Nilakad ako ni Diego pauwi sa amin pagkatapos kong magdinner sa kanila. Ewan ko ba pero basta kasama ko siya parang nawawala lahat ng problema ko.
Nagkwento ako sa kanya tungkol sa Dinner namin with Anne. Talagang pinagalitan pa niya ako kasi ang attitude ko daw. Nabatukan ko naman siya.
Sumang-ayon naman ako nung sinabi niyang na parang cool mom ang dating ni Anne. Nakakatawa naman talaga siya pero di pa rin ako sure if okay na akong papasukin siya sa buhay ko.
Nang makarating na kami sa front door ng bahal namin, hinarap ko siya. Hindi ko na masyadong makita mukha nito kasi madilim na.
"Thanks, buttcheek! Hindi ko alam gagawin ko kung wala ka." Tapos niyakap ko siya.
"Sus, masanay na ako. Kinakausap mo lang naman ako pag may problema ka." Sabi niya nung humiwalay na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.
Ewan ko kung nagbibiro siya o seryoso pero parang naguilty naman ako.
"Sorry na! Ikaw lang naman kasi ang nakakaintindi sa akin eh."
"Mali ka dyan. Minsan di ko na nga maintindihan ang mga desisyon mo sa buhay eh." reklamo niya.
"Wow, sana all perfect!" panunukso ko sa kanya. "Teka nga, ikaw? Kamusta naman ang lovelife mo? Gumagawa ka ba ng moves sa crush mo?" tanong ko sa kanya.
"Hmm... ewan." Nagkibit bakikat siya. "Hindi ko siya mintindihan eh. Hinahayaan ko nalang muna siya. Kung para sayo naman talaga ang isang tao, ang tadhana na misyo ang gagawa ng paraan para magkatuluyan kayo."
Nabatukan ko na naman siya ng wala sa oras.
"Na naman?! Para saan naman yun?" reklamo nito.
"Hindi bagay sayo ang maging hopeless romantic. Promise!" saway ko.
"Seryoso naman ako dun ah?"
"Sige nga? Bigyan mo nga ako ng isang quote ngayon? Bilis na isasave ko sa phone ko." sabi ko at biglang kinuha ang phone ko sa bag. Baka pwede ko tong masabi kay Jay pag naging boyfriend ko siya.
"Hmmmm..." mukhang nagiisip pa siya. "Sige may nalala ako sa journal ko."
"Dali na. Nilalamok na ako dito eh." reklamo ko.
______________________________________
"Never chase love 296Please respect copyright.PENANA2YzEHie0YH
or beg for attention. 296Please respect copyright.PENANA5x6c8Lf9fS
It's not worth having 296Please respect copyright.PENANAK1gNbgpi70
when it's not willingly given."296Please respect copyright.PENANAvVkZoX9Jv6
_____________________________________
Pinaulit ko pa sa kanya yun at isinulat sa Notes app ko sa phone.
"Charot! Ikaw ha! Ang galing mo talaga sa lahat ng bagay!" masigla kong sabi sa kanya. Iba talaga nagagawa ng mga matatalino.
"Hindi sa lahat." Seryosong sabi niya.
"Sus! Drama mo talaga. Alam mo ba sabi ni Gab, cute ka daw at gwapo? Sa tingin ko crush ka niya." chika ko naman sa kanya.
"Huh? Paano mo naman nasabi yan? Akala ko ba hindi kayo bati?" Paalala niya.
"Nung nag-uusap pa kami! Ang KJ naman neto. Ipinapamukha mo pa talagang hindi pa kami friends eh."
"Ewan ko sayo. Sige pasok ka na."
"Sige! See you sa Saturday ha!" Sabi ko bago isinara ang pinto.
Umakyat ako sa kwarto at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Huminga ako ng nalalim.
Never chase love? Or beg for attention? Teka parang tinatamaan naman ako dun ah?
Pero, mahal ko ba talaga si Jay? Oo, gusto ko siya. Kinikilig ako sa mga ginagawa niya. Nagugwapohan din ako sa kanya. Lahat ng gusto kong physical aspect sa lalaki meron siya.
Uggh! Nakakastress naman to!296Please respect copyright.PENANANUCy4udbfr
Kumuha ako ng papel sa desk ko at nagsulat.
Pros and Cons.
Sa Pros, isusulat ko ang mga bagay na ginagawa ni Jay na nagpapatunay na talagang mahal ko siya.
Sa Cons, isusulat ko ang mga bagay na ginagawa niya na nagpapatunay na feelingera lang ako at talagang crush lang to.
PROS
1. Parang may mga butterflies ako sa tiyan pag nag-uusap kami. Pagkasama ko siya, para akong nasa outer space.
2. Lagi niya akong binigyan ng compliments. Tapos pinapat pa niya ang ulo ko.
3. Ang hot niya tignan pag nagguguitara siya. Kahit simpleng pagtayo lang niya, ang cool niyang tignan.
CONS
1. Minsan nawawala na ako sa sarili ko pagkasama ko siya. Lagi akong hindi mapakali at kinakabahan.
2. Minsan parang gusto niya akong baguhin. Katulad nung practice namin, pinapabago niya boses ko.
3. Ayaw ko sa taste ng music niya. Ang inggay!
Muli kong binasa ang mga sinulat ko.296Please respect copyright.PENANAjo7uLjmGxX
Sa halip na matulungan ako nito, pakiramdam ko, mas naguguluhan na ako.
Tawagan ko kaya si Diego? Baka may sagot siya. Pero kasi, naguguilty akong lagi nalang problema ko ang pinag-uusapan namin.
Baka may sagot si Mama!
Agad kong kinuha ang box sa ilalim ng kama. Bago ko ito buksan ay sinigurado kong nakalock ang pinto.
Sabi ni Mama, sa aming dalawa lang to. May tiwala naman ako kay Papa, pero ang sarap kaya sa feeling na may sekreto kayo ng Mama mo.
Binuksan ko na ito at kinuha ang isang letter.
▪︎When I first fell in love
Iba to sa apat na letter na nandito kasi ito, may petal ng sunflower na nakascotch tape sa harap.
Nagsimula na akong magbasa.
My love Chandria,
Right now, you're watching Disney kasama si Papa sa living room. Hindi ko alam anong unang babasahin mo sa mga letter ko pero sasabihin ko nalang to sa lahat. Dapat tulog ako ngayon pero gusto kong isulat to.
Falling in love is very complicated especially kung first time mo.
13 years old ako nang may nagustuhan akong lalaki for the first time. Miguel Kula ang pangalan niya. Nagsimula yun nang binigyan niya ako ng Toblerone habang nagkaklase kami sa Math. Pagkatapos nun, halos araw-araw, may chocolate na ako galing sa kanya.
Pero kinalaunan, narealize kong hindi pala talaga ako inlove sa kanya. Gusto ko lang talaga ng Toblerone. Salamat sa Diyos at hindi kami ang nagkatuluyan. Imagine? Ang magiging pangalan ko Andria Kula? Parang "Ang Dracula"!
Anyway, nung 16 ako, dun talaga ako unang na inlove. Ang pangalan niya ay Austin Colby. Transfer student siya galing sa Los Angeles. Andria Colby. Ang ganda pakinggan! Pareho pa kaming "A".
Pagkapasok pa lang niya sa classroom, alam kong crush ko na siya. Ang tangkad, maganda ang tayo at gwapo. Blonde rin buhok niya. Talagang nahulog ang loob ko sa kanya. (Literal din kasi nasira upuan ko nun). Higit sa lahat, gusto ko siya dahil wala siyang kinatatakutan.
Kaming lahat may kinatatakutan sa room. Si Billy. Bully siya. Bagay na bagay sa pangalan niya. Si Billy may laging tinutukso sa room namin. Si Grace. Medyo may problema sa acne si Grace eh. Pero ako, nagagandahan talaga sa kanya. Takot lang talaga ako kay Billy kaya di ko siya kayang ipangtanggol.
Unang araw ni Austin nung naka labas na ang teacher pagkatapos ng introduction niya, diretsong nambully na naman tong si Billy kay Grace at tinawag niya itong "Rocky Road Face". Pagkatapos nun, bigla siyang nilapitan ni Austin at sinabihan niya ito ng "Watch your Mouth, D*ckhead".
Hinding-hindi ko makakalimutan yung mga salitang yun. Biglang tumahimik si Billy. Buong room, tumahimik din. Sa oras na yun, isa lang ang naririnig ko. Ang mabilis na tibok ng puso ko.
Naging close kami ni Austin kasi magkapartner kami sa Literature class. Tinuruan ko siyang magtagalog habang tinulungan niya naman akong maimprove ang English ko.
One time, nung nasa garden kami, nag-aaral, may pinitas siyang petal ng sunflower at binigay nya yun sa akin. Ayaw niya raw pitasin ang buong bulaklak kasi mamatay kaya petal nalang. Sunflower ang napili niya, kasi raw masayahin akong tao at napapasaya ko siya.
Nung sinabi niyang may balak siyang ligawan si Grace, nimahal ko pa rin siya.
Nung naging sila na, minahal ko ka rin siya.
Nung nagcollege na ako, minahal ko pa rin siya.
Marupok ako eh. Hirap mapigilan.
Walang nakakaalam nito, ikaw lang. Pero kung hindi mo to mabasa, magiging sekreto nalang to na dadalhin ko sa kabaong ko.
Tinanong ko ang sarili ko, "Kung napapasaya ko siya, bakit hindi ako ang pinili niya?" Ang gulo ng lahat.
Dati, hindi ko talaga maintindihan lahat. Nung sinabi ni Miguel na hindi na niya ako bibigyan ng chocolates at nung sinabi ni Austin na sila na ni Grace, para akong nawala sa sarili ko.
Fast forward nakilala ko Papa mo. Pero sa ibang kwento na muna to. Inaantok na ako nak eh. Hindi ko alam kailan mo mararanasan ang first love, pero sa ngayon, kami muna ang love mo ni Papa. Sa love nato, no complications.
Kung sa tingin mo inlove ka at nawawala ka na sa sarili mo, don't worry at wag magoverthink. Soon, everything will fall into place. Just trust the process because love will lead you home.
Sending lots of love from Heaven,296Please respect copyright.PENANAchegmtqNsh
Mama.
Ibinalik ko ang sulat sa envelope at tinutukan ang sunflower na petal. Hindi ko inasahan ang nabasa ko. Akala ko kasi, si Papa lang talaga ang lalaki sa buhay ni Mama. Hindi ko alam na once in her teenage years, naranasan niya ring magmahal ng iba.
Don't worry? Don't overthink? Just trust the process?
Mukhang mahihirapan ako dito.296Please respect copyright.PENANAIDTaK1S0uV