Sa kakatakbo ko, hindi ko namalayang nawawala na pala ako. Hindi ako pamilyar sa lugar na to at ang dilim pa. Ang lakas pa rin ng buhos ng ulan at basang-basa na ako. Ilaw lang galing sa isang poste ang nandito.
Tinignan ko ang paligid at tanging inabandunang subway lang ang nakikita ko. Wala ring shed kung saan pwede akong sumilong muna. Sa di kalauyan, may nakita akong grupo ng mga lalaki na parating. Bigla akong kinabahan. Biglang naisip ko na baka may gawin silang masama sa akin o di kaya'y marape ako.
Parang nawala bigla yung hilo ko. Ang dami-dami ko nang naiisip at mukhang napapanic attack na ako kaya naman tumakbo na at napagdesisyunan kong magtago nalang muna sa isang makitid na alley malapit sa subway.
Narinig kong papalapit na talaga sila kasi lumalakas na ang mga boses ng mga lalaki. Hindi ko alam kung nakita ba nila ako o kung ako ba talaga ang pinupunterya nila pero agad kong nikuha ang cellphone ko sa bag ko.
Medyo nasa ilalim ito ng mga damit ko at nung nakita ko ang pajamang dala ko, gusto ko namang maiyak ulit. Pakiramdam ko kasi ang gaga ko.
Nang naramdaman ko na ang phone ko. Naalala ko yung sinabi ni Julia na kapag may problema, tawagan ko lang siya. Pero pagginawa ko naman yun, parang ipinahiya ko lang ang sarili ko. Na tama nga talaga siya at ako itong bobo na sinabing magiging okay lang ang lahat.
Kaya tinawagan ko ang unang taong naisip ko.
Si Diego.
Mabuti nalang at agad niyang sinagot ang tawag ko sa unang ring palang.
"Chandria, kamu-"
"Tulong!" agad kong sabi sa kanya. "Tulungan ko ako, Diego." mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Nasaan ka? Di kita marinig nang mabuti, Chandria."
"D-di ko alam, Diego."
"Anong nakikita mo sa paligid mo?" mukhang nagpapanic na rin ang boses niya.
"Isang inabandunang subway. Nasa may magilid ako na alley sa tabi nito." napakagat ako ng labi ko para pigilan ang mga hikbi ko. Nakikita ko na kasi ang mga anino ng mga lalaki.
"Alam kong nasan ka. Wag kag umalis. Diyan ka kang. Papunta na ako." at inend call na ni Diego.
Mga limang minuto ang nakalipas at tumila na rin ang ulan. Narinig ko ring naglakad na papalayo ang mga lalaki. Nakahinga naman ako ng maluwag pero kinakabahan pa rin ako kasi baka nasa labas lang sila at hinihintay ako.
Ilang saglit pa ay may nakita akong lalaking palapit sa akin. Hindi ko masyadong makita ito dahil ang dilim at nagbublur na rin ang mga mata ko kakaiyak.
"Chandria?" tawag nito. Syempre, kilalang-kilala ko ang boses na yan.
Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at nakita si Diego sakay ang isang bike at mukhang basang-basa ito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya.
"S-salamat at dumating ka. Hindi ko alam aning gagawin ko. Akala ko may masama nang magyayari sa akin. Akala ko hindi na a-"
"Shhhh. Okay na, Chandria." Niyakap niya ako nang mahigpit. "Wag ka nang mag-alala. Ligtas ka na. Nandito ako."
Dahil sa sinabi niyang yun, humagolhol na talaga ako. Masaya akong nandito na siya. Pakiramdam ko ayos na ang lahat. Na hindi ko na kailangang mag-isip pa ng kung anu-ano.
Si Diego lang talaga ang may kayang iparamdam sa akin ito.
•••
"Mabigat ba ako?" tanong ko kay Diego. Angkas kasi niya ako ngayon sa likod ng bike niya.
"Hindi, para ngang wala akong sakay sa likod eh. Kaya dapat kumain ka pa. Wag kang magdiet."
Natawa naman ako dun. "Hindi kaya ako nagdidiet. Sinasabi mo lang naman yan para mapatuyanan mong ang lakas mo." nakita ko namang siyang ngumiti.
"Bakit ba kasi nandun ka? Akala ko ba nasa party ka?"
Naalala ko tuloy anong nangyari sa Party at sa loon ng kwarto ni Jay. Ayaw ko nang paalala pa ulit yun. "Ayaw ko dun. Di naman ako nabibilang dun." sabi ko nalang sa kanya.
"Ba't pumunta ka pa kasi? Gusto ko ba talaga yung Jay na yun?" tanong niya. Sa totoo lang? Hindi ko na talaga alam eh. Talagang nagugihan ako kaya iniba ko nalang ang topic.
"Teka nga. Bakit ang bilis mo yatang dumating? Ang layo kaya ng bahay niyo rito?" tanong ko naman sa kanya.
Bigla siyang napabreak kaya nauntog ko ang ulo ko sa likod niya.
"Sorry." sabi nito at nilingon ako. "Ayos ka lang?"
"Okay lang. Di naman masakit." Mas masakit yung nararamdan ng puso ko ngayon eh. "So bakit nga?"
Bumaba ako sa pagkaka-angkas at hinarap siya. Di siya makatingin sa akin.
"Buttcheek." tawag ko sa kanya. Bakit ba lagi tong umiiwas ng tingin?
Lumingon naman siya ulit sa akin at tinutukan ang mga mata ko. Ito na naman tong tutok niya na parang magnet. Di ko maalis mga mata ko.
"Ang totoo kasi, nalaman ko kay Gab kanina na magsesleep over ka sa bahay ng Jay na yun. Kaya pagkatapos ng dinner namin, dumiretso ako sa may park malapit sa bahay ni Jay. Ewan ko, nag-alala lang naman ako sayo. Baka kung anung mangyari. Di ako mapakali." pageexplain nito at umiwas ng tingin.
Bigla naman na may kung akong saya ang naramdaman ko. Na para bang may bagong dugong nananalaytay sa mga ugat ko at pakiramdam ko, buhay na buhay ako.
Nag-aalala siya sa akin? I mean, syempre mag-aalala siya diba? Best friend kaya niya ako. Pero bakit iba tong nararamdaman ko?
"Diego. Seryosong tawag ko sa kanya.
Humarap naman siya sa akin. "Bakit?"
"Pwede ba akong... pwede ba akong overnight sa inyo?" nagakat ko ang labi ko. Ewan ba't naawkward ako bigla.
Kumunot naman ang noo niya at nag-isip.
"Sige na. Paalam ko kasi kay Papa mag-oovernight ako. Kapag bigla nalang akong umuwi, mag-alala lang siya." pag-eexplain ko.
"Tara, sakay na. Baka magkasakit ka pa. Lumalamig pa naman."
Pinigilan ko namang makapngiti ay sumakay na ako sa likod niya.
"Thanks, Buttcheek!" Nilibot ko ang braso ko sa bewang niya at isinandal ang ulo ko sa likod niya. Ramdam ko namang medyo nagtense bigla ang likod niya.
Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Ang peaceful lang. Ramdam na ramdan ko ang simoy ng hangin at parang ang ganda yata ng langit ngayon? Parang may kung anong magandang ambiance ang nakapalibot sa paligid.
Ibang-iba to kaysa nung sakay ako sa kotse ni Jay. Na kulang nalang lalabas na ang kaluluwa ko. Na parang anytime, pwedeng may mangyaring masama sa akin. Na kung pipikit lang ako saglit, baka hindi na ako magising pa.
Pero ngayon, kasama si Diego, kahit siguro nakapikit ako buong byahe, alam kong hindi niya ako ipapahamak. Alam kong dito sa tabi niya, ligtas ako.327Please respect copyright.PENANAamnZHuUhHk