Nang makarating ako sa balay nila Diego, hindi agad ako pinayagan ni Tita na pumasok sa kwarto niya. Nag-aaral pa raw kasi. Mukhang may exam bukas.
Kaya naman, tinignan ko nalang lahat ng awards niya na nakadisplay dito sa living room. Ang dami niyang certificates, medals at trophies. Kung isasangla to, siguro makakabili na siya ng bahay. Nakakaproud talaga.
Maliban kasi sa makaDiyos tong si Diego at athletic, siya rin ang top 1 sa buong year level ng school nila.
Hashtag: SANA ALL.
"Chandria, anak, snacks ka muna." Sabi ng Mama ni Diego habang inilapag ang isang burger at iced tea. Lumapit naman ako at umupo sa sofa.
"Thanks, Tita! Nag-abala ka pa." Sabi ko sa kanya at umupo naman siya sa tabi ko.
"Anong nangyari sa mata mo nak? Umiyak ka ba?" tanong niya at sinimulang ayusin ang buhok ko.
Kagaya ko kasi, only child lang si Diego. Gusto raw sana nila ng babaeng anak kaso may naging complications sa ovaries ni Tita kaya eto, parang anak na rin ang turing nila sa akin.
"Wala to, Tita. May role play kasi kami kanina. Role ko ang umiyak." Pagsisinungaling ko.
"Grabe naman yang role play niyo. Dapat talaga realistic?"
"Alam niyo namang ang extra ko tita, diba? Nagtanong ka pa!" Nagtawanan kaming dalawa.
"Hayyy nako! Namiss kita rito! Minsan akala ko ayaw mo na sakin. Hindi kana madalas bumibisita dito. Eh nung bata pa kayo ni Diego, halos dito ka na nakatira! Umiiyak ka pa nga kapa inuuwi ka na ng papa mo." Sabi ni Tita habang mahigpit akong niyakap.
"Drama mo, Tita! Teka nga di ako makahinga. Yung burger ko!" Inis kong sabi pero yung totoo, gusto ko talaga pag niyayakap ako ng Mama ni Diego. Para kasing siya na ang tumayong Mama ko.
"Masisisi mo ba ako? Nanggigigil ako ako sayo eh! Ang laki mo na! Parang kahapon lang nung karga pa kita."
"Anong malaki? Eh hindi nga yan tumatangkad." pambungad na sabi ni Diego sa amin.
Mukhang tapos na siyang mag-aral. Naglakad siya papalapit sa amin. Nakashorts lang siya yung parang pangsurf niya tapos naka plain white shirt. Ang linis niya tignan, in fairness.
"Hoy, Diego ha. Wag mong binubully tong si Chandria!" saway ng mama niya sa kanya.
"Tama yan, Tita! Pagsabihan mo." Dagdag ko.
"Sino bang anak mo dito, Ma? Baka nakakalimutan mong ako?" Kinuha niya ang burger ko at kumagat dito.
"Ay ikaw ba? Akala ko si Chandria?" Tapos nagkatawanan kaming dalawa. Itong so Diego naman, mukhang inis na inis.
"Sige na, maiwan ko na muna kayo. Magluluto ako ng dinner natin. Chandria, dito ka na nagdinner ha?"
"Sureeee! Ang sarap kaya ng luto mo Tita!" Sabi ko sa kanya at mukhang proud na proud naman ito. Nagflip hair pa.
"Feel na feel mo naman, Ma? Binibiro ka lang niya." sabi ni Diego. At ininom niya pa talaga ang iced tea ko ha?
"Ewan ko sa inyong dalawa. Nasestress ako sa inyo. Diyan na nga kayo." At pumunta na nga siya sa kusina.
"Tara sa kwarto ko." biglang seryosong sabi ni Diego. Sinundan ko naman siya.
•••
"Nag-away kami ni Gab." Sabi ko nang nakapasok kami sa loob ng room niya. Agad akong umakyat sa kama niya at humiga.
"Girl problems ba to? Bakit di mo nalang sabihin yan kay Julia? Laro nalang tayo ng XBox. Minsan ka nalang nga nandito eh." Umupo siya sa gilid ng kama niya at humarap sa akin.
"Buttcheek, tinawag niya akong selfish! SELFISH DAW!" sumbong ko sa kanya.
Tumawa siya bigla.
"Diego naman eh! Seryoso ako!"
Tumigil siya sa pagtawa at lumapit sa akin. "Sige nga. Magkwento ka anong dahilan bakit nasabi niya yan?"
So ayun na nga. Sinabi ko kay Diego lahat ng nagyari last week. Simula nung nagpractice kami ni Gab para sa performance namin sa Fest hanggang sa natanggap akong singer sa banda ni Jay at ngayon, kakanta na ako sa Fest kasama si Jay at hindi na with Gab.
"Tapos si Papa, lagi nang wala sa bahay. Mukhang lagi na niyang kasama si Anne. Hindi ko na nga matandaan kailan kami huling nag-usap eh. Tapos gusto ko nang magkaboyfriend pero di ko magawa kasi all this time, ikaw lang lagi kong kasama kaya hindi ko alam paano magsocialize sa mga lalaki!"
Dinagdag ko na yung mga ibang problema ko. Gusto kong mailabas lahat eh. Ang bigat na sa loob.
Huminga ako ng malalim at narealize na ang dami ko palang sinabi. Naubusan tuloy ako ng hangin.
"Unang una sa lahat, lalaki ako, Chandria."
Tinignan ko naman siya na parang nagdududa ako. "Sure ka? Eh wala ka ngang ipinapakilalang crush mo sa akin eh!"
"May crush kaya ako! Pero sa akin nalang muna yun." pagtatanggol niya.
"Hoy, ang unfair mo. Ako, sinasabi ko lahat sayo pero ikaw marunong ka na palang magsekreto ha!"
"Pangalawa," hindi niya pinansin sinabi ko at nagpatuloy lang. "Hindi ka matitiis ni Gab. Magsorry ka nalang ng maayos. Yung sincere ha? Tapos ilibre mo siya, ganun."
Inemphasize pa talaga niya yung word na sincere. Kilalang-kilala niya talaga ako.
"Susubukan ko." Nagpout ako. Mukhang nahihirapan yata ako dun ah.
"Gawin mo." pagpupumilit niya.
"Oo na!"
"Pangatlo, bigyan mo ng chance si Anne. Hindi natin alam baka magkakasundo pala kayo."
"Never!" Agad kong sabi. "Okay lang naman na kami lang ni Papa, ah?"
"Pero what if magiging mas masaya kayo pag pumasok si Anne sa buhay niyo ng Papa mo?"
Mas masaya? May mas isasaya pa ba? Ewan ko. Basta ang alam ko lang ngayon, ayaw ko sa buhay namin si Anne.
"Paano naman ang problema sa lovelife ko?" tanong ko.
"Laro na tayo ng Xbox?" pagchachange topic niya.
Mukhang ayaw niya talagang pag-usapan yung lovelife ko eh. Napunta ang tingin ko sa bedside table niya at napansin ko na may journal na puno ng hearts sa cover nito. Teka, baka diary niya to?
"Sige, yung ayaw mo, babasahin ko nalang tong diary mo!"
Inabot ko ang journal niya. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at sinubukang kunin ito sa kamay ko pero mas mabilis ko itong naitago sa likod ko.
"Akin na yan, Chandria." Lumapit siya pero tumayo ako sa kama niya at initaas ito.
"Ayokooooo. Nandito pangalan ng crush mo no?" panunukso ko.
Bigla naman siyang tumungtong sa kama niya at sinubukang kunin ito sa kamay ko.
"Chandria, please?" pagmamakaawa niya. Totoong diary ba niya talaga to? Nanghuhula lang naman ako eh.
"Ayoko ngaaaaa!"
Tumakbo ako palayo sa kanya at tatalon na sana sa baba ng kama nang bigla niyang hinablot ang kamay ko kaya nawala ang balance ko at muntik na akong mahulog.
Buti nalang at agad niya akong nasalo pero sa bilis ng mga pangyayari, nabigla ako at naapakan yung paa niya kaya nahulog kaming dalawa pareho sa baba.
Nagtitigan lang kaming dalawa ni Diego na para bang pinaprocess pa namin yung nangyari. Mayamaya ko lang narealize na nakapatong siya sa akin ngayon at ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Ang lapit ng muka naming dalawa. Isang maling galaw lang, baka mahalikan na niya ako. O ako yung makahalik sa kanya.
"H-hoy buttcheek, ang bigat mo." reklamo ko.
Mukhang narealize na rin niya na ang awkward ng posisyon namin ngayon kaya agad siyang tumayo at inabot ang kamay niya para tulungan din ako.
Biglang tumahimik ang buong kwarto. Para bang hindi namin alam sinong unang magsasalita.
"Buti nalang may carpet. Kung hindi, baka kung ano nang nangyari sayo." paninimula niya.
"Ano ba kaseng nakasulat dito at parang ayaw mong nabasa ko?" Tanong ko at ibinalik sa kanya ang journal. Tapos ay humiga ulit ako sa kama niya.
Ilang segundo naman niyang tinutukan ang journal niya at lumapit sa akin.
Huminga siya nang malalim at umupo sa tabi ko.
"Gusto mo ba talagang nabasa?" seryosong tanong nito.
Teka ano bang nagyayari sa kanya? Nagbibiro lang naman ako kanina eh pero biglang ang seryoso na niya ngayon.
"Hindi na. Joke lang naman yun. Di ka na mabiro." sabi ko pero nagsimula na akong macurious.
"Heto, basahin mo. Hindi naman talaga diary to." Sabi niya at inabot ang journal.
"If you insist!" Agad kong binuksan ito bago pa magbago ang isip niya.
Nang nabuksan ko na ito, puro lang naman mga quotes o kaya poems ang laman. May ibang blank pages pa pero mukhang malapit na itong mapuno.
"Para san to?" tanong ko.
Bigla niyang tinutukan ang mga mata ko at seryosong nagsalita, "Gabi-gabi, bago ako matulog, inisip kita, Chandria, at sinusulat ko ang mga salitang gustong ipahiwatig ng puso ko."
Nabatukan ko siya nang wala sa oras gamit ang journal.
"ARAY! Para saan naman yun?!" reklamo niya habang hinihimas ang ulo niya.
"Ang drama mo kasi! Wag mo nga akong lokohin. Alam ko namang project mo lang to. At kailangan ka pa naging hopeless romantic, ha?" tanong ko.
Mukhang napalakas yata ang pagkakabatok ko sa kanya kasi hindi na maipinta ang mukha niya.
"Hoy, sorry na." Tinulungan ko siyang himasin ang ulo niya pero bigla niyang kinuha ang kamay ko at tinutukan ako sa mata.
Ano na naman pumapasok sa isip nito?
"Oo, project ko lang yan." pag-aamin niya at binitawan ang kamay ko.
"Sus! Sabi ko na nga ba, eh!" Nagscan ako sa journal at binasa ang isang isang page.
______________________________________
334Please respect copyright.PENANAIHhmMoGt79
"Like an abstract painting, 334Please respect copyright.PENANAje1WEDL6mx
she's messy yet beautiful. 334Please respect copyright.PENANAMrAQegHRpj
She's hard to understand, 334Please respect copyright.PENANABJ5CZ6x9sf
but she makes you feel something."
_____________________________________
334Please respect copyright.PENANAw7JGdaNNGm
"Saan mo nasearch to?" tanong ko kay Diego matapos ko itong mabasa.
"Gawa ko lang." nagkibit-balikat siya. "Tara na Xbox na tayo!"
"Teka lang, pipicturan ko to! Baka pwede tong pambanat sa crush ko eh." tapos kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko ang kumuha ng litrato.
"Tara." yaya ko.
"Xbox na?" tanong niya.
"Anong Xbox? Nuod tayo ng Little Mermaid."
"Na naman?! Eh halos memorize ko na ang script ng buong movie eh. Kailan ba tayo gagraduate sa Little Mermaid? May Frozen 2 na, nasa Little Mermaid pa rin tayo!" reklamo naman niya.
"Kapag kamukha mo na si Prince Eric, baka pwedeng ibang movie naman."
"Prince Eric, Prince Eric! Mas gwapo naman ako sa kanya!"
"Aba, sumasagot ka pa ha! Bilis na!"
"Oo, na!" sagot niya at tumayo para i-on ang TV.
"Isip bata talaga." bulong pa nito.
"HOY NARINIG KO YUN!"
"Edi, mabuti!"
Napatawa naman ako sa reaksyon niya.
Hayyyyyy! Sana ganito nalang palagi. Yung masaya lang. Bakit kasi ang daming drama ng buhay?
ns 15.158.61.11da2