"Balance, Chandria!" Sigaw ni Diego pero bago pa man ako makatayo sa board ay nahulog na ulit ako sa dagat. Hindi ko na mabilang ilang beses na akong natumba sa araw na to.
Buti nalang may lifevest. Di ko alam saan ako pupulutin pag wala to. Di pa naman ako maruog lumangoy. Nakakahiya.
"Napaka-weak mo naman, Chandria!" asar ni Gab na nagpatuloy ng magsurf palayo
"Tumahimik ka diyan! Eh naka surfing lessons ka na dito dati eh!" sigaw ko sa kanya.
"Here, let me help you." Tinulungan ako ni Diego na makaupo sa board niya.
MATA SA TAAS, CHANDRIA. WAG SA ABS!
It's been 3 months since Diego and I officially started dating pero hindi pa rin ako makapaniwalang boyfriend ko na siya.
Napakaswerte ko naman! Napakatalino at hot ng boyfriend ko! Favorite yata ako ni Lord.
Nung mga first month pa lang kami, pinipilit ako ni Diego na mag try magsurf pero ngayon lang talaga ako pumayag.
Actually, ayoko dahil una, ayoko mapahiya sa harap niya at pangalawa, hindi ako makapagconcentrate. Bakit ba kasi shorts lang suot neto eh pwede naman siyang mag-tshirt o kaya yung full body wet suit niya, diba?
"Hoy buttcheek, ang lalim yata ng iniisip mo?" Napatingin naman ako sa kanya.
"Buttcheek pa rin? Pwede namang baby o kaya babe diba? Pareho namang B yun." I pouted.
Honestly, I was just teasing him. Mas gusto ko talaga sa Buttcheek. Ang common kaya ng babe at baby.
"Wag ka nga magpout diyan. Halikan kita eh." pagbabanta niya.
"Edi di, gawin mo."
Diego leaned in for a kiss so I closed my eyes pero biglang...
"HOY! TAMA NA ANG LANDI. HINDI TO KISSING LESSONS 101." sigaw ni Gab.
Sa gulat namin, na out of balance kami at natumba sa dagat.
"MAGHANAP KA NA KASI NG SARILI MONG BOYFRIEND!" inis na sigaw ko kay Gab.
Natawa lang si Diego sa asaran naming dalawa. Pagkatapos, he pulled me closer to him.
"So, san na nga tayo ulit?"
"Hmm...dun yata sa part na hahalikan mo ako?"
Nagtawanan kami dawala and sealed a kiss.
It was perfect.332Please respect copyright.PENANAce82skXEi0