Naglakad na ako papunta kina Jay. Nung nagbell para sa dismissal, tumakbo na ako palabas ng campus. Medyo malayo kasi ang bahay nila Jay sa school pero gusto kong maglakad para nakapag-isip isip muna.
Naguguluhan ako eh. Hindi ko alam kung bakit pero parang lagi akong hindi mapakali. Oo, kinilig naman ako kapag may ginagawa si Jay pero bakit ganoon? Parang lagi akong wala sa sarili? Ganito ba talaga pag may nagugustuhan ka?
Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay nila. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Kinakabahan kasi ako.
"Hi, C!" bati niya. Mukhang kagagaling lang niya din sa school kasi nakauniform pa rin siya. "Pasok ka."
Pinaupo ako ni Jay at umalis siya muna para kunin ang guitara niya. Habang hinihintay siya, napansin ko naman ang mga litrato sa tabi ng TV nila. Tumayo ako at lumapit dito.
May mga litrato na kasama niya ang Mama niya. Ang ganda nito, parang artista. Mayroon ding litrato na kasama nito ang kanyang Papa at kagaya ni Jay, ang astig ng dating. Baka myembro rin siya ng isang banda. Tsaka ngayon ko lang nalaman na may nakakabatang kapatid pala siya na lalaki.
"Magsimula na tayo, C." nagulat naman ako nang biglang magsalita si Jay sa likod ko. Baka isipin niyang ang nangengealam ako sa buhay niya.
"Sorry, hindi ko maiwasang tignan. Ang ganda kasi ng mga kuha."
"Okay lang. Sige start na tayo." Biglang umupo siya sa sofa. Akala ko ba magpapractice kami? Bakit umupo siya?
Hindi nalang ako nagtanong. Baka pagod lang siya at ayaw niyang tumayo. Kaya naman, nung nagplay na siya ng guitara niya. Nagsimula na akong kumanta.
Hindi ko alam ilang beses ko nang kinanta to kaya kabisadong-kabisado ko na ito. As usual, ini-rough ko naman ang boses ko. Ewan ko ba nakit ito yung style na gusto niya. Sa totoo lang, ang sakit ng lalamunan ko every after practice namin dahil dito.
Sa kalagitnaan ng kanta, bigla naman akong pinahinto ni Jay.
"Bakit?" naguguluhang tanong ko.
"Pwede emote ka pa?" tanong niya. "Oo kaya, maglakad-lakad ka. Kunware final performance na natin."
"Naawakward kasi ako na nakaupo ka lang sa harap ko." pageexplain ko naman at nagroll eyes naman ito.
Yung naman talaga nararamdaman ko eh. Napaka uncomfortable kasi na nakatutok lang siya. In the first place, ayaw ko naman talaga ng kantang to.
Tumayo siya at tinabihan ako. "Eto? Okay na ba?"
"Okay na okay." Sagot ko.
Bigla siyang tumugtog ulit at this time, sinunod ko na ang sinabi niya. Naglakad-lakad ako at inimagine ko talagang nasa stage kami at final performance na. May patalon-talon pa ako at sinabayan si Jay na maghead bang.
Nang natapos ang kanta, pawis na pawis na ako. Biglang ang tahimik ng buong bahay nila at nung lumingon ako kay Jay, nakatutok siya sa akin, pawis na pawis din.
"Ang cool nun, C!" comento niya. Hindi ko naman maiwasang ngumiti.
"Thanks." tapos biglang tumahimik naman lahat. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso. Kinakabahan ako na anytime pwede siyang may gawin. Eto na ba yun? Ngayon ba ako magkakafirst kiss?
Biglang lumapit ni Jay at mas bumilis na nga ang tibok ng puso ko. Tinutukan niya ako sa mata at para bang anytime, hihimatayin na ako.
"Uwi na ako." bigla kong nasabi. Hindi ko rin alam san nanggaling yun.
Nagkibit-balikat naman siya. "Sige. Basta this weekend ha. Punta ka."
"Oo naman." sabi ko habang naglakad papunta sa front door.
"Magsleep over ka na rin." napahinto naman ako at nilingon siya.
"Marami bang magsesleep over?" tanong ko. Gusto ko kasing makampante.
Naupo siya sa sofa at nagplay ng mga chords. "Wag kang mag-alala. Baka maagang bumalik ang parents ko galing out of town." sabi neto.
"Sige. Kung nandito naman parents mo, sigurado akong papayang ang Papa ko."
Nagpaalam na ako at umalis. Habang naglalakad ako pauwi, iniisip ko na paano ako magpapaalam sa Papa ko. Sigurado akong hindi siya papayag. Lalong-lalo na sa bahay pa ng isang lalaki.
Pero inisip ko rin, pag di ako nagsleep over, baka naman di ko makuha ang first kiss ko, diba? Ugggh! Ang gulo.
Biglang naalala ko ang isang letter ni Mama. Baka may sagot siya at matulungan ako kaya tumakbo na ako pauwi.
Nang nakarating ako sa bahay, wala pa si Papa. Pero kahit wala pa siya, sinigurado kong ilock ang pinto ng kwarto ko. Kinuha ko ang box sa ilam ng kama ko at binuksan ito.
▪︎When I had my first kiss
Biglang lumapit sa akin si Chunk kaya kinarga ko siya at initabi sa akin sa kama. Tsaka ko binuksan ang letter.
My love, Chandria.
So pag-usapan natin ang first kiss. Ang uncomfortable naman pag sa Papa mo galing diba? Kung nabasa mo na to at nagkafirst kiss kana, edi congrats! Haha biro lang, nak.
Ako kasi, late bloomer. Lagi nga akong tinutukso ng mama ko kasi lagi raw akong late sa lahat. Sa baby bra, sa monthly period at sa first kiss.
Sa baby bra, alam ko naman na kahit 15 na ako nun, wala pa rin talaga eh. Yung mga kaklase ko, lahat nagbabra na. Medyo nainsecure naman ako kasi pakiramdam ko naiiba ako sa kanila. Kaya naman, nung pinasyal kami ni Mama sa mall, pinilit ko talaga siyang bilhan ako ng kahit isang baby bra lang. Pati saleslady natawa pa nga sa akin kasi bakit ko raw pinipilit.
Nung sa first period ko naman, maniniwala ka ba na ako yung last na nagkaroon sa buong section namin? Dahil, oo. Totoo to. Sinabihan pa nga ako ng mga babae kong kaibigan na bakit daw gusto ko nang magregla, eh ang sakit naman daw nun.
Pero ayaw ko kasing maiba sa kanila. Gusto kong maramdaman na talagang babae nga ako. So ayun, nung dumating na nga ang araw, halos gusto kong magtumbling sa tuwa. Ang dami pa ngang ritwal ang ginawa ng lola mo sa akin.
Imagine, pinaikot ako sa buong bahay ng tatlong beses? Tapos pinapunas niya yung dugo sa mukha ko. Malapit akong masuka nun pero pinilit talaga niya akong gawin yun. Kumuha rin siya ng gumamela at ipinahid sa mukha ko para daw hindi ako mamutla. Pinatalon rin niya ako galing sa ikatlong hakbang ng hagdan hanggang sa last. Basta, ang dami nun! Hanggang ngayon, di ko pa rin alam para saan lahat ng yun.
Anyway, sa first kiss naman. Yung first kiss ko, ang tagal din dumating. 15 ako nun eh. Halos lahat ng mga babae kong kaklase, nagchichikahan sila about sa unang experience nila. Tapos, nung tinanong nila ako sa experience ko, syempre wala akong masagot.
Kaya naman, naging desperado ako. Nung dance formal namin, sinabi ko talaga sa sarili ko na hindi-hindi ako uuwi basta't hindi ako magkakafirst kiss. So nung may lumapit sa akin na gwapo, sabi ko sa sarili ko, "Pwede na siguro to."
Nag-usap kami ng lalaki. Actually, dun ko lang nalaman classmate ko siya sa isang subject. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan niya ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naupo lang ako na medyo nakabukas yung lips ko. Bigla naman niyang ipinasok ang dila niya sa bibig ko kaya itinulak ko siya palayo at tumakbo ako sa labas. Para kasing ang bilis ng pangyayari. Nabigla talaga ako.
Nagtext ako kay Lolo mo na gusto ko nang sunduin niya ako. Habang naghihintay ako, umiyak nalang ako nang umiyak. Pakiramdam ko kasi may nakagawa akong mali. Thank God, hindi na nagtanong lolo mo kung anong nangyari. Niyakap lang niya ako.
Pero dito na naging interesting ang kwento ng una kong halik. Bago palang ako naging 16 nun at may camping kami. Kilala mo na ba si Austin? Kung hindi pa, basahin mo muna yung "When I first fell in love".
Tapos na? Sige, ipagpatuloy na natin ang kwento ko.
Yun nga, may camping kami. Sa may dagat yun eh. Halos lahat ng teachers tulog na. Konti nalang ang naiwan at nagstandby sa dagat. Si Grace, mukhang nauna na rin sa cabin namin. Hindi ko na kasi siya nakita pagkatapos ng bonfire. That time kasi, balita ko nagcool off sila ni Austin.
So ayun, magkatabi kami ni Austin nun. Walang nagsasalita. Pareho lang kaning nakatingin sa dagat at pinapakinggan ang alon. Tandang-tanda ko pa nung gabing yun, punong-puno ang kalangitan ng mga bituin. Ang perfect lang ng setting, tapos katabi ko pa si Austin.
Biglang naramdaman kong nakatingin si Austin sa akin kaya napatingin na rin ako sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko nun. Biglang inilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan niya ako. Hinalikan ko rin siya at parang ayaw ko na matapos ang gabing yun.
Pero despite the fact na parang nasa ulap ako dahil sa saya, di ko maiwasang mapansin ang amoy ng alak galing sa bibig niya. Pero basta! Yung talaga ang first kiss ko. Hindi counted yung nasa dance formal kasi hindi ko naman siya hinalikan pabalik.
Hanggang dito nalang muna nak. Ang ingay mo na kasi. Umiiyak ka ngayon sa crib mo. Mukhang gusto mo na ng gatas. Basta, ito lang tandaan mo:
There's a difference between kissing someone because 313Please respect copyright.PENANAobq3R6CUsM
you think they're attractive 313Please respect copyright.PENANA6nfpBUO9lA
and kissing someone because 313Please respect copyright.PENANAsFGAYTRzYR
you love them.
Love and Kisses from Heaven,313Please respect copyright.PENANAj8NexqOJfE
Mama.313Please respect copyright.PENANA5YjFsUGYcy
313Please respect copyright.PENANAB6mhMVGjBt
Binasa ko ulit ang quote na bigay ni Mama sa huling parte ng sukat niya.
Bigla naman akong napatanong sa sarili ko.
Mahal ko ba talaga si Jay? O nagugwapohan lang ako sa kanya?313Please respect copyright.PENANABQhEAf9TwF