Chapter 16
From: Unknown number
Kami po ang iSurvey Philippines. Pasensya na po sa istorbo. Ano pong fave flower niyo?
Reply:
Ah okay po. Maganda po yung chrysanthemums.
From: iSurvey
Ang hirap naman daw hanapin niyan
Reply:
Edi gerbera daisies nalang po. 2nd sa fave ko.
From: iSurvey
Hirap pa rin daw hanapin e???
"Ano'ng ginagawa mo?" Tiningala ko ang nagtitinda na inaabot na pala sa akin ang sukli sa binili ko nung nagtanong si Anika. "Busy, ah?"
Nililingon ko ang kasama sabay tanong ng, "Girl, may nagte-text ba sa'yo na survey daw?"
"Wala naman, bakit?" Ipinapakita ko sa kanya ang number na nagte-text sa akin at pinabasa nang kaunti. She suddenly gasps. "Ay, girl! Huwag kang nag-re-reply sa mga ganiyan, alam mo ba bali-balita na tina-track daw nila 'yung location mo something like that tapos ki-kidnap-in ka! Kukunin lamang loob mo! So gross!"
Umuuwang ang aking bibig at mabilis na nilagay sa bulsa ang cellphone ko. Tinatakot naman ako ng babaeng 'to, e!
"Totoo ba?!"
She nods exaggeratedly with a frightened expression. "Oo raw, may kakilala yung Mommy ko na na-kidnap for ransom! Nakakatakot!"
Kinikilabutan ako sa isipin na baka nga tracker slash kidnapper ang nagte-text na ito.
"Hi, Ate Anika. Eto po kasing friend ko may crush sa inyo, pwede pong magpa-picture?"
Hindi rin nagtagal ang takot na nararamdaman ko dahil sa isang lalaking schoolmate na taga-lower level na bigla-biglang humaharang sa aming dinaraanan. Nagtaka ako sa sinabi nito. Bakit hindi na lang sila ang mag-picture, bakit kailangang mang-utos pa?
Sasagutin ko sana ito pero biglang nagsalita ang aking kaibigan.
"Sure!"
Kunot-noo kong pinagmamasdan si Anika na tumabi roon sa babaeng may maikling buhok. Doon ko lang din na-realize ang ibig sabihin nung lalaki kanina.
Isang kalabit sa braso ang naramdaman ko, nung nililingon ko kung sino iyon ay si Draven pala kasama sina Kyle at Joseph.
"Kumain ka na?" he asks in a low voice.
Kumakaway si Kyle samantalang si Joseph naman ay lagpas ang tingin sa akin.
"Kakain pa lang," sagot ko sabay nginunguso ang hawak-hawak na tray na naglalaman ng pagkain namin ni Anika.
Hindi ko maiwasang sipatin si Draven habang nasa harap ko siya. Himala at nakaayos ulit ang buhok nito ngayon, sinipag sigurong maglagay ng gel kaya naman ang may kahabaang buhok ay hindi na natatakpan ang kanyang mukha.
Pinagmasdan ko rin ang kanyang uniform mula ulo hanggang paa. Malinis na malinis at parang hindi nagagalaw.
"Bagay sa'yo ang vest natin," saad ko.
Sayang nga at tuwing Friday lamang kami nakasuot ng vest, mas disente siyang tignan kapag suot ito at hindi mukhang galing sa sabungan.
"Lahat naman bagay sa akin," pagyayabang nito dahilan para maglaho ang dapat na igagawad kong ngiti.
Kung hindi lang dahil sa hangin sa katawan niya, baka madalas ko siyang puriin. Kaso talagang nakakabwiset, e.
"Giana girl, tara na? Hi, Dra."
Agad kong tinalikuran si Draven at hinarap si Anika na tapos nang makipag-picture taking.
"Sige tara, nagugutom na ako."
Kaagad ko siyang hinila sa uniform at hindi na ulit nilingon si Whatever. Mahirap na at baka kwestiyunin pa ng kaibigan ko kung ba't nag-uusap kami.
From: iSurvey
How about chocolate po? Any specific brands that you like?
Nag-text na naman itong iSurvey daw habang kumakain kami ng lunch na magkakaibigan. Nakikinig lang ako kanina sa usapan nila tungkol sa kumakalat na chismis about sa kakilala naming college student na nahuling two-timer hanggang sa guluhin na naman ako nitong unknown number.
"Hindi naman sa sinasabi ko na dahil mahal niya 'yung dalawa e dalawa na rin ang pipiliin niya. Different kinds, okay? Mahal na hindi niya kayang pakawalan and mahal na kaya niyang i-let go."
Si Celene at Yna ay nagdidiskusyon tungkol sa hindi matapos-tapos na drama. Gusto ko sanang makisali kaso mas nacu-curious ako kung totoo nga bang masamang tao ang nagte-text sa number ko.
Reply:
Kidnapper po ba kayo?
Mabilis na nag-reply si iSurvey.
From: iSurvey
Hndi po ah! Survey lng po tlga aq at kau ang assigned na numero saqn :(((
Reply:
Weh?
"Ayan na naman siya." Nilingon ko si Anika na nakatingin sa 'king cellphone.
Ngumingiti lang ako at muli itong ibinalik sa loob ng aking bulsa saka nagpatuloy kumain.
Nakikinig lang ako sa usapan nila nung biglang mabanggit ang nalalapit na birthday ni Yna next week.
Bibilhan ko na ng regalo si Yna mamaya tutal ay lalabas naman ako. Isasabay ko na lang siguro sa lakad namin ni Whatever.
"Saka malapit na ring magsimula 'yung sunod-sunod na events ng mga club. Kukuhanin ka ba ulit na choreo, Gi?"
Sabay-sabay nila akong tinititigan na parang alam ko na ang sagot.
Naisip ko na nga rin iyon kung sakaling may program, it's either kunin akong choreographer ng school or sa magiging laban ng bawat section.
Kaso hindi naman ako nababayaran doon, e. If ever man na maging hadlang ito sa trabaho ko kay Draven (kung saan sumusweldo ako) baka hindi ko na lang din tanggapin.
Ngiti na lang ang naisagot ko bago nagkibit-balikat. Ayoko munang isipin at marami na akong problema.
"Giana baby!"
Katulad kahapon ay dito ulit kami nagkita sa eskenita sa gilid ng karinderya. Nakasakay ulit si Whatever sa motor pero ibang klase na iyon, mas simple pero mukhang mamahalin pa rin.
"Bakit iba? Nasa'n 'yung motor kahapon?"
Bago pa siya bumaba ay kusa na akong lumapit at nagpalagay ng helmet.
Sumagot siya habang kinakabitan ako ng helmet. "Wala. Iniwan ko sa garahe."
Nang maikabit na ang helmet ay napatingin ako sa uupuan ko, pantay na ito sa kaniya hindi tulad kahapon na mas mataas ako. Kaso, nakapalda naman ako ngayon!
"Paano ako sasakay diyan?" Idinuduro ko ang kanyang likod.
He gives me a confused look. "E 'di umangkas ka?"
Tinitignan ko siya nang masama bago tinuro ang itim kong palda. Although mahaba naman ito, ayoko pa ring bumukaka 'no! Napatango ang lalaki nung ma-realize ang tinutukoy ko.
He taps the seat. "Maupo ka nang nakatagilid, Giana baby, tas kapit ka sa boyfriend mo nang mahigpit." Sumisilay na naman ang nakakabwiset niyang ngiti pagkatapos magsalita.
My brows arch. "At pa'no kapag nahulog ako riyan?"
Parang ipinagsasawalang-bahala niya lang ang concern ko at nagpatuloy sa pamimilit sa aking maupo.
"Hindi ka naman nahulog kahapon, ah? Kaya nga sabi ko, kapag natatakot ka, yumakap ka sa akin para 'di ka malaglag."
Sumakay na lang talaga ako nang nakatagilid at kumapit sa kanyang balikat kahit nag-aalangan..
'Di ako yayakap! Never!
Tinapik ko ang kanyang balikat at nagsimulang magbanta. "Magbilang ka, kapag ako talaga nahulog—Draven!"
Sutil na Draven talaga! Nag-aayos pa lang ako ng upo ay bigla na namang nagpaharurot!
"Draven Velasquez!" I scream his name out of frustration and fear. Pakiramdam ko ay mahuhulog ako sa tuwing nag-o-overtake ang damuho!
Naiiyak na ako sa takot kaya sumuko na rin ako. Yumakap ako nang mahigpit sa kanyang bewang para hindi ako tuluyang mahulog.
"Ayan, Giana baby! Good girl!" pang-aasar pa nito nang ilagay ko ang kamay sa bandang tiyan niya.
I feel him hold my hand for at least five seconds. Parang bang ina-adjust. Gusto ko man siyang sikmuraan ay baka mag-cause pa iyon ng aksidente.
"Bwiset ka!"
"Lagi ka nang yayakap sa akin kasi lagi tayong magmo-motor!"
"Asa ka! Ngayon lang!"
Para kaming hindi nakasakay sa motor dahil sa pagbabarahan namin kahit nasa kalsada. Hindi ko na tuloy napansin na andito na kami sa papasukan ko at nagpa-park na siya. Nasabi niya na sa akin nung nakaraan na iisa lang ang may-ari nitong resto sa franchisee ng isang sikat na fast-food chain sa sentro, mas kailangan lang daw ng tauhan dito kaya rito ako naipasok nung manager na kakilala ni Draven.
Nasa Poblacion pa rin naman kami pero medyo malayo sa sentro kaya ibang ruta na ng jeep ang dumadaan at mukhang paikot hanggang Santa Fidela . Kailangan pa tuloy maglakad hanggang terminal para sa jeep na pauwi sa bahay. Iniisip ko na kaagad ang pag-uwi ko kapag madilim na. Nakakatakot pero kakayanin ko naman siguro.
Kinukuha na ni Draven ang paper bag na kanina ko pa napapansing nakasabit sa may hand grip niya, mukha itong regalo. Mas pinagtutuunan ko na lang ng pansin ang entrada ng restaurant. Madalas na itong ma-feature sa telebisyon dahil sa hinahanda nilang cousine. Alam ko nga'y meron din silang branch sa Santa Imelda.
Sabay kaming pumasok sa loob ni Draven at halos malula ako sa dami ng tao. Puno lahat ng mga lamesa!
"Good afternoon, Ma'am and Sir! Welcome to Sabroso Cuisine!" Salubong ng isang staff na babae.
"Hi, we're here to see Mr. Alcido," ani Draven dito.
Napangisi ako nung mapansin na halos magkaparehas kami ng school uniform sa mga staff.
"Ayos, ah? Bagay ka pala rito, Draven, mukha ka ring waiter, oh," binubulong ko rito. Bumaba ang tingin niya sa akin at binigyan lamang ako nito ng isang pag-ikot ng mga mata.
Lalo lang akong nasisiyahan na asarin siya.
Sinundan namin ang babaeng staff na iginigiya kami sa likod na bahagi ng resto. Doon ay may natanaw akong matandang lalaki na nasa tapat ng counter at may tinitignan na parang mga resibo. Umangat ang tingin niya sa amin at agad na napangiti.
"Draven Velasquez, finally! Good afternoon, hijo!" pagbati nito nang makalapit kami. Malapad pa ang kanyang ngiti at hindi ko inaasahan na magkakamayan pa talaga sila ni Draven!
"Good afternoon rin po. This is Giana, a friend of mine," pagpapakilala rin sa akin ni Draven sa matandang may-ari. Malugod kong tinatanggap ang inaalok niyang pakikipagkamayan. "Thank you very much po talaga, Sir. This will be a huge help para sa proyekto namin."
Ngumiti ang may-ari at tinapik pa ang balikat ng kasama ko. "Don't you worry about it. Nangangailangan din naman talaga kami ng tulong. Good thing at lumapit si Raymond sa akin. Thank you rin sa inyo."
"Thank you po," ani ko. Dahil nagpapasalamat si Whatever ay nakigaya na rin ako. Hindi ko ma-gets ang pinag-uusapan nila dahil abala akong tignan ang magiging work place ko sa susunod na mga buwan.
Pagkatapos naming makipagkilala ay inilibot pa kami ni Mr. Alcido sa pasilidad. Nakasilip kami sa kitchen kung saan nagluluto ang mga chef, pati na ang employee's lounge kung saan may mga locker na naka-reserve para sa amin, nakatapak na rin kami pati sa cleaning area kung saan ako nakatoka.
Ilang minuto kong pinagmasdan ang gawain doon. Malinis at kumpleto ang suot para sa hygiene. Hindi nga lang kami nagtagal pa dahil mukhang nae-excite 'yung matandang may-ari na ilibot pa kami.
"So, you're going to start this coming Saturday, right, hija? Madalas ang pagsasara namin ay alas nuebe, alas otso nagliligpit na kami, kaso request nitong si Draven na kahit hanggang alas sais e makauwi ka na," anang may-ari dahilan para magkatinginan kami ni Whatever.
Nakita ko ang marahas na paggalaw ng kanyang adam's apple. "Yes, at papasok naman po siya sa umaga. It's still a good deal, Sir, kahit hindi niya tapusin ang oras hanggang pagsasara. Considering..."
Mahinang humahalakhak si Mr. Alcido habang hinahawi sa ere ang isang kamay. "Walang problema sa akin, Draven. Inaalala ko lang din siya at mas bata kumpara sa ibang staff ko."
Nagtataka naman ako sa pinag-uusapan nila na parang naiintidihan ko na para ring hindi. Nung talikuran ulit kami ng may-ari para igiya kami papunta raw sa VIP rooms ay siniko ko ang katabi para magtanong.
"Bakit hindi ko tatapusin? Hanggang alas nuebe lang naman, pwede naman akong magpaalam kay Mama. Nakakahiya naman kung ako palagi ang mauunang umuwi," binubulong ko rito.
Rinig ko ang paghinga ni Draven nang malalim habang pinagmamasdan ang matanda. Binaba nito ang tingin sa akin at medyo yumuko para maabot ang tenga ko.
"Masyado nang gabi 'yon. Alas sais lang, Giana, para may konting araw pa."
"Okay lang naman. Baka may kaltas pa sa sweldo ko 'yun," pagpupumilit ko habang tinitignan ang likod ng may-ari.
Bumaling ulit ako kay Draven at nakita ang pag-iling nito. "Hindi 'yan," he utters at nang tawagin siya ni Mr. Alcido ay nagmamadali itong sumunod nang may malapad na ngiti.
Baka sabihin pa nito ng mga makakatrabaho ko ay may special treatment ako dahil maaga akong uuwi. Ano ba kasing naisip ni Draven at bakit siya pa ang nag-request? Hindi ba dapat aking desisyon 'yun?
Napapansin ko na rin na para siyang bata na may kailangan sa matandang kausap at panay magiliw ang kilos nito. Tatawa pa siya nang pagkalakas-lakas kapag nagbibiro 'yung matanda kaya kapag pasimple niya akong kinakalabit ay napapatawa rin ako kahit hindi ko naman gets 'yung joke.
Ayaw niya pa akong pagsalitain sa tuwing nag-a-attempt ako na magtanong tungkol sa sweldo ko.
Alam ko naman na sya ang magbibigay sa akin no'n dahil nakasaad sa kontrata na sa kanya ko kukunin ang sweldo ko at hindi sa may-ari, kaso gusto ko sanang manigurado kung hindi ba maapektuhan 'yung pera ko dahil sa bawas na oras ng trabaho.
Pero ayaw ako pagbigyan ni Draven na magsalita!
"Bakit hindi mo ako pinagsasalita? Gusto ko lang naman magtanong. Ako naman ang magtatrabaho, bakit hindi mo ako bigyan ng choices! Ang daya mo talaga!" pagrereklamo ko sa kasama habang iniikutan niya ang kanyang motor na animo'y may sinisipat.
He tsks. "Ako ang employer mo, Giana, kaya ako ang masusunod," aniya nang 'di ako tinitignan.
Napapadyak ako sa lupa. Nasa labas lang kami ng resto at kakapaalam pa lang sa matandang may-ari na hindi niya hinayaang kausapin ko!
"Kahit na!" asik ko. Kung alam ko lang na ang controlling niya pati sa schedule ng trabaho, e 'di sana naisama ko sa kontrata ang tungkol rito! "Paano kapag nabawasan 'yung sweldo ko?"
Humihinga ito nang malalim at mula sa pagkakatayo sa dulo ng kanyang motor ay inaangat niya ang tingin sa akin. Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang may kahabaang buhok.
"Kung ano'ng nakasulat sa agreement natin, Giana baby, ayun ang masusunod. I'm a man of my word. Come on, don't you trust me?" he says then pouts his lips like a child.
I scoff at him and his annoying expression. Gusto ko itong tuktukan habang pinag-iigihan pa talaga niya ang pagsimangot na parang batang inaapi.
Bahala na nga. Ayoko nang mag-isip sa kung ano bang mga pakulo niya dahil ang mahalaga ay matanggap ko ang pera.
Lumalapit ako sa kanya para hampasin ito at agawin na ang helmet na hawak niya.
"Siguraduhin mo lang, Draven Velasquez, o tutustahin kita..." banta ko at tinalikuran siya nung tangkang tutulungan niya akong ikabit sa ulo ko iyong helmet.
"Ang sakit-sakit mo talaga mamalo. Ikaw na nga tinutulungan ko, e. Ako nang bahala sa'yo, Gi. Gwapo lang naman ako, hindi ako talk shit," anito habang nagkakabit na rin ng helmet.
Tinititigan ko siya nang walang buhay at parang napapagod na. Kung iumpog ko kaya ang ulo namin parehas para matahimik ang buhay namin?
Tumatawa lamang ito habang masama ko siyang tinitignan. Bahagya nitong kinatok ang ulo ko habang sumasakay sa kanyang motor.
"Iuwi mo na ako at baka 'di na kita matansta," anang ko at humawak sa balikat niya habang umaangkas.
"Kain muna nga tayo, Giana baby. Nagugutom na ako, eh," aya pa nito.
From: iSurvey
Hindi po ako kidnapper! Totoo po talaga kami. Tagapag-survey lang. Statistics lang po kailangan namin.
Reply:
Sure? Okay sige. Hershey's kisses at snickers
"Giana baby, here's your order!"
Agad kong ibinaba ang hawak na cellphone at sinipat ang hawak na tray ni Whatever.
Nag-aya siyang kumain at dahil likas na matigas ang ulo nito, nagpatihila na lang ako nung pilitin niya akong pumasok sa karinderya. Wala akong say kahit ayaw ko siyang kasama. Nagulat pa nga ako kasi kumakain pala siya sa mga ganitong kainan.
Inaayos niya ang pagkakahain ng mga pagkain sa harap ko na para talaga siyang waiter. Agad din naman itong sumugod nung makaupo na siya.
"Hindi ka ba nag-lunch?" tanong ko nang mapansing magana siyang kumakain kaya naman kinuha ko ang aking tinidor para kumuha ng ulam niya na nasa isang platito.
"Hindi," simpleng sagot nito sabay subo ng kutsara na puno ng kanin at ulam.
Tinitikman ko naman sunod ang laing na para dapat sa akin. Parang mas masarap 'yung in-order niya kaya kumuha ako ulit sa kanya para pangkumparahin.
"Bakit? Masamang nagpapalipas ng gutom!"
Nalipat ang tingin ko sa kanya na ngumunguya. Kung ano'ng hinhin ko na kumain ay siyang bilis niyang ngumuya. Nangingisi ko siyang inaabutan ng tissue na tinanggap din nito. Parang bata talaga ang kasama ko.
He swallows his food first before talking. "May ginawa lang ako kanina," anito at uminom ng tubig.
Tumatango na lang ako habang nangingiti. Natatawa ako dahil parang gutom na gutom nga siya. I extend my arms to reach for his food again kaso bago pa lumapat ang tinidor ko sa ginataang gulay niya ay marahan niya nang itinulak ang platito papunta sa akin. Pinagpalit niya ang mga ulam namin kaya siya na ngayon ang kumakain sa laing.
Bahagya akong natameme at tinitigan pa siya na nagpapatuloy na sa pagkain.
Naibaba ko ang tinidor at napaayos ng pagkakaupo. Naramdaman ko kaagad ang pag-init sa paligid. Pati pagbilis ng tibok ng puso ko dumadagundong sa buong katawan ko. Huminga ako nang malalim at umiiwas ng tingin sa kanya habang nagpapaypay gamit ang isa kong kamay.
I hear him cough a bit. "Bakit, Giana baby? Namumula ka. Mainit ba? Gusto mo soft drinks? Ate! Isa nga pong royal saka coke na malamig!" he shouts.
Nagbilang ako nang ilang segundo. Ano ba'ng biglang nangyayari sa akin?
Umayos ka nga, Giana! Masama 'yang mga iniisip mo! Ilang araw mo pa lang nakakasama 'yan si Whatever, ni hindi mo pa nga alam kung ano ba'ng totoo niyang ugali! Toyoin!
Hinarap ko lang siya nung dumating na ang mga inumin namin. Sumipsip kaagad ako sa coke habang nakikinig sa mga sinasabi nito. Nag-palpitate lang siguro ako dala ng init. Sira din kasi ang ibang electric fan dito sa karinderya.
"Alam mo, may hindi ka pa sinasabi sa akin," anito matapos ang ilang minuto na pag-uubos niya ng pagkain.
Kumalma na rin naman ako kaya sinagot ko siya. "Ano naman 'yun?"
"Kung ano'ng rason bakit ka naghahanap ng trabaho?"
"Kailangan ko pa ba sabihin sa'yo?"
Kumuha siya ng isang toothpick sa gitna ng lamesa namin. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa dalhin niya sa kanyang bibig.
"Syempre para alam ko! Wala namang masama, hindi ba, kung malaman ko? Friends naman tayo," anito sa nangungumbinsing tono at ekspresyon.
Huminga ako nang malalim at kumain na ng ginataang gulay.
I sigh. "Okay, sige, pero sa ating dalawa lang ito. Hindi 'to alam ng mga kaibigan ko. Ikaw pa lang ang kukwentuhan ko kaya special ka."
Nangiti siya habang kagat ang toothpick kaya napairap ako bago nagsimulang magkwento. Kung normal na araw ay hindi ko ito sasabihin sa kanya, pero marahil wala nga ako sa aking sarili kaya nagawa kong magkwento sa kanya ng katotohanan na miski matatalik kong mga kaibigan ay walang ideya.
"Maybe you're just overthinking again, Giana baby, but I get your intention. Handa kang gawin lahat ng 'to para sa pamilya mo... kahit trabaho naman talaga nila na... buhayin ka?"
Inangat ko ang aking mukha. Nakasalubong ko ang mga mata nitong maamo.
I smile. "Oo naman. Magulang ko sila at mahal na mahal ko pa. Mahirap naman din sa akin na makitang nasasaktan at nahihirapan ang mga mahal ko."
Nakita ko ang pag-angat ng kanyang labi hanggang sa pumorma sa isang nakalolokong ngisi.
"Ang sarap mo naman pala magmahal," anito na hindi ko pinagtuunan masyado ng pansin.
"E, ikaw ba? Sa mga magulang mo, hindi mo ba kayang magsakripisyo kapag nakita mo silang nahihirapan?"
He leans towards the table habang kinakagatan pa rin ang toothpick. His lips turn down as he thinks. He then shrugs his shoulders.
"Syempre, tutulong din ako sa abot ng makakaya ko," he says, then continue to talk about his family.
Ngayon ko lang din nalaman na hindi pala niya kasama ang mga magulang niya sa tahanan. Nandito siya sa Pinas kasama ang ate niya, samantalang ang magulang nilang mga doktor ay nasa ibang bansa kasama ang iba pa nilang kapatid. Anito ay hindi rin naman sila napagtuunan ng pansin kaya maigi na rin na nasa Maravilloso sila. It was his choice to go back home.
"So... kayo lang ang kasama ni lola mo sa bahay?" tanong ko na tinanguan niya. "E 'di kilala ka na ng lola mo pati kilos mo? Baka malaman niya niyan na nagsisinungaling ka tungkol sa relasyon natin?"
Mula sa payapa nitong mukha na nakatingin sa lamesa ay nalukot ang kilay at labi nito. "Overthinking na naman, Giana. Nagkukwentuhan tayo, ah? Bakit mo naman ipapasok 'yan?"
Bahagya akong natawa dahil sa mukha nito na parang napapagod nang marinig ang mga pag-o-overthink ko. "Pasensya na, boss. Mabuti na ang sigurado para habang maaga pa makapag-back out na tayo," pagpapaliwanag ko with hand gestures pa.
Napakamot ito sa may sentido niya sabay tinatapik ang mga daliri sa lamesa.
"Giana baby, there's no turning back. Isang taon mong makikita ang mukha ko araw-araw," he chaffs. "Kaya tama lang din 'tong ginagawa natin na kinikilala ang isa't isa. You'll never know... baka tayo pa magkatuluyan sa huli," aniya nang nakangisi na nagpapatawa sa akin.
"Tangek. Masyado akong maganda para sa 'yo."
He chuckles. "Sa daming nagkakagusto sa akin, huli ka sa pila, Giana baby," anito at mayabang na nagkibit-balikat.
I look at him with confidence. "Pero ako pa rin ang ipapakilala mong girlfriend, Draven, kaya learn to appreciate this face," I say sabay muwestra ng mukha ko at ngiti nang malapad sa kanya.
Nailang din naman ako nung titigan niya ako nang matagal habang nakangiti. Napahimas na lang din ako sa aking batok sabay pasimpleng tawa kahit kinakabahan.18Please respect copyright.PENANAPMr2rVNa6a
18Please respect copyright.PENANARGJHxYAEOR
18Please respect copyright.PENANAeBhZRkhrey