng Cry Me a River, dali!" Nagtawanan sila at nagsimulang mag-beatbox. Napapangiwi ako sa kaguluhan ng mga lalaking 'to lalo pa nung kumakanta na nga sila nang may malalakas na boses.
Dumidiretso ako ng tayo nung ma-realize na para na akong stalker dahil sa ginagawa. Lagot ako lalo kapag nakita pa nila ako ritong nakikinig sa usapan nila.
"Porket may syota ka 'di ka kakanta?"
"Ingay nitong mga walang syota! Ew!"
"Ikaw ang ew!"
Pinapagpagan ko ang sarili gamit ang aking palad dahil sa init na nararamdaman. May aircon naman dito sa locker room pero dahil sa ingay nila e nakukuha lahat ng hangin, idagdag pa na kinakabahan pa rin ako.
"Dami niyan, ha? Patong-patong mo ba nilalagay 'yan, 'tol?"
"Hoarder amputcha. Naninigurado masyado!" Kanina lang e nagkakantahan sila, ngayon naman ay nagtatawanan na ulit.
Hindi ko mapigilan at sumisilip ulit ako. Nakikita ko silang nagkakagulo sa nakabukas na locker ni Joseph. Dahil sa kaguluhan ng mga 'to e naglaglagan din ang mga gamit sa loob kaya may mga tumalsik din papunta sa pwesto ko.
"Ayan, nalaglag tuloy! Mga gago kasi e! Pulutin niyo 'yan!"
"Pamigay mo nga kay Mayor 'yan para 'di na masundan henerasyon natin!"
Mas pinag-iigihan ko ang pagtago sa likod ng locker habang sinusundan ng tingin ang kulay green na box na nasa sahig. I look at it for a while, trying to figure out what it is.
"Frenzy?" I whisper.
"Ako na, arte niyo..."
Candy ba 'yan? Why would they hoard candies? Masarap ba 'yan kaya may stock sila?
Bago ko pa ma-realize kung ano ang laman ng berdeng kahon na 'yon ay halos malaglag ang puso ko nang biglang lumitaw sa aking gilid si Draven. Huli pa siyang nag-react dahil pinulot muna niya ang kahon bago ako napansin. Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitignan siya, ramdam ko rin ang puso ko na parang tumakbo sa karera dahil sa sobrang bilis ng pagtibok.
Nanliliit ang mga mata nitong pinagmamasdan ako. Hindi nagsasalita pero halatang nagtataka kung bakit ako nandito. He stands straight while looking at me. His gaze suddenly becomes amuse. He checks me out and eventually smirks. Hinahanda ko na ang sarili ko sa pagharap sa mga kaibigan nila ngunit walang dumating o lumabas man lang sa kanyang bibig. Imbes ay bumabalik na siya sa mga kaibigan niya at naiwan naman akong naestatwa sa kinatatayuan.
"Panik na tayo, bilisan niyo."210Please respect copyright.PENANA8bqFSGBvDz