Nung nagstart ang week ng klase, talagang ginawa kong goal na malaman kung talaga nga bang magjowa na kami ni Jay.
Yun kasi yung pagkakaintindi ko sa sinabi ni Diego sa quote niya. He loves her but she's too blind to realize? Mahal ba talaga ako ni Jay at hindi ko lang talaga yun makita?
Ewan ko pero para masagot ko ito, nagsimula na akong magimbestiga at magcollect ng mga ebidensya.
Nung Monday, pagkatapos ng school, inimbitahan ako ni Jay kasama sina Ralph at Lanz, na kumain kami ng street food sa labas ng school. Nilibre niya ako.
Tapos nung Tuesday, after ng practice namin, pinauna niya yung ibang kabanda namin dahil gusto niya pa daw akong makasama. Well, technically nagpractice lang kami ng vocals ko pero ibig sabihin, gusto niya akong mas makasama nang mas matagal pa diba?
Tapos kahapon, nung Wednesday, sabi niya sabay daw kaming maglunch. Hindi niya ako nilibre pero ang cute kaya ng idea na gusto niya akong makasabay sa pagkain, diba?
Ngayon naman, Thursday, nasa Coliseum lahat ng Grade 10. May meeting daw para sa Year Level Fest. Katabi ko si Gab. Si Julia, absent.
Sa kalagitnaan ng program biglang tumabi sa kabilang side ko si Jay. Agad ko naman nilingon si Gab na mukhang nabigla rin kagaya ko. Ang mas ikinagulat namin ni Gab, biglang kinuha ni Jay ang kamay ko at inintertwine ang mga daliri naming dalawa.
Shet! Biglang bumilis ang tibok ng puso. Parang sasabog yata. Sino ba namang hindi kikiligin kung ang crush mo, hawak ang kamay mo in public? Hindi ako mapakali!
"So I'd like to remind everyone that exactly one week starting today, we will be holding our Annual Year Level Fest." pag-aanounce ng non-academic head namin. Nagcheer naman ang lahat.
Excited ako pero hindi na ako makapagconcentrate pa. Ramdam ko kasi na pinagpapawisan na ang kamay ko.
Biglang kinurot ni Gab ang tagiliran ko at may binulong siya sa tenga ko.
"Besh, di ko naman sinabing may boyfriend ka na pala?"
Bumulong naman ako pabalik sa kanya. "Gaga, nabigla nga ako eh! Pareho lang tayong walang alam dito."
Lumayo na si Gab at tumawa.
"Okay ka lang, C?" biglang tanong ni Jay.
"A-ah... oo naman." sagot ko naman sa kanya.
Nagpatuloy ang meeting na hawak pa rin ni Jay ang kamay ko at lagi lang akong kinikirot ni Gab. Grabe, mukhang mas kinikilig ka pa siya kaysa sa akin eh. Pinilit ko nalang ikalma ang sarili ko kahit mukhang puputok na ang pisngi ko sa init nito. Ayaw ko namang isipin ni Jay na nababaliw na ako.
Mga 11pm na nung natapos ang YLF meeting namin. Nagsimula na ring maglabasan ang mga estudyante.
"Hi, Jay. Musta ka?" bati ni Gab sa kanya. Wow, kailan pa to naging FC?
"Hi. Eto, masayang-masaya." sagot niya at ngumisi naman si Gab sa akin.
"Bakit?" dagdag ni Gab.
"Nag-out of town ang parents ko. Ibig sabihin, malaya akong gawin lahat ng gusto ko." Sagot nito.
Iba yata yung ineexpect ko na sagot. Akala ko kasi masaya siya dahil hawak niya ang kamay ko.
"So anong plano mong gawin?" tanong ulit ni Gab.
"Eh syempre, ano pa ba? Mag-oorganize ako ng house party sa bahay namin. Overnight to para mas masaya. Punta ka, C." yaya niya.
"Syempre naman. Gusto ko kaya ang mga party."
Wow naman, Chandria! Pangalawang beses na akong pumayag sa kanya nang hindi pa nagpapaalam kay Papa ah.
Tsaka overnight? Jusko. Ibig sabihin magsesleepover ako sa bahay nila? Pero baka sa house party na rin ako magkakafirst kiss. Shet! Biglang bumilis ulit tibok ng puso ko.
"Punta ka rin. Ngayong weekend na to." sabi ni Jay kay Gab.
"Ay sorry. May lakad kasi ako. Kayo nalang." nilingon ko naman siya. Wala naman siyang nabanggit na may lakad siya ah?
"Ikaw bahala." binitawan na niya ang kamay ko at tumayo. Ang pawis ng kamay ko kahit centralized naman ang aircon dito. "Magiging lit to, promise!" dagdag niya.
"Kayo nalang. Sure ko namang magiging masaya kayo kahit wala ako dun." sabi ni Gab at tumango naman si Jay.
"C, practice tayo mamaya after school sa amin. Tayong dalawa nalang muna. May lakad yung iba eh." sabi ni Jay tapos nagwink naman siya sa akin bago umalis.
Omg. Kaming dalawa lang?!
"Chandria and Jay kissing on the tree. K-I-S-S-I-N-G!" kanta ni Gab. Nabatukan ko tuloy siya.
"Teka nga, saan lakad mo this weekend?" tanong ko sa kanya. Nagsimula na din kaming maglakad palabas ng Coliseum.
"Hmmmm... sa dagat. Magpapaturo akong mag surf kay Diego." sabi nito at napahinto naman ako sa paglalakad.
Pansin kong ang close na talaga nila eh. Kailangan ba to nagsimula?
"Diba, ayaw na ayaw mo sa dagat kasi nahihilo ka?" tanong ko sa kanya.
Isang beses kasi, summer nun, naligo kaming tatlo ni Julia at Gab sa dagat. Tapos itong si Gab, kahit hindi pa nga nakalapit sa dagat, sumusuka na.
Hinarap ako ni Gab. "Actually, pinilit ko lang talaga siya tapos, nakulitan siguro sa akin kaya pumayag." tapos tumawa siya.
Hindi ko alam anong sasabihin ko kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
Habang naglalakad kami papuntang canteen para maglunch, biglang nagtanong si Gab.
"Okay lang naman sayo, Chandria, diba? Alam kong bestfriend mo siya pero promise! Wala naman akong balak palitan ka as best friend ni Diego." sabi nito.
"Okay lang. Ano ka ba?" sabi ko nalang pero sa kaloob-looban ko parang hindi ako okay.
Para kasing nagiging possessive ako at ayaw kong ishare si Diego? Parehong-pareho to sa nararamdamn ko kay Papa nung nalaman ko ang tungkol kay Anne. Pero ayaw ko namang maging selfish kay Gab.
"So, gusto mo ba talagang matutong magsurf o gusto mo lang makitang basa si Diego?" tanong ko sa kanya nang makaupo kami matapos naming mag-order.
"Yung totoo?" ngumisi siya. "10% sa gustong matuto tapos yung 90%, makita siyang basa." tapos tumawa naman siya.
Pinilit kong maging masaya at tumawa rin pero ang hirap para pag hindi talaga yun ng nararamdaman mo.
"Pagkatapos niyo sa dagat, punta nalang din kayo sa house party ni Jay. Mas marami, mas masaya." yaya ko.
"Hindi pwede eh. Sabi ni Diego, may magandang restaurant daw malapit dun kaya sabay na kaming magdinner."
"Wow." hindi ko na napigilang sabihin. "Mukhang iba na yan ha? Parang date na?"
Bigla naman siyang namula. "I know right! Ang cute talaga niya, diba?"
"Ewan ko sayo. Mukhang ikaw talaga yung may problema sa mata eh!" reklamo ko sa kanya at kumain nalang ng burger ko.
"Hay nako. Mas ewan ko sayo, Chandria! Kung ako ang nasa posisyon mo, tapos sabay kaming lumaki ni Diego, sigurado akong maiinlove na ako sa kanya! Nasa kanya na kaya ang lahat!" pagpupumilit nito.
Hindi ko nalang siya sinagot. Bakit di ko ba nakikita ang nakikita niya? Oo, mabait naman talaga si Diego, tapos magalang pa, tapos, matalino, tapos mabait, tapos gwapo, tapos TEKA NGA! ANO NA BA TONG PINAG-IISIP KO.
Ikain nalang natin to. Kung anu-ano kasi tong pinapasok ni Gab sa utak ko eh!
Bahala silang dalawa ni Diego. Basta kami ni Jay, masaya rin.313Please respect copyright.PENANA73nBkQ79TP