Kinabukasan, akala ko hindi na namin pag-uusapan si Anne. Pero nung nagbreakfast kami ni Papa, siya lang ang bukambibig niya.
Favorite ko pa namang tong sabay kaming kumakain ni Papa kasi ang layo ng mga topics na inaabot namin eh. Once nagtopic kami tungkol sa mga conspiracy theories, yung mga aliens, mga alamat at kung anu-ano pang mga interesadong topics.
Pero ngayon? Parang nawawalan ako ng gana.
"Panget, ngayon yun lakad ko ha?" paninimula ni Papa habang inihahain nya yung request kong pancakes.
"Nasan yung chocolate syrup, pa?"
"So mamayang gabi, pupunta muna siya rito para makita ka at para rin makita mo siya." sabi niya habang inaabot ang syrup.
"Ba't sunog tong isa pang pancake, pa?"
"Tapos, siguro pupunta kami ng park, yung maraming ilaw? Dinala kita dun dati, diba? Baka magustohan din niya."
"Iba yata lasa nitong pancake ngayon pa?"
"Alam mo bang mahilig din siya sa aso, kagaya mo? Baka magustuhan niya rin si Chunk."
"Ah, hindi pala yung pancake, yung syrup pala yung problema."
"Sa tingin ko naman, magkakasundo kayo, eh."
"Pa, next time, maple syrup nalang yung bilhin natin ha? Ayaw ko na sa chocolate."
"Pagkatapos sa park, baka may gusto pa siyang puntahan kaya gagabihin ako ha?"
"Pa, tignan mo nga ang meme nato? Nakakatawa!" Ipinakita ko sa kanya ang phone ko pero kinuha niya ito at inilapag sa table.
"Chandria, pagpunta niya dito, gusto ko sanang maging mabait ka. Kahit hello lang o kaya, magpakita ka kang."
"Oo na." sabi ko. Magpapakita, pwede. Magpapakabait? Ewan.
Ughh! Wala na akong gana. Para inisin si papa, kinuha ko ang phone ko at nagInstagram habang kumakain. Ayaw na ayaw niya kasi to. Bawal ang phone sa dining table.
Nagdesisyon akong itext nalang ang mga kaibigan ko.
Hoy, may big news ako sa inyo! Nauna pang magkagirlfriend papa ko kaysa sa akin.
Isinend ko to kay Julia, Gab at Diego.
Ilang minuto, nagreply silang tatlo pagkatapos naming magbreakfast.
Julia: Okay ka lang, Chandria? Punta ka dito sa bahay. Sleepover tayo.
Gab: Bilis-bilisan mo na kasi moves mo kay Jay. Anyway, wag kang iiyak diyan! Babatukan kita!
Diego: Chandria, kailangan mo ng kausap? Tumawag ka lang. Nasa dagat pa ako pero sasagutin ko agad tawag mo kahit nasa gitna ako ng dagat.
Napabuntong-hininga nalang ako. Alam kong nag effort naman silang tatlo na icheer up ako pero wala talaga eh. Ang lungkot pa rin.
Nagdesisyon akong ikulong ang sarili ko sa kwarto. Pero siniguro ko munang magdala ng mga snacks galing sa kusina para di ko na kailangang lumabas pa. Wala akong planong makita si Anne.
Kinuha ko ang laptop at nagdesisyong magKdrama nalang ako. Baka pag nakita ko si Park Seo Joon, kahit papano sasaya ako.
Nung natapos ko na ang Kdrama, napansin kong madilim na pala. Tinignan ko ang oras. 6pm.
Biglang may narinig akong kotse sa labas ng bahay kaya tinignan ko sa binta at may babaeng bumaba sa driver's seat at naglakad papunta sa front door. Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya pero base sa suot niya, mukhang napakaclassy nito.
Mabilis kong nilock yung pinto ng kwarto ko at kinuha ang airpods ko. Full volume ulit para di ko marinig si Papang kumatok.
Nang nakatapos ako ng isang episode, tinignan ko ulit ang oras. Malapit nang mag 7. Mukhang wala na rin sila. Nagugutom na rin ako kaya nagdesisyon akong lumabas. Gusto ko nang magdinner.
Pagdating ko sa kusina, nakita kong may nakahandang dinner para sa kin. Pinaglutuan pa talaga ako ni Papa bago umalis.
Nakabuntong-hininga ako. Paano na ako magagalit sa kanya? Eh kahit nagsusungit na ako dito, pinaghandaan pa rin ako ni Papa ng pagkain? Nakakainis naman to oh. Ano nang gagawin ko sa galit ko?
Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko nalang ang mga plato para madistract ang utak ko. Hindi ko kasi mapigilang isipin na may date si Papa ngayon kasama ang ibang babae. What if ako yung topic nila diba? Tapos nagtatawanan sila ngayon kasi ang sama kong anak.
Uggh! Nakakainis talaga! Kung anu-ano nalang kasi tong naiisip ko.
Bumalik na ako sa kwarto ko pagtapos kong maghugas ng pinggan. Nabobored ako kaya nagdesisyon akong maglinis nalang ng kwarto ko. Ang kalat na kasi.
Ako lang ba ang ganito? Yung mas gusto kong maglinis nang hindi inuutusan. Kasi kung uutusan akong maglinis, parang ayaw ko. Ewan, nababaliw na yata ako. Nagpatugtug nalang ako ng music para mas mamotivate ako.
Nagpatuloy ako sa pag-ayos ng desk at kama ko at pagkatapos ng ilang minuto, napagdesisyonan kong ayusin nalang din ang closet ko. Nasa sahig na kasi yung ibang damit dahil puno na ito. Paulit-ulit lang naman ang mga sinusuot kong damit kaya hindi ko alam ba't ang dami nito.
Kumuha ako ng dalawang box. Yung isa, mga damit na gusto kong ipamigay o idonate. Tapos yung iya, yung mananatili sa closet.
Habang inaayos ko ang closet ko, naisip ko si Jay at yung mga interactions namin. Pero bakit ganun? Kahit yun di nagpapacheer up sa nararamdaman ko? Kahit anong distract ko sa sarili ko, si Papa pa rin ang naiisip ko.
Ughhh! Nakakainis talaga.
Ilang minuto ang lumipas, natapos ko nang ayusin ang closet ko at ang luwag na nito. Ang dami ko kasing damit na gustong idonate. Di ako sanay na ang dami pang space dito.
Binuhat ko ang box. Takte! Ang bigat pala nito. Nagsimula na akong maglakad nang may maramdaman ako sa may papa ko. Tinignan ko kung ano ito at narealize kong box yung kung saan ko initatago lahat ng letters ni Mama.
Inilapag ko muna ang donation box at kinuha ang box na may mga sulat ni Mama sa loob.
Naglakad ako mapunta sa kama ko at umupo. Binuksan ko ito at kinuha lahat ng letters sa loob. Lahat amoy vanilla pa rin. Yung pinakaunang letter na kabisadong-kabisado ko, ang daming tupi. Lagi ko kasing hawak to nung bata pa ako.
Binilang ko lahat ng letters sa loob. 15 lang. Oo nga pala! Naitapon ko yung isa sa closet ko, diba? Nasan ba yun?
Pumasok ulit ako sa closet ko at nakita ang last letter sa may ilalim ng isang cabinet. Kinuha ko ito at bumalik sa kama.
Ngayon ko kang napansin ang itsura nito. Mas makapal ito kumpara sa iba. Tapos yung envelope, ito lang ang may sign ni Mama. Bigla naman akong nalungkot. Last na ba talaga to?
Huminga ako ng lalim at inayos ang upo ko. Sa tingin ko, oras na para basahin ko to. Wala namang mawawala, diba?
Binuksan ko ang envelope. Sa loob, mag tatlong papel. Ito na yata ang pinaka mataas na sulat ni Mama.
Sinimulan ko nang basahin ito.
My love, Chandria...
Happy sweet 16th baby! Pero habang sinusulat ko ito, nasa loob ka ng kama mo at ang himbing na ng tulog mo. Ang kulit mo kasing bata! Tuwing natutulog ka lang talaga tahimik.
Kung pwede lang, ayaw ko nang matulog para mapanuod lang kitang natutulog. Gusto ko sana na sa bawat gising mo sa umaga, ako yung unang makikita mo.
Nak, siguro, sa edad mong to, alam mo na na may terminal cancer si Mama no? Hindi ko na pwedeng sabihin na naubusan na ng angel si God kaya pinapunta na niya ako sa heaven haha!
Almost 1 year ago, sabi nang doktor ko, I have only 10 months to live. Nung nalaman namin to ni Papa, ayun si Papa mo umiyak! Nakakahiya sa doktor. Natawa nalang ako. Para kasing siya yung mamamatay eh. Inagaw pa moment ko.
Sabi ng doktor, wag muna akong lumabas ng bahay at pagpahinga lang para mas mapataas pa yung 10 months. Pero sabi ko sa Papa mo, gusto kong gawin lahat ng gusto kong magawa bago ako mamatay.
Isa na dun ang kumanta nang kumanta. Halos araw-araw nasa harap ako ng karaoke, kumakanta hanggang sa maubos boses ko. Sayang, ang ganda kaya ng boses ko. Sana magmana ka sa akin. Yung boses kasi ng papa ko, ang sakit sa tenga!
Pangalawa, gusto kong sulatan kita ng 100 letters in case na kumain ka ng maraming pancit ang tumaas pa lalo ang buhay mo. Para sa tuwing birthday mo, mararamdaman mo pa rin na nandito si Mama. Nasa tabi mo lang ako palagi.
Pero nak, ubos na 10 months ni Mama ngayon eh. So far, 15 palang nasulat ko. Ito na siguro yung last. Ito lang kinaya ni Mama.
Nak, wala nang natitirang lakas sa katawan ko. Ang daming gamot ang iniinom ko pero pagod na pagod na ako. Halos buong umaga na nga akong tulog eh. Alam mo ba, kaninang umaga, hindi ko makain ang mac n cheese ko. Nak, favorite ko yun! Pero wala eh. Pagod na pagod na ako.
Hindi ko alam, hanggang kailan pa ako gigising sa umaga. Bukas, ni hindi ko alam kung gigising pa ako. Kaya may plano ako.
Chandria, pumunta ka sa bahay ng lola mo. Sa dati kong kwarto, may mga sulat akong initago doon sa ilalim ng kama ko. Nasa loob yun ng isang red box. Sinabihan ko ang lola mo na wag gagalawin ang gamit ko, maliban sayo.
Pero nak, choice mo na yun kung gusto mong basahin o hindi. Okay lang kung hindi. Nung 16 ako, hindi rin naman ako nakikinig sa mama ko hehe. Basta nak, alam mo na kung saan hahanapin yun.
Hindi yun mga birthday letters lang kagaya nung dati. Secret lang natin to dalawa ha? Pero sa loob ng mga yun ay mga kwento ng buhay ko. Mga kwentong kahit lola mo o papa mo, hindi alam. Doon, mababasa mo yung first crush ko, yung first love, first kiss at marami pang sekreto ng kabataan ko.
Mahal na mahal ko papa mo pero minsan sa buhay ko, kagaya mo, naging 16 din ako.
Nak, di ko na kaya magsulat. Akala ko takot akong mamatay. Pero narealize kong hindi. Takot lang pala kong iwan ka sa mundong ito at hindi ka makitang lumaki.
Nak, kung gusto mong mabasa ang mga sulat na initago ko, yun na yung 16th birthday gift you sayo ha?
Chandria, my first born, my only baby, I love you always from heaven.
Love, Mama.
Pagkatapos kong mabasa to, hindi ko alam anong mararamdaman ko. Hindi ko alam paano mag react. Tinutukan ko lang ang letter sa kamay ko.
Kahit di ko maalala ang mukha ni mama in person, may mga pictures naman akong nakita sa kanya. Kahawig ko siya. Brown wavy hair, may freckles, and pareho din ang ngiti namin.
Pero ngayon, iba eh. Kahit sa pagbasa lang ng letter nato, pakiramdam ko naririnig ko boses niya. Kahit sulat niya to nung bata pa ako, pakiramdam ko talaga, kausap ko lang siya ngayon. Biglang tumayo balahibo ko at mukhang may luhang bumubuo na sa mga mata ko.
Pagod na pagod na siya pero pinilit niyang matapos ang sulat na to.
Gusto kong tumakbo papunta sa bahay ni Lola para basahin ang iba pang sulat, pero paano kung naitapon na ni lola to? Paano kung ang mga sulat na pwede pang maging koneksyon ko kay mama ay wala na?
Humiga ako sa kama ko at muling binasa ang sulat.
Kahit ilang minuto lang, gusto ko sanang mayakap si Mama. Kahit isang beses lang sana.342Please respect copyright.PENANAH78QTiWqbT